Kabanata 4: Brat
Pagkatapos naming kumain---no, actually ako lang naman ang kumain. The man, Luke didn't even eat, kahit konti. Inaasikaso lang ako nito at tinutulungan sa paglalagay ng mga pagkain sa plato ko, pero hindi ko siya nakita ni-isang beses na kumain man lang.
Naiilang ako sa totoo lang. Even his advances on me didn't go unnoticed. And I know that I should feel uncomfortable, he's a stranger at all. Pero, hindi ko 'yon na-feel sa kaniya e. I actually feel... secured and safe which is very... confusing.
Do I know him? Even before?
"Full?" tanong nito nang makita akong hinawakan ang may malaking umbok kong tiyan. Nakita ko ang pagbaba niya ng tingin doon bago napailing at napa-buntong hininga.
I smiled, slightly embarrassed that I almost finished all the food he ordered in just one seating. "Y-yes.."
"Hmm, that's good. Do you want me to order some more for takeouts?" He asked softly. Napalunok ako dahil sa tanong niya. Para na naman akong natatakam pero hindi pwede. Kakakilala pa lang namin tapos magpapalib---
"Oh God..." napasinghap ako at napatakip nang bibig habang nakatingin rito.
"Libre mo 'to di ba? H-hindi mo 'ko sisingilin?" kinakabahan kong tanong. Paano kung... Paano kung singilin niya ako?! Wala akong pera! Sakto lang 'to para pamasahe e! Tapos, ang dami ko pa namang kinain!
He chuckled before shaking his head. He looked at me, amused of my sudden change of mood. "Of course not, babe. It's all on me."
Napatanga ako sa sinabi nito.
Babe...
Normal lang bang tawagin niya akong ganon? Weirdo ba siya? Anong klaseng boss ba ang tatawagin ang isa sa magiging employee niya na babe? Is he nuts or something? Nagda-drugs ba 'tong taong 'to?
But he seems okay to me! Pero bakit parang may saltik siya kung makapagsalita?
Hanggang sa bumalik kami patungo sa UDPC Building ay nanatiling ganon ang iniisip ko. Hindi ko kasi maintindihan kung para saan ang extra effort niyang pag-aalaga sa akin gayong kakakilala pa lang namin?
We just met! And he's acting like a lovesick puppy to me! Oo nga't gwapo siya at gusto ko siyang paglihian pero kung may masamang balak siya sa akin ay hindi ako mangingiming upakan 'to. Kahit buntis ako ay kaya ko pa ring magpatumba.
Nang makapasok sa loob ng kaniyang opisina ay kaagad akong naupo. Nakakapagod. Limang buwan pa ang tiyan ko pero sobrang bigat na sa pakiramdam at nakakapagod. Sobrang sakit pa sa katawan. My feet is when hurting.
"Tired?" mahinang tanong nito nang mapansin akong naupo sa couch niya. Sumandal ako doon at pinikit ang mga mata.
Gusto kong matulog pero hindi pwede. Lalabanan ko ang antok na 'to dahil wala ako sa bahay. Nasa opisina ako ng future boss ko for God's sake!
I was really planning on fighting my sleepiness away but I wasn't successful when my boss started massaging my feet. It feels so relaxing kaya hindi ko na napigilan ang sariling makatulog at hinayaan ang sariling lamunin ng kadiliman.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Basta nagising ako na nasa loob na ng kwarto. An unfamiliar room. I wanted to panic pero nang maamoy ko ang pamilyar na amoy ng lalaki sa unan ay awtomatiko akong kumalma.
I sighed.
Hindi naman siguro masamang nakatulog ako. Papapirmahin pa naman niya siguro ako ng kontrata kahit na marami na akong utang sa kaniya di ba?
I pouted before dragging myself out of the bed. Inayos ko ang sarili bago tuluyang lumabas ng kwarto.
The first thing that greeted me wwre the luxurious furnitures around. Kahit ang chandelier ay nagsusumigaw na sa sobrang karangyaan.
But... where am I exactly?
I took the stairs down slowly. Judging from the size of the place. Siguradong hindi lang ito isang condo unit. This is probably his penthouse. But why did he brought me here?!
As if on cue, lumabas ang lalaki mula sa kusina yata dahil may dala pa itong sandok.
When he turned to the staircase, he met my eyes. His electric blue eyes widened in shock and panic. Kaagad nitong hinulog ang sandok sa marbled floor bago mabilis na tumakbo papunta sa gawi ko.
Nasa ibabaw pa ako ng hagdan at nasa limang baitang pa kaya tinakbo niya ang distansiya naming dalawa na sobra kong ikinagulat kaya nanatili akong tuod hanggang sa makalapit ito sa akin. Kaagad nitong hinawakan ang aking braso.
"You should've called me." mahinahon nitong saad ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ko ang kaonting irita sa kaniyang boses.
I frowned. Bigla rin akong nainis. Marahas kong hinawi ang kamay niyang nakahawak sa aking braso bago ito sinamaan ng tingin. Nakita ko ang gulat sa mukha nito dahil sa ginawa ko.
"Ang pangit mo ah! Hindi porque magiging boss kita ay gaganiyanin mo na ako!" I crossed my arms.
"Babe, you're pregnant, okay? Baka madulas ka. Baka mahulog ka. I'm just worried. I'm sorry. Hindi na ako inis. Hindi na ako galit. I'm sorry babe." mahinang usal nito na ikinanguso ko lang. Parang natunaw ang inis ko dahil sa sinabi nito.
"Gusto ko ng ice-cream. Iyong pandan flavor." nguso ko. Bumuntong-hininga ito bago hinawakan ang aking baywang at inalalayan ako pababa ng hagdan.
"I want ice-cream, boss." saad ko ulit pero parang wala lang itong narinig dahilan para bumalik ang inis ko.
Mahina kong kinurot ang kaniyang braso na nakapalibot sa aking baywang.
"Ice-cream sabi!"
He sighed. Mahina nitong hinaplos ang gilid ng aking baywang bago hinalikan ang tuktok ng aking ulo.
"After dinner, baby."
I glared at him. "I want it now!" taas ang kilay kong sabi. Nakita ko ang pagkagat niya sa kaniyang pang-ibabang labi bago pumikit at huminga ng malalim.
"Come on now, baby. Don't be a brat. Eat dinner first before eating an ice-cream, hmm?" puno ng pagpapasensiya nitong ani. Gusto ko siyang intindihin just to give some consideration lalo na at magiging boss ko siya pero nakakainis e!
Sabing gusto ko na ng ice-cream ngayon din!
I scoffed. Iwinakli ko ang kamay nito sa baywang ko bago dahan dahang bumaba ng hagdan ng mag-isa.
"What a damn bratty Queen I will have, huh?"
May sinabi ito pero hindi ko na iyon narinig pa.
Nakakainis! Gusto ko nga ng ice-cream e! Iyong bagoong flavor tsaka pandan!