Chapter 66

"Huwag mo ba kaming intindihin Mella, masaya naman na kami" Sabi ng Nanay nya ng pasyalan ang mga ito. Kasama nya si Aiden na pumunta sa inuupahang bahay nila.

"Pero Nay, gusto ko po sanang andoon kayo sa kasal ko" pakiusap nya sa ina. Nasabi nya sa ina na ikakasal na sila ni Aiden. At tanggap na sya ng pamilya Del Castillo.

"Carmella, nakakahiya naman sa pamilya ni Aiden" bulong ng nanay nya at sinulyapan nito si Aiden, na tahimik na nakaupo sa tabi nya. Alam nyang nahihiya ang Nanay nya sa mga Del Castillo, dahil na rin sa pagiging kasangkapan ng Ate Grace nya sa naging relasyon ni Mr. Del Castillo kay Mrs. Alvarez.

"Nay, napag-usapan na po namin yan ni Aiden" sagot nya at sinulyapan si Aiden. Tumango ito at hinawakan sya sa kamay.

Matapos nilang makausap ang mga magulang ni Aiden kanina, kaagad nya itong niyayang pumunta sa kanila para ibalita sa pamilya nya ang napakagandang balita.

"Sa totoo nyan Mella, aalis na kami ng mga kapatid mo dito sa San Miguel" sabi ng ina na kinagulat nya.

"Bakit oh?" tanong nya, At liningon ang dalawang kapatid na naroon.

"Ang ate Joan mo, sasama na kay Arman sa probinsya nila at doon na daw muna mamamalagi" Simula ng ina. Nababakasan ng lungkot ang mga mata at tinig nito.

"Pero bakit oh?" muli nyang tanong at sinulyapan ang kapatid na walang kibo, habang bitbit ang anak na pinapatulog.

"Si Arman ang nagdesisyon" tanging sagot nito. Ewan nya kung bakit tila nanlalamig sa kanya ang mga kapatid.

"Ang Ate Lanie mo naman, pupunta na ng Japan at doon mag tatrabaho" Sabi ng ina. Sinulyapan nya ang kapatid, tumango ito sa kanya.

"Huwag kang mag-alala Mella padadalhan naman kita ng chokolate" Nakangiting sabi ni Lanie sa kanya. Medyo natawa pa sya.

"Ate naman"

" Kaya Mella, ayusin mo ang relasyon nyo ni Aiden, ang magiging pamilya nyo ang pagtuhunan nyo ng pansin. Kame ayos naman kami, isa pa andyan naman ang Ate Grace mo para sa akin" Sabi ng ina. Nakaramdam sya ng lungkot, pero hindi nalang sya nagpahalata, mukha nakapag desisyon na nga ang pamilya nya na lisanin na ang San Miguel. Kung sa bagay mas maganda narin siguro yon, para makapag simula ulit ang mga ito. Ang Ate Joan nya mas matututukan nito ang anak. Ang Ate Lanie nya, alam nyang may mararating sa buhay, palaban naman ito kaya alam nyang kayang-kaya nito ang magiging buhay sa Japan. At ang Nanay nya at Kuya Erwin. Alam nyang hindi pababayaan ng Ate Grace nya ang mga ito. Lalo na't maganda na ang buhay ng kapatid ngayon. Nalulungkot lang sya na tila ikakasal syang wala ang pamilya nya. Oo kinasal sila ni Aiden noon na wala ang mga ito, pero sana naman ngayon sa ikalawang pagkakataon na ikakasal sya sa lalaking pinaka mamahal nya ay naroon ang pamilya nya para masaksikhan ang pinaka maligayang araw ng buhay nya.

"Mella, huwag ka ngang umiyak dyan!" sita ng Ate Lanie nya. Hindi nya namalayan na tumutulo na pala ang mga luha nya. Agad naman kinuha ni Aiden ang kamay nya at pinisil yon.

"It's ok sweetheart" bulong nito sa kanya. Tumango sya at sumingot-singot.

"Eh kailan ba ang kasal nyo?" pang-iiba ng usapan ng Nanay nya.

"Maybe next week po ma settle na lahat, ang mga kapatid ko po kasi ang nagprisintang mag asikaso ng wedding" Sagot ni Aiden sa ina.

"Mag send ka nalang ng picture sa amin" nakangiting sabi ng Ate Lanie nya. Tumango sya at sinulyapan ang Ate Joan nya na nanatiling tahimik sa isang tabi.

"Ate Joan, ate Lanie. Sana kahit malayo tayo sa isat-isa eh magkakausap parin tayo"

"Oo naman, may video call na no" Mabilis na sagot ng Ate Lanie nya. sinulyapan nya muli ang Ate Joan nya.

"Ate Joan" tawag nya rito. At tumayo mula sa kinauupuan.

"May problema ba Ate?" tanong nya ng makalapit sa kapatid.

"Wala Mella, masaya lang ako dahil natupad mo ang pangarap mo" simula nito at naiyak.

"Ate"

"Mella masaya ako na iniba mo ang landas mo at bumuo ka ng pangarap mo, at masaya ako na lahat nang yon ay natupad mo" Ang umiiyak na sabi ng kapatid.

"Ate" naiiyak sabi nya at niyakap ito ng mahigpit. Alam nyang hindi sila close ng Ate Joan nya, hindi tulad ng Ate Grace nya na kahit half sister lang sya at tinuring syang espesyal. Niyakap nya ang kapatid at naiyak na din.

"Naku ah, tama na nga yan, baka pati si Nanay maiyak" saway ni Lanie sa kanila. Ngumiti sya at kumalas ng pagkakayakap sa kapatid.

Madami pa silang napag-usapan magkakapatid, tila sinusulit nila ang araw na natitira nilang habang magkakasama pa. Nagpaalam naman muna si Aiden sa kanila, para naman daw makapag bonding muna silang magkakapatid. Sa susunod na araw na kasi aalis ang mga ito ng San Miguel at doon daw muna sa Ate Grace nya sa Maynila manunuluyan bago mag kanya-kanyang destinasyon ang mga ito. Ang Nanay at Kuya Erwin nya ay maninirahan sa Ate Grace nya. Ang Ate Joan naman nya sasama na sa asawa at ang Ate Lanie nya pupunta na ng Japan. Masaya sya kahit papano may magbabago na mga buhay nila kahit pa sabihin na magkakahi-hiwalay na sila. At higit sa lahat iiwan na ng mga ito ang San Miguel. Ang bayan na humusga sa pagkataon ng mga ito.

Kinagabihan sinundo sya ni Aiden sa bahay nila. Mag-asawa na sila ni Aiden kaya dapat lang na sa bahay na sya nito umuwi.

"Papasyal po ako ulit bukas Nay" paalam nya sa ina nang ihatid sila nito sa gate.

"Sige Mella, mag-iingat kayo" paalam nito at naglakad na sila ni Aiden palapit sa sasakyan.

Pinagbuksan pa sya ni Aiden ng pinto tulad ng lagi nitong ginagawa. Napaka genteleman talaga ng asawa nya.

"I love you" sabi nya kay Aiden ng makasakay na ito sa driver seat.

"Huh?" nagtatakang sabi nito, habang inistart ang sasakyan.

"Sabi ko I love you" ulit nya.

"I love you too Carmella" sagot nito at hinawakan sya sa kamay.

"You don't know how much I love you Carmella"

"I know Aiden, alam ko handa mong iwan ang ano mang meron ka para sa akin"

"Yeah, kaya kong ipunin lahat ng tubig sa Del Castillo Resorts para sa iyo Carmella" Seryosong sabi nito. korni pero kinilig sya.

"Kung gusto mo pati ang tubig sa dulo ng San Miguel iipunin ko para sa iyo"

"Aiden!" saway nya rito dahil ang korni na nito.

"Why?"

"Just stop ok ang korni na kase" natatawang sabi nya.

"Korni pala ah. Sige lagot ka sa akin mamaya pagdating sa bahay"

"Sa bahay?"

"Oo, sa bahay na tayo matutulog ngayon"

"Sa bahay nyo?" gulat na tanong nya.

"Oo saan mo pa ba gustong matulog? sa cottage ko? o sa town house?"

" Ah... " hindi nya naisip na ito na pala ang unang gabi nya sa bahay ng mga Del Castillo.

"Nahihiya lang ako sa Mama't Papa mo pati na sa mga kapatid mo"

"Carmella" tawag nito sa kanya at hinaplos sya sa hita. Napapitlag sya.

"Why?" nakangiting tanong nito.

"Anyway maghapon kang naging busy, kaya bumawi ka sa akin mamaya"

"Anong bumawi?" pakunwaring tanong nya, pero alam na nya ang ibig sabihin nito.

"Bibinyagan natin ang kwarto ko syempre"

"Aiden naman, nakakahiya andoon ang Mama't Papa mo"

"Bakit maririnig pa nila ang gagawin na tin? huwag ka lang masyadong humungol ok na"

"Aiden!" hiyaw nya at hinampas ito sa balikat.

"Ouch..."

"Nakakainis ka"

"I love you Carmella"

"Ewan" nakasimangot na sabi nya. At nakita na nya ang malaking gate ng mga Del Castillo. Ito ang unang gabi nya sa bahay ng mga Del Castillo, at tama naman si Aiden walang masama kung i uwi na sya nito sa bahay nito, kasal na sila may basbas na ng panginoon ang pagsasama nila. Sinulyapan nya si Aiden at lihim na napangiti. Namiss din nya ang asawa at na excite sa unang gabi nila sa silid mismo ni Aiden.