CHAPTER 5

***

Napabuntong hininga ako bago dumukdok sa desk ko. Kakatapos lang ng activity namin sa isang subject. Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung bakit sa akin pa talaga nagka-interes si Itchan. Tapos ngayon, iniiwasan ko siya dahil ayokong masaktan si Rhia. Napasuklay tuloy ako sa buhok ko ng wala sa oras.

Abala lang ang lahat sa pakikipag-usap habang ang katabi kong sila Ann at Xia ay naglalaro lang sa kanilang tablet. Napasilip ako kay Rhia. Bahagya ko ulit itinago sa desk ang ulo ko nang makitang nag-uusap sila ni Itchan.

Hays! 'Yan nga. Sila dapat ang mag-enjoy at talagang third wheel lang ako. Napapairap na lang ako sa mga naisip. Naalala ko naman bigla ang mukha ng anghel na iyon.

Kamukhang-kamukha talaga ni Itchan.

Hindi niya ba talaga ako maalala? Oh kaya ay kamukha niya lang?

Napakunot noo ako ng tinabig ni Ann ang braso ko. Hindi ko ito pinansin at nagkunwaring tulog lang.

"Uhh, mukhang tulog na yata 'to Itchan eh." Na-imagine ko tuloy bigla si Ann na nagkamot sa kaniyang batok habang sinasabi iyon.

Nainis na naman ako. Bakit ba lapit ng lapit si Itchan sa akin. Tsk! Hindi ko na nga siya pinapansin tapos wa-epek pa rin sa kaniya. Hindi niya ba alam ang pinapahiwatig ko?

Na lumayo na siya!

"Maybe, I will talk to her later."

Teka! Tama ba ang tono ng boses niya? Bakit parang... parang disappointed?

Nang dahil doon ay sumilip ulit ako sa kaniya. Nakita ko ang malungkot nitong mukha habang napapailing-iling pa. Tsk! Akala ko ba kausap niya si Rhia? Ano bang nangyayari? Akala ko ba enjoy na enjoy na sila sa isa't-isa?

"Parang kang tanga, Bratinella. My gosh!" Nagulantang ako kay Ann kaya't nagpanggap ulit ako na tulog.

Itong bruhang 'to!

"Kawawa naman 'yung tao. Ba't 'di mo pinapansin? Kanina nilalapitan ka rin niya during break time natin pero nag-cr ka agad. Bakit? Puno agad pantog mo beh? Eh wala ka pa ngang naiinom nun o nakakain." Pagpaparinig pa ni Ann habang sarkastikong tumatawa.

Napa-irap ako at padabog na iniangat ang ulo ko. "Ano ba Ann! Issue ka na naman."

Tss! Kung may cellphone lang ako ay nagpatugtog na ako ng music dito. Iniwas ko ang tingin ko nang makita ko si Itchan na nakatingin sa direksyon ko. Lihim ko siyang inirapan.

Inilabas ko na lang ang dala kong notebook upang mag-calligraphy na lang doon. Wala naman akong magagawa kung tutulala lang ako rito.

"You are ignoring me."

Napahawak ako sa dibdib ko nang dahil sa gulat. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Itchan. Napansin kong nilagay niya ang monoblock chair ni ma'am Jude sa tabi ko.

"Hindi kita iniiwasan." Mariin kong sabi.

"You are." Nakita ko sa peripheral vision ko na tinitingnan niya ang ginagawa ko.

"Ano ba kasi talagang gusto mo?" Irita kong tanong sa kaniya.

Rinig ko ang pagsinghap niya sa gilid ko. "I just want to be friends." Malumanay niyang sabi.

Napatigil ako sa pagsulat.

Friends?

So dumb, Bratinella! Ano ba kasing iniisip ko? Malamang gusto lang niyang makilala ako dahil makikipag-kaibigan siya.

But still...

"Kay Rhia ka makipag-friends." Malamig kong sinabi at itinuloy ang pagsulat sa notebook.

He chuckled. "We are friends." Napataas ang kilay ko.

"Oh! May friend ka naman pala, ba't kailangan pati ako kasama? Ano 'yun? Lahat kakaibiganin mo rito sa classroom?" Irita kong sabi dahilan kung bakit pumapangit na ang gawa kong calligraphy. Pinunit ko ang ginawa ko at nilukot.

Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang panonood niya sa akin.

"Why? Is it not possible?" Napatingin ako sa pagmumukha niya. Nakangiti na siya upang lumantad ang brace niya.

"Of course, it is possible!" Sarkastikong saad ko. Habang gumuguhit ulit ng calligraphy. "You can be friends with everyone. No one is stopping you."

"Everyone huh. So, kasama ka doon 'di ba?"

Napatigil ulit ako at napaawang ang bibig. "Bakit ba ang kulit mo? Ayoko ngang makipag-kaibigan sa isang katulad mo. Baka bad influence ka pa!" Napalakas tuloy ang boses ko dahilan para marinig ng mga kalapit namin ang pinaguusapan. Napayuko ako.

Sh*t!

Napaangat lang ang tingin ko kay Itchan nang hindi ko siya marinig na magsalita. And then, I saw a glint of hurt in his eyes. Bakit? Ganoon ba kasakit ang mga sinabi ko sa kaniya?

"It's fine if you don't want to be friends. I am not forcing you. Excuse me." He gave me a sincere smile before leaving beside me. I still saw his eyes.

Nasasaktan siya...

What the? What is this feeling? Am I guilty?

Napailing ako at nag-focus na lang sa pagde-design ng calligraphy.

That angel is really bothering me just by sawing his eyes like that. Is he hurt?

***