Chapter 21
BAGO bumalik ng Maynila ang buong mag-anak gaya ng sabi ni Lyka sila ay nagbonding-bonding muna sa bukirin.
Sa hapon din iyon naghanda na sila sa pag-uwi nila ng Manila.
"Paano Janine, Carlos, kami'y babalik na ng Maynila, para maasikaso na namin ang kasal nang dalawang ito."
"Sige po Mommy, if you need help, tumawag lang po kayo sa amin darating po kami ni Carlos."
"Ate Janine, huwag na kaya namin, magpahinga ka na lang ng mabuti para lumakas ka lalo," sabat ni Lyka.
Wala naman imik sina Luis at Vhenz.
"Oo nga naman, baka mabinat ka pa. Carlos, alagang mong mabuti itong si Janine, ha!"
"Mommy, one hundred percent ko po siyang aalagaan kahit minsan, eh. may pagkapilya pa rin itong anak ninyo," nakangiting tugon ni Carlos sa biyanan.
"Janine, ha. Huwag kang pasaway sa asawa mo."
"Oo, naman, Mommy."
"Tara na, Lyka. Luis, Vhenz. Naghihintay na ang Daddy ninyo sa labas."
"Mommy, mauna ka na magpapaalam lang muna ako kina ate Janine," turan ni Lyka sa ina.
"Kami rin, Mommy," sabat naman ni Luis. Tumango naman ang kanilang ina at naglakad na ito patungo sa sasakyan nila.
"Bye ate Janine, Kuya Carlos, at itong mga super duper cute-cute kong pamangking, nakakapanggigil kayo hmmm," nanggigigil na turan si Lyka pinaghahalikan niya mga ito.
"Hoy! Lyka, tama na iyan, kami naman," awat ni Luis.
"Okay, mauna na ako sa inyo sa sasakyan," wika ni Lyka tumango naman sina Luis at Vhenz.
"Bye-bye, cute-cute baby, soon magkakaroon din ako ng mga baby na kasing cute ninyo or mas cute pa sa di ba, Vhenz?" baling niya sa dalaga.
Ngumiti na lang si Vhenz kay Luis hihiya siya lalo pa at kaharap niya ang mag-asawa.
"Vhenz, ano hindi mo man lang ba sasagutin ang sinabi ko, soon magkakaroon tayo ng baby?"
"Luis, naman, eh," bulong ni Vhenz.
"Okay fine, I know, cute talaga nila ano mana sa Tito nilang guwapo!"
"Ehemmm, Luis, sige na naghinihintay na sila sa inyo sa labas, at corrections, sa akin nagmana ang mga cute kung mga anak okay."
"Kuya Carlos, alam ko naman na mas guwapo ka lang ng isang maligo sa akin, eh. Pero mas lamang pa rin ako sa iyo!"
"Hmmm, why?"
"Why? Because I'm younger that you kuya, at humihina ka na?"
Napatawa ng malakas si Carlos."You think so, Luis. Heto ang tandaan mo bayaw, sabi nga nila kalabaw lang ang tumatanda itanong mo pa sa Ate mo." Tumatawang aniya.
Ngiting-ngiti namam si Janine his husband was right nakikita naman ang ebidensiya nakailang na nga sila.
Kamot batok si Luis.
"Luis, Vhenz. Bilisan ninyo halina na kayo," sigaw ni Lyka sa dalawa.
"Okay we are coming," sigaw na tugon ni Luis.
"Bye Ate Janine, Kuya Carlos, cute baby," paalam ni Luis at Vhenz sa kanila.
"Okay bye, see you on your wedding day," sagot din ng mag asawa sa dalawa.
Ginagap ni Luis ang palad ni Vhenz tinungo na nila ang sasakyan.
"Parang tayo lang noon di ba, honey"
"Oo nga, eh. Hay buhay nga naman, hindi natin inaasahan kung ano ang mangyayari sa ating buhay."
"You are right honey, gaya ng kapatid mo at si Vhenz, noon pa man sila ay inlove na sa isat-isa pero tinitikis nila ang kanilang damdamin," may ngiting turan ni Carlos.
Ngumiti rin si Janine sa sinabi ng asawa."I remember, honey. Si Vhenz, ang nakasalo noon sa bulaklak ko. And I said to her you are be the next bride, hmmm nagkatotoo!"
"Honey, iyan ang tinatawag na destiny, same as we are di ba?"
"Aha, dahil sa kalabaw mo!"
Niyakap ni Carlos ang asawa yeah ng dahil sa kalabaw niya.
MABILIS na nakarating ang mag-anak sa Maynila. Dahil mabilis ang mga usad ng mga sasakyan sa daan.
"Hmmm, home sweet home," turan ni Lyka pagbaba niya sa sasakyan ng ama.
"Tama ka anak, it's nice to be back home, pero mamiss ko naman kaagad ang mga apo ko," ika naman ni Veron.
"Mommy, anytime if you want, puwede na naman kayong bumalik ni Daddy, kina Ate, ah."
"Oo, anak. Maybe after your twin brother wedding, sasama ako sa Ate Janine mo na babalik sa kanila."
''That's good Mommy, paano po aakyat na muna ako sa silid ko I'm tired sa biyahe natin."
"Sure anak go," iniwan na ni Lyka ang mga ito.
''Mommy, kami rin aakyat na bababa na lang kami pag maghapunan na," 'wika naman ni Luis.
''Okay go,'' sagot ni Veron sa anak.
''Tara na, Vhenz," anyaya ni Luis.
''Hep! Hep! Kayong dalawa hindi porket magpapakasal na kayo, eh. Magkatabi na sa pagtulog. Vhenz, go to your room, at ikaw naman Luis, doon ka sa room mo go," turan ni Jay sa dalawa.
''Dad, naman!" may pagtutol sa tinig ni Luis.
''Walang Dad, Dad. At naman. naman, Luis, go!"
''Okay fine." Napakamot siya sa ulo pero tumingin siya kay Vhenz lihim niyang kinindatan ito. Umakyat na siya.
Napangiti naman sina Veron at Vhenz sa ginawa ni Luis. Iiling-iling naman si Jay.
Pagsapit ng hapunan sabay-sabay na silang naghapunan pagkatapos nilang kumain nag paalam si Luis sa ina.
''Mom, aalis po muna kami ni Vhenz, maaga pa naman at isa wala pa kaming pasok bukas.''
''Saan naman ang punta ninyong dalawa?''
''May dadalawin lang kami, Mommy."
''Okay, huwag kayong magpakagabi, ha.''
''Yes Mom, pakisabi na rin kay Daddy at Ate Karen, na umalis kami ni Vhenz."
''Okay, go para maaga kayong makauwi rin."
''Thank you Mom, ang bait talaga ng Mother namin mabait na nga super maganda pa, I love you." Niyakap niya ito.
''Nang bola naman ang batang ito may kailangan ka ba, anak?''
''Mommy, hindi bola ito. Okay, acting ko lang po,'' biro niya sa ina.
''Ikaw na bata ka, ah!"
''Mommy, correction I'm not a bata na; I'm getting married soon, kaya I am a man now," pagtatama niya sa ina.
"Oo, anak. You are a man now. Kaya magpakalalaki ka ha, maging huwaran kang ama pag nagkaanak na kayo ni Vhenz," pangaral ni Veron sa anak.
"Yes, Mommy. I will do that, gaya ni Daddy, naging gago man siya noon pero ng dahil sa pag-ibig niya sa iyo, naging huwaran siyang ama sa amin magkakapatid. Idol ko nga siya."
Sa Sandali naman iyon nakikinig si Jay sa usapan ng mag-ina niya siya'y napangiti at napaluha na rin dahil totoo ang sinabi ng kanyang anak.
"That's good anak, okay tama na ang acting mo na ito, baka iiyak pa ako, eh. Maging best actress pa ako nito," ani naman ni Veron.
"Mommy, you are already a best actress para sa amin."
"Bakit mo naman nasabi iyan, anak?"
"Dahil ikaw ang best Mommy, para sa amin magkakapatid, you do everything para na maging mabuting tao kami, but for me, aminado ako. I am not doing good. Pero ngayon titiyakin kung magiging mabuting asawa at ama ko."
"I know anak, na kaya mong gawin iyan like your father. Hala, tawagin mo na nga lang si Vhenz, para kayo'y makaaalis na sobrang drama mo ngayon, eh."
"Okay, Mommy! Once again, I love you!" wikang muli ni Luis.
"Kayong magkakapatid mahal na mahal namin kayo ng Daddy ninyo, always remember that Luis!"
"We will Mommy, aalis na kami daanan ko na lang si Vhenz, nasa sa likod siya bye, Mom."
"Bye, mag-ingat kayo."
Isang saludo ang ibinigay ni Luis sa ina. Siya ay umalis na.
Wala naman imik na nakaupo si Vhenz hinihintay lang niya si Luis na nagpalaam sa ina.
"Ready ka na ba, Vhenz?" sabi agad ni Luis ng lapitan niya ito.
"Oo, kanina pa ako nakahanda, hinihintay na nga lang kita, eh!"
"Sorry, kong naghintay ka ng matagal, Vhenz, nag-usap pa kasi kami ni Mommy, sandali."
"Sorry ka diyan, kauupo ko nga lang ng dumating ka, tara na, teka lang saan ba tayo pupunta, ha?"
"You will know, pang andoon na tayo."
Iba bigla ang tumatakbo sa isipan ni Vhenz."Luis, ah!"
"Ikaw ha, you though something naughty, saka na iyan nasa isip mo Vhenz, pagkatapos ng atin kasal. At ngayon palang be ready my wife," ngiting-ngiti si Luis.
"Saan nga ba tayo pupunta?" tanong muli ni Vhenz.
"Okay, I tell you, masyado ka naman atat, eh. Kay Shopie, tayo pupunta ipapaalam natin sa kanya na we are getting married soon, para wala na tayong problema okay ba?"
"Okay po," parang batang sagot ni Vhenz sa binata. Tama naman ito para walang sabagay sa kanilang dalawa. Sa isip niya sana magparaya si Shopie, pero parang malabong mangyari dahil in love na in love ito kay Luis.
"Okay let's go." Ginagap niya ang palad ni Vhenz. Magkahawak kamay silang naglakad patungo sa kotse niya.
Samantala sa condominium ni Shopie sa sandaling iyon may kasama siyang lalake na nakilala niya sa isang bar dahil guwapo kaya naman type ka agad niya ito at niyaya niya sa kanyang condo. At dahil na rin sa inis niya kay Luis, sa hindi niya pagsagot sa mga tawag niya. At mahigit isang linggo na hindi ito nagpaparamdam sa kanya.
"Alone?" ani ng lalaki.
"Yes, I am alone here. That's why I'm so lonely, " very sexual na turan ni Shopie na namumungay ang mata.
"Hmmm," ungol ng lalaki alam na nito ang gusto ni Shopie well sa pagimbita palang nito sa kanya may paiwatig na ito.
"I need someone tonight. You know what I mean, right, handsome?"
"Oh, yeah baby, come here, I'll fill up your lonely night," malamyos na turan ng lalaki."
Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Shopie rito. At itinapon ang sarili sa lalaki.