Chapter 13: Unexpected
"Nice meeting you Shane!" Tinanggap ko ang pakikipag kamay ni Kuya Blaire sakin.
"Same to you Kuya" he smiled back to me saka binitawan ang kamay ko.
"Uhm ung tungkol sa kanina" pinukulan ko ng titig ung bunso nila. Nahihiyang tumingin siya sa'kin pati ang babaeng katabi niya.
"Tell us ano ba talagang nangyare kanina?" Tanong ni Healer na nakaupo sa tabi ko. Tumikhim naman ako at saka tumingin sa kanilang dalawa ni Kuya blaire.
"Uhm kasi I thought it was you. Hindi mo naman nasabi na may dalawa ka palang version. Then I saw them like.." pinagtagpo ko ung mga daliri ko like kissing.
Umawang naman ang labi ni Kuya Blaire at masamang pinukulan ng tingin si kuya Baxley. "Baxley? What's that?" Ginaya ni Kuya Blaire ung ginawa ko.
Natatawa naman si Healer sa tabi ko at bahagyang kinurot ang tagiliran ko. "Uhm kasi kuya. We actually do that thing. Ito kasing si Baxley mapilit" pagtatanggol naman ni Ate Charmaine kay Kuya Baxley.
"Nasaktan ako at the same time nagulat. I didn't confront them kasi I run away down" nahihiyang sagot ko ulit sa kanila.
"I'm sorry. Nagka emergency lang sa company kaya hindi na kita nasundo" paliwanag naman ni Healer sa'kin. Ngumiti lang ako sa kanya at muling tumingin sa mga kapatid niya.
Up until now I can't believe there's two version of him. They also look powerful and scary as him.
"Are you guys living together?" Tanong ni Kuya Blaire sa'min. Nagkatinginan naman kami ni Healer bago siya tumango.
"Paano kayo nagkakilala?"
"Nasagasaan ko siya" simpleng sagot ko na ikinabuga ni Kuya Blaire ng iniinom niyang beer.
"A-ano? Nasagasaan?" Binalingan niya si Healer na nakatungo na.
"Well she knows. I'm healer" muling tumingin sa'kin ang kuya niya at mukhang hindi makapaniwala.
"You aren't scared?" Naging tanong niya sa'kin. Umiling-iling naman ako at sumimsim ng root beer.
"He save me when I was in danger" tumango tango naman siya sa sagot ko at muling tumingin kay Healer.
"Can I talk to you Personally? Shane?" Nabigla kaming pareho ni Healer sa pakiusap ni Kuya Blaire.
"We will talk later Bairon. Explain yourself" hinila ako ni Kuya Blaire papasok sa kwarto namin ni Bairon.
Ni-lock niya ang pinto at napahila siya ng kurbata para luwagan ito. "You know what, i can kill you right now for lying but I want to hear it coming from you" paunang salita niya sa'kin at inilagay niya ang baril sa mini table at prenteng umupo si Kuya Blaire sa single couch.
Napalunok ako sa paraan ng pagtitig niya sa'kin. "Are you Naomi Deguzman?" Nabigla ako sa tanong niya. Papanong? How come he found out?
"Bairon was task to find you and it's been 8 months young lady. He keeps on making excuses but we're not stupid. Bairon was the best assassin of our family and he never failed of finding his target unless.. he keeps it behind from us" dahan dahan akong umupo sa kama at napahawak ng mahigpit sa bedsheet.
"A-ako nga si Naomi Deguzman" nilakasan ko ang loob ko na magsalita sa kanya. In instant itinutok niya ang baril sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya pero ibinaba niya ulit.
Napahilot siya ng sintido niya at saka tumayo at hinarap ako. Inangat niya ang panga ko at tinitigan ako. "Where's the USB that your father steal from us?" Nagulat ako sa sinabi niya at hindi makapaniwalang tiningnan siya.
"A-anong USB?" Itinutok niya ulit sa noo ko ang baril ng biglang bumukas ang pinto at tinutukan ni Healer ang kuya niya.
"Let me explain everything Kuya! Let her go" umawang ang labi ni Kuya Blaire sa ginawa ni Healer.
"Chill! Guys! W-we can settle this right! Put that down kuya Bairon" akmang hahawakan siya ni Kuya Baxley pero sinipa niya ito palabas ng pinto.
"Seriously Bairon? What's happening to you? how could a woman manipu-"
"She's my wife for goodness sake kuya! So please! Put your gun down and let me explain!" Kinasa ni Kuya Blaire ang baril na ikinapikit ko.
"Damn! Wife?" He shouted all over the room na ikinatense ko ng husto.
"Wala siyang alam okay! She doesn't know anything about this shit!! She's innocent!" I open up my eyes and saw him cried. "So please.. let her go! I swear i will kill you if you dare to pull the trigger!" Umiling-iling ako sa kanya at napahawak sa pisngi ko ng may tumulong luha roon.
"She's confuse as you! I hide everything to her! She doesn't even know that I'm Bairon Kade Solaire that's why she keeps on calling me healer because that's how she used to know me" natigilan si Kuya Blaire at nanginginig ang kamay niyang binitawan ang baril.
"It's all me! Ako ang dapat mong sisihin sa bagay na to! Just let her go please?" Napatakip ako ng bibig sa gulat ng lumuhod siya sa harap ng kuya niya.
"D-dont do that H-healer please" pakiusap ko sa kanya at akmang lalapitan siya ng muling itinutok ni Kuya Blaire ang baril niya sa noo ko.
"Whatever Bairon! Whatever! Humanda ka kay Dad and you woman. You've better tell me where's the USB drive" Napayuko na lang ako at pinunasan ang luhang dumaloy sa mukha ko.
"I r-really don't know" anong USB ba yun at ibibigay ko ka-agad sa kanya.
"You have to know or else your parents will die" nag angat ako ng tingin sa kanya dahil sa sinabi niya.
"What makes them alive? That's because this bullshit brother of mine hides you" may diin niyang pahayag sa'kin na ikinatitig ko kay Healer.
"You're putting our family's reputation just to save this woman? Mas mahalaga ba siya keysa sa'min Bairon?" Tumayo ako at hinawakan sa balikat si Kuya blaire.
"I-I'll do e-everything! h-huwag niyo lang s-sasaktan ang mga magulang ko. P-please! Hahanapin ko ang kailangan niyo!" Pakiusap ko sa kanya at tumango naman siya.
"Then go with me" hinawakan niya ako sa braso at halos kaladkarin niya na palabas ng kwarto.
"Kuya! don't!" Nilingon ko si Healer ng sumigaw siya. Pinigilan siya ni Kuya Baxley na ikinatungo ko.
"Tell me what does that USB looks like?" Tanong ko kay Kuya Blaire ng marating namin ang Elevator.
"I don't even know woman. You have to find it. Your dad just left us a riddle" nag angat ako ng tingin dahil sa sinabi niya.
"D-did you h-hurt them?" Sana naman hindi. May sakit sa puso si Dad. "Expect things when it's ruin" naging sagot niya sa'kin. Hinila niya ako papasok sa loob ng kotse at sumakay siya sa driver's seat.
"Sometimes Black , Sometimes White. Dark makes it shine. In the land of humans, water flows in the ocean. Where great treasure hides" salita niya habang nagmamaneho siya.
"That's what your mom says" napaisip ako sa sinabi niya. What's with that riddles?
"You need to find it before sunrise if you want to save your parents. That's how we deal things woman" inisip ko pa rin ung sinabi niyang riddles.
Sometimes Black , Sometimes White. Dark makes it shine. In the land of humans, water flows in the ocean. Where great treasure hides
Work brain! Work it on!
"Does Bairon tells the truth? You really don't know all of this shits?" Muli akong tumingin sa kanya at tumango.
"K-kanina ko lang nalaman. N-nasaktan ako but I know h-he has his reasons at mahal ko siya so I c-choose to stay" totoong sagot ko sa kanya na ikinatango niya naman sa'kin.
"You have to cooperate with me Naomi. That USB drive will save both of our family" napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Inihinto niya ang kotse at hinarap ako.
"My father work hard to aim his position right now. If someone took it first before us. Its going to be the downfall of Solaire Clan. We both love our parents and we treasure them. Hindi mo naman gustong may mangyaring masama sa kanila hindi ba? Ayoko ring mawala sa'kin ang mga magulang ko" tumahimik ako dahil sa sinabi niya. He has point anyway. Kung paiiralin ko ung weakness ko walang mangyayari sa'min. Hindi ko maililigtas ang parents ko.
"A-ano bang gulo ang pinasok ng dad ko?" Lakas loob kong tanong sa kanya. He sigh before he speaks.
"My dad was the Mafia king of Bloods Trinity. Your father serve us loyally but suddenly he betrayed us. He copied everything about the Trinity's members and negotiations, if that USB leak out in the black organization, it's the end of the Trinity. The end of our family" nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko ineexpect na ganon kalala ang mangyayari.
Naiyukom ko ang kamao ko at napayuko sa sobrang hiya. How could my dad do such thing?
"I-I'm sorry, g-gagawin ko lahat mahanap lang ang sinasabi mo" he started the engine at pinatakbo ulit ang sasakyan.
"Sometimes Black , Sometimes White. Dark makes it shine. In the land of humans, water flows in the ocean. Where great treasure hides. All I understand was the 3rd and fourth line. It means the earth" pag uulit niya sa'kin na ikinatitig ko sa ilaw sa labas.
Sometimes Black...
Sometimes White...
Dark makes it shine...
Umawang ang labi ko ng mapagtanto ko kung ano ang tinutukoy niya sa riddles. Tumingin ako sa kanya at ganon na lang din ang pagtingin niya sa'kin.
"What?"
"I think i know where it is already" naningkit ang mga mata niya sa sinabi ko.
"It's in my room. Ung kisame ng kwarto ko may solar system na light in the dark. Mom was referring to the earth planet" He immediately rush driving. Napakapit ako sa upuan ko hanggang sa makarating kami sa village.
"Where's your room?" He ask while loading his gun and prepare another set of magazine na itinago niya sa likod ng coat.
"Sa second floor ung pinaka unang pinto" naging sagot ko naman sa kanya.
Inihinto niya ang kotse sa playground. "Bakit dito?" Naging tanong ko sa kanya dahil nagtataka akong sa playground kami bumaba.
"Stay here it's not safe around" the last thing he said before he run through the house.
5 years later....
"Mom!.. Dad!.." I bitterly smile seeing their gravestone. Hinawakan ko ang nakaukit nilang pangalan at saka hinalikan ko ang family picture namin bago ko inilagay sa lapida.
It's been so long but the pain still remains..
Naiyukom ko ang kamay ko at tumayo mula sa pagkakaupo. I deeply sigh at tumingin sa kalangitan.
"I'm stronger now.. better than before. Mas ginagamit na ang utak" i sniff before wiping my tears.
"Tissue Boss?" Tanong naman ni Makoy at inabutan ako.
"Handkerchief will do, huwag yan magkakalat ka pa dito ng basura" reklamo ko sa kanya na ikinangiwi niya.
"May paper bag akong dala boss!" Tinanggap ko na lang ang tissue at pinunasan ang ilong ko.
"Oh eto! Itapon mo ng maayos kung ayaw mong multuhin ka ng mga patay dito " binuksan niya ang paper bag kaya inihulog ko na roon.
"Saglit lang boss ha" paalam niya sa'kin bago siya tumakbo sa may basurahan. Napapailing akong tumingin sa lapida nina mama at papa.
"I promise Mom.. Dad... tutuparin ko na yun ngayon. Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay niyo" i wipe my tears again at isinuot na ang shades ko.
"Tawagin mo na kakambal mo. Sabihin mo aalis na tayo" saway ko kay Miko na may kausap sa phone niya.
"At iwasan mong ngumiti dyan para kang may kausap na multo" napanguso siya sa sinabi ko.
Tinalikuran ko na sila at nauna akong pumasok sa kotse. "Boss? Sabi ko huwag niyo kong iiwan" napairap naman ako sa reklamo ni Makoy.
"Manahimik ka nga nag momoment si boss" sita naman sa kanya ni Miko na ikinangiwi ko.
"Umalis na nga lang tayo! Nagugutom na ako baka kainin ko kayo!" Ngumiti naman sila sa'kin bago nagmaneho si Miko.
"Alam kong masarap ako boss pero hindi ka naman cannibal" sinamaan ko siya ng tingin na ikinatuwa ni Makoy.
"Magiging zombie na yan si boss kapag hindi pa tayo umalis" kinasa ko ang baril ko na ikina-alarma nilang dalawa.
•Clove Verry•