Chapter 25
HAILA’S POV
“Kuya, may sasabihin sana ako.”
Panimula ko nang maisipan kong tawagan si Kuya para ipaalam sa kanya ang nangyari. Alam ko na kantyaw lang ang aabutin ko sa kanila ni Papa pero hindi ko kayang ilihim ‘to sa kanila.
“Sus! Alam ko na ‘yan, “ narinig ko pa siyang tumawa. ‘Yong kaba sa dibdib ko ay biglang nawala dahil sa sinabi niya. Namilog ang mata ko sa gulat at halos masamid ako sa pag-inom ko ng gatas.
“Teka, anong ibig mong sabihin, Kuya? “ Nagtatakang tanong ko. Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong nakangisi ito sa akin. Halo-hao na ang emosyong namumuo rito sa dibdib ko. Para bang lalabas na ang puso ko sa kaba, takot at pangamba.
“Hahaha! Akala mo hindi namin alam na umamin na si Rhaiven sa’yo, aber, huwag kami. Papunta ka palang pauwi na kami, “ at tumawa pa siya ng nakakabaliw.
Nagulat naman ako dahik never ko pang sinabi sa kanila ang bagay na ‘yon. Ang plano ko dapat ay sasabihin sa kanila kapag handa na ako. Pero, saan nila nalaman ang tungkol sa bagay na ‘yon?
“Ikaw ha, akala ko ba iba ang tipo niya sa babae? Pasado ka pala sa mga tipo niya e. Yie! Iba rin ang kamandag mo kapatid, “ asar niya sa akin kaya napairap ako sa kawalan.
Ano pa nga ba ang inaasahan ko sa Kuya ko. Papaulanan niya naman ako ng asar at kung ano-ano pa na ikakasama ng loob ko. Imbes ata cheerup ang matanggap ko mula sa kanya ay puro sama ng loob, mga pasakit lang.
“Kuya, paano niyo nalaman? Hindi ko pa naman sinasabi senyo ‘diba?” Nagtatakang tanong ko. Hindi naman siguro mag-aabalang ibalita ni Kenneth ‘yon sa kanila after ng nangyari.
“Nakalimutan mo yatang uso na ang selpon ngayon kapatid. Alam mo bang binulabog kaming lahat ng amo mo para lamang ipaalam sa amin na umamin na sya sa’yo. Akala tuloy namin no’n may nangyari na sa’yong masaya. Pero, sobrang saya namin lalong-lalo na si Papa. Sabi na e, may gusto si Rhaiven sa’yo, ayaw mo kasing maniwala no’n.” Pag-iingay ng Kuya ko sa kabilang linya. Bahagya ko pang inilayo ang selpon mula sa teinga ko dahil tumili siya ng malakas. Tsaka ko lang inilapit iyon ng kumalma na ang loko.
“Psh! Ang saya mo ha, sa’yo ba umamin ha?” Pambabara ko dahil nakaramdam ako ng inis sa inaasta niya. Dati kay Kenneth sya, ngayon naman napunta na kay Sir.
Natawa siya at nagsalita ulit. “Syempre, sino ang ‘di masisiyahan, namingwit mo na yata ‘yong gold na hipon sa dagat. Alam mo bunso, hindi basta-basta tyamba ‘yon e, swerte ‘yon kung tutuusin kaya huwag mo nang sayangin. “
Parang babae si Kuya kung pumutak ang bunganga nya. Nainis na naman ako dahil sa pag-iingay niya. Hindi ko naman na sya mapipigilan pa dahil halatang natutuwa siya. Tuwang-tuwa siya habang ako nilalamon ng kaba.
“Psh! Swerte man ‘yon o tyamba, wala akong pakialam. Iniisip ko si Kenneth kaya tigilan mo ‘yan, “ suhestiyo ko. Hindi pa rin mawala-wala sa utak ko si Kenneth. Ano kaya ang kalagayan niya ngayon?
“Ay, kumusta na pala ‘yon? Okay lang ba siya? “ interesadong tanong ng kuya ko. Bagay na bagay sa kanya na maging tambay sa kanto. Kumbaga parang mga chismosa sa kanto na walang ginawa kundi pagmasdan ang buhay ng ibang tao. Psh!
“Pa’no magiging okay ‘yon kung ganito ang nangyari. Naguiguilty pa nga ako e. Minadali niya pa ‘yong parents nya para umuwi ng Pilipinas tapos ganito lang maaabutan niya. Nasaktan ko na naman siya. Ni hindi na nga niya kami pinapansin ko. Feel ko talaga kasalanan ko, “ malungkot na wika ko.
“Walang may kasalanan, hindi mo naman masisisi si Rhaiven kung umamin siya sa’yo. Isipin mo rin kung ilang buwan niyang itinago ‘yon para sa kapakanan nyo ni Kenneth. Sa ginawa niya, hindi ‘yon madali. Isipin mo hindi lang isang buwan niya tinago ang nararamdaman niya sa’yo. “ Seryosong tugon ni Kuya.
Natahimik naman ako. Iniisip ang mga nagdaang araw na kasama ko si Sir. Bakit ba hindi ko napansin ang kakaibang kilos niya? Hindi kaya manhid lang ako noon? Pero, bakit naman niya itinago ang totoong nararamdaman niya sa akin? Totoo kayang ginawa niya ‘yon para sa kapakanan namin ni Kenneth noon?
“Speaking sa magaling mag-advice, nandito na siya, “ rinig ko ani Kuya. Mukhang may tinutukoy siyang tao. “Opo, si Haila ‘to. Oh, bunso, kakausapin ka raw ni Papa. “
Hindi nalang ako umimik at hinintay na magsalita si Papa sa kabilang linya. Aaminin kong nakaramdam ako ng kaba. Ewan ko ba kung tama ba na makaramdam ako ng ganito. Si papa lang naman ‘to. Siya ‘yong nangulit sa akin noon na magkakatotoo ang hula niya.
“Anak, natanggap ko na ang magandang balita, “ masayang tugon ni Papa sa kabilang linya. Nasapo ko tuloy ang sentido ko dahil sa stress. Hindi ko akalain na ganoon kabilis na nalaman nila ang nangyari.
“Papa,” hindi ko alam kung ano dapat ang sabihin ko.
“Okay lang ‘yan. Alam ko nahihirapan kang magdesisyon ngayon kasi magkaibigan ‘yong dalawa. Pero, kung tatanungin mo sa akin kung tama ba ‘yong ginawa ni Rhaiven, anak, tamang-tamang ‘yon. Alam mo ba ang totoong nagmamahal hindi natatakot magsabi ng totoo. Haila, nasa tamang edad ka na kaya nasa iyo ang desisyon sa bagay na ‘yan. Bilib na bilib nga ako sa batang ‘yon dahil nakaya ka niyang makita na masaya sa bestfriend niya. Hindi biro ang hirap at selos na pinagdaanan niya. Talagang napabilib niya ako ng sobra, “ halata sa boses nito ang galak.
Kung ilarawan niya si Rhaiven para bang matagal na silang magkakilala. Hindi ko alam kung pakitang tao lang ba si Sir noon sa probinsiya o puro katotohanan ang mga kilos niya. Para sa akin, mahirap siyang basahin. Bilib ako at nabasa siya nina Papa at Kuya.
“Pa, ayaw kong makasakit ng tao e. Parehas silang espesyal sa akin. Si Kenneth kasi pinaramdam niya sa akin na kamahal-mahal akong babae. Sa kanya ko naramdaman na sobrang worth it ko mahalin. Sa kanya ko naranasan na hindi pala basehan ang estado ng buhay kapag pag-ibig na ang usapan. Maraming bagay ang ipinaramdam ni Kenneth sa akin, Pa. “
Bumalik sa alaala ko ang lahat ng ginawa ni Kenneth sa akin. Puro katotohanan ang mga iyon at walang halong kaplastikan. Nag-aalala nga ako baka nabawasan na ang pagmamahal niya sa akin. Hindi ko yata kakayanin kapag ganoon nga ang mangyari.
“E, si Rhaiven ba? Ano ba iniambag niya sa buhay mo? “ Tanong ni Papa.
Natigilan ako.
Kung susukatin ko lahat, mas marami siyang nagawa para sa akin. Oo, amo ko siya pero pakiramdam ko sobra-sobra ang blessing na ibinigay niya sa akin. Siya yong amo na tinulungan ako sa gamutan ni Lola. Siya ‘yong amo na pinakisamahan ako sa school kahit nahihirapan siya. Siya ‘yong amo na nag-aksaya ng pera para gumawa ng birthday celebration sa akin. Siya ‘yong amo na ang daming ginawa kahit responsibilidad ko siyang paglingkuran. Hindi ko nga masabi kung naging amo siya sa akin e. Feel ko kasi may kakaiba sa kanya.
“Anak, kahit sino sa kanila ang piliin mo, lagi mong tatandaan na suportado kami sa’yo. Huwag mo masyadong istress ang sarili mo, okay? Tandaan mo, ang totoong nagmamahal, nakakapaghintay. At siguro oras na rin para makahanap ka ng lalaking magmamahal sa’yo ng totoo. Biruin mo, hindi lang isa ang nabaliw sa’yo, dalawa pa, “ pagpapagaan ni Papa sa pakiramdam ko.
Kahit nahihirapan ako, itinuloy ko pa rin ang buhay ko. Pumasok ako sa school na kasama si Sir at hindi nakikita kahit anino ni Kenneth. Aaminin kong namimiss ko siya pero pinanghahawakan ko ang mga sinabi ni Papa sa akin. Kakapit ako sa kasabihan na ang totoong nagmamahal ay nakakapaghintay. At sana nga may mahihintay ako.
Hindi pa rin ako nilulubayan ni Sir. Sineryoso nga niya ‘yong sinabi niya sa akin na manliligaw siya. Pipigilan ko naman dapat siya pero pinilit niya ako na hayaan siya. Kahit pa man pakiusapa ko siya, kukulitin at kukulitin niya pa rin ako. Binigyan ko nalang ng limitasyon ang bawat kilos ko. Hindi naman nagkulang sina Luis at Chris na paalalahanan ko at batuhin ako ng mga advice na alam ko na makakatulong sa akin.
“Haila, my beautiful hija, “ sambit ni Maam Rachel ng pumasok na ito s kabahayan. Nakatayo ako malapit sa may hagdanan. Nalaman kasi namin na uuwi silang mag-asawa ngayong araw. Kaya naman nilinis namin ang buong mansyon para sa pagdating nila.
Hindi ko inaasahan na yayakapin niya ako. Mukhang tuwang-tuwa siya sa akin at kung ano man ang dahilan noon ay hindi ko na alam. Napatingin tuloy ang lahat sa akin lalong-lalo na si Sir na mukhang alam ang dahilan kung bakit ganito umasta ang kanyang ina.
“Ilang weeks kitang hindi nakita pero maganda ka pa rin. Mukhang hindi nga nagkamali sa pagpili ang panganay ko, “ labis ang tuwa na mungkahi ni Maam Rachel. Aaminin kong naiilang ako dahil kakaiba ang kinikilos niya ngayon.
Ngumiti nalang ako ng mahinhin para hindi siya mapahiya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at sumunod na lumapit sa akin si Sir Russel. Gaya ng asawa ay ganoon rin ang ginawa nya. Lalo tuloy akong nagtaka sa mga kinikilos nila. Tinugon ko nalang ang yakap nito at pilit na ngumiti.
“Oh, by the way, may binili ako para sa’yo, Haila. “ Ani Maam Rachek at sinenyasan ang isang yaya sa likuran. May iniabot ang yaya sa kanya na isang paper bag. Hinarap ulit ako ni Maam Rachel saka ibinigay ang paper bag. Nagtaka naman ako dahil bakit niya aki binigyan ng ganito.
“P-para sa’n po ito?” Nagtatakang tanong ko.
Ngumiti ang ginang sa akin saka bahagyang hinawakan ang buhok ko. “Naisipan lang kitang bilhan ng pasalubong kaya sana magustuhan mo. And, huwag mo sanang iisipin na porket nireregaluhan kita ay maghahangad na ako ng kapalit. Kung gusto mo ng sagutin ang anak ko, nasa iyo ‘yon. “
Nagulat ako. Sagutin ang anak niya daw? Takte? Paano nila alam ‘yon? Ano ba ‘tong nangyayari? Hindi ko inaasahan ‘yong ganito. Kaya ba sila wirdo umakto dahil alam nilang umamin na si Sir sa akin? Omg!
Napatingin ako kay Sir na noon ay halos abot sa kanyang teinga ang ngiti. Hindi ko maintindihan kung nararapat ba akong matuwa na nalaman ng kanyang mga magulang ang pag-amin niya sa akin. Wala naman akong nakikitang magandang rason para ipagkalat niya ‘yon. Pakiramdam ko tuloy bibigyan ako ng special treatment nina Sir Russel dahil sa nangyari. Shock!
“Bakit mo sinabi sa kanila? “ bulong ko kay Sir nang papunta kami sa dining table para magmeryenda. Kaagad ko na siyang nilapitan dahil naiinis ako sa ginawa niya. Bakit niya ‘yon ginawa? Nakakainis.
“Bakit naman hindi? They are my parents, Haila, karapatan nilang malaman ang nangyayari sa buhay ko. Hindi ka ba masaya na trinatrato ka ng maayos nina Mommy? Mukhang boto pa naman sila sa’yo. “ nakangising ani Sir sa akin. Nakapamulsa siyang naglalakad kasabay sa akin. Gustong-gusto ko siyang sapakin sa mukha para naman maramdaman niya ang gigil ko.
“Tsk! Malala ka na talaga, “ singhal ko sa kanya at sinadya ko pa siyang banggain sa balikat nang padabog akong maglakad papunta sa kusina upang tulungan sina Manang na ihanda ang mga kubyertos.
Inis na inis talaga ako sa kanya. Hindi tuloy maputol ang mga asaran na natanggap ko sa mga kapwa mo katulong. Sinusulsulan pa’ko ng iba na sagutin ko na raw si Sir tutal naman gusto ako ng parents niya. Psh! Nakakarindi ng sobra. Hinihiniling ko sana matapos na ang moment na ‘yon dahil pakiramdam ko makakapusan ako ng hininga.
“Haila, hayaan mo na sina Manang na mag-asikaso diyan. Halika na rito at sumabay ka na sa’min, “ pagpapatigil ni Maam Rachel sa akin habang abala ako sa pag-aayos ng mga kubyertos
Nagulat naman ako sa sinabi ng ginang. Hindi ko alam kung susundin ko ba siya o hindi. Tinulak-tulak pa ako ng mga kapwa katulong papunta sa dining table. Mas natutuwa pa sila kaysa sa akin. Wala na akong nagawa kundi sumunod. Napansin ko naman na tumayo si Sir sa pagkakaupo. Nagtaka naman ako dahil hinila niya ang isang upuan na nasa tabi niya. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko nang sinyesan niya akong maupo ako roon.
Nag-iimpit tuloy sa kilig ang lahat. Gusto kong magpalamon sa lupa sa oras na ‘yon. Gusto ko ring tumakbo pero mukhang may sariling utak ang mga paa ko’t ayaw nilang gumalaw. Nakita ko nalang ang sarili ko na sinalubong ni Sir para akayin papunta sa upuan na hinila niya kanina.
“Kaya ko, “ pagsusungit ko sa kanya. Inaalalayan na niya na para bang isang ulyaning tao. Mabuti na lang at mahina ang pagkakasabi ko noon.
“Ang sungit mo naman, ‘kala mo naman ‘di kinikilig. “ Biro niya sa akin at tuluyan na akong maupo. Dahil sa pagiging korny niya ay inirapan ko siya.
Tahimik nalang ako na naupo at kumain. Nainis pa ako lalo nang mag-abalang lagyan ni Sir ng pagkain ang plato ko. Rinig ko na naman ang ilang mahihinang hiyaw lalong-lalo na kay Rhaivee na nasa harapan ko. Kahit nakayuko ako, alam kong nasa amin ang tingin ng lahat. Ang kaninang pagkalam ng sikmura ko ay nawala dahil sa badtrip na nararamdaman ko kay Sir.
“You look so cute together. Can’t wait na maging parte ka ng pamilya namin, Haila. Ramdam na ramdam kong ikaw ang magiging first girlfriend ni Rhaiven. Mausog na lahat huwag lang ‘yong wish ko na maging girlfriend ka ng anak ko, “ ani Maam Rachel habang nakaguhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi.