Chapter 24

(Lady Arthisa’s POV)

Matapos naming magpalit ng mga suot ay naunang umalis si Rieka para humalo sa mga tao at pumunta sa kaniyang posisyon. Gano'n din ang ginawa ni Wade na sinundan naman ng nakabusangot na si Czarina. Nang turn na para kay Gyle ay humarap siya sa amin ng King Alpha.

"Dito ako sa gitna ng Alphelonia maglilibot. Are you sure na magkakasundo kayong dalawa?" Tanong niya at tiningnan kaming dalawa ng King Alpha.

Napahalakhak ang King Alpha sa itinanong ni Gyle at pagkatapos ay diretso siyang tiningnan.

"Of course, we do. Now, if you'll excuse us. Gagawin na namin ang kailangan naming gawin." Aniya sa isang seryosong tono. Walang nagawa si Gyle kundi tumungo at magbigay galang sa King Alpha bago umalis sa harapan namin upang bigyan kami ng daan. After all, he's our Team Captain and we are just his Disciples.

"After you," nakangiti na ngayong sabi ng King Alpha habang nakalagay ang kamay sa may tiyan at nakaangat ang isa na parang sa isang prinsipe. Napairap na lang ako bago siya inismidan.

Ano bang nangyayari sa kulugong 'yon? Lumalambot bigla.

Naglakad na kami ng King Alpha patungo sa dagat ng tao. Nakawhite cloak na siya ngayon upang maitago ang mahaba niyang puting buhok.

Nakipagsiksikan kami sa maraming tao at nang mas lalong dumami ang mga ito ay naramdaman ko na lang na may humawak ng kamay ko. Nang iangat ko ang aking paningin ay sumalubong sa aking mukha ang nakangising mukha ng King Alpha.

Hindi ko na muna iyon pinansin at todo naman ang pag-iwas niya sa akin sa mga tao upang hindi ako masaktan kaya napapairap na lang ako sa tuwing mas lalong humihigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Nang makaalis kami sa maraming tao at mapunta na sa may magubat na parte ng Aphelonia ay agad kong tinapik ang kamay niya kaya gulat na gulat siyang tumingin sa akin.

"What?" Tanong niya ngunit inirapan ko lang ito at inunahan sa paglalakad. Naramdaman ko naman ang paghabol niya at nahawakan niya ako sa kamay. Mabilis niyang pinagsalikop ang mga kamay namin kaya tinapakan ko ang paa niya.

"A-aray! Why did you do that? Kanina ka pa nananakit sa akin!" Parang batang aniya. Hindi ako makapaniwalang napatitig sa mukha niya. Is this King Alpha? Ang alam ko sa ugali niya ay magaspang, masama ang ugali, cold at walang pakialam sa paligid niya. Hindi 'yong ganitong side!

"B-bakit ka nakatitig? Nahuhulog ka na ba sa akin?" Nangingiting sabi pa niya kaya mabilis ko siyang nahampas sa kamay at nauna na muling naglakad ngunit agad naman niyang naabutan at katulad kanina ay pinagsalikop muli niya ang aming mga kamay. Tatanggalin ko na sana ito ng bigla naman siyang nagsalita.

"Don't. Kahit ngayon lang, 'Serene'."

What the hell did he call me? Serene? Who the hell is that girl? Bakit iyon ang itinawag sa akin ng King Alpha?

Hindi na muli ako nagsalita at pinabayaan na lang siyang hawak ang kamay ko. Punong puno pa rin ng tanong ang utak ko dahil sa huling sinabi niya. How the hell did he forget my name?

Tahimik kaming naglakad habang magkahawak ang kamay patungo sa Southern part ng Aphelonia.

Gubat ang dinadaanan namin ngunit hindi ito madilim tulad ng naiimagine ko. Maaliwalas ang paligid at sobrang tahimik.

Nabigla ako ng bigla na lamang tumigil ang King Alpha at hinarangan ako ng kamay niya sa paglalakad.

"Wait," hila-hila niya ako sa pagkuha ng bato sa may gilid kaya napapamura na lang ako sa isip ko.

"Ano ba?! Bitawan mo na nga lang ako!" Naiinis na sabi ko ngunit hindi naman niya ako pinansin. Peste!

Nang makakita siya ng magandang bato ay ibinato agad niya iyon sa isang puno at sumigaw. "Duck!"

Napa-upo ako ng wala sa oras dahil pagkabato niya ay biglang may mga pana na lumipad papunta sa pwesto namin! Shit!

Tumago kami ng King Alpha sa isang malaking puno at tumagal ng halos limang minuto ang pagpapaulan ng mga pana sa amin.

Nang wala ng mga pana ay agad akong humarap sa kaniya ng may nagtatakang mukha na agad naman niyang nakuha.

"May invisible na tali na muntik ng dumaplis sa sapatos mo. Nauuna ka ng konti sa akin kaya buti na lang at may napansin agad ako sa itaas ng puno. Sa oras na dumaplis ang kahit ano sa invisible na tali na 'yon ay maaactivate ang inilagay nilang device sa punong 'yon," tinuro niya ang punong binato niya na ngayon ay bumagsak na. "See that? It's an artificial tree na aakalain mong totoo. May nakalagay na device doon at once na maactivate ang device na nakalagay doon, automatic na magrerelease ang mga pana dahil sa nangyaring pag- activate ng device." Itinuro niya sa akin ang mga nakabitin na device kung saan parang may spring sa loob no'n at pag na-activate ang device sa puno ay agad iyong marerelease.

"Talagang pinaghandaan nila 'to, ah." Nasabi ko na lang bago inilibot ang aking paningin sa buong gubat. Nanliit ang mata ko ng may makitang aninong tumatakbo papunta sa mas liblib na lugar ng gubat.

"D'yan ka lang!" Sabi ko sa King Alpha bago tumakbo at sinundan ang aninong tumatakbo.

"Saan ka pupunta?" Rinig ko pang sigaw ng King Alpha ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. Magaan ang pagtakbo ko upang hindi marinig ng kung sino man itong tumatakbo ang mga yabag ko. Maaring isa 'to sa miyembro ng mga kumakalaban sa buong Aphelonia. Pero pupwede rin namang ito na ang mastermind. Humanda ka sakin ngayon. Mamamatay ka sa mga kamay ko.