CHAPTER 02 Nagbabalik
"Oh Aistia anak gising ka na pala, let's go kakain na tayo. Gigisingin pa lang sana kita" malamyos na sabi nito
Haa?? Si mama?? Boses yon ni mama!!
Dali dali ako napabangon at nilingon ang ina na nagtatakang nakatingin sakin, unti unti naman nangilid ang luha ko dahil sa muli ko na naman nakita ang aking ina.
N-no! Aistia gumising ka panaginip lang lahat ito.
Natigil lamang ako sa ginagawa noong maramdaman ko ang mainit na palad ng aking ina sa mukha ko. "Mama" sunod nito ay ang malakas na hagulgol ko na maging ang nasa baba ay rinig ito kaya't dali daling nagsiakyatan ang mga ito sa kwarto ko.
"Cristal anong nangyari kay Aistia?"
"Mom? Ate? what happened?"
"Ate why are you crying?"
Natigil muli ako sa pagiyak at napakurap kurap pa ako bago muling bumalik sa pagiyak ko.
Nandito si Mama, Papa, Anxi, at Yrah.
Sana kung panaginip lang ito, huwag na sana akong magising. Please. Mas pipiliin kong dito na lang kaysa sa totoong buhay ko na walang kwenta.
"Anak what's wrong?" nagaalalang ani ng ina nito
"Nothing mama, nightmares lang" naluluha ko pa ring sambit
"Ay nako ang ate naman, akala pa naman namin kung ano na ginawa ni mama sayo hahaha" natatawang singit ni Anxi na nagpatawa sa iba habang si Yrah ay titig na titig sa ate nito habang nakatagilid pa ang ulo
"Mukhang may gustong sabihin si Yrah??" napatingin ang lahat kay Yrah dahil doon
"Ate imissyouu! Nandito na po kami" Huling sabi nito bago nawalan ng malay, mabuti na lang at mabilis ang naging aksyon ni Aistia nasalo niya ito bago pa mabagok sa sahig. Pero hanggang ngayon naguguluhan sya sa sinabi ni Yrah
"Yrah heyy" marahang tinampal tampal pa nito ang pisngi ng nakakabatang kapatid bago chineck ang pulso nito
"She's okay mama, nawalan lang ng malay. Kumain na ba si bunso?" seryosong sabi nito pero ang paningin ay nasa bunsong kapatid.
"Ma?" sa wakas ay nilingon nya na ito, natauhan naman siya dahil sa nangyari at pilit na ngumiti
Sa sobrang pagaalala ko kay bunso, hindi na ako nakapagingat sa kinilos ko!
Becareful Aistia!
"Haa? ah hindi pa inaantay ka e, halika nalipasan na ng gutom si bunso." Nagaalalang sabi ni mama
Kinuha na nila si bunso at bumaba na habang ako ay nagpaiwan muna dahil may gagawin muna ako. Inilibot ko ang paningin ko sa apat na sulok ng kwartong ito. Dahil ito ang naging saksi sa lahat! Kasiyahan, lungkot, at pighati ko, lalo na noong nawala ang buong pamilya ko.
Wala pa rin pinagbago, mas makintab nga lang ito dahil na rin siguro bago bago pa lang ito, noon kasi hindi ko na pininturahan ang kwarto ko dahil sa iba naman na ako nakatira. Sa tuwing namamalagi kasi ako rito, naaalala ko lang yung mga nangyari.
Kaysa sa magaksaya ng oras agad kong pinuntahan ang study table ko, at binuksan na ang computer ko. Agad naman bumungad sa akin ang mukha namin ng pamilya ko, iyan kasi ang wallpaper ko simula dati.
Clinick ko kaagad ang facebook at bumungad sa akin ang daang daang mensahe sa akin. Ang mga kaibigan ko, kaklase, at iba pa. May mga mensahe na magaganda at meron din mga masasamang salita na puro mga naka dummy lang naman. Kung noon naiinis ako ngayon natatawa na lang ako haha
Naaalala ko kasi noong teenager ako masama talaga ang ugali ko, kahit kanila mama at papa ay ganoon. ewan ko ba bakit ang gago ko non haha. Muntikan na nga rin akong mawala ng dahil sa ugalin kong yon e. Nagbago lang yon nung makilala ko sya.
Pero ang gago, iba pala ang nais nagpakatanga pa naman ako noon sa kanya. Noon ngang nalaman ko yon halos kamuhian ko na sya e.
At simula ngayon babaguhin ko ang mga nangyari dati, wala ng makakapaghiwalay sa akin at sa pamilya ko. Dadaan muna sila sa demonyo bago nila magawa yon.
*Tok *Tok
"Ate nasaan ka na? umiiyak na si bunso" kinatok pa ni Anxi yung pinto
"Sandali Anxi, palabas na ako." pinatay ko muna yung computer bago ako tumayo
"Anxi kamusta na si bunso?"
"Ayos na ate, nagising na din hinahanap ka nga agad e"
"O sya tara na, pinagantay pa ata natin si bunso"
"Sus ate ikaw lang kanina pa kami naguumpisa don eh hahahha" babatukan ko na sana ng tumakbo na ito papunta sa lamesa
"Ma oh si anxi" pagsusumbong ko kay mama
"Ay nako, Aistia. Intindihin mo na lang yan, may sapak kapatid mo e- Ohh wag na kayong magsalita pa kumain na lang tayo" pagpapatigil ni mama ng akmang magsasalita pa si Anxi
"O sya nga pala, Thy kamusta na ang negasyo??" tanong ni mama kay papa
"Hayyy sa tingin ko sa susunod na taon pa ang lumipas malulugi na tayo" kababakasan ng pagod, dismaya, at lungkot ang mga mata nya
Oo nga pala, naalala ko next 2 years malulugi na ng tuluyan yung negosyo na naipundar nila papa. Dahil don lahat ng naipundar nila ay naglaho ng biglaan. At naging dahilan din ng pagkawala nila.
Gusto silang mabura sa bussiness world, kaya pinagplanuhan nila lahat ang nangyari sa pamilya. Simula sa pagkalugi ng kumpanya hanggang sa pagkamatay ko.
Yes, alam kong sila ang may pakana ng lahat. Para kapag nawala ako wala ng sagabal sa gusto nila. mga gago nga kasi sila!
"Anak, you okay?" napaangat na lang ako ng tingin kay mama dahil sa tanong nya
malapit ko ng mayupi yung spoon ko!!!
Pasimple pa akong umubo bago nagsalita, gagi naman
"Ah okay lang ma, busog na ako. Maliligo na ako" pumanhik na rin ako sa kwarto ko para maligo na, ano pa ba aasahan kapag bata ka? syempre magaaral pa rin tsk
Nang matapos na akong maligo at magbihis, kinuha ko na ang mga gamit ko at umalis na. Kung noon kapag naalis ako hindi na ako nagpapaalam sakanila pero kanina ginawa ko na, nakakatawa nga dahil gulat na gulat sila mama eh haha
Pinark ko lang yung kotse ko bago bumaba na, pero hindi nga lang sa school. Pumunta ako sa lugar kung saan magkasama kaming sumabog ni Leo. Kung noon matataas na building an ang nakatayo ngayon ay isang may kalakihang bahay at mga puno, kanino kaya 'to??
Natigil lang ako sa pagmuni ng may magsalita sa likuran ko.
"Iha? may kailangan ka ba?" napalingon naman kaagad ako sa babaeng may katandaan na
"A-ah wala po, nagandahan lang po sa tanawin hehe"
"Ay sus. iyon lang ba, Aistia?" haaa? hindi pa ako nagpapakilala
"Kilala mo ako? Lola??" ngumiti naman ito ng makahulugan bago tumalikod na
"Sumunod ka sa akin, Aistia"
Pagkabukas niya ng pinto ay natulala ako sa nakita ko, ang dati naming hideout!! Dahan dahan akong napatingin kay lola na kanina pa nakangiti at nakatingin sa akin, pero nung nagsalubong ang mata namin umiwas na sya at naghanda ng kung ano.
"Oh heto, uminom ka muna" lapag nito sa juice pero hindi ko na pinansin iyon
"Sino ka? totoo bang lola ka o nagpapangap ka lang" napangiti naman sya sa sinabi ko at dahan dahan umayos ng tayo
"Aistia, Tunay ngang magaling ka pero hindi mo na kailangan malaman pa. Ngayon ba ay masaya ka na sa buhay mo?" kahit tinanong man ako nito ay hindi ko pa rin sinagot imbis ay nakatingin lang ako ng blanko sakanya
"Sa nakikita ko sa mga mata mo, masaya ka. Nawa'y sa ikalawang pagkakataon na ito ay magawa mo na ang mga hindi mo pa nagagawa noon. Huwag mong hayaan na mangyari uli ang nakaraan, pigilan mo at ibahin ang nakatadhana..."
"Dahil ikaw lang ang makakagawang ibahin ito, at wala ng iba. Alam natin na kilala at alam mo ang mga taong may pakana ng iyong buong buhay na paghihirap. Imbis na maghiganti sa nagawa nila noon, pigilan mo ito at alamin ang katotohanan." WTF?
"Ikaw ba ang dahilan ng lahat ng ito?" pilit ko pa rin inaabsurb ang lahat
"Aistia, tandaan mo. Huwag mong hayaan na lamunin ng galit ang iyong puso." imbis na sagutin ang tanong ko muli na naman niyang tinuloy ang sinasabi nya
"Sandali!! hindi ko maintindihan. Bakit nangyayari to?? Nasaan si Leo? maayos ba ang lagay nya?" sunod na sunod na tanong ko
"Dahil ito ang iyong nais, Aistia. Hindi ito ipinagkait saiyo ng mundo, dahil ito ang kapalaran mo talaga. Ang iyong mga nakasama sa nakaraan ay maayos ang kanilang buhay. Ikaw lang ang nakakaalam ng totoo, ang mga tao ay balik sa normal noong hindi ka pa nila nakikilala."
"tandaan mo, Aistia pagisipan mo ang mga bawat galaw mo. Huwag kang magpadalos dalos enjoyin mo ang ito at baguhin ang kapalaran mo. Hanggang sa muli natin pagkikita, Aistia." huling sabi nito bago unti unting naglaho
'Tawagin mo na lamang ako kapag ako ay kailangan mo, ang lugar na ito ay sayong sayo'
Narinig ko pa ang pagsalita nito sa isip ko bago ako lamunin ng kadiliman.