CHAPTER SEVEN

NILINGON KO ang nagmamay-ari ng pamilyar ng boses at nagulat nang makita si Lanz. Nginitian niya lang ako at nilagay ang mga kamay sa bulsa ng kanyang pantalon matapos kunin ng cashier ang kanyang atm card.

"Anong ginagawa mo rito? Are you stalking me?" hininaan ko ng konti ang huling pangungusap. Baka mamaya isipin ng mga tao sa paligid na assumera ako.

"Nope, bibili lang din sana ako nung makita kita rito. Ang feeling mo ha." Sinabayan pa niya iyon ng tawa.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Palusot ka pa. Marami namang 7/11 diyan pero bakit dito pa?"

"At bakit naman hindi? This is not first time I went here." He shrugs.

Inabot sa kanya ng cashier ang kanyang card at sa akin naman ay ang nakabalot na mga pinamili.

Lumabas ako ng shop at nagtaka nung sumabay siya sa akin. "Akala ko ba may bibilhin ka?"

"I change my mind," kaswal niyang sagot.

Pinaningkitan ko siya ng mata. "You're really stalking me. Nagsisinungaling ka pa."

"Okay then, believe what do you want to believe basta ako nagsasabi ako ng totoo."

Totoo? Totoo mo mukha mo! Inirapan ko lang siya.

"Anyway, gusto mo hatid na kita?"

"Hindi na, magtataxi na lang ako."

"Eh wala ka ngang pera di ba?"

Natigilan ako sa paghakbang. Tama nga pala. Ano naman kaya ang ginawa kong kasalanan at hindi ko ma-access ang card ko?

Nilingon ko siya. "Edi maglalakad, medyo malapit na naman ang condominium dito."

"Talaga? Malapit na sa iyo ang isang kilometro?"

Napalabi ako. Hinuhuli niya talaga ako sa akto.

Napabuntong hininga ako at bumagsak ang balikat na naglakad papalapit sa kanya. Fine, nakakapagod pa namang maglakad lalo na't naka heels ako.

May 7/11 naman kasi pala roon di kalayuan sa may condominium, dito pa ako bumaba. Napaka b*bo ko talaga minsan.

"Oo na. Nasaan ba ang sasakyan mo?" May iritasiyon sa boses kong tanong.

He guided me where his car is. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto at akmang isusuot niya ang seatbelt sa akin nung maunahan ko siya.

"I know how to." I fake a smile.

"Okie."

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang siya naman ay panay ang lingon sa akin. Pasimple kong tinakpan ng buhok ang kabilang pisngi dahil nakakailang ang mga titig niya at umayos ng upo.

Nang makarating sa tapat ng condo ay nagpasalamat ako na hindi manlang nakatingin sa kanya at agad na bumaba.

Kumunot ang noo ko dahil ganun din ang kanyang ginawa. Bago pa ako mapagtanong ay nakapagsalita na siya.

"Anong floor ang unit mo?"

"At bakit mo naman tinatanong?"

"Ihahatid kita."

I laugh. "I know how to walk alone."

"Alam ko naman yun pero gusto lang kitang ihatid."

"At bakit?" Humalukipkip at tinaasan siya ng kilay.

"Para malaman ko kung aling unit number mo."

Huminga ako ng malalim. "Please lang Mr. Verona tantanan mo na ako. Ano ba talaga ang kailangan mo? S*x lang naman ang nangyari sa atin and di ba kapag ganun after that nagkakalimutan na ang babae at ang lalake?"

Yun ang mga nababasa ko sa novels. One night stand, yun ang tawag nila.

"Well...." he drawls. "Not for me."

"Pero para sa akin ganun dapat." Humakbang ako papalapit sa kanya at puno ng pagsusumamo ang mga mata. "This is the last time na sasabihin ko sa'yo ito and I'm not asking for your permission and objection but let's don't see each other again," may diin kong sabi.

Tinapik ko siya sa balikat bago gumawa ng mga hakbang palayo.

But this Lanz Verona didn't listen to my plea. The next day, I saw him waiting for me again but this time, not in front of our university but in front of the condominium.

Hindi ko na lang siya pinansin at naghintay ng masasakyan.

"Good morning," he greeted after he walk towards me.

"Bakit ka nandito?" I asked emotionless.

"Ihahatid kita, di ba nakahold ang atm mo ngayon. I'm worried baka wala kang pamasahe."

Hinarap ko siya. "Minamaliit mo ba ako? May pera ako noh."

Mabuti na lang may itinago akong pera. Minsan kasi ay bigla na lang hino-hold ni dad ang atm card ko kapag nakakagawa ako ng bagay na hindi niya nagugustuhan. Kanyang pera naman ang inilalagay niya roon kaya karapatan niyang gawin iyon but I hope he would give me warnings so that I can prepare and he'll listen to my reasons too.

"Maayos naman ang pakiusap ko sa'yo kahapon di ba? Bakit ba ayaw mong makinig?" Pigil ko ang mainis. Ang aga-aga eh sinisira na niya agad ang araw ko.

"Well.... Ms. Allejo...." He leans in. "Ako pala yung tipo ng lalake na kapag mas ipinagtulukan ay mas magpupumilit. I don't want people to command me to because I am the boss."

Ikinuyom ko ang kamao. "Ganun ba? Okay then, ipilit mo ang gusto mo pero huwag kang aasa na papansinin pa kita."

Nakakapagod makiusap sa taong sobrang tigas ng ulo. Magsasayang lang ako ng laway sa pakikiusap ko sa kanya. Gawin ko na lang ang pinaka the best kong hindi pamamansin hanggang sa magsawa siya.

I'm biting my lower lip as I'm calling to my dad. I keep contacting him since last night but he's not answering. Tumawag na rin ako sa mismong bahay nila pero ang sabi ng maid ay wala raw doon ang ama ko.

"Wala pa rin ba? Gusto mo pautangin na lang muna kita?"

Inilingan ko si Shea. "May naitago naman ako. Salamat na lang."

Sa mga kaklase ko siya ay siya ang pinakamabait at pinakamaalalahanin. She's always asking and worried whenever I'm bothered.

"Ganun? Sige. Kumain ka na lang mun."

I nodded at her and eat my food but I'm still calling him. Lunch namin ngayon at panigurado ay pahinga na rin nila. Sana naman ay sumagot na siya pero inabot na lang ako ng hapon ay wala pa rin pero hindi pa rin ako tumigil hanggang sa sagutin na nga niya ng tawag ko nung dumating ang dismissal namin.

"Da--"

(Why are you keep calling Yasmin? I'm busy.) He's irritated voice welcome me.

Napalunok ako. "I'm just going to ask dad.... b-bakit po na-kahold ang atm card ko?" mahina kong tanong pero sapat na iyon para marinig niya.

(What do you think?)

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ang naging kasalanan ko.

(You don't know or you're just acting? I saw some photos of you at the bar. Did I told you not hang out at night?) Tumaas ang kanyang boses.

Napayuko naman ako habang mabagal na naglalakad pababa ng building. Yun pala.

"I'm sorry po."

(Sorry? Instead of studying, you choose that nonsense things! Mahal ang binabayad ko sa university mo Yasmin at huwag ko lang makitang bumaba ang grades mo dahil ibabalik kita sa nanay mo.)

Agad akong kinabahan. "O-opo. Hindi na mauulit d-dad."

Agad niyang pinatay ang tawag at bumagsak ang mga balikat ko. Napasandal ako sa pader at kumawala ang isang butil ng luha.

No, ayokong bumalik kay mama. Ayokong maghirap na naman.

Tumuloy ako sa pagbaba ng building at bago pa man ako makalapit sa gate ay sinalubong ako ng kaklase ko at sinabing naghihintay na naman daw si Lanz sa labas ng university.

Napabuntong hininga na lang ako.

Iisa lang ang gate na bukas ngayon kaya wala akong ibang madaanan para maiwasan siya. I have no choice but to act that I didn't saw him as I step outside of the univ.

Mabilis niya akong nilapitan at pinigilan nung sumakay ng taxi pero agad kong binawi ang kamay at walang imik na pumasok ng sasakyan.

Sumunod pa ang mga araw ay lagi akong inaabangan ni Lanz, sa labas ng university at pati na rin condominium. He's following whenever I go, thus, I just prefer to stay inside my unit. Walang istorbo, hindi umiinit ang ulo ko.

Naiirita na talaga ako sa kanya, nagtitimpi lang ako. Ang tanging magagawa ko lang para mapagod siya ay huwag siyang pansinin pero mukhang hindi ata gumagana. Nung una, kahit papaano ay nagpapasalamat ako dahil siya ang nakatalik ko dahil baog siya pero ngayon, binabawi ko na. Ang kulit niya, sobra.

"Hindi pa ba tayo tapos? Alas nuwebe na ng gabi Yasmin. Sana sinabi mong may balak ka pa lang mag-overtime tayo."

"Inaantok na ako."

"Kanina pa tayo rito."

May nginuso si Adrian, isa sa mga kaklase ko pero hindi ko iyon pinansin. "At kanina na rin siyang naghihintay," pagtukoy nito kay Lanz na nasa labas ng tea shop.

Nasa may veranda kami ngayon at gumagawa ng project. Kanina ko na rin gustong umuwi sa totoo lang pero ayokong bumaba dahil sa ungas na naghihintay.

Kanina pa siya nakatayo sa tabi ng kotse niya, halos apat na oras na rin yata. Di ba siya napapagod? Nangangalay ang paa? Hindi ako concern ah, nagtataka lang.

"Ayusin niyo na kasi ang relasiyon niyo, nadadamay na kami eh."

Humigpit ang hawak ko sa marker. "Sinabing hindi nga kami. Walang kami."

"Eh bakit ka niya laging hinihintay?"

"Baka naman admirer pero binusted niya kaso itong si guy, gustong-gusto talaga siya kaya ayaw tantanan. Tama?"

Pinagkunuotan ko ng noo si Kira at napailing na lang. Tiniklop ko ang libro at niligpit ang mga gamit.

"Fine. Umuwi na tayo."

Mukhang wala namang balak na umalis si Lanz kapag nanatili pa kami rito eh. Pagod na ang katawan ko at gusto ng humilata sa kama.

Nag-unat sila ng katawan at nagsitayuan.

"Hay, mabuti naman."

"Excited na akong matulog."

Sabay kaming bumaba at habang nasa hagdan ay napatingin ako kay Lanz na nakatingin sa kanyang relo.

Maingay ang mga kaklase ko sa paglabas kaya napatingin siya sa amin at agad na lumapit.

"Yasmin, can we talk?"

Hindi ko siya nilingon at nanatiling nakatalikod sa kanya.

Nagpaalam sa akin ang mga kaklase ko at nagmamadaling sumakay ng taxi. Sasabay sana ako sa kanila pero hindi ako hinayaan ni Lanz.

Hinarap ko siya at agad na napatingin sa kanyang sikmura nung tumunog iyon.

Napakamot siya ng kanyang batok, parang nahihiya.

"Yan kasi, imbes na umuwi ka na para makakain ay magdamag kang naghintay."

Mula alas singko pa kaya siya ng hapon na nakatayo. Ako ang pinapakonsensiya niya eh.

"Gusto kasi kita kausapin eh hindi mo naman ako pinapansin." Kinagat niya ang labi.

"Kasi wala naman tayong dapat na pag-usapan pa. Malinaw kaya ang mga sinabi ko." Humalukipkip ako at inirapan siya nung ngiti lang ang kanyang ginawa.

"Umuwi ka na at kumain---"

"Can I eat yo---I mean; can we eat together?"

Pinamulahan ako sa kanyang sinabi, mabuti na lang gabi at hindi niya makikita ang pagkulay kamatis ng mukha ko.

Umiwas ako ng tingin at humugot ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili bago siya muling harapin.

"Fine, basta pagkatapos ng gabing 'to, hindi mo na ako gagamabalain pa ha?"

Hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kanya sa halip ay naglakad siya papunta sa kanyang sasakyan.

Nagdabog ako. "Lanz!"

He laugh as he open the door for me. "Let's talk about that later."

Pinaningkitan ko siya ng mata bago pumasok ng passenger seat. Mas lalo pa siyang natawa.

Pumasok kami sa isang Japanese restaurant dahil iyon ang pinakamalapit na resto na siyang nadaanan namin. Kumakain naman ako ng Japanese food kaya pumayag na ako.

He order a lot of foods and I press my lips to contain my laughs. Gutom na gutom talaga.

"Bakit?" tanong niya.

"Hmmm?"

"Natatawa ka yata."

Umiling ako at tumikhim. "So... what do you really need from me and why you keep bugging me?" panimula ko.

"I told you. I want to know you better."

I scoffed. "As if naman maniniwala ako--"

"It's true," giit niya na para bang batang ayaw paniwalaan ng magulang.

"Okay, let's say totoo nga.... pero hindi pa rin ako kumbisido. That's not enough reason for me. Gusto mo talaga ng round two, ano?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Umusog siya papalapit, ipinatong niya ang baba sa kanyang palad habang ang siko naman ay nasa lamesa. He smirk. "Paano kung sabihin kong... gusto ko nga ng round two?"

Ikinuyom ko ang kamao na nasa ilalim ng lamesa. I'm was right. Katawan nga ang habol niya sa akin. Nadulas nga siya kanina eh.

Kunwari pang gusto akong mas makilala kaya gustong mapalapit sa akin.

Inangat ko ang kamay at sinampal siya. Ayokong gumawa ng eksena dahil may ilang kumakain sa kabilang lamesa kaya di ko nilakasan ang pagdampi ng palad ko sa kanyang pisngi.

Puminta ang galit sa aking mga mata. "Magaling ba ako sa kama? Did I satisfy your needs as a man does you keep bothering me?"

Nawala ang kanyang ngisi at naging kabado ang mukha. "Yas---"

"Alam mo bang malaking kabastusan ang ginagawa mo? Tulad ng mga sinabi ko, hindi ako katulad ng mga babae na nakikipag s"x na lang. Di ko gusto ang nangyari kaya please lang, tantanan mo na ako. Bakit ganyan kayong mga lalake? Wala kayong pakialam kung may nababastos na kayo basta ang mahalaga lang sa inyo ay may maikama ang gusto niyo?" Tumayo ako. "Mangarap ka Lanz, dahil ni isang beses ay hindi na ako makikipagtalik sa'yo."

Kinuha ko ang bag at lumabas ng resto. Nagmamadali niya naman akong hinabol at hinawakan sa braso.

"Yasmin. I'm just joking---"

Sinampal ko siya ulit. "What? You're just kidding around? The f! I'm serious here yet you treat this like a joke? Matanda ka na, magseryoso ka naman!"

"I know. I'm sorry."

"Please lang Lanz, di ko na talaga alam ang gagawin ko para tantanan mo na ako...."

"You want to know the real reason---"

"Wala akong pake. Ang akin lang ay layuan mo na---"

"That's because I like you," he softly said, cutting my words that makes me stunned while he take that chance to hold my hands.

"I like you, Yasmin."