FATE 6

NAKANGITING tinawagan ni Desa si Rome matapos marinig ang sinabi sa kaniya ni Pip tungkol kay Shanella.

"Kailangan nating mag-usap ngayundin. Isa itong magandang balita," masiglang bungad ni Desa sa asawa.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kaniyang swivel chair habang pinakikinggan ang sinasabi ng asawa sa kabilang linya.

"Puwede namang sa pag-uwi ko na natin pag-usapan gaya nga ng sabi mo. Hindi ko lang talaga mapigilang ibalita ito sa iyo," hindi pa rin naaalis ang ngiting aniya sa asawa.

Nakatanaw siya sa labas mula sa glass wall ng pribadong opisina niyang iyon habang kausap ang asawa. She knew that Rome is already curious because she can't hide her happiness in her voice.

"Yes, I can't tell it right now. Hindi puwedeng pag-usapan sa telepono lang. I can only assure you that this is part of our success. Gibbous will fall, and you have to believe it. Kapag narinig mo na ang nalaman ni Pip tungkol doon sa Shanella ay tiyak kong makakatulog ka na nang mahimbing," saad niya sa asawa.

Masaya siyang bumalik sa pagkakaupo matapos ang pag-uusap nila ng asawa. Hindi mawala-wala ang ngiti sa kaniyang mga labi. Muli niya ring dinampot ang larawang nakalapag sa kaniyang lamesa.

"Shanella Cornejo, you really are our savior..." nakangisi niyang wika sa nakangiting larawan ni Shanella.

LUKOT NA LUKOT ang mukha ni Shanella habang pinipilit balansehin ang katawan sa pagtayo sa matibay na sanga ng isang puno. Hindi niya malaman kung tunay bang ensayo ang matatawag doon o kung pinagti-tripan na lang siya ni Kai.

"Raise your hands."

Inis na itinaas niya ang mga kamay katulad ng iniuutos ni Kai. Kanina pa siyang ganoon. She wanted to call Gara and ask for help but she can't see Gara.

"You're only doing it for about fifteen minutes but you already look like a mess. Sabagay, hindi na ako magtataka. You were born to be my mate but you're not a fighter and I can understand your situation. Still, you need to learn. Kaya tigilan mo na ang kakasimangot mo sa akin dahil baka masayang lang ang lahat ng ituturo ko sa 'yo," mahabang ani Kai.

Napameywang naman siya sa sinabing iyon ni Kai. "Really? Akala mo ba biro iyong sinasabi mong fifteen minutes ko sa paulit-ulit na bagay na ito?" asik niya kay Kai.

Kai just smirked that made Shanella angry.

"You're only playing with me, right?" muli niyang asik kay Kai.

"Why would I waste my time?" ganting tanong naman ni Kai.

"Hindi ko kasi makita kung anong use nito sa sinasabi mong-" Hindi niya natapos ang pagrereklamo nang bigla na lamang siyang mawalan ng balanse at mahulog sa kinatatayuang sanga.

Ngunit sinbilis ng kidlat ang naging pagtakbo ni Kai upang masalo siya. Abot-abot ang kaba sa dibdib niya habang nakatitig sa mukha ni Kai na nakatunghay sa kaniya.

"Halimbawang sugurin tayo ng mga kalaban at nasa itaas ka ng puno, paano ka makakalaban nang hindi nahuhulog?" mahinang anas ni Kai habang buhat pa rin siya.

Nakailang lunok siya sa tanong na iyon ni Kai. Para bang umaayon ang mga nangyayari para sa lalaki kaya wala siyang mahagilap na sagot. Pero bukod doon ay abala rin kasi ang kaniyang mga mata sa pagsipat sa bawat sulok ng mukha ng lalaki.

"See? You know what's the use now? O, baka kailangan mo pang mahulog ulit sa akin bago mo ma-realize?" napangisi ng sabi ni Kai.

Tila roon nagkaroon ng lakas si Shanella na kumawala na sa pagkakabuhat sa kaniya ng lalaki.

"Ang kailangan lang naman nating gawin ay magtago muna habang hindi pa ako nagiging ganap na lobo at lumalabas ang lakas at kapangyarihan di ba? Meaning, hindi ko kailangang matuto basta't magawa mo ang iyong tungkulin na itago kami sa mga mata nila," pagtatapang niya kay Kai at tinalikuran na ito. Kailangan niyang itago ang kakaibang kabog ng dibdib niya. Napapansin niyang nag-iiba na ang dating ng lalaki sa kaniya at hindi niya iyon nagugustuhan. Anak ito ng taong pumatay sa kinilala niyang mga magulang at hindi dahil pumayag na siya sa kapalarang ibinibigay sa kaniya ibig sabihin ay kakalimutan niya na ang ginawang pagpatay ng ama nito sa kinilalang mga magulang.

"Sa sandaling maipasa na sa akin ang pagiging lider ng Gibbous, hindi ko balak magtago o itago lang kayo. I want you all to learn how to save yourselves because this is not just my fight. As their leader, kailangan ko rin silang ihanda sa kung anumang mga posibleng mangyayari. Bilang ikaw ay isa na ring Luna, mas dapat ka ring matuto hindi iyong iaasa mo lang sa akin ang lahat," mahabang turan ni Kai bago pa man makalayo si Shanella.

Natameme na lang nga muli si Shanella. Nais niya lang namang makaiwas sa ensa-ensayo na sinasabi ni Kai dahil may kakaiba na siyang nararamdaman sa tuwing kasama ito. Ngunit hindi niya akalaing mapapamukhaan pa siya ng lalaki. Lumalabas pa tuloy na iniaasa niya ang lahat kay Kai at wala siyang balak mag-ambag. Nilingon niya si Kai ngunit wala na ang lalaki...

BUONG lakas na hinarang ni Shanella ang mga suntok ng lalaking tila galit na galit sa pagsugod sa kaniya. Bahagya siyang napaigik dahil sa kaunting sakit na naramdaman ng mga braso niyang tinamaan na siya niyang ginamit pangharang. Hindi pa man siya nakakahuma ay paparating na naman ang mga malalaking kamao papunta sa kaniya. Kinailangan niyang tumalon pakanan upang maiwasan ang bilis na iyon. Nakaiwas naman siya ngunit nahawakan naman ng lalaki ang isa niyang paa at kaagad siya nitong iniikot. Sa sandaling bitiwan na siya ng lalaki ay tiyak na titilapon siya kung saan at hindi niya alam kung paano poprotektahan ang pagbagsak ng katawan sakali man.

"Stop it, Kai!" malakas niyang hiyaw nang hindi naman nito bitiwan ang kaniyang paa kaya naman mahilo-hilo na siya sa tagal ng pag-ikot sa kaniya.

Si Kai nga ang lalaking sumusugod sa kaniya. Ilang araw mula nang magkaroon sila nang hindi pagkakaintindihan ay kinain niya ang pride at humingi ng sorry dito. She hated it when Kai ignore her at first. Pero imbes na makipagmatigasan, she chose to please him and she succeeded. Pero ang nakakainis sa kaniyang parte, pinagtawanan siya ng lalaki. Natatandaan niya pa nga ang sinabi nito sa kaniya.

'Parang gusto ko na lang na nakikipagmatigasan ka sa akin palagi para naman palagi mo rin akong lalambingin sa tuwing ma-re-realize mo na mali ka at tama ako.'

Ganoong-ganoon ang eksaktong mga salitang binitiwan nito sa kaniya. She let it pass. She controlled her anger. Ayaw niyang ipakita lalo sa lalaki na natatalo siya nito.

"So, you lose again?!" malakas na sigaw ni Kai habang patuloy pa rin siya nitong iniiikot sa pamamagitan ng paghawak sa kaniyang isang paa.

Hilong-hilo na talaga siya. Sinabi sa kaniya ni Kai na kailangan niyang sabihin na talo siya kapag wala na siyang magawa. Sa ganoong paraan daw ay matututo siyang pagbutihin pa ang pag-e-ensayo.

"Okay! You won! Just stop it!" gigil niya ng sigaw.

Napanganga siya nang bigla na nga siyang bitiwan ni Kai! Meaning, her body will go somewhere and worst, baka mabalian pa siya kung saan man siya hahampas o babagsak!

Gustong-gusto ni Shanella na sugurin si Kai ng mga sandaling iyon ngunit kaagad siyang napigilan ni Gara.

"He was just testing your strength including your patience," wika ni Gara.

"Woah! Testing me?!" pinanlakihan niya ng mga mata ang ina ni Kai.

Akala niya talaga ay kung ano ng mangyayari sa kaniya nang bigla na nga siyang bitiwan ni Kai. She was pissed. Buong akala niya talaga ay hahampas o hahagis siya kung saan. Pero laking pasasalamat niya nang may sumalo sa kaniya matapos bitiwan ni Kai ang kaniyang paa. Isa sa mga kasamahan nila ang sumalo sa kaniya kaya naman bwisit na bwisit siya kay Kai na parang wala lang na naglakad na palayo roon.

"Believe me, Shanella, you will learn. Everything he's been doing is for your own sake," pagngiti lang ni Gara.

Umirap lang siya sa sinabing iyon ni Gara.

MASAYANG sinalubong nina Rome at Desa ang isang lalaki sa airport.

"Welcome home, Logan!" masuyong hinalikan ni Desa sa noo ang lalaki, si Logan.

"Finally, my son..." niyakap naman ito ni Rome.

"It's been a while, mom, dad. Akala ko nga ay wala na kayong balak pabalikin ako," masaya namang turan ni Logan kasabay ng pagtanggal nito sa suot na shades.

"Maaari ba naman iyon?" masuyong pinisil ni Desa sa pisngi ang anak.

"Sinabi naman namin sa iyo, di ba? When the time is right..." ani naman ni Rome.

"So, you mean, dad, I will be replacing you now?" may galak sa mga matang tanong ni Logan.

Marahang tumango si Rome.

"Finally! I will be able to get revenge to Thallon and Gara for killing my-"

"Stop, Logan... It's not just about revenge. Also, be careful with your words. It might hurt her," pagputol ni Rome sa anak at bahagyang tinapunan ng tingin si Desa.

"I'm sorry... I just lose myself for a while," paghingi ng paumanhin ni Logan at saka niyakap si Desa.

"It's okay, Logan, I understand your feelings. That's why you need to be brave. Huwag na huwag mong hahayaang talunin ka ng iyong emosyon dahil maaari iyang maging mitsa ng iyong pagkabigo," saad ni Desa habang hinahagod ang likod ni Logan.

"Let's go. Sa bahay na ang selebrasyon kasabay ng paghirang sa iyo as the new alpha of our pack," yakag na ni Rome.

Nang makalabas na sa airport ang tatlo ay tumayo naman ang isang malaking lalaki ang tumayo mula sa pagkakaupo di-kalayuan sa kinatatayuan nina Rome kanina. Malinaw niyang naririnig ang pinag-uusapan nina Rome dahil isa rin siyang lobo mula sa Gibbous. Nagmamadali na rin siyang umalis doon upang ibalita kina Thallon ang nalaman.

PALINGA-LINGA sina Thallon at Gara sa paligid habang hinihintay ang pagdating ni Garry, ang isa sa mga kasamahan nila na inutusan nilang manmanan si Desa. May kalayuan sila sa pinagtayuan nila ng panibago nilang tirahan habang hinihintay si Garry. Hindi kasi alam ng anak nilang si Kai ang tungkol doon at ayaw din nilang ipaalam.

Hanggang makarinig na nga sila ng mahihinang kaluskos sa paligid. Kaagad na pumula ang mata nilang dalawa bilang paghahanda kung sakali mang hindi si Garry ang lumitaw.

"Ako ito," kaagad namang wika ni Garry bago ito tuluyang lumitaw.

Kaagad na nawala ang pagpula sa mga mata nina Thallon at Gara.

"Anong balita?" halos magkasabay na tanong ni Thallon at Gara.

"Dumating na si Logan... Dinig ko rin na ipapasa na ngayon ang trono sa kaniya. They're preparing," sagot ni Garry.

Nagkatinginan sina Thallon at Gara.

"Tiyak na uutusan nila si Logan na alamin ang pagkatao ni Shanella at hindi natin iyon maiiwasan," pagbuntonghininga ni Gara.

"We need to send her in the city," wika naman ni Thallon.

"Ako na ang bahala kay Luna Shanella bukas. Pero kay Alpha Kai..." sadyang ibinitin ni Garry ang sasabihin.

"Leave him to us. I know how to handle my son. Siguraduhin mo lang na mahahanap ni Logan si Shanella. Kailangan natin ng katiyakan sa mga planong ito," saad ni Thallon.

"Alam ko na ang gagawin at kung saan dadalhin ang luna na magiging ligtas kami pareho," pagsagot ni Garry.

KINABUKASAN...

Hingal na hingal na si Shanella habang sinasangga ang bawat tama ng mga kamao ni Kai. As usual, she's training again with Kai. Pero kinausap niya na ang sarili na huwag ng padadala sa anumang gawin ni Kai dahil tiyak na pang-iinis o pang-aasar lamang iyon sa kaniya.

"Not this time, Kai," abot-tainga ang ngiti na sabi ni Shanella.

Hinawakan na naman kasi ni Kai ang isa niyang paa nang tumalon siyang muli paiwas. Pagkatapos ay sinimulan na naman siyang nitong iikot habang hawak ang isa niyang paa ngunit sa pagkakataong iyon, nagawa niyang ikawit ang isang paa sa leeg ni Kai.

"So, may natututunan ka na pala?" pagngisi lang naman ni Kai.

Hindi alam ni Shanella kung bakit nag-init na naman kaniyang mukha dahil sa paglapit lalo ni Kai ng mukha nito sa kaniya. Kaagad siyang kumawala sa pagkakahawak ni Kai sa isa niyang paa at nakatayo nang maayos hindi kagaya dati na hindi niya mabala-balanse ang katawan.

"That's it for today, my luna... Magpahinga ka na muna sa araw na ito," wika ni Kai na lihim na ipinagpasalamat ni Shanella.

Nagpasya siyang maglakad muna papunta sa ilog doon nang bigla siyang sabayan ni Garry.

"Ang galing niyo na Luna Shanella," pagpuri ni Garry.

Hindi naman na nagulat si Shanella sa paglitaw na iyon ni Garry dahil nasanay na siya sa presensiya ng mga kasamahan doon.

"All thanks to-" kusang napahinto si Shanella. Bigla niyang naisip na bakit niya naman babanggitin si Kai samantalang grabeng pahirap ang ginawa nito sa kaniya sa ilang araw nilang pag-e-ensayo.

"Deserve ninyong makapamasyal at makakita naman ng ibang tanawin ngayong araw, mahal naming Luna," alam ni Garry na magandang pagkakataon iyon upang makumbinsi si Shanella sa isang bagay na ipinagagawa sa kaniya nina Thallon.

"Ibang tanawin?" may pagtatakang tanong ni Shanella.

"Katulad na lamang sa kapatagan o halimbawa ay sa Maynila ulit. Tutal ay nasa ibaba lang namn iyon nitong kabundukan," walang pag-aatubiling ani Garry.

"Pero..." gustong tumanggi ni Shanella ngunit tila nagugustuhan niya rin ang ideyang makapamasyal muli sa Maynila.

"Huwag kayong mag-alala, hindi kayo kaagad hahanapin ni Alpha Kai dahil ibinigay niya ang maghapon na ito ngayon sa iyo, hindi ba?" nakangiting saad ni Garry.

Sa huli ay pumayag na nga si Shanella sa kagustuhang makakita muli ng ibang tanawin o makapaglakad muli sa nakagisnang Maynila. Nais din niyang makapamasyal muli sa kaniyang dating eskwelahan at hindi naman siya nangangamba dahil kasama niya si Garry at sinabi pa nito na may ibabalabal sila sa kanilang kalahating mukha upang wala umanong makakilala sa kaniya...