Chapter 1 Uncontrollable
"CEO of Glaverra Holdings, Ansel Karius Glaverra is dating the famous American-Filipino actress and model, Stephannie Grant. Are we hearing the wedding bells now?"
I close my eyes tightly before taking a deep breath. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa aking swivel chair, at sa halip ay binuksan ko nalang ang blinds ng glass wall sa aking opisina. Kitang-kita mula dito ang kabuoan ng syudad. I specifically decided to put my office at the highest floor in the building. It always make me comfortable to be on top. Feeling ko ay malapit ako sa langit. Mas nakikita ko ang pagsikat at paglubog ng araw, and it always calm me down. Seeing the tall buildings, and how the sun shines so perfectly. Hindi nababagay sa kung ano ang nararamdaman ko ngayon.
Of course. Dapat naintindihan ko na. That Stephannie. Siya lang ang pinakamatagal na nakasama ni Ansel. Of all his women, parang masasabi kong si Stephannie lang ang sineryoso niya sa lahat ng 'yon.
Ito na 'yong matagal kong hinihintay e. The confirmation of their relationship. Matagal ko na 'tong napaghandaan. Rehearsed na 'yong dapat kong maging reaksyon. Pero bakit... Bakit masakit pa rin? Bakit ang bigat bigat pa rin pala pakiramdam? Pero sa kabila ng lahat ng sakit na naranasan ko, bakit ayaw ko pa ring bumitaw? Hanggang kailan ko ba ilalaban 'to gayong alam ko namang ako lang din naman ang matatalo sa huli?
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi at dahan-dahang pinunasan ang aking pisngi.
Tinakpan ko ang sikat ng araw gamit ang kaliwa kong kamay.
It's just so sad to think that, there are certain things that you really can't control even how much you wanted it be in your hands so badly. Kagaya ni Ansel, ng asawa ko. Hindi ko siya kontrolado, hindi ko siya magawang hawakan sa kamay kahit gaano ko kagustong gawin 'yon. Kahit gustuhin kong itali siya sa tabi ko, hindi ko magagawa 'yon. Because I no longer hold his heart. It was already owned by someone else.
Ibinaba ko ang kamay at pinagmasdan nalang ang dahan dahan nitong pag-usad pataas. Kasisikat lang ng araw pero heto ako ngayon, nagsisinte. Sino ba naman ang hindi di ba? Kung 'yon ba naman ang balitang sasalubong sayo.
I sighed.
Hindi ako nagsisising mag-pagawa ng sarili kong kwarto dito sa opisina ko. Hindi ako nagsisisi sa desisyong huwag na munang umuwi sa bahay.
Ano nga ba ang uuwian ko? Kung may ibang binabahay naman ang asawa ko?
Ang mas masakit pa, hindi alam ng buong sambayanang nakakakilala kay Ansel na kasal na ito. Almost all of the people were shipping Stephannie Grant and my husband because they thought he wasn't married.
Ibig sabihin...
***
Napatakip nalang ako sa aking bibig habang umiiyak nang makita lahat ng latest pictures ni Stephannie at Ansel na magkasama. Lahat ng 'yon ay sa iisang dako lang napupunta ang mga mata ko. Sa kaliwang kamay niya.
"H-hindi na niya suot ang sing-sing..."
Napahagulhol ako ulit dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib. Hindi ko na napansin 'yon. Ngayon ko lang nakita. Kaya pala.. Kaya pala walang ipinagtataka ang mga tao dahil wala naman talaga ang bagay na tanging magiging kataka-taka. The ring that I gave him on our wedding was gone. H-hindi... na niya suot ang sing-sing.
Paano? Kailan? At bakit?
Talaga bang sumuko na siya sa aming dalawa? Wala na ba talaga siyang pagmamahal sa akin? Hanggang dito nalang ba talaga kami?
Ang unfair naman. May pamalit na agad siya sa akin. We didn't even talk. Isang buwan na halos akong naninirahan dito sa sarili kong opisina, at ni-isang beses nun, hindi man lang niya ako sinubukang kamustahin kahit sa text lang. Talagang nakalimutan na nga niya talaga ako. Habang ako, I am still longing for him to come back to me even it looks impossible now.
Pinunasan ko ang aking pisngi at niyakap ang sariling mga tuhod. Ibinaon ko doon ang mukha ko habang patuloy na humahagulhol, mourning for my lost love.
Nasa ganoon akong posisyon nang bigla namang bumukas ang pintuan ng aking opisina.
Boses pa lang, alam ko na kung sino ang bisita ko ngayon.
"Shin! What the heck?!" Dahan dahan akong itinayo ni Tamia mula sa pagkakasalampak sa malamig na sahig ng office. She even wiped the tears on my face before settling me to sit on the sofa. Tumabi siya sa akin at ipinusod ang aking buhok into a messy bun. Tahimik niya lang itong ginagawa habang umiiyak ako.
"I don't know what's happening with you and Ansel, pero isa lang ang gusto kong gawin sa lalaking 'yon ngayon. Gusto ko siyang tadtarin ng pinong pino, Shinny. Tahan na," Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago siya tiningnan. All I can see on her face was nothing but worry.
Tamia Zalabem, my bestfriend, is always to the rescue whenever she feels something wrong about me. Siya lang talaga ang taong masasabi kong, kahit traydurin ako ng lahat, alam kong mananatili siya sa tabi ko kahit ano pang mangyari.
"Ilang taon na 'tong nangyayari? Bakit... Bakit hindi mo man lang magawang sabihin sa akin ang problema mo sa asawa mo?"
Napailing ako at mariing pumikit. Ayaw ko ng umiyak pero patuloy pa rin sa pagdaloy 'to e. I am seriously tired now. Kailan kaya mapapagod ang mga mata ko sa kakalabas ng mga luha?
"Gaano katagal ka ng niloloko ng asawa mo? At bakit hindi mo 'to sinabi sa akin! Kung hindi ko lang nakita ang trending topic ngayon, hindi ko pa malalaman na nagloloko na si Ansel. At hinahayaan mo lang, Shin? Hinahayaan mo lang na gawin kang tanga ng sarili mong asawa? Habang ikaw? Habang umiiyak ka sa sakit at galit, hm? Shin... Maaawa ka naman sa sarili mo, oh."
Umiling ulit ako at hinawakan ang mga kamay ni Tamia. "K-kasalanan ko naman e. Kasalanan ko. K-kung nabigyan ko lang sana siya ng anak, panigurado naman akong hindi siya maghahanap sa ibang babae nun. H-hindi siya gagawa nun kung nabigyan ko siya ng anak..."
Akala ko ay maiintindihan 'yong ng kaibigan ko pero akala ko lang pala. Mukhang mas lalo pa itong nagalit dahil sa nakikita ko sa mga mata nito. Parang isang kalabit mo lang sa kaniya ay liliyab na ito sa sobrang galit.