Chapter 24: Dilubyo

SAVIEL'S POV:

--

NAKANGISING iminulat ko ang aking mga mata. Umaga na naman at panibagong araw para bwisitin ang aking mga inaanak. Babangon na sana ako ng maramdaman kong may pumigil sa bewang ko na siyang ipinagtaka ko.

Paglingon ko, ang natutulog na mukha ni Luther ang bumuluga sa akin na siyang ikinakunot ng aking noo. Inabot ko ang unan ko at hinampas sa mukha ng gunggong na katabi ko sa kama.

"Anak ka ng tinapa, Bloodfist anong ginagawa mo sa kama ko?"

Luther groan out of frustration because of what I did.

"Let me sleep," ani niya na tila inaantok pa.

Naiinis na hinila ko ang tenga ni Luther kaya naman nagising ito at tila badtrip.

"What the fuck is your problem?" galit na tanong niya.

Umupo ako sa kama at pinaningkitan ko ng aking mga mata si Luther. Hindi masyadong makamulat ng kanyang mga mata ang gagu dahil sa sobrang antok. Sino ba naman kasing siraulo ang makikipaglaro sa tatlong chikiting at magpakapagod siya ng ganito? Isang Luther Bloodfist lang naman.

"You're my fucking problem, Bloodfist. Anong ginagawa mo sa kwarto ko?"

Padabog ba muling nahiga si Luther at hinila ang kumot at tyaka umayos ng higa sa tabi ko.

"Just let me sleep for five minutes, Hyuga." tamad na wika nito.

Gusto ko siyang sipain kaso baka marinig kami sa labas, hindi pa man din sound proof ang guest room na tinutuluyan ko dito sa bahay niya.

"Kahit bahay mo ito wala kang karapatang manghimasok ng ibang kwarto, alam mo bang trespassing yang ginagawa mo?"

"Flirting is also a sin, Hyuga. We're even."

"Hoy! Hindi kita nilalandi, kingina ka. Oo, gwapo pero hindi kita type--" napatili ako ng bigla akong hilahin ni Luther sa braso at kinubabawan ako.

"What did you say?" ani niya.

"Na trespassing ka sa kwarto ko."

"No, not that."

"Ang alin ba? Gagu, umalis ka sa ibabaw ko." nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak ni Luther kaso ang gagu sobrang lakas.

Luther pinned me in my bed like I am his prey for today's video.

"I know I'm a good looking guy and no one can't resist it like you always dream about me. Masarap ba magkaroon ng wet dreams while calling my name?"

Umakyat ang dugo sa mukha ko.

"P.. pinagsasabi mo?"

"I came here last night because I heard you're screaming, but it turns out you are watching an horror movie but you end up sleeping, when I was watching your face I felt sleepy so I decided to sleep here and then hours later I hear you moaning like you are having a nightmare but damn, you're calling my name three times."

"F... fake news ka. Hindi ako nagw-wet dreams."

Luther smirked at me. "Wanna try?"

Bago pa man ako makakilos at makapiglas mula sa pagkakahawak ni Luther, in just a split seconds, Luther's lips met mine.

Pakiramdam ko may sumabog na fireworks sa harapan ko. Bago pa ako lamunin ng tukso, inipon ko lahat ng lakas ko sa paa at ipinulupot yong sa katawan ni Luther bago ko ibinalibag ang katawan niya.

"Aww, shit." reklamo nito.

Nahulog lang naman sa kama si Luther. Bumunghalit ako ng tawa dahil sa mukha niyang parang tanga.

"Buti nga." pang-aasar ko pa.

"Ang aga-aga ang lalandi niyo."

Nanglaki ang mga mata ko ng makita si Sinji na nakatayo sa may pintuan ng kwarto ko. Nakasuot ng night gown habang magka-cross ang mga braso sa ibabaw ng dibdib nito suot ang mapang-asar na ngisi.

"H.. hoy! Mali 'yang iniisip mo, wala kaming ginagawang masama." depensa ko bago tumayo mula sa kama at inayos ang damit at buhok ko.

"Sarap bang pumitas, Kuya?" baling ni Sin sa kapatid nitong unti-unting bumangon mula sa lapag.

"One hit, sis."

"Naks naman."

Napangiwi ako sa pinag-uusapan nilang dalawa. Hindi ko gets kung ano yong pitas at one hit.

"Gagu! Anong one hit pinagsasabi mo? Tara na nga mars, nagugutom na ako. Hayaan natin yang tarantado mong kapatid."

"Pwede niyo namang ipagpatuloy ang naudlot mars, kunwari wala akong nakita."

Hinila ko ang buhok ni Sinji. "Gaga."

Tinulak ko na si Sinji palabas ng kwarto na inuukopa ko patungo sa kusina. Tulog pa ang tatlong tyanak at mukhang si Sin lang ang naisturbo ng ingay naming dalawa ni Luther.

"Ipagluto mo ako, mars." utos ko sa best friend ko tutal tinatamad ako magluto.

"So, nang-uutos ka na ngayon?"

"Wala ako sa mood, mars. Please?" nakangusong reklamo ko kay Sin pero ang gaga tinawanan lang ako bago lumapit sa ref at maghalughog ng lulutuin.

Ang aga-aga pinagkakaisahan ako ng magkapatid na ito, and take note laging wala ako sa mood mang-asar. Hindi naman na bago sa akin ang makita si Luther sa tabi ko sa tuwing gigising ako sa umaga.

Mula ng sumama ako kila Sinji nang pumunta sila sa Japan, magkakilala na talaga kami ni Luther at para kaming aso at pusa. At dun naman sa atraso ko kay Luther, kinuha ko lang naman ang scroll na pinakuha niya kay Sin pero maling scroll ang napulot ko.

Pagkatapos kong kumain at makipag-asaran kay Luther, ipinagpaalam ko kay Sin na igagala ko sa mall ang mga bata. Buti na lang at pumayag si Sinji kaya naman tuwang tuwa ang mga bata. Matapos naming bihisan ang tatlong tyanak, nagpresinta si Luther na siya ang maghahatid sa amin sa mall since pupunta naman daw siya sa HuPoFEL. Gusto ko sanang isama si Sinji kaso mas trip niyang magkulong sa kwarto kaya hinayaan ko na lang.

Pagkarating namin sa mall, agad na nagpaalam si Luther sa mga bata.

Akmang hahalikan ni Luther ang pisngi ko pero inambahan ko siya ng suntok na siyang ikinangisi nito kaya ang kamao ko na lang ang hinalikan ni Luther.

"Tita Ninang, do you like Papa po?" napalingon ako kay Serin nang makasakay si Luther sa sasakyan.

"You're too young of that, Serin. I do like your Papa but I hate his guts." hinawakan ko na sa kamay si Serin at Shin samantalang si Seiji naman ay humawak sa kamay ni Serin. Nagmukha kaming may sarili ng daanan papasok ng mall. Mabuti na lang at malawak ang entrance. Sinigurado ko na walang makakabitaw sa mga bata habang nasa mall kami.

"What's guts po?" muling tanong ni Serin.

Nginitian ko na lamang si Serin bago sila iginiya sa isang fast food chain na siyang ikinatuwa ng mga bata. Pagpasok namin, agad akong naghanap ng mesa at pinaupo ko ang tatlo.

Nang masigurado kong ayos na sila, iniwan ko muna ang mga bata sa table at nilapitan ko ang isang guard na nasa fast food.

"Kuya pwede makahingi ng request?" bungad ko dito.

"Ano po 'yun, Maam?"

"Pwede bang itawag mo sa security room nitong mall na tignan ang tatlong bata na kasama ko kahit saan kami magpunta? Alam mo na, mahirap ang panahon ngayon lalo na at mukha silang anak mayaman."

Sinilip pa ni Manong ang triplets na kasama ko habang nagkukwentuhan ang mga ito.

"Wala naman pong masama dun, Maam. Pwede ko po ba malaman ang mga pangalan nila?"

"Bloodfist po." alanganing sagot ko.

Nawala ang kulay sa mukha ni Manong Guard nang marinig ang apelyido ni Luther. Bloodfist ang isa sa mga share holders nitong mall at karespe-respeto namang tao kaya hindi rin maiiwasan kung maraming tao ang galit kay Luther lalo na sa underground society.

"O.. opo, Maam wala pong problema, i.. itatawag ko po agad." nauutal na sagot naman ni Manong Guard.

Nagpasalamat ako kay Manong bago ako pumunta sa counter, hindi ko na kailangang pumila since kilala naman na ako dito. Sa sobrang friendly ko pati may ari ng mall nauuto ko.

Ang mall nga pala na ito ay pagmamay-ari ni Dezrail at balita ko magkakaroon ng mall show ngayon ang BlackHand kaya dinala ko dito ang mga bata. Wala naman akong ibang intensyon bukod sa igala ang mga bata. Tadhana na mismo ang gumagawa para magkita-kita silang mag-aama.

Pagkatapos kong umorder ay bumalik ako sa table namin at hinarap ang tatlo.

"Tita Ninang can we buy toys po? I saw a robot's figure outside the mall." Seiji.

"Ang dami niyo ng toys, hindi ba't nagpabili kayo sa Papa niyo ng toys?"

"But Tita Ninang it's a limited edition Gundam Seed robot. Papa didn't buy it because its out of stock." pamimilit pa ni Seiji.

"Okay fine, we can buy them later."

"Me too, Tita Ninang I want a dress po and one album of BlackHand's band." Serin.

"Sure, how about you Shin?"

"Let me think about it po, Tita Ninang. I saw lots of toys and I can't choose."

Natawa ako sa inasta ni Shin. Nag-iisip muna talaga siya bago magdesisyon.

Nang dumating ang inorder ko ay agad kaming kumain. Mga deserts lang naman 'yon lalo na't iniiwasan namin ni Sin na ma-expose sila sa junk foods. Sobrang talino nitong mga inaanak ko kaya minsan napapanganga na lang ako sa takbo ng utak nila. Pagkatapos namin kumain, dumiretso kami sa Toy Kingdom.

Tuwang-tuwa ang tatlong bata ng makakita ng maraming toys. Ilang beses na silang isinama dito ni Luther sa mall pero hindi sila nagsasawa sa laruan.

"Get whatever you want, kids. I'll wait here." bilin ko sa mga bata bago ako naglakad sa isang bench na nagkalat sa Toy Kingdom.

Pagkaupo ko, pinagmamasdan ko lang ang tatlo na nagsikuha ng kani-kanilang cart para sa mga laruan na mapipili nila.

Minsan naiinggit din ako sa mga inaanak ko dahil naranasan nilang maging malaya, samantalang ako bilang na lang ang natitira kong kalayaan.

Halos isang oras na ang nakakalipas pero hindi pa rin bumabalik ang mga inaanak ko kaya naman tumayo na ako mula sa aking kinauupuan at lumapit sa guard.

"Kuya pakitanong nga sa security room niyo kung na saan ang tatlong bata na kasama ko."

"Wait lang po, Maam."

Nagpalinga-linga ako sa toy store pero kahit ni isang anino ng triplets ay wala akong makita kaya naman dinamba na ako ng kaba. Mukha dito ako sa Pilipinas mawawalan ng buhay kapag nagalit si Sinji dahil sa kapabayaan ko.

"Excuse po, Maam. Yung isa daw po nasa malapit sa bilihan ng robots nitong toy store tapos yong dalawa po hindi po mahanap sa camera."

"Ha? Paanong hindi mahanap? Ibinilin ko sa inyo na bantayan sila diba?"

"Gagawin po namin ang lahat Maam para mahanap po sila."

Nasapo ko ang sarili kong noo.

'Mukhang hindi ako makakauwi ng buhay.'

"Ganito na lang Kuya, pakisabi sa mga kasama mo na panatilihin nakamatyag sa mga camera nitong mall. Ako na lang maghahanap sa kanila."

"Sige po, Maam."

Tumango ako kay Manong Guard at mabilis na umalis sa harapan nito bago binaybay ang section kung saan naroon si Shin. Agad ko namang nakita si Shin na nakaharap sa tatlong naglalakihang robots at tila binubusisi kung alin ang kukunin niya sa tatlo.

"Shin." napalingon ang bata ng tawagin ko ang pangalan niya. Seryoso ang mukha nitong napatingin sa akin.

"What do you think is the most astig of these three, Tita Ninang?"

Jusko kang bata ka ngayong ka pa nagtanong kung wala kang ide-ideya na nawawala ang mga kapatid mo.

"You can get all of them, Shin. We need to hurry."

"Why po?"

Inilagay ko sa cart ang laruan na pinagpipilian ni Shin bago ko siya binuhat at itinulak ang cart na may ilang laruang laman. Pumunta kami sa counter habang karga ko pa rin si Shin.

"Miss, babalikan na lang namin ito." bilin ko sa cashier st tinanguan naman ako nito bilang tugon. Hindi na ako nagdalawang isip pa na umalis mula sa toy store para hanapin si Seiji at Serin.

SEIJI'S POV:

--

"Get whatever you want, I'll wait here." I heard Tita Ninang's voice out of nowhere.

All we could think is toys - lots of toys.

I got separated from Shin while Serin is following me since we have the same destination to go to.

This mall is superb because they lots of toys and accessories like dress and stuff.

Serin got her cart and mine too. Since we have the same taste of toys except barbies and teddy's I decided to go with her.

"Hey, Serin that's a lot of dresses you are holding. Are you sure you want them to try it on?"

"Come on, Kuya. There's nothing to get them all since Tita Ninang and Papa said we can get whatever we want."

"But Tita Ninang said we need to be contented as what we wanted as what we don't needed. She also said that there are kids who don't have money to buy toys like us."

"I know Kuya but this isn't too much. I'll just try them and then choose what I like. You will help me naman diba?"

I didn't say anything to Serin anymore, I just let her take the things she wanted to buy here at the toy store.

It's been an hour since Serin measured the clothes she took. The contents of this toy store are also mixed, with clothes, appliances and other things that you can find inside the mall. Because I was with Serin, I only got a basketball.

I don't even know where Shin and Tita Ninang are. Serin and I seem to have drifted apart, I know Tita Ninang is worried about us.

"Aren't you done Serin, maybe Shin will look for us." I asked Serin while she's still inside the fitting room.

This mall is so big, and I have a bad feeling about this.

"I'm done na po, Kuya. Where is Tita Ninang and Shin?" Serin got out from the fitting room while holding the dresses she fitted. We're just five years old but her attitude is like an adult.

"I don't know, Serin. We don't even know where we are." I said to here while hugging my ball.

I got up from my sit as we fix her cart and my ball. Serin and I push the cart where Tita Ninang is, but sadly we got lost.

"Kuya where is Tita Ninang?"

I can feel Serin's fear when she holds my arms while watching those people goes back and forth. We don't know where we are right now since there is a lot of people inside the mall.

"Sa tingin mo pupunta ba ang BlackHand dito?"

"Hindi sila maglalagay ng tarpaulin sa event hall kung hindi."

"Malay mo naman diba? May mga pagkakataon na hindi sila umattend ng mall shows."

Serin and I looked each other.

Tita Ninang and Serin loves BlackHand.

"Can we go where is that event hall? I want to see them, Kuya." Serin requested.

"But we need to find Tita Ninang first."

"Please Kuya, this is my chance to meet them in person."

I heave a sigh. "I let this one out Serin. Your just five years old for godness sake."

"Yey! Thank you, Kuya."

Serin kissed my cheek as she pulls me where all the crowd is heading. But before we reach the place.

Serin and I bump into someone.

He's wearing a hoodie jacket and a bull cap on his head.

"Tss. Look where you are going, Mister." I said when I met his eyes.

"Gomenasai." the man said. My brow forrowed when he said something I cannot understand. "I mean I'm sorry, I didn't mean to bump into you." he added.

"If you wander around spacing out, just go home already, Mister." Tita Ninang said, don't talk to stranger but this man bumps us first.

I held Serin's hand tightly also the cart we are holding.

"Kuya maybe Tita Ninang is looking for us. I'm scared na, I don't want to go there anymore, let's look where's Tita Ninang." Serin whisper in my ear.

I roll my eyes as we past the guy we bumped into and look for Tita Ninang.

Minutes later, I saw Tita Ninang's built. I was about to call her when someone grabs me and Serin.

"Hmmmnn... hmmnnn." I can't scream my heart out because the person behind me is covering my mouth.

The guy took a different path where Tita Ninang is - she's talking to an officer.

I roam my eyes and then I saw Serin lost conciousness while the other guy is holding her.

I struggled from the grip of the man who abducted us to call Serin. But the man took out a white handkerchief and put it on my nose causing me to lose consciousness. The last thing I saw was Tita Ninang running fast when she saw Serin and I put in the car of the people who abducted us.

SAVIEL'S POV:

--

NAPASIGAW ako sa inis ng umandar ang pulang van paalis sa harapan ng mall. Sino ang mga gagung 'yon?

Bumalik ako sa loob ng mall para kunin si Shin at binuhat ito.

"Why Serin and Seiji left us, Tita Ninang?" napatingin ako kay Shin habang nakatanaw ito sa sasakyang kinalulunaran ni Serin at Seiji.

"I'm sorry, Shin but we need to find your brother and sister. Your Mom will kill me if we can't save them."

"They are bad guys, right?"

Napabuga ako ng hangin sa pagiging kalmado ni Shin samantalang ako ay parang hinahabol ni Kamatayan sa sobrang kaba dahil sa takot na pwedeng mangyari sa mga bata.

Tinanong pa ako ni Manong Guard kung kailangan ko raw ng tulong nila dahil isa sila sa mga nakasaksi ng pagdukot kay Serin at Seiji. Hindi ko alam na nakalabas pala ng mall si Serin at Seiji at hindi sila nahahagip ng camera dahil sa dami ng taong dumadagsa papunta event hall kung saan gaganapin ang mall show ng BlackHand.

Pumunta ako sa lugar kung saan gaganapin ang mall show ng makita ko si Calvin na abala sa pakikipag-usap sa staff niya.

"Cal, pwede ka bang makausap sandali?" isturbo ko kay Calvin.

Bakas ang pagkasorpresa sa mukha ni Calvin at dinismiss ang kausap nito at tsaka ako hinarap.

"Sav, kailan ka pa umuwi?" aniya.

"Matagal na. Pwede bang pasuyo naman tawagan mo si Luther?" pakiusap ko.

"Nasa Lebanon si Luther ngayon."

"Shit."

Napahilot na lang ako sa aking sintido habang buhat pa rin si Shin. May nagsasalita na sa stage pero wala akong pakialam sa kanila. Ang kailangan ko ay mailigtas ang dalawang bata mula sa mga dumukot sa kanila.

"Parang awa mo na kailangan kong makausap si Luther."

"What's happening?"

Sabay kaming napalingon ni Calvin sa taong nagsalita. Tumambad sa akin ang bulto ni Senri. Ang carbon copy ng mukha ni Shin.

Napansin ni Senri si Shin sa bisig ko kaya nagpalipat-lipat ang paningin nito sa aming dalawa.

"Gusto kasi ni Sav na tawagan ko si Boss, hindi ba't nasa Lebanon siya ngayon kasama si Rent at Gun." sagot ni Calvin.

Halos maligo na ako sa pawis dahil sa sobrang kaba habang nakatitig pa rin si Senri kay Shin.

"I didn't know Luther had a child with you, its been a while."

Parang gusto kong tadyakan si Senri. Hindi ito ang oras para magbiro siya.

"Tarantado! Wala akong panahon sa korni mong jokes, tawagan mo si Luther ngayon na."

Dahil sa pagiging desperada ko, ibinaba ko muna si Shin dahil nangangalay na ako kakabuhat sa kanya. Ako na mismo ang naghanap ng telepono sa bulsa ng pantalon ni Senri na agad ko namang nakuha.

"Hawakan mo si Shin at baka mawala yan. Isinusumpa ko hindi ka magkakaanak ng sampu pag nawala ang paningin mo dyan." banta ko kay Senri na siyang ikinamutla ng mukha nito.

Umalis ako sa maingay na event hall at idinial ang numero ni Luther.

Mahirap makapasok ng tawag sa telepono ni Luther ng hindi dumadaan kay Rent kaya naiinis ako ng hindi sinagot ni Luther ang tawag ko.

Naka-limang subok ako bago pumasok ang tawag sa mismong phone ni Luther.

"What is it, Kuruzaki?" tamad na sagot ni Luther sa kabilang linya. Mukhang nasa auction siya dahil sa ingay na naririnig ko.

"Lultlut, kailangan mong umuwi."

"Saviel? Why are you holding Kuruzaki's phone? Where is your phone?"

"Naiwan ko sa bahay. Please umuwi ka na."

"You really miss me that much, Hyuga? You know I can't leave this auction. Its a raid for Bloodfist."

"Kinidnap si Serin at Seiji."

Natahimik si Luther sa kabilang linya kaya tinignan ko ang caller id kung pinatay niya ba o hindi pero gumagana pa rin ang tawag.

"Hello? Luther? Ano ba sumagot ka!"

"I get it. Did you see the culprit?"

"Hindi. Huli na ng makita ko si Seiji, naisakay na sila sa van. Alam nila ang pasikot sikot ng cctv kaya hindi sila nahagip. Mapapatay ako ng kapatid mo pag hindi natin nakuha ang kambal."

"Okay, calm down babe. Talk to you later, I'll be coming home." pinatay na ni Luther ang tawag.

Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok bago bumuga ng hangin. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago bumalik sa lugar kung saan naroon si Senri, Shin at Calvin.

Kung iba ang makakakita mapagkakamalan talagang mag-ama si Shin at Senri dahil sa itsura at postura nilang dalawa.

"Where is Seiji and Serin, Mom?" nagulat ako ng tawagin akong Mom ni Shin.

"H.. hindi ko alam, eh."

"You told Papa about it right?"

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Senri at Calvin sa amin ni Shin dahil sa inaasta niya. Hindi ko alam kung anong trip ng batang ito, mukhang naman niya sa nanay niya ang pang-aasar sa akin.

"Your papa is coming home and we will find where is Seiji and Serin." sagot ko.

"Anak mo ba yan Sav kaya ka nawala?" usisa ni Calvin.

"Gagu! Mukha ba akong nanganak?"

"Kaninong anak yan?"

Hindi na ako umimik ng dumapo ang paningin ni Calvin kay Senri at inilapat sa mukha ni Shin na ngayon ay karga ko na ulit.

"Mukhang alam ko na kung kanino."

Hindi na ako umimik pa at ibinalik kay Senri ang kanyang phone. Iniwan ko na rin sila bitbit si Shin at mga pinamili nitong laruan. Sa HuPoFEL na lang siguro ako maghihintay sa pagdating ni Luther. Ayokong saluhin ang galit ni Sinji, kailangan nandoon siya para may panangga ako sa posibleng dilubyo na kahaharapin ko.

'Kung sino mang sugo ni Satanas ang may gawa nito, may araw ka rin ka sa akin!'