CHAPTER 1 Ang katapusan
Rinig na rinig ang mga putukan na sya lalong nagpangisi sa babae. Tila isa itong nanonood sa sinehan at hindi alintana ang mga taong unti unting nababawasan. Natigil lamang ang panonood nito ng humahangos na binuksan ng isang lalaki ang pinto na kaniyang kinalalagyan. Nang makabawi na ito, umaayos sya ng tayo dahil nasa harap na siya ng babaeng nakakataas sa kanilang lahat.
"Ms. Marami ng namamatay sa atin, mukhang dehado na tayo. Yung kaninang kakaunting bilang ay mas dumoble na ang bilang ngayon." Kinakabahan ngunit walang emosyon na sabi ng kanang kamay niya.
"Hmm... I knew it. Alam kong marumi maglaro ang drains, huwag kang magalala may plano ako. Sabihin mo sa lahat ng mga natitira pa, umatras na sila I'll give them 2 minutes." aligagang sinunod ng lalaki ang sinabi nito sa mga natitira pa.
"Ms. they already do what you said." sa muling pagtitig nito sa babae muli syang kinilabutan sa ngising nilabas nito sa kaniyang labi. Kahit sanay na sya sa mga ganitong kilos nito hindi pa rin nya makuhang masanay at maging normal kapag nakakaharap niya ito.
"Let's go" aktong tatayo na ito ng makarinig ng sunod sunod na pagsabog malapit sa kanila.
"Shit! Ms tara na mukhang gusto na nilang mamatay ka." Dali dali pa nitong hinila ang kamay ng babae na syang nagpagulat dito, pero hindi na ito pinansin ng lalaki dahil ang nais lang niya ay maialis ang babae sa kahapamakan
"Let me goo! I know na mangyayari to, please leo iwanan mo na ako. Save yourself!" Kahit naiiyak ay pinipigilan nitong hindi tumulo ang luha ngunit bigo sya, taksil ang mga luha nya.
"But Ms... That's my order! Goo leave that's my last order, Leo."
"N-no! I don't leave you, kung mamamatay ka sasama ako. HIndi kita iiwan Ms." Niyakap pa nito ang babae
BOOOOM!
"Mahal kita, Ms." Huling sambit ng lalaki bago nawalan na ng malay
"Leo? Leoo??! Bakittt??? Bakit ganto ang nangyayari sa akin!! Masama ba akong tao? Ang gusto ko lang ay maging masaya, pero bakit ipinagkait ito ng mundo sa akin?? Isinarado ko ang puso ko para hindi na uling masaktan pero mukhang nagsisisi ako, Mahal din kita Leo." pagkatapos sabihin ng mga salitang ito ay unti unti na rin itong nilalamon ng kadiliman.