Chapter 56

Carmella

Pagmulat nya ng mga mata nasa puting silid sya, kinapa ang ulo nyang nananakit na tila ba umiikot ang paligid. Ginala nya ang mga mata sa katamtamang laki ng silid. Kumunot ang noo nya at pilit inaalala ang mga nangyari kanina. Sa pagkakatanda nya bumiyahe sya papuntang San Sebastian at kung hindi sya nagkakamali nawalan sya ng malay sa kalsada, at sa huling alaala nya, may nakahawak sa kanya bago sya tuluyang nawalan  ng malay.

"Asaan ako?" Tanong nya sa sarili at sa itsura ng silid at mga kagamitan roon ay nakakasigurado syang nasa ospital sya, kung sinong nagdala sa kanya roon ay hindi na nya alam at kung ano ang nangyari sa kanya at bakit nasa ospital sya.

Pinilit nyang bumangon at naupo sa kama salo ang nananakit na ulo. Ngayon palang nya naramdaman ang ganoong katinding pagkahilo, marahil dala ng pagod at stress sa probelmang kinahaharap nya ngayon. Bumuntong hininga sya at marihing pinikit ang mga mata para kahit papano mawala ang pagkahilo nya.

Nang biglang bumukas ang pinto, niluwa non ang isang babaing nakaputi, nakangiti ito sa kanya, at sa itsura ng babae at suot nito ay mukhang Nurse ito sa Ospital.

"Gising na po pala kayo, kumusta na po pakiramdam nyo? " magiliw na tanong nito.

"Ayos naman medyo nahihilo pa" nahihiyang sagot  nya.

"Magpahinga lang po muna kayo Ma'am para mawala ang hilo nyo" sagot nito.

"Sino palang nagdala sa akin rito?" Tanong nya habang pinupulsuan sya ng Nurse.

" Yung kasama nyo po'ng lalake" Sagot nito. Kumunot ang noo nya. Wala syang kasama, marahil nagmagandang loob lang yon at tinulungan sya.

" Tawagin ko lang po si Doc, para makausap kayo" paalam nito at mabilis ng tumalikod. Bumuntong hininga sya at sinandal ang nananakit na ulo sa headboard  ng kama. Napakagat labi sya dahil wala syang ibabayad sa Ospital.

"Paano ako makakalabas rito? Saan ako kukuha ng ibabayad?" Tanong nya at sinulyapan ang mga gamit nya sa may upuan. Yung cellphone nya, balak nadin naman nyang ibenta yon kanina, pero kakasya kaya? Nagkibit balikat sya at nais maiyak sa nakakapanlumong sitwasyon nya. Sinulyapan nya ang singsing sa daliri ang tanging ala-ala ni Aiden sa kanya.

"Bakit kase nangyayari ang ganito sa akin?" Tanong  nya sa at naiyak. Hindi nya napigilan ang mga luhang pumatak. Mabilis nyang pinahid ang mga yon sa palad.

"Kaya mo yan Carmella, kaya mo yan" bulong nya sa sarili. para malakasin ang loob nya.

Nang Bumukas ang pinto ng silid pumasok ang lalaking may edad na na nakaputi, marahil Doctor, at nanlaki ang mga mata nya ng makitang may kasunod na lalake ang Doctor na pumasok sa silid.

"Shawn?" Bulalas nya. Nagtataka kung anong ginagawa ni Shawn roon at paano nito nalaman na naroon sya. Kaya pala hindi man sya tinanong ng Nurse kanina tungkol sa personal information nya, marahil si Shawn na ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa kanya.

"How do you feel?" Tanong ni Shawn at ngumiti sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito Shawn?" Tanong nya at sinulyapan ang Doctor.

"Sya ang nagdala sa iyo rito sa Saavedra Hospital, nasa San Sebastian ka hija" sagot ng Doctor at lumapit sa kama nya.

"Ikaw Shawn? But, paano?" Naguguluhang tanong nya. At bakit sya dinala ni Shawn sa Saavedra Hospital eh kilalang pang mayaman ang Hospital na to sa Bayan ng San Sebastian. At paanong nangyaring si Shawn ang tumulong sa kanya kanina? Oh sadyang mabuti lang ang panginoon at hindi sya pinabayaan.

"I Can explain later, but first you need to listen to Dr. Martinez" sagot ni Shawn na nanatili sa may paanan ng kama. Kumunot ang noo nya at nakaramdam ng kaba ng makitang seryosos ang mukha ni Shawn, na tila ba may problema. Sinulyapan nya si Dr. Martinez na may binabasa sa hawak nitong papel, marahil resulta nya.

"May sakit po ba ko Doc?" Alanganing tanong nya at pinaglipat-lipat ang tingin sa Doctor at kay Shawn.

"No, Carmella you are healthy" nakangiting sagot ng Doctor.

"And good news" dagdag nito at liningon pa nito si Shawn bago sya muling tinignan.

"Congratulations Carmella, you are pregnant 2 weeks pregnant" nakangiting sabi ni Dr. Martinez. Tila sya natulala sa narinig, hindi sya makakilos, nagbukas sya ng bibig para magsalita, pero walang lumabas na salita, sinulyapan nya si Shawn na nasa mga mata ang pag-aalala.  Naririnig nyang may mga sinasabi pa si Dr. Martinez sa kanya pero wala syang naiintindihan, may naririnig sya pero wala syang nauunawaan. Nababalanko ang isip nya at tila lalong sumakit ang ulo nya at umikot ang paligid.

"Are you ok?" Tanong ni Shawn na nasa tabi na pala nya at hindi man nya namalayan ang paglapit nito sa kanya.

"Bun.... bun... tis... ako?" nanginginig na tanong nya.

"Yes, Carmella, kaya you should take care yourself, may baby kang kasama" sagot ni Shawn.

"Why?" Stupid question she asked. Bakit ba nya itatanong kung bakit sya buntis. Bakit ba hindi pumasok sa isip nya na maaari syang mabuntis ni Aiden, bakit ba hindi sya nag ingat, bakit ba hinayaan ni Aiden na mangyari sa kany to? Mas may alam si Aiden kesa sa kanya sa mga ganitong bagay, bakit hindi ito nag ingat. Bakit sya nabuntis ngayon kung kailan hindi maganda ang nangyayari sa buhay nya, kung kailan hindi sya handa at magulo pa ang lahat sa buhay nya.

"Carmella, you know the answer" sagot ni Shawn. Liningon nya ito at doon palang namalayan na silang dalawa nalang pala ni Shawn ang nasa silid. Marahil hindi nya namalayan ang paglabas ni Dr. Martinez dahil sa lalim ng iniisip nya.

"Oh god no!" Bulalas nya at sinalo ng mga palad ang mukha at humagulgol ng iyak.

"Hindi pwede, hindi ako pwedeng mabuntis, hindi ngayon" humahagulgol na sabi nya.

"Ssshh... I'ts ok, hindi ka naman pababayaan ni Aiden" sagot ni Shawn. Napaangat sya ng mukha ng marinig ang pangalan ni Aiden.

"Hindi nya pwedeng malaman to Shawn" sabi nya habang luhaan na nakatitig kay Shawn.

"Bakit? Hindi ba't sya ang ama ng bata!"  Sagot ni Shawn na siguradong-siguradong si Aiden ang ama ng pinagbubuntis nya. Kung bagay alam naman ni Shawn ang namamagitan sa kanila ni Aiden.

"Yes, but...." hindi nya magawang sabihin kay Shawn dahil parang bibigay nanaman ang katawan nya, baka mawalan nanaman sya  ng malay, sa dami ng problema nya. Wala syang matirhang bahay, wala syang pera, at ito pa buntis sya, ano nalang ang mangyayari sa kanya ngayon? Paano nya haharapin ang bawat pagsubok sa araw-araw? Paano ang magiging anak nya? Matatanggap ba ito ni Aiden? Nang pamilya ni Aiden? Paano na sya? Ano ng mangyayari sa kanya? Mga tanong na nagliliparan sa isip nya, na hindi nya makitaan ng sagot. Pakiramdam  nya lalong umikot ang paligid at bumigat ang pakiramdam sa bagong hamon na kahaharapin nya.