Special Chapter
4 months later...
"You came home late." malamig kong saad nang makitang papasok pa lang ng penthouse si Chaos. Hawak hawak nito ang coat sa kaliwang kamay at nakalaylay na rin ang neck tie nito. Bukas pa ang tatlong butones ng kaniyang puting long sleeves. My eyes turned into slits even more when I saw his messy hair.
"Baby, you're awake?" malambing nitong tanong sa akin. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng pagka-irita rito. Kitang kita naman na nakatayo ako dito sa harap niya e! Tapos magtatanong pa? Kabobohan!
Nagising lang naman ako dahil nakaramdam ako ng pagka-uhaw at medyo nagugutom rin ako dahil kaonti lang ang kinain ko kaninang hapunan. Wala akong gana dahil napapansin ko na ang palagi nitong pag-uwi ng hatinggabi. Hindi namin siya nakakasabay ni Cerix, and his son has been asking me about him! Hindi ko alam kung anong inaasikaso ng lalaking 'to!
Tapos naman na ang kaso ng kaniyang baliw na tiyuhin, and Ansel is also in the jail. That was seriously a huge scandal for the Glaverra's. Bagsak na bagsak ang negosyo nila dahil halos nag-pull out lahat ng mga inventors nila sa company after ng nangyari. Maaawa na sana ako. I was about to convince Chaos to stop the case, but Ansel's mother literally came to me and talk shits to me. Unfortunately, Chaos was there. His anger was doubled, kaya mas domoble rin ang kaso ni Ansel. Wala na akong nagawa pa. Chaos' uncle will forever stay inside the jail. Ang dami nitong nalabag, ang dami mitong kasalanan, at dapat lang na pagbayran niya ito habang buhay.
Ang hindi ko lang talaga maintindihan ngayon ay kung bakit napapadalas ang pag-uwi ni Chaos ng maaga ngayon. Mind the sarcasm, tch. Sa sobrang aga, minsan ay alas dos pa ng umaga ito umuuwi. Just what the heck is he doing?! I've asked his younger brother if their company is facing something today dahil late ng umuuwi ang Kuya niya. But he said that everything is okay naman daw. Pwede pa nga daw'ng mag-break muna ang Kuya niya sa company dahil going smooth naman daw ang flow ng kompanya nila!
Kung ako lang, gusto ko nga siya'ng pag-break-in na muna lalo na't kabuwanan ko na. I wanted to suggest that to him, pero at the same time, I want him to have his own decision, his own will. Gusto kong makita niya mismo na kailangan ko siya sa tabi ko. Pero heto siya, living his life like he doesn't have a pregnant woman waiting for him in his damn penthouse.
Siya nga, nagdesisyon rin para sa akin e. Gusto ko sanang pumasok na sana sa company pero pinigilan niya ako. Kaya si Kuya ang kasalukuyang namamahala doon.
"You want to ea—"
"Just sleep. I can eat alone. Drink alone. Sanay na ako." I sarcastically said to him. Inirapan ko pa ito pero mukhang hindi napansin ng lalaking 'to ang attitude na ibinibigay ko sa kaniya.
He sighed. "Okay, baby. Just follow me after you eat, hm?" I gritted my teeth. Lumapit ito sa akin at akmang hahalikan ang labi ko pero mabilis akong nakaiwas. Sandali itong napahinto sa ginawa ko. Hindi niya naabot ang labi ko maging ang pisngi ko because I took a step backward. I don't want to be touched by him right now or else... sasabog ako.
Akma niya ng aabotin ang pisngi ko ng umiwas rin ako sa pangalawang pagkakataon. That left him stunned so I grab the opportunity to go straight to the kitchen.
Kinain ko lang ang natirang pizza ko kanina. Binudburan ko ito ng maanghang na sauce bago kainin. Kahit kabuwanan ko na ay narito pa rin ang constant cravings ko. These days, I love to eat spicy pizza. Hindi talaga ako mapapakali kapag hindi ako nakaramdam ng anghang.
My tummy is huge. Yes, bulging. Like really big one. We did an ultrasound right after the check ups kaya I am really thinking na baka kambal 'tong nasa tiyan ko. Well, kambal nga. That's what I thought and what I believe. Chaos wanted everything to be a surprise for us kaya we refuse to know the genders. I am hoping for it to be a boy and a girl, but whatever their gender is, I will gladly accept them with an open arms. I will love them equally.
I caressed my tummy as I was happily eating my pizza. Natigil lang ako sa pag-nguya ng marinig ko ang pag-tikhim ng pamilyar na boses. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy nalang sa pagkain.
Naramdaman ko ang paglapit nito sa gawi ko habang kumakain ako pero hindi ko pa rin ito tinatapunan ng tingin. Baka lang mas lalo akong mairita dito.
"You're into spicy foods, baby?" He asked softly. I only offered a silent nod before I stood up. Nawalan ako ng gana. Gusto ko sanang tapusin na sa pagkain ang dalawang pirasong pizza dahil baka masira na ito kinabukasan pero nawalan na talaga ako ng appetite.
Ibinalik ko nalang ito sa loob ng ref at uminom ng tubig. When I was done, I quietly washed the glass I used habang naririnig ko naman ang problemadong mga buntong-hininga ng lalaki sa likuran ko.
"Baby? Are you mad?"
Nilagay ko ang baso sa lalagyan nito at kaagad na napahawak sa aking tiyan.
"I'm sorry, love. I know that—"
"Fuck..." I softly cursed when I felt something wet between my thighs. Mabigat ang naging paghinga ko habang hinahaplos ang tiyan, hoping for the pain to go away but it didn't. The pain has doubled even more and I don't know if I can fucking take this sheez!
"Baby...?"
Marahas kong nilingon si Chaos at pinanatili ito ng mga mata.
"You are the fucking reason kung bakit mapapaanak ako ng wala sa oras ngayon! Tangina mo!" I shouted. Nanlaki ang mga mata nito at kaagad na nagmadali upang mabuhat ako.
He pushed the emergency button on the side of the kitchen door and the whole penthouse immediately lighted into a red and blue ones. The noisy speaker from nowhere burst out, as it announces my labor.
"Alert! Alert! Alert! Code red and blue! Red and blue! The babies are coming! The babies are coming! Mrs. Calsey Verlice of Mr. Chaos Aizanver Ivanovich Verlice is in labor!" cringe. It was so cringe. Bakit kailangang whole name pa ni Chaos?!
But I guess, it works dahil kaagad na bumukas ang pintuan ng penthouse. Bumungad doon ang nagmamadali at mukhang nananaginip pang family and relatives ni Chaos. Sumunod rin ang family ko, and some of my relatives too.
They were all panicking at mukhang mauuna pang mahihimatay ngayon kaysa sa manganganak.
Damn it.
This is literally a huge chaos!