Chapter 14: Pain

"Kamusta ung pinapagawa ko?" Tanong ko kay Makoy na busy sa ginagawa niya sa laptop ko.

"Hindi ko pa tapos Boss, pasensiya na" sinilip ko kung anong ginagawa niya.

"Seriously? Paano mo matatapos kung naglalaro ka ng Friv dyan?" Ngumuso siya sa'kin na ikina-irita ko. Kinuha ko ung unan sa couch at ibinato sa kanya.

"Bilisan mo na dyan!" Tumango siya sa'kin at ibinalik sa word ang tab.

"Boss! Boss!!" Napangiwi naman ako sa ingay ni Miko. Lumapit siya sa'kin at saka ipinakita ung phone niya.

"Ginawan kita ng dating app pagkatapos may gustong makipag blind date sayo" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Sinilip ko kung ano yon at nagulat akong makita na mukha ko ung profile. "Letse ka Miko! Bakit mukha ko ung nandyan! Burahin mo yan! Burahin mo!" Sinabunutan ko siya at panay naman ang tawa niya sakin.

Tumakbo siya papasok sa loob ng kwarto ko na ikinangiwi ko ng husto. "Lumabas ka dyan! Letse ka! Alisin mo yang profile ko! Icancel mo yang pesteng date na yan!" Pinaghahampas ko mula sa labas ang pinto ng kwarto ko at ilang saglit lang ay bumukas ito.

Akmang suntukin ko na siya ng ipinakita niya sakin ang kachat niya. "Boss! Leo Sanchez? Kilala mo?" Sinilip ko ung pangalan ng lalaking kausap niya.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong si Leo nga. Inagaw ko sa kanya ang phone at nag abang ng sasabihin ni Leo.

Leo: Is this really you Naomi?

Leo: Answer me please! Is this you?

Leo: You're not a fake right?

Bumuntong hininga ako at blinock siya. Tiningnan ko ng masama si Miko at pagkatapos ay tinungo ko na lang ang mini bar namin.

Kumuha ako ng isang bote ng vodka at nagsalin sa highball glass. Napangiwi ako sa lasa pero balewala yun. Hindi naman nito maiaalis ung mga sakit na naramdaman ko noon.

"Boss, hihintayin ka raw niya sa Lounge Resto hanggang sa dumating ka" napairap ako sa hangin dahil sa paglapit niya sa'kin.

"Nag chat ka pa rin?" Tumango tango naman siya sa sinabi ko.

"Hindi sa lahat ng oras makakapag tago ka boss. Harapin mo na yan boss baka forever mo na yan" binatukan ko siya dahil sa sinabi niya.

Tumayo na ako at muling ibinalik ung vodka pero kinuha ni Miko at siya ang uminom. Lumabas na ako ng mini bar at pumasok sa kwarto.

Nagbihis ako at naglagay ng baril sa pouch bago lumabas. "Maiwan ko muna kayo dito, ikaw Makoy tapusin mo yang shipment natin. Si Miko naman bantayan mo at baka kausapin na naman ang sarili niya. Ung gamot niyo nasa lamesa sa paper bag mag inject kana lang okay? " tumango naman siya sa sinabi ko at nagsalute pa.

Lumabas na ako ng bahay at nagsuot ng shades. Nag dress lang ako para maisingit ung baril ko sa hita. Gagamitin ko na lang ang Baby Chiron ko.

Pagkarating ko sa lugar ay napaisip na naman ako kung magpapakita ba ako sa kanya o hindi? Anim na taon na rin simula noong hindi na kami nagkita.

Kamusta na kaya sila? What did they do for the living? Malalaman ko lang kapag lumabas na ako sa kotse ko. Kumuha muna ako ng pills at saka ininom bago ako lumabas. Ayokong panghinaan ng loob dito baka magwala ako ng wala sa oras.

Pumasok na ako sa loob ng Lounge Resto at hinanap siya sa boung paligid. "What can I do for you ma'am?" Bungad naman sakin ng waitress.

"I have a reservation with Leo Sanchez" tiningnan niya ang listahan na hawak niya at saka ngumiti siya sa'kin.

"Table 26 po ma'am sa second floor in the west part of the resto" tumango ako sa kanya at umakyat na sa hagdan.

Napangiti ako ng makita ko siyang nakatunghay sa labas. Nasa gilid lang ng glasswall ang table kaya makikita mo kung ano ang nangyayari sa labas.

He's a man now.. Naka business suit? Does it mean hindi natuloy ang pag dodoctor niya?

Napatayo siya ng makita niya akong palapit sa kanya. "N-naomi!" Hindi makapaniwalang tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"It's been awhile Leo!" I greeted him back at humigpit naman ang hawak niya sa'kin bago niya ako binitawan.

"Kamusta ka? What happened to you? Bakit bigla kang nawala?" Sunod sunod niyang tanong sa'kin na tanging ngiti lang ang naigawad ko.

"It's a long story.. family matters" sagot ko sa kanya at umupo ng maayos sa harap niya.

"I heard the news. Your parents died at nawala sayo ang lahat ng pag aari niyo. What do you do for the living now Naomi?" I fake a laugh at him na ikinaseryoso niya.

"Well it's all true but I'm good now. I have a cafe business" paliwanag ko sa kanya at tumango naman siya sa'kin.

Hinawakan niya ang kamay ko at saka malamlam akong tinitigan. "We missed you! Bigla ka na lang kasing nawala. Hinanap ka namin. We trace your boyfrie-"

"Ex husband" pagtatama ko sa kanya na ikinahinto niya sa pagsasalita. "And his a Solaire? He was actually Bairon Kade Solaire" he added.

"I don't wanna hear his name Leo. Stop it or I'll leave" napalunok naman siya sa sinabi ko but then he change the topic.

May inilabas siyang Blue Invitation Card at iniabot sa'kin. "Next week is my wedding with Feliz, baka gusto mong umattend at makita ang bestfriend mo?" Nagulat ako sa sinabi niya pero kalaunan napangiti rin ako.

"You guys. I can't believe na nafall kayo sa isa't isa. As I remember buddies lang talaga kayo" pagbibiro ko sa kanya na ikinangiti niya.

"Seriously you know I like you before but when you're gone hinanap ka talaga namin ni Feliz then we both realize we're falling for each other. Pinatatag ng paghahanap namin sayo ang relationship namin as couple and now i found you. We're getting married already" napangiti ako sa sinabi niya.

"Is that a thanks or what?"

"Thank you dahil nawala ka" hinampas ko naman siya dahil sa sinabi niya. "bad ka ah! But honestly we learn a lot from ourselves so it's a welcome" we shake our hands at nagkwentuhan pa kami tungkol sa nangyari sa kanila.

"So how come? Naging ex-husband mo pala si Bairon Solaire?" Napangiwi naman ako ng bumalik sa'kin ang usapan namin.

"We started it fast then we ended it fast too. I live in Japan for the past 5 years and so on I came back as a single hot lady" I briefly explain na ikinangiwi niya.

"Yeah you look like one but I can't see through your eyes na masaya ka. Still in pain?" Naging seryoso niya namang tanong sa'kin.

"I'm a liar if I say No" Maraming nangyari sa'kin na hindi ko pwedeng sabihin sayo Leo.

I came to avenge my lost.

My Parents Death...

My child's miscarriage..

And it's because Blaire Solaire fooled me. I trusted the wrong man..

"I will attend promise!" Itinaas ko pa ang kanang kamay ko para lang maniwala siya.

He wave his hand bago siya nagmaneho paalis ng resto. Bumuntong hininga naman ako at tinungo ang kotse ko.

Lumingon ka-agad ako ng may maramdaman akong mga matang nakatingin sa'kin. Unexpectedly wala naman so I open the door at sumakay sa kotse ko.

Isinuot ko ang earphones at tinawagan si Makoy. "How is it?" Usisa ko sa kanya sa tawag. Umubo naman siya at humagikhik. How weird.

"Boss! Successful ang transaction. May gustong makipag deal sayo. Bibili raw sila ng C-4" napaisip naman ako sa sinabi niya.

"Terrorists ba yan?" Paniniguro ko lang naman. Mahirap na kapag terrorist baka kami pa ang mapahamak.

"Hindi boss!" Sigaw naman ni Makoy na ikinangiwi ko.

"Okay Sige. Tinatanggap ko" sagot ko sa kanya at akmang ibababa ko na ang tawag ng may marinig akong boses.

"Hey! Miss Naomi? Pauwi kana?" That soft voice. I smile while driving on the road.

"Yes Hon. Wait me dahil sasapakin pa kita" ibinaba ko na ang tawag at mabilis na pinatakbo ang kotse ko.

Pagkarating ko sa bahay ay naka abang na siya sa labas ng gate. Lumabas ako ng kotse at tumakbo papunta sa kanya. I hug him so tight at hinalikan siya sa pisngi.

"What took you so long?" Tanong ko sa kanya dahil late siyang dumating. He pinch my nose at saka inakbayan ako papasok sa loob.

"Sorry Miss Naomi.. tinapos ko lang yung pinapagawa ni Master" napangiwi naman ako sa sinabi niya at hinila siya sa may salas.

"We are now complete!" Sinalinan ko ang baso nila ng alak and we all cheers.

"Mind telling us your plans of going back here?" Usisa naman ni Honoyami na ikinangiti ko.

"Simple lang naman. I want to tear down the Solaire's Treasure" tumawa sila sa sinabi ko na parang nakakatawa yun. Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nila.

"How will you do that Miss Naomi?" Nakangisi ko namang tiningnan si Honoyami.

"Take back what they took from me and I'll start from killing the members of Trinity" proud kong sagot sa kanilang lahat.

"Master told you. Revenge will never make you happy. You'll make things worst even regrets" pagpapa-alala niya naman sa'kin.

"Whatever basta nakuha ko ang hustisya para kina Mom at Dad" muli kong sagot sa kanila at umupo sa single sofa.

"Akala ko ba kay Blaire Solaire ka lang maghihiganti?" Napahilamos naman ako ng mukha dahil sa sinabi niya.

"Yes sa kanya nga!.. Siya ang susunod sa yapak ng dad niya right? So kailangan kong patayin ang Trinity para gumuho ung mundo niya tapos isusunod ko ang mag-ina niya" napangiwi sila sa sinabi ko.

I just want him to feel what I lost. Ipaparamdam ko sa kanya kung gaano kasakit ang mawalan ng magulang. Ang mawalan ng taong minamahal at ang mawalan ng anak.

"Come on.. Miss Naomi.. killing an innocent child will curse you to hell" tinitigan ko siya ng masama.

"I didn't say I will kill his child. I have better plans for that" natahimik sila sa sinabi ko na ikinangiti ko.

It's all up to me.

"Make it sure na magiging masaya ka sa desisyon mong maghigant8 sa kanya" paalala naman ni Hon sa'kin.

"Justice can make me happy Hon. Only justice" ginulo ko ang buhok niya bago ako pumasok sa loob ng kwarto ko at humiga sa kama.

Kinuha ko sa wallet ang ultrasound ng baby ko at hinalikan ito. Bumalik na naman ung sakit na ayaw ko ng maramdaman. Tumayo ako para kuhanin ang pills at ininom ito.

Naiyukom ko na lang ang kamay ko at napasuntok sa tiyan ko. How I wish to return from that night before I lost everything.

Kung alam ko lang nagagawin sa'kin ni Blaire yun. Hindi na sana ako nagtiwala sa kanya.

The pain still remains. Sobrang sakit na mawala ang lahat sa isang iglap. Napapikit na lang ako at ininda ang pananakit ng tiyan ko.

"No!... No.. hold on!!" I remembered that day again.

"My baby!!.. my baby.. healer.." I felt an adrenaline rush throughout my body. Hindi ko tinigilan sa pagsuntok ang pader hanggang sa namanhid ang kamay ko at tumulo ang dugo mula roon.

Bumagsak ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Honoyami at Makoy. "Boss!"

"Naomi.." niyakap niya ako at panay ang punas sa luha ko.

"Boss kalma lang!.. kumalma ka lang.." hinawakan ni Makoy ang kamay ko at pumasok naman si Miko na dala dala ang tranquilizer.

"Bilisan mo na Miko!" He injected it to my neck na ikinahilo ko. The last thing I know is bumagsak ang katawan ko at unti unting nagdilim ang paningin ko.

It don't lessen the pain.

Still it hurts like before...

•Clove Verry•