FATE 7

MALAKAS na palakpakan ang pumuno sa bulwagan ng mansiyon ng mga Thompson na mas maituturing na pag-aari ng buong Sturgeon. Naipasa na kasi ang pagiging Alpha kay Logan Thompson, ang nag-iisang anak nina Rome at Desa.

"Thank you, everyone. Let me just remind you, this is not yet a success. Hindi dahil nagbalik ako ay ayos na ang lahat. Kahit na nakasulat na sa libro ang pagbagsak ng Gibbous White Moon Pack sa pamamagitan ko, hindi tayo dapat pakampante," malakas na pahayag ni Logan habang nakatayo sa pinakagitna.

Makikita sa mga itim na itim na mata ni Logan ang matinding kagustuhan na mapabagsak ang Gibbous.

"The success is ours, son. We've taken care of you and now our fate depends on you. Naniniwala ako sa kung ano ang nakasulat na sa libro ng tadhana," itinaas ni Rome ang hawak na kopita habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"Your dad is right, Logan. You don't have to worry. Hindi rin namin kailangang mag-alala dahil bukod sa nandito ka na, umaayon ang lahat sa ating kagustuhan. Tadhana na ang gumagawa ng paraan upang maging matagumpay tayo," maaliwalas naman ang mukhang saad ni Desa.

"Halatang-halata nga ang kasiguraduhan sa inyong mga mata... Is there something I'm still not aware of?" pagtanong ni Logan.

Ngumiti naman si Desa at saka tinapunan ng tingin si Rome. "Should we tell them now?"

"Of course, sweetheart! Dapat ay alam ng alpha ang lahat-lahat. No secrets or anything," sagot naman ni Rome.

Naglakad si Rome papunta sa tabi ni Logan.

"What is it?" makikita ang curiosity sa mukhang tanong ni Logan.

Tumikhim muna si Rome bago nagsimulang magsalita. "Bukod sa alam naman na ng lahat na ang aking anak na si Logan ang tuluyang tatapos sa lahi ng Gibbous, hindi rin naman lingid sa inyo kung sino at kung ano ang papel ng isang Kai Leo Harrison mula sa Gibbous..."

Bigla namang dumilim ang anyo ni Logan. "He's a pest... I want to be the one who can kill him but..."

Tinapik ni Rome ang balikat ni Logan, "Don't be mad, son... His time is already running out. Hindi lang siya basta mamamatay dahil mamamatay siyang puno ng lungkot..." siguradong-siguradong turan nito sa anak.

"Ano ba ang dapat naming malaman?"

"Oo nga, gustong-gusto na naming marinig kung ano man iyan."

"Dapat ay madaliin na ang pagtapos sa Gibbous. Masyado ng masikip ang mundo para sa dalawang lahi."

Ilan lamang iyon sa mga maririnig sa mga naroon na Sturgeons.

"Sabihin mo na at nang mas maging maligaya ang gabi ng lahat," pagtango naman ni Desa kay Rome.

Muling tumikhim si Rome. "Noong pakialaman ko ang libro ng tadhana ay tinanggap ko ng inilagay ko sa alanganin ang aking buhay. Ngunit hindi iyon mahalaga dahil alam ko namang kapag nagtagumpay ako, wala na akong dapat ikatakot. Ngunit sadyang tuso rin ang mag-asawang Thallon at Gara dahil matapos nilang malaman ang nangyari, humiling sila kay Serena. Ang hiling na iyon ay ang hindi masama ang anak nila sa extinction ng Gibbous. Meaning, wala kahit sino sa Sturgeon ang makakapatay sa kanilang anak na si Kai," sandali siyang huminto at pinagmasdan ang buong Sturgeon.

Si Logan naman ay nananating madilim ang anyo habang nakikinig sa kaniyang ama. Alam niya na ang tungkol kay Kai dati pa kaya nga siya ipinadala ng mga magulang sa ibang bansa. Dahil iniisip ng mga magulang niya na baka patayin siya ni Kai. Maaari kasi siyang patayin ni Kai at hindi niya maipagtatanggol ang sarili dahil hindi niya naman mapapatay si Kai.

"Kung may matitira rin naman palang isang Gibbous, na magagawang makapagparami muli, hindi sila mauubos nang tuluyan at hindi ko makukuha o ni Logan, o ng mga susunod pang alpha ang lakas o kapangyarihan na maaari naming taglayin sa sandaling ang Sturgeon na lamang ang tanging lahi na matira. Kaya naman gumawa kami ng paraan upang mapatay si Kai," pagpapatuloy ni Rome at saka nito tinapunan ng tingin si Desa, pahiwatig na ito naman ang sunod na magpatuloy.

Nakangiti namang naglakad si Desa palapit kina Rome at Logan na nasa gitna ng bulwagan na iyon.

"Napag-alaman namin na mayroong maaaring makapatay kay Kai. Iyon ay sa pamamagitan ng isang inosenteng lobo na galing sa mababang uri lamang. Sa pamamagitan nina Ruwel at Gigi ay ipinanganak ang lobong papatay kay Kai kasabay ng pagtapos na rin ni Logan sa buong lahi ng Gibbous," nilingon ni Desa ang binanggit nitong mga lobo, sina Ruwel at Kai na masaya namang yumukod sa kanila.

"Isang malaking karangalan na makatulong sa ating lahat," sambit pa ni Ruwel.

"Si Niah, ang anak ni Ruwel at Gigi ay ang tatapos sa buhay ni Kai. Dahil nga kailangang manatili siyang inosente o walang alam tungkol sa mga lobo, pagkapanganak kay Niah ay dinala namin siya sa isang bahay-ampunan upang mamulat siya bilang isang simpleng tao lamang. Kapag tumuntong na siya sa edad niyang dalawampu ay kusang lalabas ang kaniyang kapangyarihan at kusa niya ring mahahanap si Kai upang patayin," mahabang pagpapatuloy ni Desa.

"Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay mayroong pamilyang umampon kay Niah kaya naman kinailangan pa namin siyang hanapin," si Rome naman ang nagsalita, "akala namin ay masisira na ang lahat pero mas umayon pa pala ang pagkakataon. Dahil si Niah ay nasa poder ngayon ng mga Gibbous."

Umugong ang malakas na bulungan at napakunot-noo rin sina Ruwel at Gigi.

"P-paanong nangyari iyon? A-ano ng mangyayari sa-" hindi natapos ni Logan ang mga sasabihin dahil nagsalita na kaagad muli si Rome.

"There is nothing to worry about... Hindi alam ni Kai o nina Thallon at Gara na ang kasama nila ay si Niah. Isang Shanella Cornejo ang inaakala nilang kasama nila. Nahanap nila si Shanella na perfect maging breeder at Luna ni Kai. Si Niah ay gagamitin nila upang magkaroon ng supling si Kai. Ngunit akala nila ay isang Gibbous si Niah, ang nawawalang anak ng isa sa mga kasamahan nilang napatay namin noon. Hindi nila alam na ang hinanap nilang anak ng kasamahan nila noon ay kasama rin naming pinatay. Hindi alam iyon ni Thallon at Gara dahil tinakbuhan nila ang kanilang mga kasamahan noon... Ibig sabihin, wala silang kamalay-malay na nasa kuta nila si Niah, ang lobong tatapos sa pinaka-i-ingat-ingatan nilang si Kai..."

Dahil sa mga narinig, nagbunyi muli ang lahat ng Sturgeon.

"Hindi na ako makapaghintay na sumapit ang araw na iyon... Makakapaghiganti na rin ako sa wakas sa mga Gibbous..." makikita ang galit sa mga mata ni Logan. Galit na kinimkim nito ng ilang taon. Para sa kaniya, mayroong dapat pagbayaran ang mga Gibbous... Isang bagay na hinding-hindi niya makakalimutan...