Chapter 64
Kinabukasan nauna syang nagising kay Aiden. nakadapa ang hubad nitong katawan na tanging pang-ibaba lang ang natatakpan at masasabi nyang ang asawa nya ang may pinakamagandang katawan. Pinagmasdan nya ang mahimbing na natutulog na asawa na may gwapong mukha, dahan-dahan nyanh hinaplos ang mukha ng asawa na lalong nagkadagdag sa kgwapuhan at appeal nito ang magaspang na balbas na tumutubo, dati hindi sya na aatrak sa mga lalaking may balbas o bigote, pero nang dahil kay Aiden ay nagbago ang pananaw nya, kung sa bagay wala namang ibang lalaking pumukaw sa atensyon nya si Aiden lang. mula noon hanggang ngayon si Aiden lang ang lalake sa puso nya at asawa na nya ngayon ang lalaking dating pangarap lang nya.
"I love you Aiden" bulong nya sa asawa at maingat na hinalikan sa pisngi, ayaw muna nyang magising ito para naman makapag pahinga ang asawa alam nyang tulad nya pagod din si Aiden lalo na kagabi hindi na nya matandaan kung ilang beses ba syanh inangkin ng asawa, ilang beses nga ba nyang binigay ang sarili sa asawa sa unang gabi nila bilang mag-asawa. Napangiti sya sa naisip at dahang-dahan ng bumangon mula sa kama. Sya ang maghahanda ng pagkain nila ni Aiden gagampanan nya ang papel nya bilang asawa ni Aiden.
Pagbaba nya ng komedor narinig nya ang selpon na tumutunog. pangalan ng Nanay nya ang nakita. mabilis nyang sinagot ang tawag.
"Asaan kaba Mella?"
"Nay? may nangyari po ba?"
"Nagpunta sa bahay ang mag-asawanh Del Castillo at hinahanap si Aiden"
"Oh?" gulat na tanong nya at napaupo sa upuan. napakagat labi sya at nakaramdam ng takot.
"Hindi pa ba maayos ang lahat sa inyo ng pamilya ni Aiden ah Hija?" may pag aalalang tanong ng ina. paano ba nya sasabihin sa ina na mag-asawa na sila ni Aiden ngayon, kasal na sila at isa na syang Del Castillo.
"Ano po'ng sabi nila Nay?" naiiyak na tanong nya kahit alam nyang wala syang maririnig na maganda at alam nyang masasaktan lang sya sa maririnig.
"Gusto ng mag-asawa na bumalik kayo sa bahay nila at pag-usapan ang tungkol sa inyo ni Aiden"
"Galit po ba sila?" nakuha nyang itanong sabay ng pagluha. Naiiyak sya dahil kailan ba sya tuluyan na magiging masaya. Kagabi ang saya-saya nila ni Aiden para sila lang ang mga tao sa mundo, at heto nanaman may problema nanaman silang kailangan harapin.
"Anak, mahirap ang pinapasok mo, pero bilang ina mo susuportahan kita, at alam kong hindi ka pababayaan ni Aiden, nakikita kong mahal na mahal ka nya anak, alam kong ipaglalaban ka nya anak. Pero sana wala ng masaktan pa sa ano man maging desisyon yon ni Aiden, lalo na ikaw Mella, ayokong masaktan ka. alam kong mula pagkabata puro hirap at sakit nalang ang nadanas mo sa amin, ilang beses ko bang hiniling na sana magbago ang kapalaran mo, at dumating nga si Aiden Del Castillo sa buhay mo, at sya ang daan sa pagbabago ng buhay mo hija, pero hindi madali ang lahat" mahabang litanya ng Nanay nya, habang hindi naman nya napigilan ang pag hagulgol ng iyak sa takot na baka paghiwalayin sila ni Aiden.
"Carmella?" tinig ni Aiden na kinagulat nya at mabilis na nagpaalam sa ina.
"What happened? why are you crying?" tanong ni Aiden ng makalapit sa kanya. mabilis nyang pinunasan ang mga luha.
"What's wrong?" malambing na tanong ni Aiden na puno ng pag-aalala sa kanya na lalo nyang kinahagulgol ng iyak.
"Aiden" usal nya at umiyak ng umiyak. kinabig naman sya ni Aiden at niyakap ng mahigpit.
"I'm here Carmella, I'm here" bulong nito at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya at hinalikan sya sa buhok.
"Hindi kita pababayaan, I won't let you hurt again Carmella, no one can hurt you, I'm here to protect and love you Carmella" seryosong litanya ni Aiden at nilabas nya lahat ang sakit sa pag-iyak at niyakap ng mahigpit si Aiden.
Nang mapakalma na sya ni Aiden tinanong nito kung ano ang nangyari at umiiyak sya.
"Hindi ka ba tinawagan ng Mama't Papa mo?" tanong nya habang nilalagyan ni Aiden ng itlog ang plato nya. Dahil sa pag iyak nya kanina hindi nya nagawang maghanda ng almusal para sa kanila ni Aiden. Kaya naman si Aiden na ang naghanda ng almusal nila.
"Naka off ang phone ko since yesterday why?" seryosong tanong nito at nasa mga mata ang pag-aalala.
"Did they called you? sila ba ang kausap mo kanina kaya kita nadatnan na umiiya"
"No" agad na sagot nya at huminga ng malalim para hindi na maiyak pa.
"Then, sinong kausap mo kanina at bakit ka umiiya"
"Si Nanay, tumawag sya para sabihin na hinahanap ka ng mga magulang mo" malungkot na sagot nya at nag-iwas ng paningin kay Aiden dahil naiiyak nanaman sya at naaawa sa sarili.
"Anong sinabi nila?" seryoso at may himig na galit sa tanong ni Aiden.
"They want us to go back there and talk to them"
"Talk to them?" kunot noong tanong ni Aiden at binitawan ang hawak na tasa ng kape.
"Carmella" simula nito at hinawakan sya sa kamay.
"I know, natatakot ka lalo na't dinadala mo ang magiging anak natin. but Please trust me and believe in me, hindi ko kayo pababayaan ng magiging anak natin, beside We're married, I'm your husband now and you are my wife now, may basbas ng diyos ang pagsasama natin" litanya nito.
"If they wanna see us, let us see them, but promise Carmella hindi kita pababayaan and I won't let them hurt you" seryosong sabi ni Aiden at kinabig sya nito payakap. hindi nanaman nya naiwasan ang maiyak. alam nyang buntis sya kaya marahil ganoon sya ka emosyonal, hinihiling nya na sana matapos na ang lahat, sana matanggap na sya ng pamilya ni Aiden lalo na ngayong kasal na sila, sana din huwag na syang husgaan at ang pamilya nya ng pamilya ni Aiden. Sana matanggap na ng bayan ng San Miguel ang pamilya nya. ang dami nyang sana at sana, dahil napapagod na sya at natatakot sya, dahil hindi nalang ang sarili nya ang pinaglalaban nya ngayon pati ang magiging anak nya at ang pagsasama nila ni Aiden. Isa na syang Mrs. Del Castillo dala na nya ang pangalang kinikilala sa bayan nila.