CHAPTER 2: Maid
OLIVIA
Maaga akong ginising ni vince para mag luto ng almusal, maag daw kasi kaming bibiyahe para puntahan kung saan ako mag tra-trabaho. Ibig sabihin malayo para mag biyahe pa kami, kinakabahan tuloy ako.
“ antagal naman… bilisan mo!” binilisan ko ang pag galaw, nang matapos ako mag ayos ay lumabas na ako agad
“ andito na” buhat buhat ko na ang gamit ko, wala naman akong masyadong gamit kasi hindi ako namimili. Lahat kasi ng sweldo ko kinukuha ni vince tapos napupunta sa pang kusina.
Sumakay na ako sa kotse niya, hindi ako natulog kasi gusto ko alam ko ang bawat daan tsaka para narin alam ko kung saan kami pupunta. Nakailang oras na kaming nag bibiyahe, kung iisipin mo baka nasa tatlong oras na kaming bumibiyahe.
“ malapit na tayo, umayos ka kapag andon ka”
Ilang minuto pa ay may pinasukan na kaming malaking gate, kinakabahan tuloy ako. Sana naman walang mangyaring masama saakin kasi kapag meron malabong makatakas ako dahil ung gate at harang ay napaka taas.
“ baba na, hinihintay na tayo” anlamig ng mga kamay ko, dahan dahan akong naka sunod kay vince.
“ good day macy” ngumiti ung babae.
“ siya na ba??” tumango si vince, tinignan ako nong babae mula baba tsaka ako nginitian.
“ okay ng pag tiyagaan” sabi niya.
“ lea! Pumunta ka nga dito at ibilin mo ang lahat ng dapat na malaman niya dito sa mansyon” utos niya, mabilis na dumating naman ung lea.
“ sumama ka sakanya at siya na ang bahala sayo, vince tara sa labas” sinamahan na ako ni lea, una sa kwarto ko. Okay na kahit maliit ang mahalaga naman ay may matulugan, sunod sinabi na saakin ang batas dito sa bahay nila.
Napaka strikta pala niya, daig niya pa si vince. Kailangan kong mag ingat sa bawat galaw ko at kapag may bisita siya huwag na huwag akong titingin sakanila dahil wala kaming karapatan, maski kung anong ginagawa nila sa harap namin wala kaming pwedeng sabihin.
Hindi na ako binalikan ni vince kasi kanina pa siya wala at pinaayos na din ang gamit ko, bukas ako magsisimula kaya ang sabi saakin pamilyarin muna ang lugar. Sasamhan ako ni lea matapos niya lang mapaghainan si mam macy.
“ tara??” tumango ako, tapos ko naman ding ayusin ang gamit ko.
“ wala ka na ba gagawin??” tanong ko.
“ naku madami pero dahil may bisita si mam kailangan kong umiwas, napaka selosa pa man din niya maski ang ganda ganda niya pinagseselosan pa kaming mga maid niya na ni wala pa sa kalahati sa ganda niya” sagot niya.
“ kaya ikaw mag ingat ka kapag may bisita si mam, naku sinasabi ko sayo kakaiba si mam macy magalit” tumango ako.
Habang inililibot ako nag kwe-kwento siya, mabuti na din para kahit papaano ay may malaman ako tungkol sa boss ko.
“ lea!!” sigaw sakanya
“ iwan na muna kita” mabilis siyang tumakbo paloob ng bahay, ako na naiwan nag masid masid muna ako. Kawawa naman ung halaman hindi na naalagaan, maski dilig ay wala kasi tuyot na tuyot na.
Lumapit ako para alisin ung ligaw na damo, sayang naman kasi ang ganda nong halaman. Dilig lang to tapos linis okay na.
“ fuck!!!” nagulat pa ako bigla kasi may tao pala pero parang familiar saakin, tinignan ko siya ng maigi.
“ olivia” natauhan ako, nilingon din ako nong lalaki.
“ hindi ka ba sinabihan ni lea?!” ay oo nga pala, nakalimutan ko.
“ hindi ka pa nag uumpisa palpak kana” kinabahan tuloy ako, naku sana naman hindi ako tanggalin.
“ macy just let her go for this day, total hindi pa siya nag uumpisa” siningkitan niya ako ng mata.
“ hindi na po mauulit” sabi ko.
“ dapat lang, baka kapag naalis ka panigurado lagot ka kay vince. Alis na” inirapan niya ako, yumuko akong nag lakad pero dahil nga sa kinakabahan ako natapilok pa ako.
“ bwesit” bulong ko, nahawakan ako nong lalaki.
“ miss ung ulo mo” ay kainis!!! Naka sandal na pala sakanya, mabilis akong umayos at humingi ng paulit ulit ng sorry sakanila.
“ ano ba yan!!” inis na sabi ni mam macy.
“ sorry po… sorry po talaga” sabi ko.
“ macy hayaan mo na, andaming nakaharang kaya hindi niya napansin ung daan. Come on lets get ”nside” napa buga ako ng hangin, akala ko mapapagalitan nanaman ako.
Pumasok na ako ng bigla akong hinila ni lea papasok sa kwarto namin, tinignan niya.
“ pasensya na, parang kasi pamilyar ung lalaki… nakalimutan ko ung sinabi mo” napa iling siya.
“ pasalamat ka at hindi ka pinaalis… sa susunod huwag mo ng ulitin, hindi na yan papalampasin ni mam macy” tumango ako.
Hindi na ako lumabas sa kwarto kasi baka maka gawa pa ako ng pagkakamali, tinignan ko na ung oras gabi na pala. Mayat maya ay pumasok si lea, inalis na niya ung apron niya.
“ kain kana… samahan kita” sakto nagugutom na ako.
“ si mam macy??”
“ naliligo… may lakad kasi sila” nasa kusina na kami… pinag hainan niya ako, nahiya tuloy ako.
“ kaya ko na” ngumiti siya.
“ okay lang.. sanay na ako” umupo na ako para kumain.
“ excuse me, can you give this one to your boss” yumukong kinuha ni lea ung binibigay, ako naman agad na yumuko habang sumusubo ng pagkain.
Tahimik lang akong kumakain ng bigla akong nasamid, napatayo ako para kumuha ng tubig. Nakaharang naman ung lalaki, hinid ko tuloy alam ang gagawin.
“ nasamid ka?” hindi ko siya sinagot kundi nakayuko parin ako.
“ okay.. let me help you” yumuko siya, ipinantay ang mukha niya saakin ng bigla niya akong dinampian ng halik.
PAAKKKK!
Sinamaan ko siya ng tingin ng may napansin akong paparating kaya yumuko ako agad, si mam macy kasama si lea.
“ what happen to your face??” tanong ni mam macy
“ ooh she—”
“ excuse me mam handa na po ang sasakyan” muntik na ako doon.