FATE 16
NAGLAKAD si Rome papunta sa cage na kinaroroonan ni Kai. Makikita ang kasiyahan sa mukha nito. Tila ba mababasa ng kahit sinuman ang tagumpay sa mukha nito.
"Watch her, Kai, then suffer... Just like what you all did to my Doreene..." magkahalong galit at sayang sabi ni Rome kay Kai.
"H-Hindi k-ko a-alam ang s-sinasabi m-mo... L-layuan niyo s-si Shanella..." nanghihina man ay sinagot ni Kai si Rome.
"Why don't you ask your father here?" naniningkit ang mga matang tinanaw ni Rome si Thallon na nasa di-kalayuan. Hindi nito binibigyang pansin ang tila kalmadong mukha ni Thallon sa pag-aakalang maaaring tinanggap na lamang ni Thallon na tuluyan na nilang mapapabagsak ang Gibbous.
Mayamaya ay nakita ni Kai na mas lumapit pa si Logan kay Shanella.
"G-get a-away f-from h-him..." muling nagbago ang kulay ng mga mata ni Kai. Tila ba pinipilit nitong ipunin ang lahat ng lakas na natitira pa upang iligtas si Shanella sa nakikitang kapahamakan.
"No, don't waste your energy. Sayang naman kung hindi mo makikita ang mga mangyayari," pagtawa ni Rome saka nito binalingan sina Logan at Shanella.
"Come on, Niah... Bilisan mo na dahil kanina pa ako excited sa mga ipapakita mo sa amin," itinaas pa nga ni Logan ang baba ni Shanella habang sinasabi ang mga iyon. "Ang paghihirap na nakikita ko sa iyong mga mata ay ang mismong tagumpay nating mga Sturgeon..."
Malinaw namang naririnig ni Kai ang mga sinasabi ni Logan.
"A-ano bang mga walang k-kwentang s-sinasabi n-niya?" naguguluhan na ring tanong ni Kai.
Ngumisi si Rome. "You really had no idea and I understand that... Lahat naman kayong Gibbous ay wala talagang alam. Napakadali niyo lang kasi talagang paikutin sa mga kamay naming Sturgeon. Katulad na lamang ng nangyari sa libro ng tadhana..."
"J-just t-tell m-me w-what's h-happening..."
"Okay. Here it is, Kai," pinagsalikop ni Rome ang mga palad. "Ilalatag ko na sa iyo since mukhang matagal pa ang paghihirap ni Niah—I mean ni Shanella," natawa ito at saka umiling, "I really mean, Niah," saka ito humalakhak.
"Ama, bakit mo naman sisirain ang sorpresa," nakatawang baling ni Logan kay Rome bilang pagtutol sa balak ng ama na magkwento na kay Kai.
"Nakakaawa na kasi, anak. Ito na lang ang kabutihang magagawa ko," muli nanamang humalakhak si Rome at saka muling binalingan si Kai, "I'm sorry, Kai, pero she's Niah and she's one of us. She's a Sturgeon with a fate to kill you. Kung akala niyo ay walang makakapatay sa 'yo, nagkakamali ka. Naging Luna mo pa nga ang nakatakdang pumatay sa iyo. Minahal mo pa nga," humahalakhak pa rin na pahayag niya.
"N-no... N-no..." palalim nang palalim ang paghingang sambit ni Kai.
"I'm sorry again, Kai, but it's the truth. Nang malaman naming humiling ang mga magulang mo kay Serena na hindi madadamay ang magiging anak niyo pa lamang at sa halip ay ang magiging tagapagligtas ng inyong angkan, gumawa rin kami ng paraan para hindi kayo magtagumpay. Kung paano? Iyon ay sa pamamagitan ng isang Sturgeon na nagmula sa pinakamababang uri, isang omega. Dapat din ay mas bata sa iyo ng isang taon lamang at kailangan ding inosente at walang alam tungkol sa ating mga lobo sa kaniyang paglaki. That was Niah—the one you're calling Shanella, the mother of your kids..." nakaloloko ang mga ngiting pinakawalan ni Rome.
Para namang nanlamig ang buong katawan ni Kai. Paglingon niya kay Shanella ay kita niya ang unti-unting pagbabagong anyo nito. Doon niya napatunayang nagsasabi ng totoo si Rome. He can see with his own eyes how Shanella transformed into a black wolf, a Sturgeon, indeed. Unti-unting namuo ang luha sa kaniyang mga mata at saka siya napalingon sa kinatatayuan ng amang si Thallon. Hindi niya malaman kung anong nangyayari. Nagkamali rin ba ang kaniyang ama sa pag-aakalang sa kanila si Shanella? Did his father didn't know that Shanella is not really destined to be his breeder at all? He can't determine which is a lie right now...
"Nang malaman naming may kumuha kay Niah, hindi ako nagkamaling kayong mga Gibbous iyon. Or should I say, ang iyong mga magulang na parehong desperado't desperada. Maybe they spotted Niah in a distant or they smelled her. They thought Niah is a lone she-wolf and that they can use her for you to breed. Para mapalaki pa ang inyong angkan. It's just pathetic of them na hindi man lang sila nag background check. Idiots..." kunwari ay napailing pa nga si Rome.
Rome is still talking when they heard a loud growl. They all turned their heads to Shanella. It was her and she is now in her she-wolf form. Ramdam na ramdam ang enerhiyang inilalabas ni Shanella. Ang maganda nitong transformation ay nagkahatid ng takot sa mga Gibbous. Lahat ay napaatras sa hindi inaasahang pangyayari. Inaasahan ng mga Gibbous na si Kai ang magtatransform at magliligtas sa kanila. Subalit nauna pa si Shanella at hindi bilang isang Gibbous kundi bilang isa palang kalaban. While the Sturgeons growled and started to celebrate.
Napaalulong naman ang mga lobong kasama ni Kai sa loob ng cage. Tila bigla kasing tumigil sa paghinga si Kai matapos ang transformation ni Shanella. Hindi na ito halos gumagalaw at makikita ang pagbagsak ng luha sa mga mata nito.
Muli namang nagpakawala nang mas malakas na halakhak si Rome.
"Mukhang napatay ka na kaagad ni Niah sa pagbabagong anyo niya pa lang," saka naglakad si Rome upang mas mapagmasdan pa sa malapitan si Shanella. "Napakagaling. Sigurado akong kung nasaan man si Doreene ngayon, ipagmamalaki ka niya bilang isang omega..."
"Anong nangyayari?" bigla namang saad ni Desa.
Sabay na napalingon sina Rome at Logan kay Desa.
"Ano bang sinasabi mo, mahal ko. Hindi mo ba alam ang nangyayari? Nakalimutan mo na bang ito na ang pinakatagumpay ng mga Sturgeon?" ibinuka pa nga ni Rome ang mga kamay upang yakapin si Desa.
Ngunit bahagyang tinabig ni Desa ang mga kamay ni Rome. "Hindi mo ba nakikita?" nanlalaki ang mga matang tanong niya kay Rome.
"Ano bang problema mo, Desa?" pagalit namang tanong ni Logan.
"She was suppose to attack him already... P-pero... W-wala siyang g-ginagawa... L-look at h-her eyes..." matinding takot ang nararamdamang sambit ni Desa.
Tinitigan nga ni Rome si Shanella. "I don't see anything, Desa. Stop with your nonsense!"
"Luha ba iyon?" saad naman ni Logan.
Rome chuckled. "Did you two lost it? Kung ano-anong nakikita ninyo..."
"N-no... I-is it p-possible t-that..." napailing-iling si Desa.
"What is it, Desa?" may pag-aalala na rin sa mukhang tanong ni Logan.
"H-hindi ba tinalo na ng pag-ibig ang tunay na kapalaran ni Niah?" pagsisiwalat nito.
"That can't be. That's ridiculous and you know it!" sigaw ni Rome.
"Look at her, Rome!" ganting sigaw ni Desa. "This is why Thallon wasn't surprised when we revealed that Niah is going to kill his son. Dahil alam niyang mangyayari ito..." tinitigan niya si Thallon na wala pa ring kakilos-kilos sa kinatatayuan nito.
Ayaw pa rin namang maniwala ni Rome kaya naman lumapit ito kay Shanella.
"Niah! Kill him now or I will be the one to kill you!" sigaw niya kay Shanella.
Shanella, in her she-wolf form, turned to Rome. With anger on her face, she attacked Rome. It was fast. Malalim ang sugat na natamo ni Rome sa dibdib nito gawa ng matatalim na kuko sa mga paa ni Shanella.
"No!" sigaw naman ni Logan na kaagad tinakbo si Rome.
Tila naman itinuod sa kinatatayuan si Desa.
"I-I'm fine, s-son... J-just k-kill h-her before we all die..." kahit na may iniindang sakit ay makikita pa rin ang tapang sa mga mata ni Rome.
"I will," puno ng galit na sambit ni Logan.
Madilim ang anyong naglakad si Logan papunta kay Shanella. Pagkatapos ay tumalon ito nang mataas at sa pagbagsak niya sa mismong harapan ni Shanella ay isa na siyang lobo.
Nagsimula silang maglaban. Sturgeon versus Sturgeon. Lakas sa lakas. Galit sa galit...