CHAPTER 1: Guy
OLIVIA
“ miss your head” napansin kong naka sandal ako sa balikat nong lalake, umayos ako ng upo at tinignan siya.
“ sorry” hindi niya ako tinignan at seryoso lang sa cellphone niya.
Napa buntong hininga ako, galing kasi ako sa trabaho at napa overtime pa kaya walang pahinga. Kailangan ko pnag may biyahe ng isang oras para makauwi.
“ sir were here” napa tingin ako sa lalaki, tinanguhan niya ung kumausap sakanya.
Tinignan ko kung saan sila bumaba, sa isang mapunong lugar. Kung titignan mo mukhang may kaya ung lalaki para mag bus pero sabi nga nila may maayos na tignan para pagkamalan na mayaman, may lasog lasog naman na damit para pagkamalang mahirap iyon naman pala ay mayaman.
Ilang minuto pa ay bumaba na din ako, mabilis akong nag lakad kasi kapag nagising ung lalaking iyon na wala pa ako ay panigurado magagalit siya.
“ late ka ng 5 minutes” nanginig agad ang kamay ko ng marinig ang boses niya.
“ kinausap pa kasi ako ng boss---” tinignan niya ako ng masama, kinabahan ako agad sa tingin niya.
“ siguraduhin mo lang na kinausap ka” tumango ako.
“ sige na, mag luto kana” mabilis akong pumunta sa kusina, napa buga ako ng hangin. Akala ko sasaktan nanaman niya ako, kapag kasi late ako at walang tamang rason sasaktan niya ako, minsan naman kapag may nakita siyang kausap ko na iba.
Nang makaluto na ako, pinaghainan ko na siya. Naka tayo lang ako habang hinihintay siyang matapos, ayaw niya kasing sinasabayan ko siya.
“ aalis ako, huwag kang aalis”
“ malinaw saakin” sagot ko.
Hindi na siya umimik, natapos na siyang kumain kaya pumunta na siya para mag ayos. Lagi na lang akong kinakabahan kapag andito siya.
Ako nga pala si olivia dela rosa 20 years old, cashier sa isang coffee shop habang ung kasama ko ay si vince torres. Kapatid ko siya sa ama, kaya ako nasa poder niya dahil sa ina ko. Malaki daw ang kasalanan ng nanay ko sakanya kaya bilang kabayaran maging katulong niya ako sa bahay niya at ibigay ang pangangailangan niya kumbaga susuportahan ko siya.
“ inuulit ko, huwag kang lalabas” tumango ako, lumabas na siya ng bahay.
Kakain sana ako pero wala siyang itinirang pagkain, tumingin ako sa ref ng pwede kong makain pero walang laman. Kaka palengke ko lang nong isang araw at puno itong ref tapos ubos agad. Isinara ko at inilibot ang paningin para mag hanap ng pagkain pero wala.
Humiga na lang ako sa sofa para mag pahinga maski gutom, naka pag pahinga naman ako ng apat na oras. Nagugutom ako, uminom na lang ako ng tubig pero mayat maya ay kumakalam ang sikmura ko. Hinid naman ako pwedeng lumabas, tiniis ko na lang ang gutom ko.
Ilang oras pa ang lumipas, nagising uli ako na masakit na ang tiyan ko. Wala naman kasi akong kinain simula nong nag lunch ako kahapon at lunch na kaya gutom ako. Every other day kasi ang trabaho ko, bibili ako ng pagkain tsaka saglit lang naman sakto din naman na paguwi niya ay may makain na siya.
Nag jacket ako, lumabas na ako ng napahinto ako at tumingala. Ngayon lang kasi ako nasikatan ng araw, ninamnam ko muna saglit ang araw bago ako nag madali para bumili ng pagkain.
Walang masakyan ako nag lakad na lang ako, kahit mainit okay lang. gustong gusto ko nga kasi ngayon lang ako sisikatan ng araw. Sa trabaho ko kasi bawal lumabas kaya ganun din lang, gabi naman ako umuuwi kaya hindi ko naaabutan kapag may araw na.
Kailangan kong bilisan ng may sasakyan kaya pinara ko, mabuti na lang. naka na ako, tinignan ko ang oras. Sana wala pa si vince.
“ ayyy!!” napasubsob ako.
Tinignan ko kung ano nangyari ay naka bangga siya, naku naman kung kailan ako nagmamadali. Bumaba na ung iba kasi matatagalan pa ito kaya bumaba na din ako, dibale isang kilometro na lang kaya lakarin ko na lang.
Dahil mabigat ang buhat ko natatagalan akong mag lakad, huminto muna ako para mag punas ng pawis at tsaka uminom narin ng tubig ng may mapansin ako. Dito huminto ung lalaki diba?? May daan na papasok, anong meron kaya sa loob.
Hindi makita kasi ang tataas ng puno na nakaharang, aalis na sana ako ng makita ko si vince na palabas doon sa daan. Mabilis akong gumalaw para magtago, nakita kong kausap niya ung lalaki noon naka sakayan ko.
Ano pa bang ginagawa ko, dapat na akong mag madali kasi panigurado matapos silang mag usap ay uuwi na siya. Tumakbo na ako pauwi, kailangan kong bilisan dahil baka malaman niyang lumabas ako.
Nakauwi ako, mabuti at wala siya. Mabilis kong inayos ang pinamili ko at nag luto na din ng makakain, kumain na din ako dahil malamang ay hindi ako makakain.
Mayat maya ay dumating na si vince, tinignan niya lang ako. Lumapit siya at tinignan kung anong ginagawa ko.
“ walang laman ang ref, paano ka nakakuha ng mailuluto??”
“ dumating si manang leni, binentahan ako kaya binili ko na lang lahat kasi uuwi daw siya” kabado kong sagot.
“ maliligo lang ako, ipaghain mo na ako” tumango ako at ginawa ang utos niya.
Nag aayos ako ng lumabas siya, kapag andito kasi siya kailangan may ginagawa ka. Ayaw niyang nag papahinga ako kaya galaw galaw.
“ itigil mo na ang trabaho mo dahil may nakuha na akong trabaho ko every other day”
“ hindi pwede---” tinignan niya ako ng masama.
“ kung ano ang sinabi ko susundin mo” napalunok ako.
“ a-anong trabaho?” tanong ko.
“ katulong nila…sila na magsasabi sayo bukas, huwag kang tatanga tanga doon dahil hindi biro ang sweldo mo”
“ nakukulangan ako sa sweldo mo sa coffee shop na iyan kaya naghanap ako ng mas malaking sweldo, huwag kang mag alala, hindi ka naman mamamatay sa trabaho bilang katulong. Nakayanan mo nga dito, pano pa kaya doon” ngumiti siya.
Kinakabahan ako sa ngiti niya, noon kasi may inutos siyang trabaho saakin. Mabuti na lang nakatakas ako pero sakanya hindi dahil binugbog niya ako doon.