Chapter 13: Game & Trouble
Rumored 13:
( Game & Trouble )
Saturday. Sobrang aga ko dumating dito sa AU para lang panuorin yung laro nila Connor. Umupo ako sa pangatlong row dito sa harapan. At habang nag-aabang ako dito may iilan na rin na nag dadatingan para manuod ng laban. Yung iba taga kabilang school at karamihan ay mga babae.
The weather is great. Cloudy at hindi gaano ma-init o ma-araw. Malakas ang hangin dahil nga sa open area 'to.
Isa-isa din nag dadatingan ang mga manlalaro ng Aquinas at Helix University. At nagsimula na rin umingay ang paligid.
Todo ang kilig ko noong makita si Connor na nakikipag apir sa mga co-players niya noong dumating siya.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya saglit sa mahabang upuan nila habang may tinitingnan sa phone.
Pero noong napalingon siya sa direksyon ko agad siyang ngumiti ng napaka lapad. Napa-lingon pa ako sa likuran ko. Baka kasi iba yung nginingitian niya at hindi pala ako!? tapos nagsasaya na ako ng ganito!? Ayoko muna mag-assume! Nakakaloka! Jusme!
Kumaway siya! Kaya naman napaturo pa ako sa sarili ko kung ako ba yung kinakawayan niya o ano!? Natawa siya sa reaksyon ko at ito naman ako. Kilig na kilig sa simpleng gesture at ngiti mula sa kanya.
Pumunta siya sa direksyon ko at tinawag ako para lumapit sa kanya. Syempre ako naman lapit agad!
"You came!" Nakangiting sabi niya. Pero kumunot din ang noo niya na tumingin siya sa upuan kung nasaan ako kanina.
"Ikaw lang mag-isa?"
"Oo, pero okay lang naman ako." Agap na sagot ko kaya marahan itong tumango.
"Tatapusin mo ba yung game?" Tanong ni Connor sa akin.
Oh my gosh! Ito na ata yung pinaka mahabang conversation namin ni Connor!
"Anderson, line up na!" Sabi nung isang co-player niya. Kaya tumango ito bago siya lumingon sa akin.
"You sure you okay there?" Taas ang kilay na tanong niya sa akin. Kaya tumango ako at nginitian siya.
"Oo, naman. Goodluck! Galingan mo." Tumango siya at nginitian niya nanaman ako bago pumunta sa mga ka-team mates niya.
Kilig na kilig tuloy akong bumalik sa upuan ko. Hindi ko alam kung saan ko ba ibubugtong yung kilig na nararamdaman ko.
Hindi nagtagal nagsimula na rin yung game. Maraming kababaihan ang nag-chi-cheer, kabilang na doon yung mga nasa cheering squad ng magkabilang panig ng University.
Yung iba may pa lobo at banner pa ng mga pangalan na sinusuportahan nila. Eh, samantalang ako? Tanging sigaw lang at palakpak lang ang maiaambag ko.
Tambol, plastic bottles, torotot at kung anu-ano pa ang klase ang maririnig dito. Maliban sa palakpakan at sigawan.
Hindi ko mapagilan ang hindi mapangiti habang pinapanuod ko si Bebe Connor my crush! Nasa kanya kasi yung bola at habol-habol siya ng mga opponent.
He turned. Kaya nag tama ang mga mata namin. He smiled noong makita niya akong nanunuod, pero agad din siyang tumalikod sa akin at kita ko yung Anderson 12 sa jersey niya sa likod.
"My gosh! Nginitian ako ni Connor, girl!" Sabi noong bakla sa likuran ko na kinikilig. Kaya napailing ako at nanuod na lang ulit sa laro niya.
Tumakbo siya. Pare-pareho silang nag -aagawan sa iisang bola. Ilang saglit lang ay bigla siyang sumipa kaya bumulusok ang bola at sasaluhin dapat iyon ng goal keeper pero masyadong mabilis yung pangyayari kaya 'yon...
Pasok!
Masayang naghiyawan ang mga taga AU at kabilang na ako doon, hindi ko maiwasan ang hindi ngumiti habang nanunuod sa kanya. Kung alam niya lang kung gaano ako ka-proud sa kanya may magbabago ba?
"Ang galing ni Fafa Connor!"
"I love you sa naka-jersey na number 12!"
"Galing talaga ni Connor! Go, Bebe ko, may kiss ka sa akin mamaya!"
"Anakan mo na ako, Connor!"
At kung anu-ano pa ang mga cheers nila kay Connor at sa mga iba pang players kaya natatawa na lang ako. Minsan kasi nakakatawa yung mga cheer nila.
Halos mapalingon ako sa tumabi sa akin noong maamoy ko yung familiar na amoy na pabangong gamit niya.
Si Chase!
Anong ginagawa niya dito? I tried my hardest na hindi siya pansinin na nasa tabi ko lang siya. But I can't ignore his presence!
May mga iilang babae na napapalingon dito sa kinauupuan ko dahil sa kanya. Kasi nga may gwapo na nandito ngayon na nanunuod ng game!
Nauudlot ang pag-cheer ko kay, Connor. Kasi medyo nailang ako sa presensya ng katabi ko na seryoso na naka-tingin lang sa field habang nakahalukipkip dito sa tabi ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
He shrugged, "I don't have anything to do. That's why I came here," he simply answered.
Sus! Nandito lang siya para maging, KJ! Napa-irap ako at iling habang patuloy na nanunuod sa game.
"My gosh! Ang galing talaga ni Connor!" Masayang bulalas ko sa kanya nung makapasok ulit siya ng bola.
"Chase, ang galing niya diba?!" Masayang sabi ko kay Chase, habang tinutulak-tulak ko siya. Pero tiningnan niya lang ako with parang 'magaling na sa'yo 'yan? Look. Sabay irap sa akin.
"Go, Connor!" Cheer ko kaya naman napapailing na lang 'tong katabi ko.
Halos mag iisang oras na yung laban tapos itong si Chase, panay yung pagbuntong hininga na parang bored na bored na siya na nandito ngayon na nanunuod ng game nila Connor.
Gusto ko siyang kausapin pero hinayaan ko muna siya. He's wearing a jogger pants, white plain shirt at naka-cap na white with a G-shock on his left wrist. Very casual pero dalang-dala ng mukha niya yung pagiging simple niya.
Ngiting-ngiti ako habang pinapanuod ko si Connor. Hanggang sa maramdaman kong may nakatingin sa akin. Which is yung katabi kong si Chase.
I let it pass hanggang sa ilang minuto ay hindi ko na rin natiis ang pagtitig niya sa akin. Kaya binalingan ko na siya ng tingin habang nakakunot ang noo ko.
Ano bang meron sa akin? Nakaka-conscious ah!
"Manuod ka nga ng game para hindi ka mabore." Sabi ko sa kanya, bago muli tumingin sa harapan.
Pero inilingan niya lang ako hanggang sa ipatong niya na yung chin niya sa right hand niya. Habang nakatingin pa rin sa akin!
Hindi naman puwede na yung katabi kong Nanay yung tinitingnan niya diba?
"I'm fine here. I think, I found a perfect view who's more interesting than that game." Ayoko maging assuming pero agad ko siyang sinulyapan at sinamaan ng tingin. Ano ba problema nitong lalaking 'to?!
"What?" Patay malisya niyang tanong sa akin. Habang nakataas ang dalawang kilay.
"U-umayos ka nga! Para kang timang d'yan," naiilang na turan ko sa kanya.
"Why? I didn't do anything?" Inosenteng agap naman niya. Kaya napabuga ako nang hangin.
Oo nga at wala nga siyang ginagawa! Pero nababaliw na puso ko sa mga titig niya na parang tinutunaw ako paunti-unti! Juice colored!
"Wag mo nga akong tingnan!" Iritang singhal ko sa katabi ko.
Hindi kasi ako makapag-focus sa game na pinapanuod ko.
Nagkibit balikat lang siya at kumunot ang noo, "Why not?"
"Naiilang ako." Madiing sambit ko, habang pinan-didilatan ko siya ng mata, he look at me with amusement kaya naman ngumiti siya. His eyes is glimmering.
"When I give you my attention try to appreciate it, because other people are dying to have it. Tapos, ikaw ayaw mo pa?" Sabi niya sa napapaos na boses, bago siya umayos nang upo.
"Tigilan mo nga ako, Chase!" Singhal ko sa kanya.
Please, itigil mo 'yang mga pa ganyan mo. Kasi baka mahulog yung puso ko papunta sa tiyan ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito ngayon. Ang likot eh!
He shrugged, "What? Just saying.." Inosenteng sabi niya habang hindi maalis-alis yung ngisi sa labi niya.
That smirk really fits him lalo na yung mga ngiti niya. Pero bakit ngayon niya lang 'to pinapakita sa akin?!
"Chase, kanina pala nakausap ko kanina si Connor!" Masayang kwento ko sa kanya.
Kaya marahan siyang napalingon sa akin na namimilog ang mga mata. Hinihintay niya pa ang susunod na idudugtong ko.
Nagkibit balikat ako. "Wala naman kaming pinag usapan na kung ano. Tinanong niya lang ako kung tatapusin ko ba yung game nila at bakit ako lang daw mag-isa ang nanunuod." Kwento ko.
Hindi ko mabasa expression ng mukha niya ngayon. Para kasing naging matamlay? His eyes, tell it so.
"Kaya mo naman pa lang kausapin siya without my help. Ikaw na lang din gumawa ng paraan para mapansin ka niya." Napalingon ako sa kanya at nagkibit-balikat.
"Nagkakausap naman talaga kami. Hindi nga lang matagalan na conversation." Paliwanag ko. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago tumango-tango.
Time-out ng game and my eyes were focused looking at Connor, pawis na pawis at halata ang pagod dahil nga sa siya ang kadalasan nakaka-agaw ng bola sa kalaban. At siya rin yung madalas na nakakapuntos.
Napatingin ako sa may malaking Projector sa harapan na may mga couple na naghahalikan or kaya may mga mag-to-tropa na nanunuod na kumakaway pag natatapat sa kanila 'yong camera. Pero agad akong nanigas sa kinauupuan ko noong matapat sa amin ni Chase yung camera at may heart shape sa bandang gilid.
Napangiti na lang ako habang umiiling doon at hinahawi yung kamay ko na 'wag kami' pero ito naman si Chase agad nag liwanag yung mukha at mukhang naka-activate nanaman yung pagiging pilyo niya. Tapos tinuro niya pa yung kaliwang pisngi niya na halikan ko daw?! Jusme! Parang mababaliw puso ko sa mga katyaw ng tao sa paligid namin!
"Kiss na yan!"
"Kiss!"
Halos hindi mapinta yung mukha kong humarap kay Chase, "Para kang timang!" Bulalas ko sa kanya. Nung makaharap ako sa kanya.
"Look out. Everyone is watching." Ngising turan niya kaya naman napangiti ako ng pilit.
He kissed me on my left cheek and everyone cheered. Hanggang sa malipat na yung camera sa ibang couple at tropa.
Habang ako hindi ako makapaniwala sa nangyari ngayon-ngayon lang. I can even feel his soft lips. Damn! What just happened?! Parang tumigil yung oras noong ginawa niya 'yon.
Napatingin naman ako sa direksyon ni Connor na busy makinig doon sa coach nila, his eyes met mine and he smiled at me. Ugh, bat hindi effective yung smile niya ngayon sa akin?!
Hindi niya ba nakita yung pag halik ni Chase, kanina sa pisngi ko? Parang feeling ko tuloy nagtaksil ako sa kanya. My goodness! Ano ba 'tong na-fi-feel ko!
Ang OA pero ayoko kasing isipin niya na may boyfriend ako tapos ganito!
"Baliw ka! Bakit mo ko hinalikan?! Paano pag nakita 'yon ni Connor?!" Naiinis na bulyaw ko sa kanya noong matapos yung game.
Panalo ang AU at lamang ng mga dalawang puntos.
"It's not biggie. Pisngi lang naman 'yon," tugon niya na mas kina-inis ko.
Hindi ko alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko sa ginawa niya!
"Kahit na!" Madiing sabi ko.
"Ano bang kinagagalit mo? Wala naman magagalit kung halikan man kita sa pisngi, ah? Wala ka naman boyfriend." Taas kilay na sabi niya sa akin na nang aasar pa.
"Hindi naman kayo," dagdag niya pa.
"Hindi rin naman talaga tayo, ah?!" I fired back kaya ngumisi siya.
"Bakit ba asar na asar ka? Nabitin ka ba? I can kiss you if you want?"
Napamura na lang ako sa isip ko ng sinabi niya 'yan. Ang lakas kasi ng epekto sa akin!
"Not biggie ka d'yan! Baliw ka! Tumigil ka nga sa mga pa-ganyan mo!" Saway ko sa kanya na kina-iling niya.
"Why? Kinikilig ka ba?" Tanong niya kaya dinedma ko na lang iyon na kinatawa nanaman ulit niya.
Alam na alam niya talaga kung paano ako inisin at enjoy na enjoy talaga siya!
"You know what... Asar talo ka pala talaga eh, noh?" Turan niya nung umuyos siya ng tayo.
"At ako pa talaga ang asar talo ngayon-" Natigil ako ng bigla siyang maglakad.
"Bilisan mo at batiin mo na yung crush mo, I'll wait for you outside." Nakangising sabi niya.
Napabuntong hininga ako bago pumunta sa direksyon ni Connor na masayang nakikipag kamay sa mga manlalaro ng taga HU.
Babatiin ko sana si Connor, pero may agad na lumapit sa kanya at yakapin siya. One of his girl probably? Kaya naman napangiwi na lang ako. Tama, pala si Chase. Hindi lang pala ako yung babaeng pinapunta niya dito. Binati ko rin yung mga ilang players ng AU na nasasalubong ko.
"Hi! Babe, ang galing mo!" Sabi noong babae sakaniya.
"Thank you." Nakangiting sagot naman niya doon sa babae. Minsan naasar na rin ako kay Connor masyado siyang maraming 'Babe'
Nagtama mata namin kaya naman agad siyang kumalas doon sa babae at puntahan ako.
"Hi, Kaylle, tinapos mo pala yung game."
Natural! Gusto ko magtampo sa kanya about doon sa babae niya na kasalukuyang hinihintay pa rin siya, pero my goodness! Walang kami.
"Oo, naman. Congrats! Ang galing mo nakaka-proud ka. Thanks sa pag-invite."
"Thank you, rin sa pagpunta." Sabi nito kaya napatango ako. Hanggang dito na lang ba talaga kami? Ang corny naman.
"Sige... Una na ako, may nag-hihintay pa sa'yo." Aniya ko, kaya naman napa-lingon siya doon bago ako muling tingnan at ngumiti pero mabilis din 'yon nawala noong magsalita siya.
"Ikaw din. Ingat ka."
I don't know... But his eyes, hindi ko alam kung ano ba ang pinapahiwatig o nararamdaman niya hindi ko matukoy. Pero halos malaglag panga ko sa sinabi niya.
"Hope you're happy with, Monteverde." Ani Connor bago ako muling ngitian ng napaka-lapad.
"Babe, matagal pa ba 'yan?" Napalingon kami sa babaeng naghihintay sa kanya.
"No," agad na sagot ni Connor sa kanya bago ako lingunin.
"Alis na ako, thank you ulit sa pagpunta." He said. Kaya naman tumango ako at ngumiti ng pilit.
"Wala na ba talagang pag asa na maging tayo?" Bulong ko sa sarili. Habang naglalakad na siya palayo dito sa field.
Bagsak ang balikat ko habang naglalakad palabas ng AU, ang sakit sa dibdib na yung crush mo hanggang crush n llang talaga at hindi na mag-e-exceed pa roon ang level ng relasyon naming dalawa.
Napa-angat ako ng tingin ng may nabangga akong lalaki na grabe mag-hysteria pero doon ko lang napag-tanto na natapon sa shirt niya yung iniinom niya.
Ang daming natawa sa naging reaksyon niya kaya naman agad itong nainis at itinapon niya pa lalo yung natitira sa iniinom niya at ihagis 'yon kung saan.
"Putang ina naman! Miss, ano ba?! Bulag ka ba?!" Iritadong saad niya sa akin. Habang ang sama ng tingin nito sa akin.
"Sorry," inabutan ko siya ng tissue pero tinapon niya lang din 'yon. Kaya napapitlag ako sa ginawa niyang iyon.
Hinawakan niya yung kaliwang braso ko at mahigpit niya akong hinigit palapit sa kanya habang nakangisi ito ng mala-demonyo.
"Tingnan mo nga naman oh, diba ikaw yung girlfriend ng ungas na mayabang na si Chase!" Nakangising sabi nito kaya napa-angat ako ng tingin sakaniya.
"Hindi ka naman pala gano'n ka-pangit gaya ng iniisip ko."
Siya yung naka-away ni Chase sa canteen!
"Tingnan mo nga naman na ang swerte at makakaganti na ako sa gagong 'yon!" Ngisi niya na halos ikakaba ko.
"P-please, pakawalan mo na ako. S-sorry sa nagawa ni Chase, sa'yo." Pakiusap ko pero inilingan niya lang ako bago mawala ang ngisi niya sa labi niya.
"Walang makikielam!" Sabi nito bago niya ako marahas na itulak sa sahig, napa daing ako sa sobrang sakit ng pagkakabagsak ko mula sa sahig.
May mga iilang studyante na nanunuod at walang balak makielam o pumagitna sa amin sa ginagawa nitong lalaking 'to sa akin.
Gusto ko maiyak, pero sinamaan ko lang siya ng tingin habang pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng luha ko.
"Siguro ang taas ng tingin mo sa sarili mo ngayon kasi nobyo mo yung mayabang na lalaking 'yon no?!"
Ano bang kina-iinsecure nitong lalaking 'to?
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago umiling at pumamewang sa harapan ko, "May itsura ka lang naman pero hindi ka gano'n kaganda para magustuhan, hindi ka nga gano'n kaganda kung tutuusin, pero akalain mo binasted niya yung babaeng pangarap ko ng dahil sa'yo?!" Mariing sabi niya.
Sa totoo lang masakit sa part ko na sabihan ako ng ganito. Na-hindi ako kagustuhan, kaya nga siguro hindi ako magawang magustuhan ni Connor. Siguro nga tama siya.
"Nasaan na 'yon ngayon? Tingnan mo walang magtatanggol sa-" naputol niya yung sasabihin niya nang bigla siyang masubsob sa sahig sa tabi ko.
This time. Hindi ko na mapigalan yung mga luha ko na nag-unahan na lumabas sa mga mata ko.
"Putang ina! Sabi ko 'di ba na walang makikielam!" Galit na sabi nung lalaki nang hampasin niya yung sahig sa galit, bago tumayo pero hindi pa siya totally na nakakatayo isang sapak ang bumungad sa kanya mula kay Chase.
Hindi pa siya nakakabangon mula sa sapak na 'yon ay hinatak agad ni Chase yung kwelyo ng damit nito palayo sa akin.
Ilang minuto rin ay bumalik din siya sa pwesto ko at tinitingnan niya ako ng maigi.
"Anong ginawa niya sayo?"
His aura is dark and intimidating.
"Wala tinulak niya lang ako kaya medyo masakit yung pwetan ko..."
He's wearing his signature face na napaka sungit kung titingnan.
"A-anong ginawa mo sa kanya? Saan mo siya dinala?" Tanong ko kaya naman binaba niya tingin sa akin.
"Ni-report ko ginawa niya, suspended siya ng mga dalawang linggo," sabi niya bago mag iwas ng tingin sa akin.
"Thank you, napa-trouble ka pa tuloy. Ikaw, may masakit ba sa'yo? Nasapak ka ba niya?" Tanong ko sa kanya. Pero umiling siya bilang sagot bago niya ako binalingan nang tingin.
"Okay ka lang ba?" Marahang tanong niya.
"Okay lang ako. Eh, ikaw? Okay ka lang ba?" Balik na tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya. Tatlong segundo rin kaming halos magkatinginan bago siya umiwas ng tingin.
Marahan siyang tumango. "I am fine as long as you're fine."