Kabanata 5: Court
Nanatili akong tahimik at nakanguso habang sinusubuan ng lalaki. Hindi niya pa rin ako pinapayagang kumain ng ice-cream tapos pinipilit pa akong ubusin ang niluto niya.
Habang kumakain ay doon ko lang napagtantong, sobrang tagal talaga ng pagkakatulog ko. Madilim na e. Ito nga at naghahapunan na ako.
I sighed.
Sobrang dami namang nangyari sa akin ngayong araw. Buong akala ko ay simpleng usapan lang at pagkatapos ay pipirma na ako ng kontrata pero heto ako... nasa penthouse ng CEO ng UDPC at kumakain. At ang lakas ko pa talagang utosan ito kaninang bilhan ako ng ice-cream.
"What's the matter?" He asked when he noticed my sighs.
"I wanna go home..." mahina kong saad habang tinititigan ang pagkain sa harap ko. He's a good cook. Masarap ang niluto niya sa totoo lang. Kaya lang... wala akong gana e. Mas gusto kong kumain ng ice-cream ngayon na alam kong magagawa ko lang kapag nakauwi na ako sa bahay.
And Paula...
Oh God! Paniguradong nag-aalala na 'yon! Boba kasi! Bakit ko ba nakalimutang posibleng naghihintay sa tawag o text ko si Pau!
"Where's my bag? My phone?!" I panicked. Napangiwi ako nang biglang sumakit ang aking likuran sa simple kong pag-tayo.
Marahan kong hinaplos ang aking tiyan. Grabe na ang pagpapahirap sa akin ng apat na 'to. Magkakasakit pa yata ako sa puso nito e.
"Calm down, woman. What's with the hurry? You're not done eating yet. You have to finish this before we'll talk about your work."
Work. Oh right. May trabaho pa pala ako at hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakapirma ng kontrata.
Mabilis akong humarap rito at inilahad ang kamay. "Give me the contract and I'll immediately sign it."
Napatitig ito sa akin ng ilang sandali bago dahan dahang lumapit sa akin. I raised my brow at hindi nagpatinag sa gusto nitong gawin.
Kumabog ang dibdib ko nang sakupin ng braso nito ang aking baywang bago iginiya palabas ng dining area nang hindi nagsasalita.
Napanguso ako. Parang natunaw na naman ang irita at inis sa puso no dahilan ginawa nito. Ang soft naman ni boss.
Dahan dahan ko nitong pinaupo sa sofa.
"Wait here, hm? I'll just get the contracts for you to sign." Ani nito bago tumalikod at umakyat. I smiled. Finally. Secured na ang magiging gastusin ko sa panganganak.
I caressed my tummy softly.
Pakatatag lang kayo inside Nanay's tummy mga anak. Gagawin ni Nanay ang lahat para maging maayos kayo.
Ilang minuto lang ay bumaba na kaagad ang lalaki at kaagad na lumapit sa akin. He took the seat beside me before giving me the papers.
I giggled happily causing him to chuckle.
Sumandal ako sa inuupuang couch at akmang sisimulan na ang pagbabasa nang pigilan ako nito.
"Before signing the contract, consider yourself as my personal assistant too and not just a writer under my company."
My forehead knotted, confused of what does he mean by that. Bobohan ba 'to? How am I going to do the job of being a writer kung magiging assistant niya rin ako, personal pa. Hindi niya ba nakikitang buntis ako?!
"Naglolokohan yata tayo dito e. Gusto kong maging writer, hindi maging personal assistant mo. Balak mo yata akong patayin sa pagod. I am having a quadruplets for God's sake!" inis kong saad. Padabog kong ibinigay ulit sa kaniya nag mga papel.
"Hindi no nalang pipirmahan! Maghahanap nalang ako ng ibang kompanya!" dagdag ko pa.
Nakita ko ang pagdilim ng mukha nito bago umiling at bumuntong-hininga.
"Just trust me, okay? Just sign this and it'll all be good." Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito.
"Frias." He called out sternly. Siniringan ko ito bago nag-krus ng mga braso.
"Okay, what do you need, hmm? In exchange of your sign."
Napanguso ako at tahimik na nag-isip. Hmm... Gusto ko nga ng ice-cream na pandan at bagoong flavor e.
"Ice-cream. Iyong pandan at bagoong flavor." I smiled cheekily at him. Nakita ko ang pag-ngisi nito at bahagyang pag-iling.
"Fine. We'll buy that. But sign it first." Walang pagdadalawang isip na pumirma na ako. Hindi ko na binasa pa ang laman dahil alam ko namang tungkol lang 'yon sa trabaho ko. Bahala na si Batman ngayon basta gusto ko talagang kumain ng Ice-cream.
Hindi ko 'yon mabibili dahil wala ako pera kaya... gagamitin ko muna siya. I laughed evilly inside my head. Siya nga nanghahalik e kaya tama lang 'to.
Nang matapos ko nang pirmahan ang mga papel ay kaagad ko itong ibinigay sa kaniya. I saw the relief on his face when he touched it. He turned to me before smirking a little. I smirked too.
Weirdo na ba kami?
***
"Babe..."
I rolled my eyes at him. Hinding hindi ko siya papansinin hanggat hindi niya ako binibilhan ng ice-cream na bagoong flavor!
Pagkatapos ng pirmahan kanina ay nagyaya na kaagad akong lumabas para makabili ng ice-cream at pagkatapos ay uuwi na rin ako. Siyempre magpapahatid ako sa kaniya.
Tumigil kami sa isang shop kung saan nagtitinda ng ice-cream. Masayang masaya pa ako pero nang makitang walang bagong flavor ay kaagad akong nairita. Nawalan na ako ng gana.
"Sadhbh Oonagh Frias, your ice-cream is melting already..." mariin nitong saad. Hawak niya pa rin ang lalagyan ng ice-cream pero hindi ko man lang ito hinawakan. Nakahinto kami ngayon sa tapat ng ice-cream parlor.
"Sadhbh,"
"Gusto ko rin ng bagoong flavor nga!" pasigaw kong utas.
I saw him pinched his nose before sighing deeply.
"There's no such thing called bagogang, Sadhbh. They only have pandan, ube, and the other flavors too but there's no bagogang." He said and I can feel that he's getting impatient and frustrated too.
Napanguso ako. My eyes are slowly clouded with tears now. Alam ko namang wala talagang bagoong flavor na ice-cream. Pero nakakaiyak lang na hindi niya kayang bigkasin 'yon ng tama.
Bagogang? Really?
Napasinghot ako.
"Babe," lumambot ang boses nito. Itinabi muna nito ang lalagyan ng ice-cream bago inabot ang aking kamay.
"Stop calling me babe! Di kita kilala!" mahinang saway ko habang sumisinghot. Hindi ito nagpatinag sa hampas ko. Tinanggal nito ang seatbelt ko bago ako inangat at patagilid na iniupo sa kaniyang hita.
"I'm Lukariah Zaugustus Estopia Mosheyev, baby. You know me. You know me already." makahulugan nitong saad.
Hindi ako sumagot at patuloy lang sa pagsinghot dahil alam ko namang hindi ko siya kilala talaga.
But his name is indeed familiar.
"I'm gonna court you."
Tumulo na ang luha ko dahil sa sinabi nito. He immediately panicked when he heard me sob.
"Luke naman... We just met! And... and..." humikbi ako. Panay naman ang haplos niya sa aking baywang habang ang isang kamay nito ay nasa mukha ko. Dahan dahang pinahid ang luha sa aking pisngi.
"And?" malambing nitong bulong habang hinahaplos nito ang aking pisngi.
"And we're still on chapter 5. Masyado kang madesisyon e. Sa chapter 10 ka na dapat manligaw!" I punched his chest lightly but he just caught it before dropping three kisses on it.
"And so? I don't care. I'm gonna be a father so I'll start courting you." He whispered before kissing my nose while he was caressing my swelling stomach.