Chapter 15: What Ifs…

Rumored 15:

( What ifs...)

Hindi maalis-alis sa labi ko yung mga ngiti ko habang pinagmamasdan yung number ni crush sa phone book ko. Si Chase naman napapa-iling na lang kapag napapadayo ang tingin sa akin, na para bang nadidismaya siya sa nakikita niya.

"Just text him if you want. You're so annoying and you're creeping me out with that smile." Masungit na sabi niya he whispered something pero hindi ko na iyon initindi pa hanggang sa mahatid niya ako sa bahay.

Couple weeks passed and midterm is finally over. At pagkababa ko, I'm surprised ng makita si Chase na nasa may living room namin na nakaupo.

Agad niyang pinatay ang TV noong makita niya ako, "Oh, Chase bakit ka nandito?" I don't want to be rude or what? Pero sa pagkaka-alam ko wala kaming usapan na magkikita kami ngayon.

Nagkibit-balikat siya, "Your brother texted me and he wants me to tag along to play basketball," ay wow! So, text mate sila ni kuya Kris? Tapos ako na girlfriend niya wala pang number niya sa contacts ko? Grabe, nakaka-insulto ha!

"Huh, dumayo ka pa talaga rito para lang doon?" Kunot-noong tanong ko sa kanya. Pero agad bumaba si kuya Kris, he's wearing a jersey short na black at yellow plain shirt. While si Chase naman he's wearing a grey Nike sweatpants and white Adidas tee.

"Isasali ko siya sa liga namin kulang kami ng isang member, isasama ko siya para masukatan at may try out din kami ngayon." Sagot sa akin ni kuya Kris na nakangisi.

"Pwede naman 'di ba?" Pang-asar na ani ni kuya sa akin, kaya napa-irap ako at dumiretso sa kusina para magluto ng kung anong puwede na makita ko as ref.

"Bahala nga kayo."

"Whoyy, so it's a no? Aba ayaw mo ata sige, hindi ko na lang hihiramin boyfriend mo," katyaw sa akin ni kuya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Kuya para kang timang! Sige na nga umalis na kayo!" Pagtataboy ko sa kanila ni Chase pero mas lalong pang ng asar yung pinaka-epal kong kuya!

"But it sounds like you don't want him to go, babe time na muna ba?" Parang timang talaga 'tong si kuya Kris nakakaasar!

"Kuya naman eh!" Singhal ko kaya natawa siya si Chase naman halatang nagpipigil sa pag ngiti.

Bahala sila sa buhay nila! Magsama silang dalawa! Gosh, hindi ko ata kaya makasama ang mga magagaling mang-asar, dahil nga sa pikonin ako.

6pm. Noong umuwi sila ni kuya Kris na pawis na pawis, buti na lang nakapag luto na ako ng hapunan.

"Ano ulam?" Bungad na tanong sa akin ni Kuya Kris, habang nagsasalin ng tubig sa pitchel. They f-cking even undressed in front me! Well, wala akong pakielam sa kuya ko pero damn, si Chase! Ganito ba talaga pag lalaki? Mga hubadero?

"S-sinigang pero h-hindi pa nag iinin yung kanin, pero kung gusto niyo na kumain nag luto ako ng carbonara," sabi ko kaya napatango na lang si Kuya at inaya yung bisita niya na si Chase na kumain at sabayan siya.

Halos hindi ko alam kung saan pupunta o titingin ng biglang naglakad si Chase papunta rito para maghugas ng kamay at diretso sa dinning table na shirtless habang nasa isang balikat niya yung itim na damit niya. Oh, my goodness! Kaylle, pumirmi ka!

Halos mag-hysteria nanaman puso ko, dahil sa lintek na pag lapit niya lang dito at imagine ha dalawang hakbang ang layo ko pero itong si heart ang landi nakaka-asar!

Hindi ako makatingin kay Chase noong abutan ko siya ng pinggan, baso at kubyertos. Damn, ang bango pa rin niya kahit na pawis na siya, at finally rin ay nakasuot na siya ng damit after niya mag punas ng pawis.

"Ang sipag mo naman Kaylle pag si Chase bisita," tukso sa akin ni Kuya Kris, matapos ko silang paghainan, gusto ko talagang mapamura dahil alam kong nakatingin sa akin si Chase, ngayon pero hindi ko na lang iyon pinansin pa. Dahil ang epal nitong kuya ko! Humanda talaga siya sa akin pag nag-uwi siya ng girlfriend niya rito!

"Buksan mo nga electric fan ng matuwa ako sayo at itapat mo sa amin," nakangising sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin bago bumuntong hininga at sundin din siya.

"Demanding, sana mabulunan ka," Bulong ko matapos ko buksan yung electric fan at itutok sa kanila.

Noong matapos silang kumain si Kuya Kris na yung naghugas ng pinggan at halos mag hysteria nanaman puso ko ng naramdaman kong umupo si Chase sa tabi ko sa sofa namin.

"You mad?" Tanong niya sa akin kaya napalingon ako sakaniya.

"Huh? Bakit naman?"

He shrugged, "for not informing you na pupunta ako dito," panimula niya kaya hindi ko mapigilan ang hindi mapa-ngiti at iling, wala naman kasi talaga sa akin 'yon, jusmiyo!

"Kamusta? Ayos ba kayo magbasketball? Baka nagkalat lang kayo roon sa court ha," ngumisi siya.

"Well, how about you watch our game next week?" Umakto akong nag-iisip bago lumingon sa kanya.

"Dapat ipanalo niyo iyon, kung manunuod ako," napangisi naman siya bago tumango.

"We surely win, trust me. Manunuod inspiration ko eh." Halos mabingi ako sa tibok ng puso ko noong sabihin niya iyon. Banat ba 'yon? Para saan? Nilalandi niya ba ako?

"You're blushing," nakangising tukso niya habang umiiling at humilig sa sandalan kaya humarap ako ng tingin sa pinapanuod ko.

"I am. Not." I hissed, while I crossed my arms to my chest.

"What if I steal you to the man you liked?" Damn, it Chase! You almost, actually, but I won't let you. Kasi parang ikaw pa ang bibiyak nitong puso ko.

"You mean my heart?" I said almost a whisper, my eyes still focused on the TV in front of us.

Napa-iling ako bago muling natauhan at marahang lumingon sa kanya, his eyes catches mine.

Agad kumunot-noo ko, "tapos ano? Papa-asahin mo 'ko?" Tanong ko sa kanya habang nakikipag titigan.

"No, thanks." Irap ko sa kanya.

His forehead creased while trying to catch my gaze again, "What made you think na papaasahin kita?" He asked, in a low rasped voice. Magtatanong lang siya ha? Pero bakit nakakataas ng balahibo?

I gulped, "I-I don't know?" I'm not sure.

"How can you say so?"

I shrugged, "ewan ko, vibes ko lang?"

"Almost everyday, half of girls sa school halos nagco-confessed sayo na gusto kanila, pero ni-isa sa kanila wala kang pinansin. And all of a sudden a rumored came at iyon na nga in instant my girlfriend ka you used me to get rid of all your girls," natatawang saad ko sa kanya habang umiiling.

His face remained blank and serious, habang pinapakinggan ako, "pero real talk nga tayo Chase, hindi ka ba nagkaroon ng kahit konting feelings sa mga babae na nagkagusto sayo? Let's be real huh! Ang gaganda ng mga binasted mo," dagdag ko pa while I gesture my hands a lot.

"Ang ganda-ganda na nila tapos mayaman pa. Akala ko ba naka-move-on kana? Pero bakit parang feeling ko hindi pa?" Hindi ko maiwasang sabihin ang nasa utak ko.

He sighed deeply bago umayos ng upo, "How about you, marami namang iba d'yan but you still like Anderson, ano ba kinagusto mo sa kanya na wala sa iba?" Napangiwi ako dahil sa balik tanong niya sa akin.

Oo, nga naman tagal na tinatanong sa akin nila Zeah at Carlo kung ano ba talaga nagustuhan ko kay Connor, pero wala pa rin akong masagot hanggang ngayon.

"What if..." He started, but naputol 'yon like he is hesitating to say it. His Adams apple rose up and down.

My brows raised up as I wait him to continued, "What if what?"

He sighed deeply before he turned his gaze on me, "What if I like you, Kaylle?" Agad bumilis tibok ng puso ko sa sinabi niya. Kaya ako naman yung napaharap ng tingin.

Noong lingunin ko siya, he's eyes were focused on the TV ano bang klaseng what if 'yan! Grabe, nakaka-hysterical ng puso. Nakaka-windang. Bakit naman biglaan siyang napa 'what if?'

"What will you do? Are you still going to chose Anderson over me?" Am I hearing things? It's just only a what ifs, Kaylle, kalma. Nawawala na ako sa ulirat ko sa mga lumalabas sa bibig ni Chase, jusmiyo.

Sinusubukan kong ikalma ang sarili, noong nilingon ko siya sa tabi ko. I don't want to met his gaze baka matunaw ako at hindi ko kayanin. Pero wala... Mahilig makipag eye to eye contact si Chase, pag nakikipag usap kaya talo ako. Hindi ko kaya yung ginagawa niya.

"Just what ifs? Hmm, hindi ko alam?" Nagkibit-balikat ako at pasimpleng tiningnan siya.

He is so damn handsome and all kaya hindi na talaga ako mag-e-expect na ganitong klaseng lalaki ang magkakagusto sa akin. Kung si Connor na nga lang dream come true na para sa ilan paano pa kaya ang isang Chase Monteverde? Para naman akong nangangarap ng gising pag gano'n.

Ngumiti ako ng hilaw habang napakamot sa batok ko, "masyado mo naman akong binigla sa tanong mo." Sabi ko habang natatawa-tawa and my goodness!

Bakit ba kasi napaka seryosong gwapo nitong kaharap ko? Ni-hindi man lang ako ngitian pabalik? Mas lalo tuloy akong natataranta sa tabi niya.

Parang ngayon tuloy gusto kong guluhin kami ng presensiya ng kuya ko. I can't take this! My goodness. Kuya Kris, please save me! Yaya Ems!

Kahit na ang init-init dito feeling ko ang lamig-lamig, dahil sa nilalamig kamay ko at talampakan ko pero pinag papawisan noo at kili-kili ko, grabe pati katawan ko abnormal na rin, at dahil dito 'yon kay Chase! Sa mga tanong at titig niya! Siya talaga yung salarin ng mga ito!

"It's only what ifs, Kaylle just tell me... Here. Right now. If I tell you that I like you are you still going to chose him? Wala ba talaga akong pag-asa kung sakaling magka-gusto rin ako sayo?" Napahilamos ko na lang mga kamay ko sa mukha ko, what ifs lang naman 'to 'di ba? Pero bakit ang hirap sagutin?

"It's just only what if's." Simpleng saad niya like it's not a big deal after all, bago niya tuluyang ibaling yung atensyon niya sa akin.

"Okay, what ifs lang naman 'to. Sige," Sabi ko at napabuga ako nang hangin bago ako magsalita ulit.

"Matagal ko ng gusto si Connor, at alam mo 'yon. He's like a dream come true para sa akin kung tutuusin." Paliwanag ko sa kanya as I gesture my hands a lot habang nakangiti.

He smile bitterly, "Of course you gonna choose him. What do I expect?" Mapaklang sabi niya habang umiiling-iling pero nagsalita ulit ako.

"Hindi pa kasi ako tapos," aniya ko kaya inirapan niya ako kumuha siya ng unan sa gitna namin at pinatong 'yon sa hita niya habang hinihintay yung sunod na sasabihin ko.

"So 'yon... He's like a dream come true nga pero ikaw kasi... I can't find the right words to say this but ikaw kasi yung..." Natigil ako noong nakita ko siya na titig na titig sa akin.

Para akong kinakapos ng sasabihin kapag tinititigan niya ako, yung puso ko pa grabe mag-hysteria parang gusto na kumawala sa ribcage ko at sumama na sa kanya.

"... well, para sa akin ah?" Sabi ko habang tinuturo ko sarili ko, grabe talaga ang pagka-kaba ko pag si Chase yung kaharap ko. 'yong mga titig niya nakaka-conscious.

"Ikaw yung pinaka pangarap ng lahat, parang ikaw na yung... Pinaka... Pinaka ultimate DREAM prince na sobrang hirap maabot. Alam mo 'yon? It will be a pleasure kung magkakagusto ka sa akin, which is not really gonna happen, right? Dami d'yan iba na gusto ka, at magaganda, mayayaman," sabi ko habang nakatingin sa reaksyon niya na blanko lang. Hindi ko alam kung ano ba ang iniisip niya.

Sana nga kung ano yung nararamdaman niya noong unang pagkikita namin sana gano'n pa rin yung sa kanya. Kasi ako? I'm starting to like him as a person kaya sana he remained in his place at wag na siyang humakbang pa. Kasi hindi ko na alam. Ayokong makalimutan na I'm just His Rumor Girlfriend, at kung maari ayoko na lumagpas pa roon. Hindi ko kasi alam kung kaya ko makontrol emosyon ko pag dumating ako sa point na iyon.

"Sa totoo lang... When I first met you, naging crush kita ng almost 25 seconds." Natatawang pag amin ko sa kanya. Halos mamilog ang mata niya sa narinig pero hindi pa kasi ako tapos.

"Kaso ang yabang mo noong nagkita tayo, you accused me na may gusto ako sayo, which is well... Oo, sabihin na natin na na-attract ako, pero hanggang doon na lang 'yon. Kasi kung si Connor nga ang hirap ng abutin, paano pa kaya ang isang Chase Monteverde?"

Ngumisi siya at napayuko habang umiiling, "So, you're attracted to me huh?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin bago bumaling ng tingin sa akin.

Na siya namang kina-init ng pisngi ko, my goodness! Bakit ko ba sinabi na crush ko siya? Ano ba nakain ko? Na-lintekan na talaga at sa dami ng sinabi ko 'yon talaga tumatak sa isip niya?

"Slight," sabi ko habang pinapakita ko sa daliri yung percentage no'n.

There's no way in hell that I can take it back now!

Ngumiti ito ng napaka-lapad habang umiiling, "So, who would you choose? You're not answering my question. Pangarap mo si Connor while me? I'm an ultimate dream Prince so..." I groaned, bakit ba kailangan niya malaman kung sino pipiliin ko sa kanila? Bakit ba kasi bawal pareho?

"Pwede bang secret ko na 'yon?" He was going to say something pero tinawag ako ni Yaya Emily, kaya naman agad na akong tumayo at iwan siya. Whoooo! Sa wakas at nakalayo rin sa kanya.

Tama na yung information na nasabi ko sa kanya about sa naging crush ko siya. Baka sa susunod masabi ko na lang na siya na gusto ko at hindi na si Connor, dahil sa totoo lang alam kong unti-unti niya na ako naagaw sa taong gusto ko, without him knowing it.