Chapter 07

PABAGSAK na umupo si Beelzebub matapos niyang magawa lahat ng linisin sa kabuuan ng bahay, na napapamura nalang siya dahil sa dami niyang ginawa. Hindi naman nakakaramdam ng pagod ang mga demonyong tulad niya, hindi lang sanay si Beelzebub sa gawain ng mga tao, lalo na at sa kanilang mundo siya ang pinagsisilbihan.

"Ito na ang huling gagawin ko 'to, hindi na ito mauulit, naiintindihan mo ba tao?" baling na sermon ni Beelzebub kay Rana na hindi parin umaalis sa pwesto nito simula ng iupo siya ni Beelzebub at sinabihang huwag tatayo o aalis sa kinauupuan niya.

"Dapat kasi Beel hinayaan mo nalang ako na maglinis, kakayanin ko naman eh." ani ni Rana na poker face na ikinatitig ni Beelzebub sa kaniya.

"Sa tingin mo may matatapos ka kung palagi kang nadadapa o nauuntog? Tsaka, ilang ulit ko bang sasabihin sayo na huwag mo kong tatawagin sa ibang pangalan."sitang sermon at reklamo ni Beelzebub.

" Hindi naman maiiwasan ang mga pagkakadapa at umpog ko dito sa bahay niyo dahil naninibago pa ako. Pero pangako maayos ko na sa susunod na paglilinis ko Beel."

"Sinabi ng huwag mo kong tawagin sa ganiyang pangalan eh!" inis na singhal niya.

"Pero mabilis kasing tawagin ang Beel."

"Aba't! Tangna, bahala ka nga. Mas lalo akong nadedemonyo sayo, masunog na talaga kita ng tuluyan." Inis na ani ni Beelzebub na sa tingin niya ay may taglay na kakulitan si Rana na hindi nasunod sa kaniya, na ikinaiinis niya lang.

"K-kung gusto mo kamahalan nalang din ang itawag ko sayo, kung ayaw mo talagang tawagin sa ganung pangalan." saad ni Rana na ikinaingos ni Beelzebub sa inis.

"Iba din ang utak niyong mga maduduming tao, Aish! Hindi kita kauri kaya huwag mo kong tawaging kamahalan, bahala ka na sa kung anong itawag mo sa akin, hindi ka naman papapigil, nag suggest ka pa talaga." reklamong pahayag ni Beelzebub na bahagyang ikinangiti ni Rana nang may maisip na itanong si Rana kay Beelzebub.

"Beel, bakit ang demonyong tulad niyo ni Endemion ay narito sa mundo namin? Naghahanap ba kayo ng mga tao na sasapian o lilinlangin para makuha ang kaluluwa nila at dalhin sa mundo niyo?"tanong ni Rana.

"Iba ang dahilan kung bakit napilitan akong pumunta sa madumi niyong mundo, trabaho ng ibang demonyo ang panlilinlang o pansasapi nila sa mga tulad niyo. May kailangan lang akong maibalik sa mundo namin kaya narito kami." seryosong sagot ni Beelzebub.

"Ano naman 'yun?"

"Bakit ang dami mong tanong?" sitang balik ni Beelzebub kay Rana na nag-iba ng pag-uusapan nila ni Beelzebub.

"Sa mga napapanood ko lang ako nakakakita ng itsura ng demonyo nung may paningin pa ako. Ano kayang itsura mo? May sungay ka din ba at buntot ng demonyo? Pula din ba ang balat mo at nakakatakot ang itsura?" curious na tanong ni Rana na kay Beelzebub.

"Ang dami mong sinasabi, tao, bakit nagtatanong ka pa eh hindi mo naman makikita." singhal na sermon ni Beelzebub na bahagyang ikinalungkot ng ekspresyon ni Rana.

"Tama ka, pag-aaksaya ng oras ang pagtatanong kung hindi naman makikita." malungkot na saad ni Rana na agad ikinabalik ng ngiti niya.

"May garden ba kayo dito? Sa bahay kasi ng tiya ko, kahit gusto kong magtanim ng mga halaman sa bakuran sinisira lang nila kasi aksaya sa oras at pera ang ginagawa ko." saad pa ni Rana na ikinatitig ni Beelzebub dito.

"Beel? Andiyan ka pa ba?"

"Bago ka humanap ng gusto mong gawin, 'yung paglilinis sa bahay na 'to ang unahin mong makasanayan. Kayong mga tao ang dami niyong tanong." ani ni Beelzebub na tumayo na sa kinauupuan niya na narinig ni Rana ang tunog ng pagtayo nito.

"Aalis ka na?"

"Malamang, tapos na ako sa dapat gawain mo," ani ni Beelzebub na naglakad na papunta sa may terrace at inilabas ang itim nitong pakpak at lumipad na papuntang bubungan na nagugustuhan niyang tambayan, at naiwan si Rana.

"Paano kaya babait si Beel sa akin? Gusto kong kausapin niya ako ng hindi niya ako sinusungitan." saad ni Rana na ikinatayo niya sa sofa at akmang aalis ng matigilan siya sa akmang paghakbang niya ng may kakaiba siyang maramdaman nang may marinig siyang yabag sa may likuran niya ng may kakaibang boses na bumulong sa kaniyang tenga na ikinataas ng balahibo niya at ramdam niyang may nakatayo sa likuran niya.

"Anong ginagawa ng isang tao, sa bahay na 'to? Sandali lang akong nawala para maghanap ng mabibiktima ko, may tao ng naglakas ng loob na pumasok dito." Pahayag nito na mas ikinakilabot ni Rana sa klase ng boses nito ng may kamay na bahagyang sumakal sa leeg niya at ramdam niya ang matitilos nitong kuko na bahagyang bumabaon sa leeg niya.

"Naamoy ko ang kaluluwa mo, maliwanag pero masarap paglaruan."

Hindi magawang makapagsalita ni Rana sa kinatatayuan niya habang wala siyang ideya na ang nagbibigay ng kilabot at nagpapataas ng mga balahibo niya ay isang demonyong dating pinamumugaran ang bahay na napiling tirhan nina Endemion, na ngayon ay bumalik na. Demonyong panget ang itsura, may mahabang sungay, may dilang humahaba at nanlilisik ang pulang mata nito na may demonyong ngisi na gustong pasukan ang katawan ni Rana at paglaruan.

"Kukunin na kita..." ani nito na akmang sasapian na ang katawan ni Rana ng may humawak sa isang sungay niya at malakas nitong ikinatalsik palayo kay Rana na nanlilisik ang mga matang binagsak ang tingin nagpatilapon sa kaniya palayo kay Rana.

"Subukan mong galawin ang tao 'to, hindi ka makakabalik sa demon realm ng buo kundi isang abo nalang." seryosong banta at pahayag ni Beelzebub na nakatayo sa likuran ni Rana na parang nanghina ang mga tuhod na paupong bumagsak sa sahig.

"Akin ang taong 'to, kaya hindi ako magdadalawang isip na gawin kang abo kung pakikielaman mo ang hindi sayo, at pagmamay-ari ko " saad na pahayag ni Beelzebub na ikinataas niya ng kanang kanay niya kasabay ng paglabas ng itim na apoy na ikinalaki ng namumulang mata ng demonyong nagtangka kay Rana.

"I-itim na apoy na tanging anak lang ni Haring Dagon ang may ganiyang apoy, s-sino ka?" ani nito na ikinangisi ni Beelzebub

"Ang pangatlong prinsipe ng demon realm, Beelzebub. Mukhang matagal ka ng nagliliwaliw dito sa mundo ng mga tao, pati ang taong 'to na pagmamay-ari ko ay kukunin mo. Hinawakan mo pa ang hindi sayo." pahayag ni Beelzebub na ikinataas ng kaliwa niyang kamay sa tapat ng demonyong muntik ng sumapi kay Rana na napataas sa ere at napahawak sa leeg nito dahil parang pinipiga ang leeg nito.

"K-kamahalan pa-pataw---"

Hindi natuloy nito ang sasabihin ng mas higpitan ni Beelzebub ang ginagawa niya dito kung saan lumabas na ang pula niyang mga mata, kasabay ng sungay niya at paglabas ng tatak ng isang prinsipe ng demon realm sa noo niya

"Lapastangan..." seryosong ani ni Beelzebub na ibinato niya ang itim niyang apoy dito dahilan upang matupok ito na rinig ni Rana ang kakaibang sigaw nito na ikinatakip ni Rana sa kaniyang tenga.