CHAPTER 21

“What is he doing here?” I whispered. When I saw him sitting on our couch. Who am I not to ask this is not just my parents house, this is also my house.

It's been 3 years since i last saw him.. it's been 3 years since that happen and i haven't move on yet. Hinding hindi ko makakalimutan ang nangyari sa'kin noon.

When our eyes met…I remember what I said…what I said to him that day.

‘Let’s break up’

‘ I don’t loved you anymore.. '

‘L-leave me alone… I don’t want to s-see you anymore.’

Seeing him makes me sad. Kapag nakikita ko siya nasasaktan ako dahil paulit-ulit akong bumabalik sa nakaraan... sa nakaraan na ako lamang ang may alam. Sa sikretong makakapag durog ng puso ng pamilya ko. Ikadudurog ng puso niya.

And when our eyes met.. i met his cold stare..

"What are you doing here? " Hindi ko na napigilan magtanong

“May kukunin lang documents kay Silas, Ms. Cabrera.” He said coldly.

Nasaktan ako sa the way he address me. Ms. Cabrera

Yeah right Ms. Cabrera. Sino nga ba naman ako.

After that small talk dumiretso agad ako sa kusina para uminom ng tubig.

Mahal ko pa siya. Sa 3 taon na hindi kame magkasama wala akong ginawa kundi mahalin siya, mahalin siya sa malayo.

Nasaktan ko siya, oo. Nasaktan niya din ako. Pero may hindi pa siya nalalaman na mas ikasasakit niya. I was pregnant with him. I was.

3 months bago ako... bago ako babuyin ni Carlo. Nalaman ko na buntis ako. I was about to tell him that i am 2 months pregnant. But that suddenly happened. I already lost my angel. I lost my angel.

Hindi ko man lang siya nahawakan. Hindi ko man lang nalaman ang gender niya. Hindi ko man lang siya nakapiling.

Napansin kong tumutulo ang luha kaya dali dali ko itong pinunasan at dumiretso sa kwarto since may kukunin lang ako dito. I already have my own house. After they left me behind, madalang na akong umuwi dito.

Kuya is actually fine. He have a wife and a son now. While Kuya Stephen have a girlfriend.

Pagkakuha ko ng documents na naiwan ko last time umalis na agad ako ng hindi nagpapa-alam sa parents ko.

Imbis na umuwi ako sa bahay ko, dumiretso ako sa Memorial Park. I always visit my little angel. Once or twice in a week dinadalaw ko siya.

"Hi, baby. Mommy is already here nanaman. Hindi ko pa din matanggap na iniwanan mo agad ako anak... iniwanan mo agad si mommy. Ikaw nalang pinangkakapitan ko dahil sa'yo pinilit kong makatakas at mabuhay pero iniwan mo pa din si Mommy." Iyak lang ako ng iyak. Hanggang ngayon hindi ko matanggap na wala na yung anak ko. The doctor said mahina yung kapit niya at masyado akong stress.

And about kay Carlo, wala na akong balita after what happened. Pero may nararamdaman pa rin akong nakatingin sa akin lalo na kapag may gig at concert na ganap. Hindi nakakatakot yung tingin na 'yon. Gusto kong umasa. Gustong gusto.

"Baby, I saw your dad earlier. He looked mad at mommy. Do I deserve this pain, baby? I'm sorry for bringing this up pero sa'yo nalang kase ako nakakapaglabas ng mga hinaing ko. "

Hindi ko na kayang maglabas ng problema kila mom and dad even kila kuya. I know na may problema pero hindi ba pwede makinig muna sila sa akin. I went through a lot without them. Kinaya kong mag isa, nilagpasan ko mag isa.

After kong magpunta sa Memorial Park dumiretso na ako ng bahay ko. My home. My house looked empty.

At the age of 25, I'm successful but it's still empty.

Nagpunta ako sa kwarto ko. Nahiga ako i felt tired kahit wala naman akong ginagawa. I look at my side table. There's a frame of my first ever ultrasound, kung saan healthy pa ang baby angel ko and the other one is David's picture.

Kinuha ko ang picture ni David at hinaplos ito.

"I miss you, mahal ko. Miss na miss kita. Nung makita kita kanina after 3 years you looked good, you looked fine. While I'm here, hindi makaalis sa nakaraan nabubuhay ng walang dahilan. Mahal ko, mahal na mahal pa rin kita. Mukhang move on ka na sa akin. Did you have a girlfriend? Wife? Kung may asawa ka na o mag aasawa ka na sana hindi ko na malaman, hmmm... kase hindi ko kaya. Hindi ko kayang makitang magmahal ka ng iba." Niyakap ko ang picture frame at nag uumpisa na akong umiyak. After 3 years of being away from him. Mahal na mahal ko pa rin siya.

Nakatulugan ko ang pagyakap sa larawan ni David, nagising lang ako sa tunog ng cellphone ko.

It's Mom.

"Hmm.." i answered her call.

"Hi, baby. It's your Kuya Sila's birthday next next day. Are you going? Hindi ka nagpaalam kanina na umalis ka na. " My mom said.

"I'm not sure if i can but I'll try. I'm sorry di na ko nakapag paalam sa inyo." I said coldly.

"Why are you so cold, baby? You're not like this before." I can hear her, alam kong umiiyak si Mom.

After that happened.. my whole personality changed. Lalo na nung nakipaghiwalay ako kay David.

"I'm always like this, Mom. What's new?" Sabi ko.

"Anak, may nangyari ba dati kaya ka nagkakaganyan?" Tanong ni Mommy.

Hindi ako makasagot. Hindi nila alam na hinarassed ako ni Carlo after we break up. Hindi nila alam na.. na rape ako... hindi nila alam na nawalan ako ng anak... wala silang alam sa nangyari sa akin...

"Wala." I said shortly.

" I know there's something happened, baby. Please tell it to mommy." Patuloy na iyak ni Mommy.

"Mom, wala nga so please stop asking."

Pagkatapos non ay pinatay ko ang tawag. Napaupo ako sa sahig at nag umpisa nanamang umiyak. Habang umiiyak nag flashback sa akin lahat.

Kung paano ako kunin ni Carlo. Kung paano niya ako saktan. Kung paano niya ako babuyin. Kung paano ako nagmakaawa na manatili sila. Kung paano ako nakipaghiwalay kay David at kung paano ako mawalan ng anak.

I was all alone. And no one's there for me.

Umiiyak ako habang yakap ang tuhod ko nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita ko si Mommy. Si Mommy na umiiyak din.

"M-mommy... ayoko na... mommy"