Kabanata 21
"Handa ka na ba, Laura?"
Napatingin ako sa gawi ni Bernard nang marinig ko ang kaniyang tanong. Prente itong nakaupo sa driver seat ng kotse at abala sa pagmamanehon patungon ng San Vicente.
Isinandal ko ang aking likod sa upuan. Napabuntong-hininga rin ako ng malakas. Nakita ko pa sa aking balintataw kung paano ako sulyapan ni Bernard ngunit, hindi ko na lamang siya pinansin. Natanong ko kaagad sa aking sarili kung handa na ba ako?
Isang linggo na mula nang maganap ang pag-uusap sa Manila Pen. Sumang-ayon ako sa lahat at hindi na nagsalita pa. Sa isip ko ay kaya ko namang gampanan ang sinasabi nito lalopa't artista ako. Bukod pa sa katotohanang may usapan na kami matagal na.
Nilingon ko si Bernard at sumagot. "Pinaghandaan ko na ang araw na 'to, Bernard."
Nakita kong tumango siya sa aking sinabi at hindi na muling nagsalita pa. Maging ako ay inayos na lamang ang sarili at hindi na siya pinansin pa.
Nakakatawa kung iisipin na kung gaano kami kaingay noon kapag umuuwi sa San Vicente tuwing pagkatapos ng aking trabaho ay ganoon naman kami katahimik ngayon. Sadyang nagbabago ang lahat.
Mabilis naming narating ang bayan. Nasa bungad pa lamang kami ay may sumalubong na sa amin na isang sasakyan at dalawang motorsiklo. Nauna din itong nagmaneho papasok sa bayan.
Napakunot ang noo ko dahil doon. Agad kong binalingan si Bernard na tahimik pa rin. Ang buong atensyon nito ay nasa aming harapan at minsan ay napapasulyap sa aming likuran. Nang tingnan ko iyon ay agad kung nakita kung bakit.
"Bakit mukhang may motorcade?" naguguluhang tanong ko kay Bernard. Tiningnan ko ang kaniyang direksyon at mas lalo akong nainis nang mapagtanto kong wala itong balak sumagot.
"Bernard!" tawag ko dito. Marahan ko pang tinapik ang kaniyang braso upang maagaw ang kaniyang atensyon at hindi naman ako nabigo.
"Sorry, gusto kasi ni Papa na ipaalam sa bayan na bumalik ka na. Bukod pa sa artista ka, Laura ay hinahangaan ka rin ng kababayan natin. Mas lalong iingay ang pangalan ko dahil doon." mahabang sagot nito.
Sa narinig kong sagot ni Bernard ay gusto ko siyang suntukin sa mukha. Mas lalo ko lang napagtanto ang mga bagay na hindi ko man lamang napansin sa kaniya noon. Sa sitwasyon namin ngayon ay hindi ko maiwasang isipin na ako at si Bernard ay iisa. Pareho kaming kinokontrol ng kaniyang ama.
Totoo nga ang sinabi ni Bernard. Halos lahat nang aming madadaanan ay may mga nagkukumpulang tao sa kalsada. Ang iba ay mayroon pang dalang poster at banner para sa akin. May mga malalaking tarpaulin din sa bawat munisipyo na aming madadaanan. Hanggang marating namin ang Provincial Capitol ay bumungad kaagad sa akin ang isang malaking electronic billboard na naglalaman ng aking mga mukha.
Kung sana isa akong artista na uhaw sa atensyon at pagmamahal ng aking tagahanga ay malulugod ang puso ko sa nakita. Ngunit, iba ako. Dahil, ang ginawa nila ngayon bilang pagsalubong sa akin ay hindi nakakatuwa.
Mahal ko ang bayan ng San Vicente maging ang mga mamamayan nito. At ngayon, naaawa ako sa mga taong aking niloloko dahil sa paniniwala na asawa pa rin ako ng kanilang Mayor.
"Nandito na tayo, Laura. Pasensya ka na at hindi ko napigilan si Papa at pumayag na lang sa gusto niya." pabulong nitong sabi sa akin. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Wala na rin naman akong magagawa.
Sinalubong kaagad kami ng kaniyang ama pagbaba. Habang ang mga trabhante maging ang mga mangilan-ngilang personalidad ay naroon din at nagmamasid. May inimbitahan din silang ibang local media na abala sa pagkuha ng mga litrato.
Tahimik akong napailing. Hindi pa man tuluyang nagsisimula ang kampanya ni Bernard, ngunit sumasakit na ang aking ulo.
"Buti at nakarating ka na, Laura." bungad kaagad ni Governor sa akin, pagkababa ko pa lamang.
Ngumiti ako at nagmano bago siya sinagot. "Oo nga po, Papa." sambit ko.
Napangiti rin ito at tumango. Lalo pa nang lapitan ako ni Bernard at agad na humawak sa aking beywang. Naramdaman ko pa kung paano niya halikan ang tuktok ng aking ulo. Nais ko man na pumalag ay hindi maaari. Parte ito ng pag-arte ko. Parte ako ng isang panloloko.
Alam ko rin na masaya si Governor sa pinapakita namin ngayon. Dalawang tao na mukhang nagmamahalan. Maging ang mga taong nanonood sa amin ay may mga ngiti sa labi. Lahat ay masaya sa amin. Lahat ay nakiisa sa aking pagdating. Alam ko, kahit na hindi sabihin nina Bernard, ay malaking tulong ang nagawa ko sa kanila para mas lalo siyang hangaan ng madla.
"Sana ganito na lang tayo lagi. Nahahawakan kita at naaamoy. Natatawag na pag-aari ko," bulong niya sa akin.
Nasa function room kami ng kapitulyo at nakikipagbatian sa mga naroon. May assembly meeting ang mga Mayor at kabilang na doon si Bernard. May mga prominanteng tao sa lalawigan at iilang taga medya.
"Hindi na mangyayari 'yon, Bernard." mahinang sagot ko naman. Ngumiti din ako kapagkuwan. Ngiti na alam kong hindi totoo.
Narinig ko ang mahinang pagbuntong-hininga ni Bernard. Humiwalay din siya sa akin, pagkatapos. Hindi ko na siya sinundan kung saan siya pupunta. Mas gusto kong mapag-isa. Malayo sa mundo ng pulitika. Malayo sa mundo ni Bernard.
"Napakaswerte talaga ni Mayor Bernard dahil asawa ka niya, Miss Laura."
Naputol ang pag-iisip ko dahil sa tanong na iyon. Nang lingunin ko ito ay nakita ko kaagad ang isang personahe na taga local media. Pinaskil ko kaagad sa aking labi ang isang matamis na ngiti at umaktong nasisiyahan.
"Ryan po, nang Medya Balita." Nakangiting pagpapakilala nito. Inilihad nito sa aking harapan ang kamay at agad ko naman iyong inabot.
"Hello, Ryan." sabi ko pa.
"Miss Laura, may itatanong lang po ako. Kung ayaw niyo po, pwede naman kayong tumanggi. Magandang exposure din po ito para kay Mayor na tatakbong Governor." litanya nito.
Tumango ako bilang pagsang-ayon. Ngumiti ito sa akin at ginaya ako sa isang bakanteng mesa. Pareho kaming naupo roon nang nakaharap sa isa't isa. Lahat ng tanong niya ay sinagot ko. Lahat ay may halong kasinungalingan. Ang nais ko na lamang sa ngayon ay matapos na ang aking pagpapanggap.
"Ano po ang opinyon niyo sa pagtakbo ni Mayor bilang Governor ng bayan? Hindi ba kayo nahihirapan? Wala din ba kayong balak magkaanak?" sunod-sunod na tanong nito.
Hindi agad ako nakasagot. Ang mga tanong nito ay kakaiba sa mga nauna. Idagdag pa ang katotohanan na ang mga tanong nito ay may personal na koneksyon para sa akin. Mga bagay na hindi ko basta-basta masasabi sa iba.
"Mukhang nagkakasiyahan kayo, Mahal." narinig kong wika ni Bernard.
"Hindi naman po, Mayor. May mga bagay lang po akong tinanong kay Miss Laura para po sa pagtakbo niyo." wika ng reporter.
Tiningnan ko si Bernard na nasa aking gilid. Nakangiti ito ngunit alam kong kakaiba iyon. Niloko man ako ni Bernard, kilala ko pa rin siya.
"Ano ka ba! Nagtanong lang naman si Ryan." pag-agaw ko sa atensyon nito. Tiningnan ako ni Bernard at tumango.
"Tapos na ba kayo? Iuuwi na kita, Laura."
"Oo." tugon ko.
"Salamat po, Miss Laura. Pasensya na rin po sa disturbo." wika ni Ryan.
Tumango ako at agad na tumayo. Inalalayan kaagad ako ni Bernard sa paglalakad at iniwan namin si Ryan sa mesa nang nag-iisa. Ni hindi man lamang namin nagawang magpaalam kay Ryan.
Napagtanto kong napakahirap ng buhay sa pulitika. Ang hirap magsinungaling dahil may mga taong nakabantay sa iyong bawat kilos. Napakahirap biguin ng mga taong umaasa. Ngunit, ganunpaman ay alam kong marami pa rin ang nandadaya para makuha ang simpatya ng iba. Katulad ko. Katulad ni Bernard.
"Si Andrew na muna ang maghahatid sa'yo sa bahay. May meeting kami ng mga kaalyado ko." bulong nito.
"Ayos lang," sagot ko naman.
Nagpaalam ako sa mga tao na naroon ayun na rin sa kagustuhan ni Bernard. Isa-isa ko silang kinausap na para bang matagal na kaming magkakilala. Maging kay Governor ay nagpaalam din ako. Pagkatapos ay tahimik akong hinatid ni Bernard sa labas. Wala na rin ang mga tao roon kaya mas panatag ako.
"Alam kong pagod ka sa byahe, Laura. Magpahinga ka na sa bahay. Parating na rin si Andrew para sunduin ka." wika nito. Nakatingin ito sa akin at ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala.
Napabuntong-hininga ako. "Alam mong hindi ako sang-ayon sa pagtira sa mansion ng mga magulang mo Bernard pero wala ka man lang ginawa. Hanggang kailan ka ba ganyan? Hanggang ngayon, hindi ka pa rin marunong manindigan." sagot ko naman.
"Hindi mo kasi naiintindihan." wika naman nito.
"Na ano? Na duwag ka?" mariing tanong ko. Pareho naming nilibot ang paningin at nakahinga ng maluwag nang makitang walang tao sa lugar.
"Laura," nagsusumamong wika nito.
"Bernard!"
Pareho kaming napabaling ng tingin sa pinagmulan ng boses. Tumaas kaagad ang kilay ko ng makita ang kapatid. Pormal ang suot at halatang nag-ayos. Halata sa kilos nito ang pagmamadali at alam ko na kaagad kung bakit. Napangisi ako. Matagal na panahon man ang lumipas, hindi pa rin ito nagbabago.
"Lara, anong ginagawa mo dito?" tanong kaagad ni Bernard nang tuluyan itong makalapit.
"Gusto kitang makita. Hinahanap ka na ng anak natin. Matagal ka nang hindi nakakadalaw," sagot naman nito.
Para akong hangin sa paningin ng aking kakambal. Ni hindi niya ako napansin o sadyang hindi niya ako pinansin. Dire-diretso ang titig nito kay Bernard na para bang ito lamang ang nakakikita nito.
Sa naisip ay napailing ako. Natawa rin ako sa sarili. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Pakiramdam ko natutuwa ako ngunit may bahid pa rin ng pait ang aking pagkatao.
Tumukhim ako para agawin ang kanilang atensyon lalo na nang aking kakambal. Hindi naman ako nabigo at napabaling ito sa akin. Kaagad akong ngumiti ng matamis.
"Kumusta ka na, Lara?" tanong ko.
"Bumalik ka na pala," bagkus ay sagot nito.
"Bakit? Kinakabahan ka na ba? Sabi ko kasi sa'yo di ba? itali mo," nang-aasar na wika ko.
"Ang kapal talaga ng mukha mo!" mariing wika nito.
"Lara!" pagpalag naman ni Bernard.
Luminga ako sa paligid. Wala pa rin namang pumapansin sa amin dahil abala ang lahat sa loob ng kapitulyo. Malaya kaming gawin at sabihin ang gusto naming gawin. Kaya hindi ako nag-isip. Ngumisi ako pagkatapos ay isang malakas na sampal ang iginawad ko sa aking kakambal. Nagulat ito sa aking ginawa. Maging si Bernard ay nanlaki din ang mga mata.
Itinaas ko ang aking palad paharap at tiningnan iyon. "Pasensya ka na. Marunong na kasi 'tong kumilatis ng ahas. Masakit ba?"
"Walang hiy..."
"Sorry, my bad." wika ko pagkatapos ko siyang sampalin ulit. Saktong dumating ang sasakyan ni Andrew at mabilis akong sumakay sa loob.
Marami na ang nagbago sa loob ng dalawang taon. Hindi na ako ang dating Laura. Hindi na ako maaawa o paaapi. Tatayo ako bilang ako. Kahit na ang kapalit nito ay ang tuluyang pagkalaban sa kakambal ko.
My own revenge.