Chapter 60
"Are you ok?" May pag-aalalang tanong sa kanya ni Aiden ng makarating na sila sa Del Castillo Resorts. Kanina pa kasi nakaparada ang kotse ni Aiden sa loob ng Resorts pero hindi pa nya makuhang kumilos pababa, tila sya natatakot parin.
"Carmella I'm here" Sabi nito at hinawakan sya sa kamay.
"Hindi ko hahayaang may mangyari sa iyo, kung ano man ang kinatatakot mo andito ako, hindi kita pababayaan" Napangiti sya sa sinabi ni Aiden. Alam naman nyang hindi sya pababayaan ni Aiden, hindi sila nito pababayaan sila ng magiging anak nila.
"Salamat" bulong nya at hinaplos ang gwapong mukha.
"Let's go para makapag pahinga ka na" tumango sya rito at binuksan ang passenger seat. Sabay na silang bumaba ng kotse ni Aiden. Malalim na ang gabi kaya halos wala ng tao sa labas ng Resorts, marahil nagpapahinga na. Linanghap nya ang simoy ng hangin, ramdam na nya na nasa San Miguel na sya.
"Na miss mo ba ang Dagat?" Tanong nito at kinawit sa bewang nya ang kamay nito at naglakad na papunta sa cottage nito.
"Sobrang miss na miss ko" sagot nya at kinawit ang kamay braso nito.
Pagdating sa cottage, tumambad sa kanya ang medyo magulong silid, kahit hindi na nya itanong alam nyang sa cottage tumutuloy si Aiden, kung bakit at tila alam na nya ang sagot roon.
"Oops sorry medyo magulo" nahihiyang sabi nito sabay hawak pa sa batok. Ngumiti sya at ginala ang buong silid, napansin nya ang may karamihang bote ng ibat-ibang alak sa mesa na nagkalat. Sinulyapan nya si Aiden.
"Ah, well... Carmella I was in hell" seryosong sabi nito.
"I know" malungkot na sagot nya at niyakap ito ng mahigpit.
"I'm sorry" bulong nya habang nakayakap ng mahigpit kay Aiden. Alam nyang kasalanan nya kung bakit nahihirapan si Aiden, kaya nais nyang bumawi rito, nais nyang iparamdam na hindi na sya mawawala sa tabi nito, hinding-hindi na sila maghihiwalay pa. Alam nyang ipaglalaban sya ni Aiden at ganoon rin ang gagawi nya, paninindigan nya si Aiden at hindi papansinan ang nga tutol sa relasyo nila, hindi na nya iisipin kung ano ang sasabihi ng iba, tutal matagal na syang nahusgaan ng buong San Miguel, at kahit anong pagpapaliwanag pa nya ay hindi rin naman magbabago ang tingin sa kanya, ang mahalaga ngayon ay si Aiden at ang magiging anak nila.
"Wala kang kasalanan" sagot nito at hinalikan sya sa buhok. Kumalas sya sa pagkakayap at tiningala ito.
"Aiden, can I have this night" lakas loob na sabi nya.
"You don't need to ask" mabilis na sagot nito at naramdaman nya ang pag angat ng mga paa nya sa sahig.
"I miss you so much sweetheart" bulong nito at mapusok syang hinalikan sa mga labi, gumanti naman sya ng kasing init ng halik ni Aiden. Alam nyang kung may mangyari sa kanila ni Aiden ngayon kahit paulit-ulit pa ay hindi naman nila masasaktan ang bata sa tiyan nya. Pagkapatapos nito sasabihin na nya kay Aiden ang tungkol sa pinagbubuntis nya ang magiging anak nila.
Kinabukasan mabigat ang mga mata nya nag magmulat, at tila hindi pa nya alam kung nasaan sya, gumalaw sya at napansing puting kumot lang ang tumatakip sa katawan nya, isama pa ang pananakit ng katawan nya, lalo na ang ibabang bahagi non. Ilang beses syang nagpapikit-pikit ng mga mata ng mapansin si Aiden sa may kusina. Wala itong damit pang itaas tanging boxer short lang ang suot nito, at kitang-kita nya kung gaano kaganda ang katawan nito. Napangiti sya at tila kung ano nanaman ang pumasok sa isip nya. Naalala tuloy nya na ilang beses ba syang inangkin ni Aiden kagabi? Kung hindi lang yata sya nakatulog baka hindi sila titigil ni Aiden. Na miss kasi nila ang isat-is, lalo na sya na miss nya ang mga ginagawa ni Aiden sa katawan nya. Lumalim lalo ang ngiti nya sa mga labi at naramdaman ang pang-iinit ng mukha nya. Ang aga-aga kase kung ano-ano ang iniisip nya.
"Why are ypu smilling?" Nagulat sya ng marinig si Aiden. Nasa harapan na pala nya ito hindi man nya namalayan ang paglapit nito, jba kase ang iniisip nya eh.
"Nothing" nahihiyang sagot nya at hinila ang puting kumot para takpan ang katawan.
"Nakita ko na lahat yan, bakit mo pa itatago?" Biro nito at hinila ang kumot. Napatili sya at pilit hinihila yon kay Aiden, pero mas malakas si Aiden sa kanya, kaya naman naalis yon ni Aiden sa katawan nya at naantad ang hubad nyang katawan.
"Aiden naman" nahihiyang sabi nya at hinila ang unan para takpan ang katawan.
"Kagabi halos ipagduldulan mo sa akin yan"
"Mamaya naman, kumain muna tayo" nahihiyang sabi nya
"Well, sige pagbibigyan kita, after natin mag breakfast ikaw naman ang-"
"Aiden!" Hiyaw nya at binato rito ang unan at hinila ang kumot.
"Naughty eh, humanda ka sa akin mamaya"
"Always readyMaster!" Nakangiting sagot nya habang binabalot ang katawan sa puting kumot.
"Breakfast ready anyway" sabi nito at bigla syang binuhat pa bridal, nagtitili sya sa gulat.
"Aiden ibaba mo ko" tumatawang sabi nya.
"Wala kang kabigat-bigat, need mo kumain ng marami, you lost some weight" sabi nito ng maiupo na sya sa silya.
"Ikaw din naman eh" sagot nya at tinignan ang mga nakahandang pagkain bacon and egg, toast bread, juice, coffee, and some fruits.
"Kailangan mong kumain ng marami para mamaya tatagal ka" biro ni Aiden sa kanya habang nilalagyan ng bacon ang plato nya.
"Ikaw din" sagot nya.
Habang kumakain panay kwento ni Aiden tungkol sa mga nangyari noong wala sya sa San Miguel, kung saan-saan sya hinanap nito at kung kani-kanino sya nito pinagtanong.
"I salute Shawn, he is a good man hindi ka nya pinabayaan"
"Yeah, kung hindi nya ko nakita noong araw na yon, ewan ko kung ano ng mangyayari sa amin"
"Sa amin?" Ulit ni Aiden sa sinabi nya
"Sinong sa amin?" Tanong nito habang nilalagya sya ng prutas sa plato. Hindi sya kaagad nakahimik, hindi nya alam kung ngayon na ba nya dapat sabihin ang tungkol sa baby o ano.
"Ah... eh.."
"Sinong kasama mo ng makita ka ni Shawn?" Seryosong tanong na ni Aiden sa kanya. Napakagat labi sya at ibinaba ang kobyertos na hawak.
"Aiden, kase may dapat kang malaman" simula nya. Nakita nya ang paglalim ng kunot sa noo nito. At pagseryoso ng mukha na tila ba pag nagkamali sya ng isasagot eh magwawala ito.
"What is it?" Walang ekpresyong tanong nito.
"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan"
"Just say it"
"Aiden kase, that day noong makita ako ni Shawn sa San Sebastian, I don't remember really, but sa pagkakaalam ko hinimtay ako sa daan"
"What?! Why?!" Kunot noong tanong nito.
"Si Shawn ang nakakita sa akin at dinala ako sa ospital at doon kase... ano... kase"
"What happened?" Tanong nito na hinihintay ang sagot nya. Napakagat labi sya at humugot ng malalim na hininga.
"Nalaman ko sa ospital na... na..." hindi nya magawang ituloy, habang titig na titig sa kanya si Aiden at hinihintay nya ang sasabihin nya.
"Buntis ako Aiden"