Chapter 65
Kinabukasan nagbalik sila ng San Miguel, haharapin na nila ang mga magulang ni Aiden pati na buong San Miguel.
"Are you ok?" tanong ni Aiden, habang nagmamaneho.
"Yeah" tipid na sagot nya, at ngumiti.
"Just relax Carmella" sabi nito, sabay hawak sa kamay nya.
"I love you, always remember that"
"I know, and I love you too Aiden" nakangiting sagot nya, at kahit papano nabawasan ang kaba at takot na nararamdaman.
Pagpasok sa loob ng bahay ng mga Del Castillo ay mahigpit ang hawak nya kay Aiden. Natatakot syang galit ng mga magulang ni Adien ang sasalubong sa kanila, lalo na ngayon kasal na si Aiden sa kanya. Siguradong alam na ng mga magulang ni Aiden ang kasal nila kaya sila pinabalik ng San Miguel. May tiwala sya kay Aiden at alam nyang hindi sya bibiguhin nito lalo na't magkakaanak na sila.
"Sina Papa't Mama?" tanong ni Aiden sa may edad na sumalubong sa kanila sa pinto.
"Nasa komedor na po Sir" sagot ng may edad na babae. Naglakad na sila ni Aiden patungo sa komedor. Nagulat sya ng makapasok sa komedor.
Tila may handaan roon, puno ng pagkain ang mesa at nakaayos yon. Sinulyapan nya si Aiden. Halatang gulat din sa nadatna. Andoon kasi ang mga magulang nito at mga kapatid. Isama pang nakangiti ang dalawang kapatid na babae ni Aiden. Hindi tulad noong pumunta sila ay nakasimangot ang mga ito.
"Aiden hijo" unang bumasag sa katahimikan ang Mama ni Aiden. Tumayo ito para salubungin sila.
"I'm glad you came" magiliw na sabi nito at niyakap sya. Gulat man ay nagpatihanod sya. Pasimpleng sinulyapan si Aiden at tulad nya hindi rin nito alam kung ano ang nangyayari.
"Ma" tinig ni Aiden.
"Nagpahanda kami ng kaunti para sa inyo" sabi ng Mama ni Aiden, at hinila sya sa kamay palapit sa mahabang mesa, kung saan nakaupo ang Papa ni Aiden at mga kapatid.
Pinaupo sya sa bakanteng upuan. Nilingon nya si Aiden na palapit na sa kinauupuan nya.
"Well, thank you for the foods" pasalamat ni Aiden, at naupo na sa katabing upuan nya.
"We invite you here, para naman makausap nanamin kayo ng maayos" sabi ng Papa ni Aiden.
"About what?" tanong ni Aiden, at naramdaman ang kamay nito sa ilalim ng mesa. Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay nya. Marahil napansin ni Aiden ang takot at kabang nararamdaman.
"About you and Carmella" sagot ng Ina nito.
"Well, napag-usapan namin ng Mama mo at mga kapatid mo na, walang mangyayari kung tututol kami sa inyo ni Carmella" simula ng Papa nito. Sinulyapan sya ni Aiden. Tumango sya at ngumiti rito.
"Yes Kuya and beside, we see how much you love Ate Carmella" Sabi ng kapatid ni Aiden, at natutuwa sya dahil tinawag sya nitong Ate Carmella.
"Ayaw ka namin mawala sa amin Aiden" naiiyak na sabi ng Mama nito.
"Hindi naman ako mawawala sa inyo Ma" nakangiting sabi ni Aiden. Nilingon sya nito at pinisil ang kamay na hawak nito.
"Mahal ko po si Carmella, Pa, Ma at ganoon rin po si Carmella sa akin, at sana alisin na po natin ang ano mang pagdududa kay Carmella at sa pamilya nya. Oo pwedeng nagkamali ang mga kapatid nya, pero hindi ibig sabihin na ganoon na rin si Carmella" litanya ni Aiden, at sinulyapan sya. Naiiyak sya kaya mabilis na pinunasan ang luha bago pa tuluyang pumatak.
"Isa din ako sa mga humusga kay Carmella noon, base sa mga naririnig at mga kapatid nya. Pero ako mismo napatunayan ko na mali ako, mali ako sa mga paratang sa kanya" patuloy nito.
"Nakikita namin ng Mama mo kung gaano mo kamahal si Carmella anak. At alam naming handa mong iwan ang lahat para sa kanya" sabi ng papa nito at sinulyapan sya nito. Hindi na nya mapigilan kaya umiyak na sya ng tuluyan.
"Ayan pinapaiyak nyo si Ate Carmella"
"Oo nga naman"
"Sorry po, masaya lang po ako"
"Ganyan ba ang masaya umiiyak ka?" tanong ng Mama ni Aiden.
"Halika, may ibibigay ako sa iyo" yaya ng Mama ni Aiden na nagpangat ng mukha nya at liningon si Aiden. Tila sya humihingi ng tulong sa asawa.
"Hindi kumakain ng tao si Mama, sige na sumama kana" biro ng asawa sa kanya.
"Aiden naman" saway nya, at pinunasan ang mga luha.
"I have something for you, syempre ikaw ang pinili ng nag-iisa naming anak na lalake. We need to treat you better" Sabi ng Mama ni Aiden at niyaya na sya. Nahihiya syang tumayo mula sa pagkakaupo. Nagtatawanan naman sina Aiden, Papa nito at mga kapatid. Dahil tinatakot syang baka kainin sya ng Mama ni Aiden.
"Tara sa silid ko hija may ibibigay ako sa iyo" yaya nito at inakbayan pa sya palabas ng komedor. Nahihiya man sya ay sumunod na rin.
"This is your home now Carmella" sabi nito. Sinulyapan nya ito at nakita naman nyang nakangiti ito. Totoo marahil na tanggap na sya nito para kay Aiden, marahil tinanggap na nga sya ng Pamilya Del Castillo.
Pumasok sila sa isang malaking silid sa ikalawang palapag. Masasabi nyang may marangyang buhay ang mga Del Castillo, at alam nyang hindi dinanas ni Aiden o ng mga kapatid nito ang hirap na dinanas nya sa buhay.
"Ikaw ang pinili ni Aiden. I know marami tayong hindi pagkakasunduan before. Forgive me Carmella. I am a Mother, na walang ibang hangad kundi ang mapabuti ang mga anak ko, lalo na si Aiden. Nag-iisang lalaki sya sa pamilya, we want the best for him. Alam mo namang sya ang tagapagmana ng Del Castillo Resorts hindi ba?" Tumango sya rito, hindi alam kung ano ang sasabihin.
"He loves you so much Carmella. Ang hiling ko lang sana mahalin mo rin si Aiden gaya ng pagmamahal nya sa iyo. I know nakita mo kung gaano ka nya kamahal, never in my life na nakita ko si Aiden ng ganoon sa amin. He always say yes sa lahat ng sabihin namin, and then you came" Naiiyak na litanya nito.
"I'm sorry po"
"No, Carmella. You love my son and that's enough" Sabi nito, at niyakap sya. Yumakap din sya rito.
"I wish you and Aiden nothing, but happiness and a happy family"
"Thank you po"
"Anyway I have something for you" sabi nito, at tumalikod sa kanya. Naglakad palapit sa may drawer.
"I know you are wearing a wedding ring now"
"Oh?- Ah.." Nahihiya sya at tinago ang kamay sa likod.
"Kaibigan ng pamilya namin ang mga Dela Serna, and Harvey is the one who told us everything about you and Aiden. Kaya namin na realize na mahal nyo nga ni Aiden ang isat-isa"
"Sinabi po ni Harvey na ka-" hindi nya magawang sabihin dahil nahihiya sya.
"Yes, kasal na kayo ni Aiden"
"Sorry po" paumanhin nya, nagyuko ng ulo.
"It's ok pwede naman kayong ikasal ulit. Before ka manganak magpakasal kayo ulit ni Aiden"
"Oh?" gulat na tanong nya.
"Babae din ako Carmella, isa din akong ina. Kaya alam ko kung buntis ang isang babae o hindi" May ngiting sabi nito.
"Patawarin nyo po ako" umiiyak na sabi nya. Nahihiya sya sa mga pabigla-biglang nangyari sa kanila ni Aiden.
"Huwag kang umiyak Carmella" at lumapit ito sa kanya.
"I want to give this to you" sabi nito at binuksan ang kahon. Kumikinang na singsing ang tumambad sa kanya. Nanlalaki ang mga matang natingin kay Mrs. Del. Castillo.
"I know you deserve this Carmella Del Castillo"
"Mrs. Del Castillo huwag na po" tanggi nya.
"You can call me Mama from now on" nakangiting sabi nito, at hinawakab ang kamay nya. Inilagay roon ang kahon na may lamang singsing.
"Let us Aiden wear this ring to you"
"Ma-"
"Stop crying baka akala ni Aiden pinaiyak kita"
"Maraming salamat po" umiiyak na pasalamat nya, at yumakap rito ng mahigpit. Marahil ito na nga ang bagong simula sa kanila ni Aiden. Tanggap na sya ng pamilya nito.
Pagbaba nila nagsisimula palang kumain ang mga ito. Marahil hinintay ang pagbabalik nila para, sabay sabay silang kumain sa hapag.
"Akala ko hindi ko na makikita si Carmella" biro ni Aiden, at sinalubong pa sya.
"Nag-usap lang kame hijo" nakangiting sagot ng Mama nito.
"Anyway, siguro kailangan din nating paghandaan na ang kasal nyo" Sabat ni Mr. Del Castillo. Nagulat sya at napalingon kay Aiden.
"We know the situation hijo" ang Mama ni Aiden. Ngumiti sya at pinisil ang kamay ni Aiden.
"We're married" sagot ni Aiden at tinaas ang kamay nya, kung saan suot suot nya ang singsing na pinabili ni Aiden kag Harvey.
"We know that" sabay-sabay na sabi ng mga ito. Napangiti sya dahil nagulat si Aiden sa sagot ng mga magulang at kapatid.
"You all knew?' gulat na tanong ni Aiden. Hindi nya mapigilan ang matawa.
"How come na alam nyo na lahat?"
"Kuya, nasa San Miguel ka baka nakakalimutan mo" sagot ng kapatid.
"We want you to get marry again. Isang enggrandeng kasal of course" nakangiting sabi ng Papa ni Aiden.
"Really?" tila hindi makapaniwalang tanong ni Aiden.
"Yes hijo, we want the best for you and for Carmella. And of course para sa magiging apo namin" Sagot ng Mama ni Aiden.
"I don't know what yo say. Pa, Ma, thank you, thank you sa pagtanggap nyo sa amin ni Carmella"
"We know and we see how much you love Carmella, Aiden. And ganoon rin si Carmella sa iyo hijo. Nakikita namin kung gaano ka nya kamahal. At kung gaano sya nasaktan this past few days" Sabi ng Mama ni Aiden, na sa kanya nakatingin. Naiiyak naman sya kaya napakapit sya kay Aiden, umakbay naman sa kanya si Aiden para iparamdam ang suporta nito sa kanya. And he mouthed I love you.
"Yan ang aasikasuhin natin ngayon, ang engrandeng kasal nyo"
"Salamat po Pa"
"Let's have a beach wedding" suggest ng kapatid na babae ni Aiden.