Chapter 10
Makailang ulit akong bumuntong-hininga. Panay ang tingin kaliwat-kanan lalo na sa elevator na nasa sulok sa aking kanang bahagi. Panay rin ang tingala ko sa pintuan kahit na alam kong wala namang magbubukas nito.
Kanina pa ako nakaupo at nakasandal sa pintuan sa labas ng condo unit ni Ivan. Wala akong mapuntahan. Naisip ko na humingi sa kanya ng tulong. At isa pa...
Bahagya akong ngumiti habang hinihimas ang maliit kong tiyan.
Pinanghahawakan ko ang sinabi ni Ivan na kung sakaling mabuntis ako ay pananagutan niya ako.
Nangilid ang luha ko. Kumurap-kurap ako. Kumibot ang aking labi. Ayoko ng isipin ang pagtakwil sa akin ni kuya at papa. Sumasama lang ang aking kalooban. Ang bigat sa dibdib isipin na ginawa ko ang lahat para sa kanila kahit na ayaw ko pero ito pa ring sitwasyon ang kahahantungan ko. Na kahit anong gawin ko, para sa kanila, balewala pa rin ako. Na wala pa rin akong kwenta. Na kahit marami na akong nagawa para sa kanila, kamalian ko pa rin ang nakikita nila.
Muli akong napatingin sa elevator sa sulok. Kumibot ang isang mata ko. Mariin kong naipikit ang dalawang mata at niyakap ng mahigpit ang aking bag.
Hapon na. Ano kayang oras uuwi si Ivan? Malamang nasa trabaho pa iyon...
Natigilan ako. Napatayo ako bigla.
Tama! Nasa trabaho siya! Pupuntahan ko siya.
Napangiti ako ng malaki. Isinukbit ko ulit sa balikat ang aking bag. Mabilis ang mga lakad kong pumunta sa elevator. Maingat akong sumakay dito. Nang tumunog, nagmamadali akong lumabas kaya gano'n na lamang ang gulat ko nang biglang sumulpot sa harapan ko ang isang gwardiya.
Malakas ang tibok ng puso ko. Nagulat ako sa ginawa niya.
"Naku! Pasensya na Ma'am. Nagulat kita." Napayuko ito habang humihingi ng tawad.
Nang makabawi nginitian ko siya. "Ok lang po. Medyo nagulat talaga."
"Pasensya ka na Ma'am."
Tinanguan ko siya. "Bakit niyo po ako hinarangan? May sasabihin po kayo?"
Nagkamot ito sa ulo. Bagay na ikinataka ko. Para kasi itong nininerbyos.
"Wala naman Ma'am. Ano po, ehem! Aalis na po kayo?"
Nagtataka man nginitian ko na lang ulit siya. "Opo. Baka po kasi mamaya pa si Ivan makauwi. Pupuntahan ko na lang po siya sa Quarters nila."
Tumango ito bago ngumiti. "Sige Ma'am. Singat po kayo."
Magiliw ko siyang nginitian. "Sige po, salamat. Aalis na po ako."
Mabuti na lang talaga natandaan ko kung paano pumunta sa quarters nila. Nang makarating, nagdadalawang isip pa ako kung papasok. Bigla kasi akong kinabahan. Hindi ko alam pero parang masama ang gutom ko. Nanlalambot ang mga kalamnam ko.
Sumilip-silip muna ako sa glass door nila kung nandon lang sa bukana si Ivan.
Hindi ko siya makita. Kumibot ang labi ko. Nasaan na kaya siya?
Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag pack ko nang mapansin ako ng isang Police. Nakakunot ang noo nito. Mabilis akong nagtago sa gilid. Halos batukan ko ang aking sarili.
Nag-angat ako ng ulo nang marinig ang pagbukas ng glass door.
"Ikaw nga!"
"Huh?" Takang tanong ko. "Ako?" May pagturo pa sa aking sarili.
"Yep! Ikaw 'yong girlfriend ni Captain, di ba?"
Lumabi ako. "N-nandyan ba siya?" Alanganin na tanong ko.
Natigilan ito. Parang namutla pa. Pero mabilis din siyang tumango.
"P-pwede bang pumasok?"
Tumingin muna siya sa loob bago ibinalik ang paningin sa akin. "Nasa office siya."
Tumango ako. Pinagbuksan niya ako ng glass door.
"Sasamahan pa ba kita?"
"Ah, h-hindi na po. Ako na lang po salamat!" Aligagang sabi ko.
Mabilis akong naglakad papunta sa office ni Ivan. Todo yuko ako habang naglalakad. Lahat kasi ng tingin ng mga Police ay nasa akin. Mabuti na lang sa pinakadulo ang Office ni Ivan kaya walang Police na pagala-gala.
Mabilis akong lumakad papunta doon. Pero napatigil nang makarinig ng mga daing. Nanlaki ang mga mata ko. Ang kaba sa aking dibdib ay mas dumoble.
Teka? Ano ang malakas na daing na iyon? Nanggagaling sa office ni Ivan. Huwag mo sabihing nasugatan siya at sa kanya ang mga daing na iyon? Nabaril ba siya at umiinda ng sakit?
Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Hindi ako nagdalawang isip na buksan ng marahas ang pintuan na sana pala ay hindi ko ginawa. Natuod ako sa kinatatayuan. Kumibot ang mata ko kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mata.
Malakas ang ungol ng babae habang patuloy ang halikan nila ni Ivan. Nakaupo si Ivan sa swivel chair habang ang babae ay nakaupo sa kanyang mga hita.
"Oh! Ivan!"
Hindi ako nakagalaw hanggang sa mahulog ang bag na nakasabit sa aking isang balikat. Gumawa iyon ng ingay. Sabay na napalingon sa akin ang dalawang sarap na sarap na naghahalikan kanina. Sabay rin silang napatayo sa gulat.
Nagkatitigan kami ni Ivan. Ang mas lalong nakapagpaiyak sa akin ay ang mga tingin niyang walang pakialam. Imbis na maguilty siya iba ang ipinapakita ng expression sa kanyang mukha. Ibang-iba na siya kung makatingin. Walang emosyon ang mukha niya at tamad na tamad kung makatingin sa akin.
"Oh? May bisita ka pala honey. Babalik na lang ako mamaya." Matunog na hinalikan ng babae si Ivan sa labi. "See you later."
Parang dinudurog ang puso ko sa mga nasaksihan ko.
Akala ko lalagpasan ako ng babae pero huminto siya sa harapan ko at nang-uuyam na tinignan ako mula paa hanggang ulo.
"Hi!" Mataray na sabi nito. "Binabalaan kita. Akin ang boyfriend ko kaya kung isa ka sa mga babaeng pakawala at naghahabol kay Ivan, sorry ka na lang. Ako ang mahal niya."
Hindi ko siya tinignan. Nanatili ang paningin ko kay Ivan at gano'n din ito.
"Im Mariella. Tandaan mo ang pangalan na iyon. Dahil ang nagmamay-ari ng pangalan na iyon ay ang taong mahal na mahal ni Ivan."
Doon na ako lumingon sa kanya. Mangiyak-ngiyak ko siyang hinarap.
"Kung sakaling buntis ka nga't magkakaanak na nga tayo. Kahit boy or girl tatanggapin ko pero kung bibigyan ng chance, mas gusto ko ay babae. Ang gusto kong ipangalan sa kanya ay Mariella Ally."
"Mariella ang pangalan mo?" Sagarak na boses na sabi ko.
Tumaas ang kilay nito bago ako irapan at inis na umalis sa harapan ko. Malakas nitong binagsak pasara ang pintuan.
Hikbi ko ang maririnig sa loob ng office. Nilingon ko si Ivan. Gano'n pa rin ito. Tamad na nakatingin sa akin.
"Ivan..." dahan-dahan akong lumapit sa harapan niya.
"Totoo ba 'yong sinabi niya?" Nahihirapan kong sabi.
"Ano naman ngayon?" Tamad pa rin na sabi niya.
"Pinaglalaruan mo lang ba ako?" Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako. "Really? Mariella? Balak mong ipangalan sa magiging anak natin ang pangalan ng babaeng 'yon?" Mangiyak-ngiyak kong sabi.
"Hindi ka naman buntis so why to worry sa pangalan ng anak mo."
Anak ko? Anak natin!
Gusto kong isigaw iyon. Gusto ko siyang sumbatan sa pangloloko niya sakin pero wala akong boses para doon.
Akala ko makakahanap ako ng kakampi sa kanya, iyon pala, katulad lang siya ni kuya at ni Papa.
"H-hindi mo ba ako mahal?" Nangangatal ang labi na sabi ko.
"I never told you that. If I, I'm sorry. I didn't meant it."
"Ang sama mo. Manloloko ka. Pinaasa mo ako."
"I didn't. Ang mga babae talaga pakitaan lang ng maganda, mahal na kaagad."
Malakas na lumagapak ang kamay ko sa kanyang pisngi. Halos tumabingi ang kanyang pisngi.
"Hindi kita mapapatawad! Ang sama- sama mo!" Pinaghahampas ko siya sa dibdib. Hinayaan niya lang ako. Malakas akong umiyak. Ibinuhos ko ang galit ko sa kanya. Kina papa at kuya. Ang sama nila. Ang sasama nila!
Ang kaninang walang pakialam sa paghahampas ko sa kanya ay hindi na nito natiis. Hinawakan nito ang dalawa kong kamay. "Umalis ka na lang. Huwag ka ng babalik dito. Huwag ka ng magpapakita sa akin."
Napatigil ako sa pagpupumiglas at paghahampas sa kanya dahil sa sinabi niya. Gano'n pa rin siya makatingin. Tamad na tamad. Ayaw niya talaga akong makita.
Humikbi ako at mabilis na tinalikuran siya. Kinuha ko ang aking bag at mabilis na umalis sa opisina niya. Umiiyak na umalis ako ng quarters. Tinatawag ako ng mga Police pero hindi ko sila nilingon.
Nanlalabo ang paningin ko. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Ang tanging pag-iyak ko lamang ang alam ko.
Napahinto na lang ako ng makitang bukas na ang pintuan ng aming bahay.
Napatawa ako habang umiiyak. Dito pala ako dinala ng mga paa ko.
Mabagal akong nagtungo sa pintuan. At saktong papalabas din si Papa. Natigilan ito.
Unti-unti akong lumapit sa kanya. Wala sa sarili. Para na akong babagsak. Hindi ko na kaya.
"Anong ginagawa mo dito! Lumayas ka!"
Hindi ko pinansin iyon. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa kanyang harapan. At nang makarating, huminto ako.
"Papa..." humihikbing sabi ko.
Lumukot ang mukha nito tanda ng galit na naman siya. "Hindi ka lang tanga na bata ka, makitid din ang utak mon-"
Humihikbing sinunggaban ko siya ng yakap. Natigilan ito at nahinto sa pagsasalita.
Niyakap ko siya ng mahigpit. Ibinaon ko ang mukha sa kanyang balikat at doon humagulgol ng iyak.
"Papa... kailangan kita papa. Kailangan ko po ang Papa ko ngayon. Ang sakit sakit na Papa. Hindi ko na kaya. Tama na po. Ayoko na Papa. Pagod na pagod na ako. Kailangan ko ng masasandalan. Kailangan ko ng Ama. Kahit ngayon lang papa. Kailangan ko po ang papa ko..."
Hindi nagsalita si Papa. Nakatulala lang ito at hinayaan akong nakayakap sa kanya. Mas humigpit ang yakap ko sa kanya. Inilabas ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.