CHAPTER 23

"Ate Aria?" Si Gab. "ATEEE ARIAAAAAA" She run towards me and hug me. Nanatili lang akong nakatayo.

"Gab." Sabi ko. Kumalas naman siya sa pagkakayakap sa akin. "Anong ginagawa mo— niyo dito?" I ask her. Dahil hindi basta bastang nagpapasakot sa studio.

"I'm meeting with someone, ate. " Sabi niya. She must be the one. Siya siguro ang ka meeting ko.

"Yeah right. Ako yung ka meeting mo."  Nagulat siya.

"Really, ate. Pen name mo lang nakalagay sa mga kanta mo and I really really loved your songs." Sabi niya. Ngumiti lang ako.

"Let's start. May meeting pa ko pagkatapos nito."

After a hours of meeting. We plan for our gig next month. Si David wala namang imik habang nag me-meeting kame pero ramdam ko ang tingin niya sa akin.

Nagpaalam lang ako sa kanila and pinuntahan ko na ang manager ko para sa meeting namin mamaya. Shaira is my manager slash secretary.

We just take our lunch before pumunta sa meeting.

I also do endorsements. Hindi ko gusto 'to kaya minsan lang ako tumanggap ng nga endorsements kahit gaano pa kalaki ang bayad nila sa akin.

Nakipag meeting ako at next week yung shoot. Mas maganda na ring marami akong trabaho kaysa magmukmok nanaman ako sa bahay. Actually this past 3 years madalas ako sa America. Pinupuntahan ang lugar kung saan kame nag-celebrate ng anniversary namin noon.

Dad really picked me up. Ang aga.

"Hi, baby. Sa bahay na tayo dumiretso ngayon. Para hindi ka na mapagod sa byahe bukas. We're going to our beach resort." Pagkatapos niya sabihin ang 'beach resort' napatingin ako sa kanya. Hindi ba nilan naalala na doon naging kami ni David.

Hindi nalang ako nag react. Nang makarating kami sa bahay. Dumiretso na agad ako kwarto ko.

Tinignan ko ang paligid walang pinagbago. Nahiga ako sa higaan at inalala ang mga ala-ala namin ni David dito.

"Hmmm.. i love you, mahal." I heard him whisper on my neck. We're on my room since pinapayagan siya nila mommy at daddy. " Mag iisang taon na tayo pero mas lalo lang kitang minamahal, Serenity. Mahal ko, hindi ako magsasawa na mahalin ka, hindi ako magsasawa na magtiis sa kakulitan mo po. Hindi ako mapapagod na ihatid-sundo ka school mo since graduating ka na. Parang kahapon lang nung sinagot mo ako. Thank you mahal ko kase hindi mo pinaramdam sakin na hindi mo ako mahal." He still whisper on my neck.

Mahal na mahal pa rin kita, David. Sa gitna ng pagsuko ko sa lahat, isa ka sa naging pag-asa ko. Isa ka sa rason bakit ako nabubuhay, bakit pinilit kong mabuhay.

Nakatulugan ko na ang pag sasabi sa isip ko kung gaano ko kamahal si David.

I just woke up it's already dinner time kaya nagpalit ako ng damit bago bumaba. Nakita ko si Mom, Dad, Kuya Stephen and Kuya Silas with his wife, Ate Jess and his son, Cyrus.

Ako nalang ang kulang kaya naupo na ako ng tahimik sa tabi ni Kuya Stephen na agad naman nag ingay.

" Andito na ang prinsesa ko. I miss you, Aria." Sabi niya ng may buong ngiti ngunit nginitian ko lang siya. "Ouch! Aray! Ang cold naman ng prinsesa ko. Hindi porke't may girlfriend na ang kuya mo makakalimutan ko na may prinsesa ako."

Tinaasan ko lang siya ng kilay. At bumalik ang tingin sa pagkain.

Nag umpisa akong kumain kahit ang awkward sa hapag. Hindi ako umimik, kumain lang ako ng kumain. Patapos na ako ng magsalita si Kuya Silas.

"What happened, Aria?"

And this again to what happened.

"It's nothing." I said coldly.

"No, it's not. Tell me. Tell me what really happened."

"I said it's nothing. Wala. Walang nangyari." Napipikon na ako.

"NO. THERE'S SOMETHING HAPPENED. TELL ME." Sigaw niya. I look at him straight in his eyes.

"Baka kapag sinabi ko. Magsisihan kayo." Pagkatapos kong sabihin 'yon nilayasan ko sila.

Natatakot pa rin ako. Hindi ko alam kung saan nanggagaling yung takot na nararamdaman ko.

Dumiretso ako sa kwarto ko at nagkulong. Wala pang limang minuto nang may narinig akong kumakatok. Hindi ko ito pinagtuunan ng pansin.

Naglakad ako papunta sa balcony ng kwarto ko para makalanghap ng sariwang hangin. I always been like this. Naging pikunin ako after kong mawalan ng anak I don't know if it's connected pero hindi naman ako ganito dati pero naging pikunin ako.

Ni-ready ko lang ang kailangan ko para sa pagpunta sa resort. Pinag-usapan nila kanina na 6am kami aalis.

Pagkatapos kong magligpit. Nahiga na agad ako at hindi pa nagtatagal nakatulog na ako.

I woke up 5:30 am nagpalit lang ako ng damit bago ako bumaba lahat sila nandun na even si David nandito pati na rin si Gab.

Nakita kong nakaparada na sa labas ang van namin na puti kaya dumiretso na agad ako doon at walang pinansin sa kanila. Naupo ako sa pinakadulo sa may tabing bintana.

Maya maya lang nakita ko na sila palabas kay nagsuot na ako ng earphones ko para hindi ko sila marinig. Kita ko kung paano sila umupo isa isa at kamalasang katabi ko pa si David not totally kamalasan.

Matagal ang byahe. Kaya tumingin nalang ako sa labas para maaliw kahit papano. Hindi ko namalayang nakatulog ako. Nagising akong nakahilig sa balikat ni David. Dali dali akong umayos ng upo.

"I'm sorry." Yun lang nasabi ko.

After ng ilang oras pa nakarating na kame. Imbis na ang resort ang sumalubong sa akin. Sumalubong sa akin ang ala-ala.

Dumiretso agad ako sa tabing dagat parang maglakad-lakad. Nagulat ako napunta ako sa parte ng resort kung saan ko siya sinagot.

When I gave him my yes

" I LOVEE YOU, I LOVE YOU SO MUCH SERENITY. THANK YOU.  THANK YOU LORD FOR THE ANSWERED PRAYER." He also shouted.

Napangiti nalang ako sa kawalan.

"Serenity..." Matagal ko ng narinig ang pagtawag niya na iyo sa akin.

"Serenity... can we talk please?"