Chapter 9

Mangiyak-ngiyak kong pinunasan ang aking luha sa pisngi at maging sa mata. Kanina pa kasi ako nahihilo. Idagdag mo pa ang pagsusuka ko na mas lalong nagpasama sa aking nararamdaman.

"Ariana,"

Nanlamig ako at gulat na lumingon sa pinanggalingan ng boses. Nasa pintuan siya ng aking kwarto at sa likuran niya si Kuya Enzo. Ni hindi ko napansin ang pagbukas nila sa pintuan ng kwarto ko.

"Papa..." mahina kong tugon.

Seryuso ang kanyang mukha pati na rin ang kay Kuya Enzo.

"Hindi ka na naman daw papasok?" Mariin na sabi nito.

Marahas akong lumunok pagkatapos ay nagbaba ng ulo.

"M-masama po ang pakiramdam ko Papa." Halos bulong na sabi ko.

"Parati na lang masama ang pakiramdam mo. Ni hindi ka na nakakapasok sa school. Ano? Aaksayahin mo ang perang pinagpapaaral ko sa'yo?!" Dumagundong ang galit ni Papa sa buong sulok ng aking kwarto.

Nangatal ang labi ko. Napaiyak ako. Masama na nga ang pakiramdam ko mas lalo pa itong nadagdagan.

"P-papasok na po ako, Papa...."

Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama. Kukunin ko sana ang bag ko ng pigilan niya ako.

"Bago ka pumasok. Itry mo muna ito."

Kunot noong nilingon ko siya at halos mamutla ako ng makitang may hawak siyang pregnancy test. Malakas ang kabog sa aking dibdib. Ang paghinga ko ay hindi na normal.

"P-papa, ano po 'yan? B-bakit niyo ako binibigyan niyan..." nanginginig ang boses na sabi ko.

"Akala mo ba hindi namin napapansin ang mga kilos mo nitong mga nakaraang araw Ariana? Hah! Bulag lang ang hindi makakaramdam ng mga kilos mo!" Mapang-uyam na sabi ni kuya.

Kumurap ang aking mata. Namula ang gilid nito. "H-hindi n-naman ako buntis para magPT."

"Edi gamitin mo! Para magkaalaman na." Galit na sabi ni kuya Enzo.

Muli akong kumurap para pigilan ang aking luha. Walang emosyon ang mukha ni Papa. Kapag ganito mas lalo akong natatakot sa kanya. Mas gusto ko pa na sigaw sigawan niya ako.

Unti-unti akong lumapit sa kinaroroonan nila. Nanginginig ang kamay na tinanggap ko ang prenancy test na hawak ni Papa.

Lumunok ako. Nagsimula akong pumunta sa Cr. Pakiramdan ko napakalayo nito at hindi ako makaabot-abot. Tila ang lahat sa paligid ay bumagal o baka naman hindi ako umaalis sa aking kinatatayuan?

"Ariana!" Napaintad ako sa malakas na sigaw ni Papa.

Mabilis akong pumunta sa Cr. Sinunod ko ang instruction na nakalagay doon. Ilang minuto lang halos mahimatay ako ng makitang may dalawang guhit. Malinaw na malinaw ang mga ito. Impit kong tinago ang aking pag-iyak.

Nanginginig ang katawan ko sa takot. Halos himatayin ako sa aking nakikita.

"Ariana! Lumabas ka diyan!"

Napatitig ako sa pintuan ng Cr. Humikbi akong lumabas.

"Papa..." mangiyak-ngiyak na sabi ko.

Hindi maipinta ang mukha nito pati na rin ang kay kuya Enzo. Mabilis na hinablot ni Papa ang PT na nasa kamay ko.

Natigilan ito nang makita ang resulta. Kumuyom ang mga kamay niya dito.

"P-papa..." humihikbing sabi ko.

Balak ko sana siyang hawakan pero mabilis niyang sinampal ang kamay ko. Masakit iyon pero hindi ko ininda.

"Sinong Ama?" Mariing sabi niya.

Kumibot ang labi ko. Nagbara ang aking lalamunan. Hindi ako makapagsalita.

Paaano ko sasabihin na si Ivan ang Ama? Paano ko siya matuturo kung isang linggo na siyang hindi nagpapakita sa akin? Wala akong balita tungkol sa kanya. Mula sa nangyare sa kanyang condo hindi na siya nagpakita sakin.

"Hindi ka makasagot? Ano iniwan ka? Siraulo pala 'yon, e!" Maangas na sabi ni kuya.

Umiling ako sa kanya. "P-papa..."

"Nasaan siya Ariana?!" Nagtitimping sabi niya.

Napahikbi ako. "S-sorry po..."

"Hah! Sorry?" Banas na sabi Papa. "Sorry lang Ariana!" Halos mapatalon ako sa malakas niyang sigaw. "Malandi kang bata ka!"

Wala akong ginawa kundi ang humagulgol ng iyak at humingi ng sorry ng paulit-ulit.

"Lumayas ka Ariana!"

Napasinghap ako ng hawakan niya ako sa braso at kaladkarin palabas ng bahay.

"Papa! Maawa po kayo sa 'kin!"

Nagpumiglas ako sa hawak niya pero hindi niya ako hinayaang makawala at patuloy na kinaladkad palabas ng bahay.

"Papa huwag niyo po akong palayasin. Papa maawa po kayo sa'kin. Wala akong mapupuntahan. Papa tama na po."

"Sana naisip mo 'yan bago ka gumawa ng problema. Ayokong magkaroon ng anak na disgrasyada!"

Malakas niya akong itinulak palabas ng pintuan ng bahay. Sumalampok ako sa lupa.

Malakas na iyak ko ang pumalahaw sa buong paligid.

"Papa, please maawa na kayo sa'kin. Papa anak niyo ko. Maawa na kayo." Tumayo ako.

Mas lalong dumilim ang mukha nito. "Wala akong anak na katulad mo!" Malakas na sigaw nito.

"Papa, ito ang mga gamit niya." Ani ni kuya sa likuran ni Papa. Padasgol na kinuha niya ito at itinapon sa pagmumukha ko.

Masakit iyon. Lalo na't tumama ang mabigat na bag sa aking mukha. Ang mga damit ko ay nagkalat na sa lupa.

"P-papa, k-kuya..." pagmamakaawa ko sa kanila.

Umirap si kuya at nag-iwas ng tingin habang si Papa ay nanatili ang galit sa kanyang mukha.

"Huwag na huwag kang magpapakita sa akin hanggat walang Ama na mayaman ang batang 'yan!"

Malakas nitong sinarado ang pintuan. Taranta kong kinalampag ang pintuan. Malakas ang iyak ko.

Alam ko naman na mali ako pero bakit ganito? Hindi niya ba ako pwedeng pagbigyan man lang? Buong buhay ko lahat ng gusto niya kahit labag sa kalooban ko, sinusunod ko. Kahit ang akitin ang may asawa ng may asawa ginagawa ko.

"Papa!" Malakas na sigaw ko habang kinakalampag ko ang pintuan. "Buksan niyo 'to! Kuya! Papa! Maawa na kayo sa'kin. Patawarin niyo po ako! Lahat ng gusto niyo gagawin ko. Kuya! Papa! Anak niyo ko!" Unti-unti akong nanghina.

Napaluhod ako at doon mas lalong lumakas pa ang aking pag-iyak. Ang mga mata ko ay maga na. Halos hindi na rin ako makahinga sa kakaiyak.

"Nabuntis daw..."

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaluhod at umiiyak sa harapan ng pintuan. Natigilan lang ako nang makarinig ng mga bulungan. Napalingon ako sa gawi sa aking likuran. Doon nakita ko ang aming mga kapit-bahay na nakapalibot na sa aming bahay. Ang iba naman ay nakasilip sa kanilang mga pintuan.

Humikbi ako. Nanghihinang tumayo ako at dinampot ang mga damit kong nagkalat. Isinuksok ko ito sa loob ng aking school bag. Isinukbit ko ito sa isang balikat.

Muli akong humikbi. Ang hikbi ko ay nauwi sa hagulgol. Nagsimula akong maglakad papaalis.

"Papa... kuya..." mahinang sabi ko habang patuloy ang luha sa aking mata.

Muli akong sumulyap sa pintuan na nakasara. Mangiyak-ngiyak akong humikbi at nagpatuloy sa paglalakad paalis sa lugar na iyon. Sa mga taong nakiki-usyuso.

Tulala akong naglalakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong mapupuntahan. Muli akong napaluha. Napaupo ako sa gitna ng kalsada at niyakap ng mahigpit ang aking bag. Kumuyom ng mahigpit ang aking mga kamao. Doon ibinuhos ko ang sakit na aking nararamdaman.

Ang akala ko kapag dumating ang mga ganitong problema sa buhay ko, kahit gano'n sina kuya at Papa, akala ko dadamayan nila ako. Akala ko sila ang unang makakaintindi sa akin. Kasi kapatid at anak ako. Mahal nila ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanila. Pero hindi. Akala ko lang pala iyon. Mali ako. Sila pa ang unang tumaboy sa akin at ang humusga.

Muling namayani ang iyak ko sa buong paligid.

Sana nandito ka Mama. Sana namatay na lang din ako kagaya mo... sana magkasama tayo. Ang daya mo Mama. Iniwan mo 'ko. Iniwan mo akong nahihirapan... sana napagtanggol mo ako. Sana may kakampi pa ako.