Chapter 18: Papakasalan kita

“Hello. Where’s fundadora?” I asked.

The girl just stared at me. She left me without an answer. That’s quite disrespectful.

I’m planning to tell Landrice the warning. I don’t have much time left to tell this. We never knew.

Habang naglalakad ako ay sumulpot na naman si West sa tabi ko kaya tinaasan ko siya ng kilay. Ano ba anv kailangan ng lalaking ‘to? Kung kumilos siya, parang hindi ‘ata mabubuo araw nito kung hindi niya ako nakikita.

Niyakap niya ako saglit bago niya halikan ang noo ko. “Saan ka pupunta? Sama ako.”

“Sa kapatid mo. Nasa’n siya?” tanong ko.

Hinawakan niya ang kamay ko. “Alam ko, tara,” nagsimula siyang maglakad. Pasimple pa niyang pinagsiklop ang mga daliri namin kaya hindi ko na mapigilang mapangiti.

Huminto kami sa isang maliit na kubo. Hindi ito ang tinitirhan ni Wendy pero mukhang sa kanya nga rin ito. May pangalan pa kasi sa labas.

Naabutan namin siyang kausap si Lycus na namumutla at parang galing lang sa pag-iyak. Namumuo rin ang luha sa mata ni Wendy kaya nagkatinginan kami ni West.

“Tuloy pa ba tayo?” Tanong ko sa kanya.

“Importante ba ‘yung kailangan sabihin? Hintayin ko na lang siya kung kailangan talaga ngayon sabihin.” Nakatingin pa rin siya sa kapatid niya. Mukhang pati siya ay nagtataka.

Pinisil ko ang kamay niya kaya nabalik sa akin ang tingin niya. “Balik na lang tayo mamaya. Mukhang importante ‘yung pinag-uusapan nila.”

Ngumiti siya sa akin. “Sige.” Hinalikan niya ulit ang noo ko kaya nginitian ko rin siya pabalik.

Pumunta kami ni West sa isang ‘place’ na una niya raw nalaman dito noong nakapasok siya. Nandito kami ngayon sa tapat ng isang pintuan. Nasa labas pa lang ako ay ramdam ko na agad ang lamig na nasa loob ng pintong ‘yon.

Ngiting-ngiti si West. Akala niya siguro ay hindi ko nararamdaman ‘yon? Sa bagay, hindi pa nga niya alam na bumalik na ako sa dati. Ngumiti na lang ako bago ko siya tinanong. “Anong meron dito?” tanong ko sa kanya.

“Naaalala mo ‘yung—ah, teka,” napahawak siya sa ulo niya. Muntikan pa siyang tumumba kaya agad ko siyang inalalayan.

“Okay ka lang? Anong masakit sa ‘yo?” Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Umiling-iling lang siya tsaka ako muling nginitian. “Wala medyo nahilo lang.” sagot niya. “Takpan mo muna mata mo! May ipapakita ako sa ‘yo.” Excited niyang sabi.

Naka-sleeveless na floral dress ako kaya pinatungan niya iyon ng isang varsity jacket. Saan niya nakuha ‘yon? Ang bilis naman niya, hindi ko napansin agad ‘yon, ah.

Tatawa-tawa na lamang akong nagtakip ng mata. Nang marinig ko ang pagbukas noong pinto ay malakas na hangin ang sumalubong sa akin. May mga nyebeng dumadampi sa balat ko. Ang sarap sa pakiramdam.

I remember my parents… again.

“Open your eyes.”

Pagkabukas ng mata ko ay ang nakangiting mga mata niya agad ang nakita ko. Alam kong masaya siya kapag kami ang magkasama kaya gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko pa nakikita ang nasa paligid ay napayakap na agad ako sa kanya.

Saktong pagkayakap ko ay tumugtog ang isang piano. Recorded ‘ata iyon dahil naririnig ko pa ang paghinga niya sa background.

Kinakanta niya ang ‘When I Look At You’ ni Miley Cyrus. Ang lambot at calming ang boses niya.

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko habang nakayakap ako sa kanya at sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam kong nakangiti siya ngayon.

Mas lalong napupuno ng luha ang mga mata ko habang patagal nang patagal kong pinapakinggan ang pagkanta niya. Nagflashback agad sa isip ko lahat ng pagkikita namin simula pa noong mga unang araw na nakilala ko siya sa iba’t ibang panahon.

Kahit pinaglalayo kami palagi, sa kanya pa rin ang bagsak ko.

“Weird… I always feel like I already met you before…” bulong niya dahilan para matahimik ako. Naaalala na kaya niya?

Nagpunas agad ako ng luha bago ko siya tiningnan. Nakahawak pa rin ang kamay niya sa buhok ko samantalang ako ay nakayakap pa rin ang dalawang braso sa kanya.

“What do you mean?”

“Nothing. Naiisip ko lang. Ang cool noon kapag dati pa pala tayo nagkakilala. Destiny tayo.” Matamis siyang ngumiti. “Bakit ka umiiyak? Masyado ka bang natouch sa ginawa ko?”

“Destiny talaga tayo.” Bulong ko. “Naiiyak ako kasi pinapasok ng nyebe ‘yung mata ko. Ang sakit-sakit kaya!” Palusot ko sa kanya.

“Okay.” Natatawa niyang sabi. “Tingin ka na sa paligid dali.”

Inilibot ko ang tingin ko. Parehas na parehas ito roon sa nakita namin noong nakita ko ulit sina Ravenne at Wendy. Iyong muntikan ko nang mapatay si Lester dahil akala ko ay may ginawa siyang masama sa akin noon.

“Wow…” hindi ako makapagsalita nang maayos. “Naaalala mo pa ‘to? Ang tagal na no’n ah… Thank you! Ang ganda promise!” hinalikan ko siya sa pisngi. Nanigas agad siya sa ginawa ko! Pilit kong itinatago sa loob ko ang tawa ko dahil sa ekspresyon ng mukha niya ngayon. Ang cute cute ni West ko!

“Why do you keep playing my heart?” kunwari’y nanghihinang tanong niya. “If this is how you pkay hearts, please play more. Keep doing it. I fucking love it.” Mas lalong lumawak ang ngisi niya bago niya niyakap ang leeg ko mula sa likuran. Hindi iyong pasakal, yakap talaga.

Hinawakan ko ang mukha niya. “Promise me something.”

Taka niya akong tiningnan. “Ano? Kahit ano pa ‘yan, promise gagawin ko!” nakangiti niyang sabi. “Ay! Hindi pala lahat! Kapag sinabi mong iwan kita hindi ko ‘yon gagawin. Sorry ka na lang.” Bawi niya agad tsaka niya isiniksik ang ulo niya sa buhok ko.

“Teka alisin mo muna ‘yang ulo mo. Nakakahinga ka pa ba?” Natatawang tanong ko sa kanya.

“Yep. I’m a vampire, don’t you remember?”

“Hindi kasi ‘yan. I mean… Nakalagay ‘yung buhok ko sa mukha mo, eh.” Paliwanag ko sa kanya. Inilagay ko ang buhok ko sa harap para hindi na no’n matakpan ang mukha niya.

“Ang bango ng buhok mo, mahal,”

Lord.

“Ay.” Iyon na lang ang nasabi ko.

He chuckled.

“Hindi pa ako naliligo…” bulong ko.

“Really? I swear! It smells good. Like flowers. I love that smell.”

“Baka sa shampoo?”

“Basta amoy mo, mabango,”

Pabiro ko siyang hinampas. “Ikaw ah! Baka magbreak tayo agad niyan kasi lagi tayong matamis.” Natatawa kong sabi.

Natahimik siya roon.

“Huy?” ginalaw ko ang braso niya. “Okay ka lang ba? Mukhang masama ang pakiramdam mo ah.” Tanong ko sa kanya. “Balik na kaya tayo sa bahay?”

Nanatili siyang nakatayo roon at nakanguso. Nagcross arms pa siya at tinalikuran pa ako.

Huh?

Naglakad ako para makaharap siya pero tinatalikuran niya pa rin ako.

“Hala anong ginawa ko?” tanong ko sa sarili.

“Ayaw na ‘ata akong kausap… makaalis na nga lang,” sabi ko ulit. Maglalakad pa sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko at siniil ako ng halik. Nanlalaki ang mga mata at butas ng ilong ko sa ginawa niya.

Nang maghiwalay na ang labi namin ay napahawak ako sa labi ko.

Ilang beses ko nang naramdaman ang labing iyon ah! Bakit parang iyon pa rin ang first time kong naramdaman ang malambot na bagay na ‘yon? Bakit?!

“Hindi tayo magb-break,”

May kinuha siya sa bulsa niya. Isang kwintas iyon at nakalagay sa isang kumikinang na lalagyan. Pinatalikod niya ako tsaka niya iyon isinuot sa akin. Nang tingnan ko ang pendant ay isa iyong golden sun.

“Rackhie. Rackhie Sun. Rackhie Sun Agustin. Rackhie Sun Agustin Mendiola.” Bigkas niya.

“Saan mo nalaman ang surname ko?” Gulat na tanong ko sa kanya.

“Nakita ko lang sa isang newspaper no’n. Kalat na kalat kasi ‘yung pangalan niyo noon sa media tapos nagbabasa lang ako ng mga chismis sa akin ng mga tao tapos nakita ko ‘yang Agustin. Mabuti nga’t naaalala ko pa.”

“Ah..” akala ko naaalala mo na.

“Rackhie Sun Agustin Mendiola… Mendoza.” Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon. “I’ll be the best for myself, for you, for our future. I’ll plan everything. Papakasalan kita.”

“Hindi ako magpapakasal hanggat hindi ko pa natutupad ang pangako ko kila Mama at Papa. I mean… my real mom and dad… biologically. I already know that I’m not my mom’s real child so I promised myself I won’t get married til I build them their own house and lot and a car.”

“Well,” West licked his lips. “I assure you we could do something more than that.” 

-

“Hi Rackhie! Pupunta ka rin ba kay Landrice? Kung oo, sabay na tayo!” Bumungad sa akin si Carmen na nakangiti. “Kailangan mo ng masasandalan. Nandito ako. Palagi.”

“Wasus!” pinisil ko ang pisngi niya. “Tara tara, kain tayo after nito? Anong gusto mo?”

“Kahit ano basta ‘wag pork yuck,” natatawang sabi niya bago kami nagsimulang maglakad papunta kay Wendy.

Wala na siyang kasama ngayon pero namumutla pa rin siya. Gusto ko sanang malaman ang dahilan pero baka mapagkamalan pa akong chismosa. Magsasabi naman siguro siya kung ready na siyang magsabi.

Nakaupo siya sa wooden chair. Nasa tabi iyon ng pintuan niya papasok kaya kita agad ang mukha niya. May isinusulat pa siya pero binura lang niya agad iyon at tumayo na. Nang makita niya kami ni Carmen ay bumalik siya sa pagkakaupo at tahimik na hinila ‘yung dalawang upuan na magkapatong doon sa tabi niya.

“Hello, Carmen at Rackhie.” Bati niya tsaka ngumiti. Hindi iyon umabot sa mata niya kaya alam ko na agad na may pinagdadaanan nga siya ngayon. Lalo na’t hindi siya nagsasalita tungkol sa mga problema niya.

“Namumutla ka, tapos ‘yung mata mo…” si Carmen na ang nagsalita. “May problema ba?”

Nanatiling nakangiti si Wendy. “Salamat sa pagtatanong. Ayaw ko sanang sabihin… kung pwede. Okay lang naman ako…”

“I don’t think so,” lumabas si Renzo mula roon sa loob. Naghila rin siya ng upuan para makaupo sa tapat ni Wendy. “Get some rest, I’ll talk to them.” Seryosong sabi nito sa kanya.

“Renzo… Okay lang.”

“Please baby,”

Ramdam ko ang tensyon sa kanilang dalawa. Pabalik-balik lamang ang tingin ko sa kanilanh tatlo habang nagtatalo ang mga mata nina Renzo at Wendy.

“Okay…” Nanghihina na ang boses ni Wendy. “I’ll see you later, Carmen, Rackhie. Tell me what you discussed later, baby,” pumasok na siya roon sa loob kaya kaming tatlo na lang ang natira rito.

“Is there something wrong?” tanong ni Renzo agad.

“Ridge,” banggit ko agad. Mariin siyang napapikit nang marinig niya na naman ang salitang iyon. Lahat naman siguro kami ay ayaw marinig ang salitang iyon dahil maraming ginawang masama sa amin ang clan na ‘yon.

“What’s with them?”

“They found us.” Carmen answered.

Nanlaki ang mga mata ni Renzo. “What? Since when? How did you know?” Sunod-sunod na tanong niya. “We really need to get ready…”

“Nakakaalala na kami… pati si Lester. We remember everything from the past. May warning doon. Kailangan nating maghanda.” Kwento ko sa kanya. “Iyong time na halos isang linggo akong nakahiga, iyon ang tumatakbo sa isipan ko.”

“How long did Lester knew? Do you know?”

“He mentioned that before you even go here, he already knows.” Carmen answered again.

“Why did he not tell anybody…”

“Baka dahil walang maniniwala sa kanya?” tanong ko.

Napahawak siya sa baba niya. “Something’s wrong…”

Nagkatinginan kami ni Carmen sa sinabi niya. Ano kaya ang nasa isip niya?

“I’ll tell Wendy later. Makikisuyo muna ako sa inyo, Carmen at Rackhie, please don’t tell my wife what we discussed today. Tell Ravenne instead and let’s get ready secretly. I’ll tell her when she got better. She’s… She’s stressed.”

“I understand,” tinapik ko ang balikat niya. “Thank you.”

Nang umalis kami roon ni Carmen para hanapin si Ravenne ay parehas kaming tahimik. Nasa isip namin kung ano ang pumasok sa isip ni Renzo at parang pinaghihinalaan niya si Lester.

“I don’t think Lester can do that…”

“Ako rin,” sagot ko. “Pero bakit kaya hindi niya sinabi agad sa atin?”

Nagkibit-balikat siya. “I don’t know. He told us once he come back he’ll tell us everything, right? Let’s just wait for his explanation.”

“Paano kapag late na siya dumating at may mangyari na rito sa isla?”

“Edi sabihin natin kay Ravenne ‘yung tungkol doon para bumalik dito si Lester at magsabi siya agad, ‘di ba?” sagot niya agad sa akin. “Nagtataka rin ako pero pagkakatiwalaan ko sila. Sana lang ay tama ang pinagkakatiwalaan nating lahat.”

Nakadaan na kami lahat-lahat sa tinitirhan ni Ravenne pero hindi namin siya nakita roon. Paikot-ikot na rin kami sa isla pero kahit anino niya ay hindi namin nakita.

“Nasaan na kaya ‘yun?” sabay naming tanong sa isa’t isa.

Sa paghahanap namin ay nakasalubong namin sina Midnighte at Shivani na may hinahanap din. Tumakbo ka agad silang dalawa palapit sa amin nang makita nila kami.

“Rackhie, Carmen! Hello!” bati ni Shivani.

“Anong hinahanap niyo?” tanong naman ni Midnighte na patingin-tingin pa sa paligid.

“Si Ravenne. Nakita niyo ba siya?” sagot ko.

“Hinahanap din namin si Ravenne! Kinuha niya ‘yung pambukas sa portal. Sabi niya ay ipinapahanap ni Wendy kaya ibinigay namin. Kaso nalaman namin na hindi pala si Wendy ang nagsabi noon kaya hinahanap namin siya.” Dire-diretsong kwento ni Shivani.

“Hula ko, nasa labas na ‘yun,” Midnighte said.

“Same! Naglibot na kami hindi pa rin namin siya nakikita eh!” pag-antabay naman ni Carmen.

Nasaan kaya ngayon si Ravenne? Bakit kaya siya nagsinungaling? At bakit niya gusto ‘yung portal key?

“Hanapin pa ulit natin. Kapag wala pa rin, nasa labas na siya talaga.” Suhestiyon ko.

“Anong gagawin natin kapag nasa labas na talaga siya?” tanong ni Shivani. “I mean… she has the portal key… hindi tayo makakalabas kung wala na rito sa isla ang portal key na ‘yun.”

“Hingi tayo ng tulong kay Celine at Wendy? Kaso stressed si Wendy kaya kausapin na lang natin si Celine.”

“Ay! Hindi mo pa pala alam? Wala na si Celine dito! Nauna pa siyang lumabas ng isla kesa kay Ravenne.” Sabi ni Midnighte. “Akala ko alam niyo na? Hindi pa pala nila sinasabi sa inyo.”

Nagsalubong ang kilay ko. “Huh? Ano? Bakit naman siya lumabas ng isla?”

“Bumalik siya… sa Ridge.” Shivani answered.

Napatakip ng bibig si Carmen samantalang ako ay nanigas sa kinatatayuan ko.

“What the hell…” bulong ni Carmen na gulat na gulat din ang reaksyon. “Kaya pala hindi ko siya nakita nung gabing iyon.”

“Bakit siya pumunta roon?” tanong ko.

“I don’t know… she said she wants to fix and confirm something. I don’t know anything anymore. That’s all I know, sorry,” sagot ni Shivani tsaka bumuntong-hininga.

“Paano na tayo makakalabas niyan?” tanong ni Midnighte.

“Paano natin masasabi sa kanila ang babala ngayon?” tanong naman ni Carmen.

“Babala? Anong babala?” Tanong ni Shivani. Halos magsabay pa silang magtanong ni Midnighte. “Hindi ko pa alam ‘yan, eh,”

“Babalik dito ang Ridge, kailangan na nating maghanda simula ngayon.” Sagot ko. “Paano natin ‘to sisimulan kung unti-unti tayong nababawasan….” Bulong ko.

Silang dalawa naman ngayon ang nanlalaki ang mga mata dahil sa gulat.

“Oh my… paano niyo nalaman?” tanong pa ni Shivani sa aming dalawa.

“We remember everything now. Nakabalik kami sa dating buhay nating lahat.” Sagot ni Carmen. “Renzo is right. Something is just… so wrong… and suspicious.”

“What do you mean you guys remember everything?” Midnighte asked. “We remember everything, too…”

“Ano?”

“Huh?”

Nagkatinginan kaming apat. “Alam niyo rin?” sabay-sabay naming tanong sa isa’t isa.

So they knew! Too!

“Hala!”

Hindi malaman ang ekspresyon sa mga mukha naming lahat. Natutuwa na kinakabahan at nagugulat. Hindi namin alam kung ano ang sasabihin namin.

“I guess there’s a lot of us remember now…”