Chapter 19

RHAIVEN’S POV

“Potangina! Ba’t ‘di ka pa umamin?!”

Bulyaw ni Luis sa akin habang nasa kabilang linya siya. Siya ang una kong tinawagan dahil siya ang alam kong makakaintindi sa akin. Hindi ako mapakali dahil sa naging usapan namin ni Haila.

Mabuti na lamang at nakapagmaneho ako ng maayos. Safe kaming nakauwi ni Haila at aaminin kong natakot ako sa naging usapan namin. Nagmukha akong katawa-tawa kanina at kung napanood ako ni Luiy tiyak na pagtatawanan niya ako.

“Natatakot akong malaman niya ang totoo. Pa’no nalang kung pagtawanan niya ako o ‘di kaya naman ireject.” Depensa ko. Abala ako sa pagpunas ng buhok ko sa hawak kong tuwalya. Katatapos kong maligo dahil pakiramdam ko sobrang lagkit ko. Pagod rin ako sa haba ng byahe. Hating-gabi na ng makauwi kami dahil naabutan namin ang rush hour sa edsa.

“Tsk! Lalaki ka ba talaga? Ikaw ba ‘yan, Rhaiven?” naiinis na singhal ng kaibigan ko sa akin. Ramdam na ramdam ko ang inis sa kanyang boses. “Ano naman kung pagtawanan ka niya o ireject? Atleast nasabi mo sa kanya ang totoo mong nararamdaman. Sana naman nag-isip ka ,’diba? ‘Yon na ang pagkakataong binigay sa’yo sinayang mo pa, pre.”

Padabog akong umupo sa dulo ng aking kama at hinagis sa malapit na mesa ang tuwalyang hawak ko. Tinamad na akong ibalik ‘yon sa banyo.

“Hayaan mo na. Tsaka, ayokong ako ang dahilan nang hindi niya pagsagot kay Kenneth. Mahal na mahal siya ni Kenneth, hindi ako ganon kasama para hadlangan sila. Siguro, mas mabuting kalimutan ko nalang ‘tong nararamdaman ko kay Haila. Pre, hindi ‘to tama e. Amo niya ako’t yaya ko naman siya. Pagtatawanan lang kami ng ibang tao.” Mungkahi ko.

Matagal ko ng iniisip kung sakaling malaman ng iba tao ang nararamdaman ko kay Haila ay tyak pagtatawanan nila ako, kami. Concern ako sa mararamdaman if ever mangyari ang bagay na ‘yon. Ayokong masaktan siya nang dahil lang sa katangahan ko.

“E, gago ka pala e,” singhal ni Luis sa akin. “Akala ko ba gagawin mo lahat para sa kanya? Para makuha siya. E, ba’t ganito ka magsalita ngayon? Alam mo, kung umamin ka lang sa kanya kanina, mabibigyan mo siya ng dahilan para ‘di niya sagutin si Kenneth. For sure, iisipin niya ang mararamdaman mo since may gusto ka nga sa kanya. Ayaw mo ba no’n, magtutuos kayo ni Kenneth para sa isang babae?”Mahabang paliwanag ni Luis.

Naisip ko ang naging paliwanang niya. He’s right. Kung nagkataon na umamin ako kay Haila kanina, mabibigyan ko siya ng dahilan para huwag niya sagutin si kenneth. Pero, hindi ba ako magiging masama kapag ginawa ko ‘yon? Bahala na.

“E, sa torpe ako e. Kung kasing kapal ko lang ‘yong mukha ni Kenneth, naamin ko sana kay Haila kanina, kaso hindi.”

“Psh! Kung may gamot lang sa katorpehan, ako na mismo bibili para sa’yo. Taena ka, ginising mo’ko dis-oras ng gabi para lang ipaalam sa’kin ‘yang katorpehan mo. Tsk!” singhal nito sa akin. Mas mainit pa yata ang ulo niya kesa sa apoy.

“Fuck! I don’t know what I’m going to do. Sumasakit ang ulo ko.” Pabagsak akong humiga sa kama ko at napahilot ako sa aking sentido.

“Ako ang naiistress diyan sa katorpehan mo e. Kung nandyan lang ako sa tabi mo baka bugbog sarado ka na sa’kin.” Pamamaktol nito sa akin. Ramdam ko naman ‘yong galit niya e. Konti nalang papatayin na niya ako sa tono ng kanyang boses.

“Hindi ko naman ginustong maging torpe. Taena naman kasi e.” Ani ko at hinagis ang nahawakan kong unan na narito sa tabi ko.

Feel ko kasi natatalo ako e. Iniisip ko palang na malapit na niyang sagutin si Kenneth ay mas lalo akong naprepressure. Kung hindi lang ako ganito katorpe, sana noon ko pa naamin ang totoo kong nararamdaman kay Haila.

“Nakakataena ka. Diyan ka na nga. Bahala ka sa buhay mo. Sana lang may mapala ka dyan sa katorpehan mo.” Usal niya at binabaan na ako ng tawag.

Padabog kong inihagis sa left side ko ang hawak kong selpon. Pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko sa pagkapressure. Nagsisisi akong hindi ko pa inamin kay Haila ang totoo at the same time natatakot mareject.

Hindi ko naman inakala na ganoon ang tatanungin niya sa akin kanina. Masyado na ba akong halata para mapansin ‘yon nina Ate Marie? Potek! Nakakahiya. Ano nalang ang iisipin nila sa akin? Nagmumukha talaga akong katawa-tawa sa mga nangyayari.

“May gusto ka ba sa’kin?” tanong ni Haila na ikinamilog ng mata ko. Hindi lang oras ko ang huminto kundi pati na rin ang mundo ko. Pakiramdam ko pa nga ay katapusan na ng pagiging torpe ko.

Umiwas ako ng tingin para hindi niya mahalatang nailang at kinabahan ako sa tanong niya. Taena! Hindi pa ako handa na sagutin ang tanong na ‘yon. Tama nga sina Luis, masyado akong torpe at sa salita lang magaling. Sa katunayan, wala akong sapat na plano para umamin sa kanya. Hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula.

“Ako? May gusto sa’yo? Nagpapatawa ka ba?” Pinilit kong maging sarkastimo kahit ang totoo nanginginig pati ang labi ko. Nanlamig ang mga kamay ko’t bumilis ang tibok ng puso ko.

Isang tanong lang ‘yon pero halos maguho ang mundo ko.

“Malay ko lang naman.” Saad niya. “Napapansin kasi nina Ate ‘yong pagiging malapit mo raw sa’kin. Kung umasta ka raw parang nobyo kita. Alam mo bang binibigyan nila ng malisya lahat ng kilos mo? Inaakala kasi nilang may gusto ka sa’kin e.” Paliwanag niya.

Alam kong pinag-uusapan nila ako. Alam ko naman kasi na napapansin nila ang kakaibang kinikilos ko pagdating kay Haila. Syempre, nagpagoodshot na ako sa kanila. Nakuha ko naman kaagad ‘yong mga loob nila. Malaking lamang na ‘yon sa’kin laban kay Kenneth.

“W-wala akong gusto sa’yo no. Alam mo naman kung ano ang tipo ko sa babae, hindi gaya mo na jologs. Tsaka, hindi naman na bago sa’yo ‘tong pagiging mabait ko sa’yo.” Palusot ko nalang kahit ang totoo nagsisisi akong hindi pa sinabi sa kanya ang totoo.

Tumango siya ng ilang beses bago nagsalita ulit. “Mabuti nang malinaw. Hindi ka pwedeng magkagusto sa’kin dahil ilang buwan nalang aalis na ‘ko. Matatapos na ang kontrata ko sa’yo.” Tumingin siya sa’kin at ngumiti ng matamis.

Aaminin kong nasaktan ako sa sinabi niya. Kung alam niya lang kung gaano ako nalulungkot kapag naiisip na bilang na pala ang buwan na makakasama ko siya. Ilang buwan nalang aalis na siya, iiwan niya akong ‘di ko pa nasasabi sa kanya ‘tong nararamdaman ko.

Nagsalita siya ulit na lalo pang nagpabigat sa nararamdaman ko.”At, malapit ko na ring sagutin si Kenneth. Siguro, iyon nalang ang ireregalo ko sa kanya. Maganda ba? Ano sa tingin mo?” tanong niya sa akin.

“Oo naman,” iyon nalang ang naisagot ko at isinandal sa bintana ang siko ko habang ang isa kong kamay ay nakahawak sa manibela.

Haila, kung alam mo lang. Gustong-gusto ko nang aminin sa’yo ang totoo kaso natatakot ako. Natatakot akong malaman mo ‘tong nararamdaman ko’t iyon pa ang dahilan ng pag-iwas mo sa’kin.

Ang daming pagkakataon ang sinayang ko para masabi sa kanya ang totoo. Masakit sa akin na marinig mula sa kanya ang tungkol sa pagsagot niya kay Kenneth. Tuwang-tuwa siya habang ibinabahagi niya iyon sa akin. Para bang may kung anong tumutusok sa dibdib ko. Hindi ko maipaliwag ‘yong sakit na nararamdaman ko ngayon.

Humarap siya sa akin at nailang ako. Hindi ko yata kayang makipag eye-to-eye sa kanya matapos ang ng usapan namin. Parang ibang tao na ‘tong kaharap ko’t nahihiya na akong tumingin sa kanya ng diretso.

“Mangako ka na hinding-hindi ka magkakagusto sa’kin,” utos niya at tumingin ng diretso sa mga mata ko. Tinapunan ko siya saglit ng tingin bago iyon iniwas.

“P-pangako.”

Pagkasabi ko sa katagang ‘yon ay tinapik niya ang balikat ko. Nabalot ng ngiti ang kanyang labi dahil napaniwala ko siya sa mga kasinungalingan ko. Kung alam niya lang na masakit sa pandinig ko ang mga sinabi niya.

Pakiramdam ko bumagsak ang langit at lupa sa akin. Hindi ko alam kung paano ko pa nakayang ngumiti sa kanya kahit nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa katotohanang bawal siyang mahalin dahil mayroon nang magmamay-ari sa kanya pagdating ng araw.

Kinabukasan. Nagising ako sa ilang katok na nagmumula sa may pintuan. Kinusot-kusot ko ang naniningkit kong mata. Tumingin ako sa wall clock at alas dose na pala ng hapon. Napasarap yata ako ng tulog.

“Omaygash! Kuyaaaa! I miss you so much,” bungad ni Rhaivee sa akin nang pagbuksan ko siya ng pinto. Kaagad siyang yumakap sa akin na animo’y isang taon kami na ‘di nagkita.

“Teka nga, aray, nasasaktan ako. Bitaw ka nga,” singhal ko sa kanya dahil naramdaman kong kumirot sa banda kung saan siya nakayakap.

“Che! Ang arte naman nito,” padabog siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin.”Kumusta naman ‘yong lakad niyo ni Ate Haila? Enjoy ba, kuya?”

“Yeah,” walang ganang sagot ko. Pumapasok na naman kasi sa isip ko ang mga nangyari doon sa probinsiya na hindi naranasan ng kapatid ko. Nakakalungkot lang isipin.

“Sana nextime makasama na ako if ever pumunta kayo ulit ni Ate do’n,” nakangusong saad ni Rhaivee. Makikita sa mukha niya ang paghihinayang. Hindi ko tuloy maiwasan ang masaktan.

Umakbay ako sa kanya at hinapit sa kanyang balikat.”Sige, kung ‘yon ang gusto mo, isasama ka namin.” Pagpapawala ko ng lungkot sa kanya. “By the way, sinong kasama mo nagcelebrate ng Christmas?”

I want to know where did she celebrate christmas without me. Masakit na ‘di siya nakasama sa probinsiya. Kaya nga nagdesisyon na ako kaagad kahapon na uuwi na dahil concern ako kay Rhaivee.

“Nothing.” Umiling pa siya ng bahagya.”I just rest at my room whole day and night. Nagbakasakali rin ako na uuwi sina Mommy but it ended up nothing.”

Aaminin kong nasaktan ako doon sa naging sagot niya. Masakit isipin na wala siyang kasama noong pasko habang ako nagsasaya roon. Fuck! She always hoping that Mom and Dad are going home for Christmas. Ni hindi niya pa yata naranasan na magpasko kasama ang parents namin.

Wala akong naisagot. Hinaplos ko nalang ang kanyang braso to comfort her. Alam kong mas masakit ‘yon sa kanya. Mas doble ang sakit na nararanasan niya kaysa sa akin. Sad, but true.

“Kuya, makakasama ba kita to celebrate New Year’s eve?” Tanong ng kapatid ko. Inangat niya pa ng bahagya ang ulo upang masulyapan ako.

“Of course, sa katunayan may plano kami ng Ate Haila mo e,” pang-aakit ko sa kanya. Bumalik tuloy ang sigla niya’t mukhang naexcite sa kanyang narinig.

“Omaygash! Really? What is it, kuya?” Puno ng excitement sa kanyang boses pati na sa kanyang mukha.

“Secret,” umarko ang kilay ko pataas-baba upang akitin siya. She look excited at natutuwa ako roon.

“Kuya, you’re so madaya talaga,” umirap pa ito at inalis ang pagkakaakbay ko sa kanya. Natawa nalang ako sa naging itsura niya. Para siyang bata na inagawan ng kendi.

“No I’m not. Just for it nalang para mas exciting. Hope you like it.” Usal ko. Pati na rin ako naeexcite. Napag-usapan na namin ni Haila ang mga dapat gawin sa New Year’s eve. Wala pang pinal na plano pero tatapusin namin para maging perpekto. We do this and give so much effort to make Rhaivee happ para mas exciting. Hope you like it.” Usal ko. Pati na rin ako naeexcite. Napag-usapan na namin ni Haila ang mga dapat gawin sa New Year’s eve. Wala pang pinal na plano pero tatapusin namin para maging perpekto. We do this and give so much effort to make Rhaivee happy.

“Can’t wait, kuya.” Hagikgik niya at napahawak pa sa kanyang pisngi dahil sa excitement na nararamdaman.

Sabay kaming kumain ni Rhaivee ng lunch. Detalyadong-detalyado ang mga kinuwento ko sa kanya na naging ganap sa probinsiya dahil ‘yon ang gusto niya. Pinangarap niyang makapunta sa lugar na ‘yon at maranasan rin ang saya. Napapangiti nalang ako dahil sa tuwa.

Hindi naman ako makatingin ng diretso kay Haila. Kasabay rin kasi namin ang mga kasambahay tutal kami lang ni Rhaivee ang kakain. Nagulat pa nga sila nang yayain ko silang sumabay sila sa amin. Tinanong pa nila kung ano ang nakain ko. Baka epekto rin daw nalanghap kong hangin sa probinsiya. Tsk!

Hindi pa rin mawala sa utak ko ang naging usapan namin ni Haila sa kotse. Pilit kong kinakalimutan ‘yon pero kusang bumabalik. Grabe! Masasabi kong iba ang nagiging epekto noon sa sistema ko. Kinakain niya ang concentration ko sa ibang bagay e. Ibang klase rin.

Ilang mura rin ang natatanggap ko kay Luis kapag tatawag ako sa kanya. As usual, ipapamukha niya ang pagiging torpe ko kesyo sa salita lang daw ako magaling. Inaako ko naman na torpe ako. E, wala naman akong magagawa roon.

Ilang beses kaming nagkakasama ni Haila. Ilang beses ko ring iniiwasang tumingin sa kanya. Ewan ko nga ba kung bakit naiilang na ako. Pakiramdam ko kasi kapag mahuhuli niya akong nakatingin sa kanya ay isipin pa niyang may gusto ako sa kanya. Ayoko munang mabisto. Gagawa at gagawa rin naman ako ng paraan para malaman niya ang totoo kong nararamdaman.

Wala akong balita kay Kenneth. Alam na ba niyang malapit na siyang sagutin ni Haila? Fuck! Napapamura na lang ako kapag iniimagine na sinasagot siya ni Haila sa harapan ko. Mas masakit pa yata ‘yon kesa noong natuli ako.

Kung pwede lang na pigilan si Kenneth na umuwi ng Pilipinas ay ginawa ko na. Kung ganoon lang kadali na utuin si Haila na huwag sagutin si Kenneth ay ginawa ko na rin. Marami akong naiisip gawin upang ‘di matuloy ang bagay na ‘yon kasi heto lamang ako nakaupo, nakatunganga.

“Sir, okay ka lang ba?” Tanong ni Haila noong minsan ay naghahanda kami para sa surprise kay Rhaivee. And yes, magbabagong-taon na mamayang gabi pero hindi pa ako umaamin sa kanya. Fuck!

“O-oum, may iniisip lang ako, “ saad ko at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Naiilang kasi ako sa kanya at hindi ko alam kung pansin niya iyon.

Kahit pa man naiilang ako kay Haila ay tinulungan ko pa rin silang magdecorate para sa party mamayang gabi. Ginawang espesyal ni Haila ang party mamayang gabi para kay Rhaivee. Natutuwa naman ako at minsan ay napapangiti mag-isa. Ang lakas talaga ng tama ko sa kanya. Psh.

Nanlalamig ang kamay nang sinamahan ko si Haila na maggrocery. Hindi ko alam kung bakit natataranta ako. Mabuti na lamang at hindi siya nagtatanong. Nasa pagpili kasi ang atensyon niya sa mga bibilhin niyang rekados. Minabuti kong umakto na para bang walang nangyari sa kotse noong nakaraang araw.

Ilang araw na mula noong nakauwi ki pero heto pa rin ako at natotorpe. Kung may gamot man sa katorpehan, binili ko na sana lahat. Sawa na ako sa pagiging torpe at gusto ko wakasan. Pakiramdam ko, nawawala ang pagkalalaki ko dito sa sitwasyon ko e.

“Sir, talaga bang ayos ka lang? Ilang araw ka ng parang wala sa sarili. May sakit ka ba? “ Tanong niya sa akin at idinampi ang likod ng palad sa noo ko. Narito na kami sa parking lot at pauwi na sana kami.

“W-wala naman. Ayos lang ako, h’wag ka mag-alala. “ Ani ko at hinawakan ang palapulsuhan niya upang alisin ang pagkakadampi ng likod ng kanyang palad sa aking noo.

Potek! Pakiramdam ko ay parang nakuryente ako sa pagtama ng balat niya sa akin. Iba talaga ang dating ng presensya niya sa akin. Nababaliw ako sa ganitong setup.

Narito na kaming lahat sa pool area. Kasama namin ni Rhaivee ang lahat ng kasambahay at tuwang-tuwa si Rhaivee dahil ngayon niya lang mararanasan ito. Halos maiyak siya kanina na nagpasalamat sa amin ni Haila. I know, simpleng bagay ito pero tagos na tagos sa puso ni Rhaivee.

“Kenneth, magbabagong-taon na kami mamaya dito. Sana nandito ka kasama ko, “ rinig kong usal ni Haila sa kanyang hawak na selpon.

Halos manlumo ako pagkarinig sa sinabi ni Haila kay Kenneth. Malayong-malayo siya sa pwesto ko pero rinig na rinig ko. Hindi ko kasi maalis ang tingin sa kanya. Konti nalang ay maging anino niya ako kakasunod sa kanya. Taena.

Nakita ko kung paano gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi habang nag-uusap sila ni Kenneth. Aaminin kong naiinggit ako. Lalo na noong hiniling niya na sana kasama niya si Kenneth ngayong gabi. Taena, Kenneth, sobrang swerte mo talaga.

Pinanood ko siya habang kausap si Kenneth. Kapag tumitingin siya sa direksyon namin ay mabilis akong umiiwas ng tingin. Ayokong mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Dahil sa sobrang sakit na nararamdaman, natahimik ako na para bang gusto ko nang matapos ang gabing ito.

Napilitan akong tumalon-talon noong sumapit na ang alas-dose ng hatinggabi. Lahat kami ay tuwang-tuwa lalo na ang kapatid ko. Kahit pa man nasaktan ako sa narinig ko kanina, nagawa ko pa ring sulyapan si Haila na noon ay nakapikit ang mata na para bang humihiling siya sa mga bituin sa langit.

Ang ganda niya talaga. Kung malakas lang ang loob ko, gagawin ko nang umamin ngayon sa harapan niya kaso hindi. Bumabalik lang sa alaala ko ang naging usapan namin sa kotse noon, umaatras na ang dila ko. Nangako pa naman ako sa kanya na hindi ako dapat magkagusto sa kanya. Kaya heto ako ngayon, nasasaktan at naiinggit ng patago. Fuck!

Kaliwa’t kanan ang pagbati na ginawa naming lahat sa isa’t isa. Nagselfie pa kaming lahat na animo’y magkakatropa kami. Pero, ayos lang ‘yon sa akin. Kahit ngayong gabi lang ay makalimutan nilang amo nila ako. Ganito naman pala kasaya kapag kasama mo ang taong nagpapatibok sa puso mo. Mas masaya pa siguro kung nandito sina Mommy at Daddy. Damn.

“Happy New Year, Sir.” Bati nila sa akin at binati ko naman sila pabalik. Nandito kami ngayon sa labas at sinisindihan ang mga lusis na binili ko. Kahit papaano ay may pampaingay rin kami ngayon

Umakbay ako kay Rhaivee nang mapansin ko siyang umiyak. Alam kong natutuwa siya ngayon kaya naiintindihan ko siya. Heto naman talaga ang gusto ko para sa kanya, ang makita siyang sumaya.

“Stop crying, bagong-taon umiiyak ka na. “ Pagpapatahan ko sa kanya dahil humahagulgol na ito. Hinaplos ko pa ng bahagya ang kanyang braso para mapatahan.

“I am very happy, Kuya. Thanks a lot. “ Usal niya at niyakap ako ng mahigpit. Kahit pa man naiinis ako minsan sa kanya, kapatid ko pa rin siya. I will do everything na makakapagpasaya sa kanya na hindi kayang ibigay nina Mommy.

“Happy New Year, Sir. “ Bati sa akin ni Haila noong matapos umiyak si Rhaivee sa akin. Napatulala na naman ako sa ngiti niya at mabuti nalang hindi niya iyon napansin.

“Happy New Year din, “ sagot ko at nginitian siya. “-And I love you, Haila.” Sa isip ko nalang sinabi iyon dahil dinalaw na naman ako ng katorpehan. Hayts! Kailan ba ako magkakaroon ng lakas ng loob para umamin sa’yo?