Chapter 20
DAHIL sa malakas na pagsigaw ni Lyka napabalikwas ng bangon sina Luis at Vhenz.
"Anong meron? Anong nangyayari? Bakit ka sumisigaw, Lyka?" tanong ni Luis ng makita ang kakambal na nakatayo sa gilid ng kama niya.
"My twins It's nice to see you. Hello Vhenz, It's good to see you as well, at lalong nice to see na magkatabi kayo ngayon." Ngiting -ngiti na turan ni Lyka.
Nagkatingin sina Vhenz at Luis."Naman, Lyka! Isrorbo ka at may masigaw-sigaw ka pang nalalaman," baling niya sa kakambal."
"Hoy! Luis, sino ang hindi sisigaw, ha? Look the two of you, hugging each other sa iisang kama ha."
Hindi naman nakapagsalita si Vhenz. Dahil mahihiya siya kay Lyka.
"Vhenz, good job you did it."
Wala naman imik si Vhenz talagang nahihiya siya kay Lyka. Kahit na alam niyang boto ito sa kanya para sa kakambal.
"Lyka, what happened? Bakit ka sumigaw?" turan ni Jay napasugod silang lahat sa silid ni Luis dahil sa sigaw nito.
Sa narinig ni Vhenz parang gusto niyang magtalakbong para hindi siya makita ng mga ito hindi niya makita ang mga ito. My gosh malalaman na nila.
"Oh my God, totoo ba itong nakikita ko?" nakangiting wika ni Janine.
Hindi naman malaman ni Vhenz king ano ang gagawin sa sandaling iyon tila gusto niyang lumubog sa pagkahiyang nararamdaman. At napakapit siya ng husto sa kumot.
"Luis, explain this," turan ni Jay pero hindi naman siya galit.
"Daddy, puwede ba lumabas muna kayong lahat."
"Why?" sagot nilang lahat.
"Si Vhenz, nahihiya siya sa inyo, hindi man siya magsasalita but I can feel it what she feels right now."
Napatingin silang lahat sa dalaga."Okay , lalabas na kami sumunod kayong dalawa kaagad dahil magusap-usap tayong lahat."
"Yes, Daddy," sagot ni Luis sa ama.
"My twins ha, magkakaroon na ba ako ng bagong pamangking?" may ngiting ani ni Lyka.
"Ikaw talaga pahamak ka, may pasigaw-sigaw ka pang nalalaman eh, hayan tuloy napasugod sila daddy dito?"
"My twins sinadya ko talagang sumigaw alam mo ba?"
"Bakit mo naman ginawa, Lyka?"
"Well, para wala ka ng kawala pa, sigurado ako ipapakasal kayo ni Daddy ng wala sa oras."
"Lyka, wala naman nangyari sa amin ni Luis, magtabi lang kami natulog," sabat ni Vhenz.
"I think so, na maniniwala sila sa inyo kung idadahilan ninyo ito well try it. But for me gusto kung ikasal kayo."
"Ang bata pa namin ni Luis, Lyka."
"Bata? Bata pa ba ang marami na siyang naikama na babae, Vhenz. Alam mo ito."
Tama naman si Lyka kaya natahimik siya.
"Ikaw ano pang ginagawa mo dito ha, Lyka. Get out now."
"Puwede sabay na tayong tatlo na lumabas?"
"No, lumabas ka na," pagtataboy ni Luis sa kakambal.
"Okay fine, bilisan ninyo baka mainip si Daddy eh, babalik pa siya ulit dito," sagot niya naglakad na siyang papalabas ng silid.
Nang dalawa na lamang sila."Luis, mahihiya ako sa kanila, at si ate Karen, baka magalit siya sa akin?" may takot na turan ni Vhenz.
"Don't be scared, Vhenz, ako ang bahalang magpaliwanag sa kanila okay, tara nang lumabas."
"Luis, baka sabihin nila magpapakasal tayo, eh wala naman nangyari sa atin, ah."
"Kung ganon ba ang sasabihin ni Daddy, ayaw mo ba, Vhenz?"
"Luis, mga bata pa tayo, at isa pa nag-aaral pa tayo, eh!
"Puwede naman iyon. Kahit na kasal na tayo tuloy pa rin ang atin pag-aaral, ano magpapakasal ka ba sa akin kung sakaling iyan ang sasabihin nila, daddy sa atin ha, Vhenz?"
Hindi naman nakasagot kaagad si Vhenz sa tanong ni Luis. "
"Silent mean yes ba, Vhenz?"
"Ikaw, Luis, gusto mo ba na makasal tayo?" balik tanong ni Vhenz sa binata.
Tumawa muna si Luis."Tinatanong kita tapos tatanungin mo rin ako!"
"Tsee! Oh, ayaw mo?"
"Sinabi ko bang ayaw ko, Vhenz, siyempre gustong-gusto ko, let's go and see what they are saying about us." Ginagap niya ang palad nito at silay lumabas na ng silid.
"Ang tagal naman ng dalawang iyon, Lyka. Tawagin mo na nga silang muli," utos ni Jay sa anak.
"Dad, naman, masyado ka naman excited eh, wait nalang sila okay," sagot ni Lyka sa ama.
"Oo nga naman Jay, tila nga excited ka, ah?" turan naman ni Veron sa asawa.
Napatawa bigla si Jake."Si Daddy, excited na naman na magkaapo, eh."
"Aba mabuti nga iyo, para dumami ang ating angkang. Pagmarami mas masaya di ba?"
"Sigurado ako pagkatapos ni Luis si Lyka na ang susunod o Kaya si ate Karen," wika naman ni Janine.
Natahimik naman bigla si Lyka sa sinabi ng kanyang ate.
"Ako, hindi siguro dahil wala akong napupusuan,"
sabi ni Karen.
"Kung wala pa, baka si Lyka. Hindi naman puwedeng walang nangliligaw sa kanya sa University, lahing Ramirez yata siya may kakaibang ganda." sabi ni Carlos.
Napatingin si Janine sa kapatid. Yeah her sister was so beautiful wala din kayang napupusuan ito."So, do you have a boyfriend my sister?" tanong niya.
Umiiling siya sa isip at puso niya sana nga meron, pero papaano mangyayari iyon kung wala na ang lalaking ninanais ng puso mula pagkabata pa.
Napansin ni Veron ang pananahimik bigla ng anak."Lyka, natahimik ka bigla, something wrong?"
"Huh? Nothing Mommy, may naisip lang ako bigla."
"Mommy, baka iniisip niya ang kanyang boyfriend tama ba ako my dear sister?"
"You are wrong, ate," sagot niya.
"Oh kaya Lyka, labas sa ilong mo iyan sinabi mo eh, well you say so wala na kung wala," turan ni Janine sa kapatid.
"Oh, hayan na pala sila?" ani Veron.
Habang papalapit naman ang dalawa sa sala kung saan naghinihintay ang lahat sa kanilang dalawa sobrang kinakabahan naman si Vhenz. At siya'y nagtatago sa likuran ni Luis.
Pagkalapit nila sa kanila."Maupo kayong dalawa,'' turan ni Jay.
Nagtitnginan naman silang lahat at nakikiramdam sa isat isa at hinihintay nila kung ano ang sasabihin ng ama ng tahanan.
''Jay, ano ang sasabihin mo sa kanila?'' tanong ni Veron sa asawa.
''Ano pa kundi magpakasal sila,'' wika ni Jay.
''Dad..." Sabi palang ni Luis ng itaas ni jay ang kanyang kamay tanda ng pagtutol niya sa sasabihin ng anak.
''What I said it is final kayong dalawa ay magpapakasal, walang tutol sa inyo.''
''Dad, hindi naman ako tutol eh, itatanong ko sana kong kailan ang kasal namin,'' may ngiting wika ni Luis.
"Aba ang kambal ko excited rin pala na makasal na,'' sabat ni Lyka.
''Inggit ka ba my twins? Maghanap ka na para ikaw ang susunod sa amin, okay," tugon ni Luis sa kakambal.
"Tsee!" sagot ni Lyka kaya nagtawanan silang lahat maliban kay Vhenz na ngumiti lang ito dahil nakatitig sa kanya ang ate Karen niya. Pinisil naman ni Luis ang palad niya tanda ng nasa tabi lamang siya nito.
"Alam mo Dad, may suggestion sana ako about, Vhenz, sa inyo ni Mommy, eh." wika ni Janine.
"About what, Janine?"
"Naampunin na lang ninyo ni Mommy si Vhenz, para maging kapamilya na natin siya, but now, no need na dahil maging kapamilya na natin talaga siya. She's going to be my sister in-law."
"Janine, napag usapan na namin ng Daddy mo ang tunggol diyan. Yes iyan talaga ang gagawin namin, na i-adapted namin siya."
"Muntik na ah, mabuti na lang pala mabilis ako, kong naging matagal ako maging kapatid ko sana siya," ani Luis.
"Tama ka, Luis. Naku muntik na ha," sabi naman ni Jake.
"Karen, hindi kaba tutol sa gusto kong mangyari sa kapatid mo?" baling ni Jay sa anak.
"Dad, hindi po alam ko naman na mahal ng kapatid ko itong si Luis eh, noon pa man."
"Ate," sabat ni Vhenz.
Nakangiting tinignan ni Karen ang kapatid.
"Kung ganon tapos na ang usapan ito, pagbalik natin sa Manila, aasikasuhin na natin agad ang kasal ninyo, okay ba sa iyo Luis?"
"Dad, okay pa sa all right iyan sinabi mo!" Ngiting-ngiti na sagot ni Luis sa ama.
Napatingin si Vhenz kay Luis. Nakikita nito ang kasiyahan sa mukha nito. Ngayon maniniwala na siya na totoong mahal siya nito.
"Yes, kasalan na, mabuti naman na makasal na kayo, Tito Luis, Tita Vhenz, para hindi na pupunta si of course babe to see you, sa bahay nila Lolo at Lola," maarteng panggagaya ni Maui sa linya ni Shopie para kay Luis.
Nagtawanan silang lahat sa sinabi ng batang si Maui.
"May dear niece, tumpak na tumpak ka diyan, apik tayo!" tugon ni Lyka sa sinabi ng pamangking.
"Kiss na lang kita, Tita Lyka."
"Come hug and kiss me, na miss ko kayo!"
Agad na lumapit ang dalawang bata sa tita nila."We miss you too, Tita Lyka," panabay na ika ng kambal.
Sa umagang iyon masaya silang nag salo-salo ng almusal.