Chapter 53
Makalipas ang dalawang linggo umuwi sila ni Aiden sa San Miguel. para harapin ang mga magulang ni Aiden ang mga magulang nya.
"I'll call you later Carmella" sabi ni Aiden at hinawakan sya sa kamay.
"We make it to the end Carmella, just trust me" patuloy nito at hinalikan sya sa kamay.
"I know, I trust you Aiden" sagot nya at hinalikan ito sa mga labi. bago tuluyang bumama ng sasakyan. hinihatid sya ni Aiden sa tapat ng bahay nila. Nang makababa na mabigat ang kamay na nagpaalam kay Aiden. ewan nya pero parang ang lungkot-lungkot nya, nasanay na rin kase syang magkasama sila ni Aiden maghapon magdamag. kung sya nga lang ang masusunod ninanais nyang huwag na silang bumalik ng San Miguel, masaya narin naman sila sa Tagaytay na sila lang dalawa.
"Buti umuwi kapa" salubong ng Ate Lanie nya ng makapasok sa bahay nila.
"Si Nanay?" tanong nya na hindi pinansin ang kapatid.
"Wala namalengke" Simangot na sagot nito.
"Hindi ka rin nag-iisip ano, alam mo bang pumunta dito si Mr. Del Castillo?" sabi ng kapatid na nagpatigil sa kanya sa pag-akyat.
"Kinausap nya si Nanay, sinabihang ilayo ka kay Aiden" sabi nito at nilingon ang kapatid.
"Tanga ka din ano? sa tingin mo tutuluyan ka ng Del Castillo na yon? dalawang linggo kayong magkasama ano? iniuwi kana nya kase pinagsawaan kana nya?" litanya nito.
"Hindi ganoon si Aiden" pagtatanggol nya.
"Carmella, lahat ng lalake pare-pareho, pag nakuha na ang gusto itatapon kanang parang basura, ayan oh binalik kana nga ni Aiden dahil nagsawa na sya sa iyo"
"Ate!"
"Hindi ka tutuluyan non dahil isa kang Perez, laking kahihiyan para sa pamilya nya!" sabi nito. at tila sya nasaktan, hindi sya makakibo dahil totoo ang sinabi ng kapatid, kahihiyan sya sa pamilya ni Aiden. hindi nalang sya kumibo at nagtuloy na sa pag-akyat.
Sa silid doon sya nag-iiyak ng nag-iiyak. ano nang gagawin nya? paano kung magbago ang isip ni Aiden? tanong nya sa sarili at sinulyapan ang singsing na suot sa daliri.
"Hindi, we're engaged" bulong nya para kahit papano gumaan ang pakiramdam nya. alam nya at ramdam nyang ipaglalaban ni Aiden ang ano mang nasimulan nila, isa pa nangako si Aiden na ipaglalaban sya sa mga taong humuhusga sa kanya. at naalala ang nangyari sa Tagaytay, ang away ni Aiden ang Jeff. napakagat labi sya, ibig bang sabihin laging may ganoong eksena syang makikita hangga't magkasama sila ni Aiden? ibig bang sabihin lagi syang ipagtatangol ni Aiden sa mga humuhusga sa kanya? hanggang kailan? hindi na ba magkakaroon ng katahimikan ang pagsasama nila ni Aiden dahil lang isa syang Perez at iisa ang tingin sa kanila mababang babae, kaladkarin mga kabit. lalo syang napaiyak sa isiping yon tila lalo syang nanghihina sa tuwing iisipin na marami pa silang dapat harapin ni Aiden.
"Mella" tawag sa may pinto ng silid. tinig ng Nanay nya. mabilis nyang pinunasan ang mga luha at inayos ang sarili.
"Kararating mo lang ba?" tanong ng Nanay nya na malungkot ang tinig. tumango sya. Dalawang linggo din nyang hindi nakita ang Nanay nya, hindi nga sya naka attend sa kasal ng Ate Grace nya, pinagbawalan kase syang pumunta ng kapatid kung kasama nya si Aiden. kaya naman hindi nya nakita kung gaano ka garbo ang kasal ng kapatid.
"Kumusta ka? kayo ni Aiden?" tanong ng Nanay nya at naupo sa kama sa may tabi nya.
"Ok lang oh" sagot nya at pilit iniiwas ang mga mata.
"Anak" simula nito at hinawakan sya sa buhok.
"Mahal mo ba sya?" tanong nito. mabilis syang tumango kasabay ng pagpatak ng mga luha nya. ayaw sana nyang umiyak dahil ayaw nyang mag-alala ang Nanay nya pero hindi nya napigilan. naninikip ang dibdib nya na ewan nya kung bakit.
"Alam ko naman na hindi imposibleng mahulog ang damdamin mo kay Aiden" sabi ng Ina at niyakap sya.
"Mahal ko po sya Nay, mahal na mahal" umiiyak na sabi nya.
"Alam ko, pero Mella, kumplikado ang lahat, ayokong masaktan ka sa huli at-" hindi nito maituloy ang sasabihin.
"Andito na po ako Nay, handa na po akong masaktan" sagot nya nang kumalas sa pagkakayakap ng Ina.
"Handa ko po tanggapin ang lahat" malungkot na sabi nya, kahit hindi sya sigurado sa sarili.
"Kinausap ako ni Mr. Del Castillo anak" sabi ng Ina at liningon ito. yon ang nais nyang marinig.
"Sinabihan na ilayo ka kay Aiden, at kung hindi mangyayari yon gagawa daw ito ng paraan para mapaalis tayo sa bayan na ito" malungkot ng sabi ng Nanay nya. napaluha sya, dahil bakit kailangan pati pamilya nya? hindi ba pwedeng sya nalang? tutal sya naman ang may kasalanan. hindi sya makakibo, hindi nya alam ang sasabihin sa Ina.
"Sinabi kong susubukan ko, pero hindi ako nangako sa kanya. Mella alam ko iba ka, hindi ka katulad ko ng mga kapatid mo, alam kong pag-ibig ang nararamdaman mo kay Aiden" litanya ng Ina.
"Ayokong masaktan ka sa huli, sana Mella ikaw na ang mag desisyon, at sana tama ang maging desisyon mo, huwag mo kaming intindihin, kaya namin isa pa sanay na kame sa eskandalo, ikaw lang naman ang iniisip ko, bago sa iyo ang ganito" malungkot ng sabi ng Ina ng hindi sya makakibo. ano bang sasabihin nya?
"Isa pa alam ko namang seryoso sa iyo ang batang Del Castillo, nakikita ko ang senseridad nya sa iyo"
"Mahal po ako ni Aiden, nagmamahalan po kame, at sinabi nyang ipaglalaban nya ko sa pamilya nya, at naniniwala po ako doon" sagot nya.
"Pero sana anak wala namang masaktan pa sa pagmamahalan nyo" sabi ng Ina at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama.
"Sana Mella makapag isip ka nang mabuti kung ano makakabuti sa iyo" habol nito bago tuluyang lumabas ng silid nya.
Ano bang dapat nyang gawin? kahit saan sya pupunta may masasaktan. Kung ipagpapatuloy nya ang relasyon kay Aiden buong San Miguel ang huhusga at tututol sa kanila, at alam nyang masasaktan ang Mama ni Aiden, mahal ni Aiden ang Ina pati ang mga kapatid nito, at alam nyang ayaw ni Aiden na masaktan ang mga ito. pero paano sya? paano sila? kung iiwas naman sya para wala ng masaktang iba sya naman ang masasaktan at si Aiden. hindi nya kayang saktan si Aiden at lalong hindi nya kayang mawala ito ngayon. lalo na't malalim na ang damdamin nya kay Aiden at naibigay na nya ang sarili kay Aiden ng maraming beses. at mahal na mahal nya si Aiden