Kabanata 20
Kanina pa ako nagpalinga-linga sa loob ng restaurant. Sinilip ko ang aking cellphone at nakita ang oras doon. Mag-aalas dos na nang hapon at mukhang hindi na sisipot ang taong aking kikitain.
Napabuntong hininga ako at handa na sanang umalis. Dinayal ko rin ang numero ni Olive para kausapin ito. Hinintay kong may sumagot sa kabilang linya ngunit nabigo rin ako. Tumayo ako upang lisanin ang lugar ngunit natigil ito ng isang kamay ang pumigil sa akin mula sa likuran.
"Sorry, I'm late!" sambit nito habang tinatapik ang aking balikat. Agad itong lumipat sa aking harapan kaya tuluyan ko itong nabistahan ng mabuti.
"Attorney Kraius Montreal at your service." dagdag pa nito. Nakangiti nitong inilalahad ang kaliwang kamay sa akin na agad ko namang tinanggap.
"Laura Moran," wika ko.
"Yes! Of course, I know you." sabi nito at pinakawalan ang aking kamay. Agad itong naupo sa aking harapan habang inilalagay sa aming harapan ang isang attache case.
Attorney Kraius Montreal at a very young age is one of the sought after attorney in the Phillipines. Dalawang taon pa lamang itong nasa general practice, ngunit malalaking kaso na kaagad ang hawak nito. Isa na nga doon ang kaso ng aking kaibigang si Olive.
"Miss Olive Santillan called me about your problem, Miss Moran. And I must say, you did the right choice. Malakas din ang kaso mo kung ilalaban natin ito." sabi nito. Ibang-iba na ang awra nito kumpara kanina. Seryoso iyon at tila malalim ang iniisip habang may binabasa sa papel na hawak nito.
"Hindi ko na babasahin ang constitution. Alam mo naman siguro ang grounds mo. I will write our contract immediately to start this case."
"Hindi ba ako mahihirapan dito?" tanong ko sa kaniya.
Tumawa lamang ito sa aking sinabi. Pagkatapos ay seryoso ako nitong tinitigan. Nakataas ang kilay na para bang isa akong clown sa kaniyang paningin. Kakaiba din ang mga titig nito. Nakakapangilabot.
"Alam kong gwapo ako pero bukod pa roon magaling akong paikutin ang lahat. No need hearings if that's what you like. I get it. May pinoprotektahan ka." makahulugang wika nito.
"Paano ang byanan ko at asawa?" tanong ko dito.
"Leave it to me. Ako mismo ang kakausap sa kanila." sabi nito. "Gusto ko lang sabihin sa'yo na matagal ang process ng annulment dito sa Pilipinas. Pero, dahil ako ang attorney mo.. Walang problema." Nakangising wika nito.
Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi nito. Mukhang tama nga yata si Olive. Attorney Montreal is the devil in court. Nagtaka tuloy ako kung paano nito nagagawa iyon. He is nearly in his thirties and he seemed so sure in everything he does.
"The payment?" tanong ko na lamang. Kinakabahan man ako sa aking gagawin ngunit kailangan kong subukan. This is the best for me.
"Don't worry, Miss Moran. I know, I'm handsome and I also have a good heart. I hate man who cheats, especially if it is already commited. It's on me. Just give me what you can give. If I return it, it's my choice." litanya nito.
Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko inaasahan iyon. Umiling ako at nagprotesta ngunit hindi ako nito pinakinggan. He already fixed his mind and I don't have the guts to protest.
Tinanaw ko na lamang si Attorney Montreal na papalayo. Napabuntong hininga ako bago tumayo upang lisanin ang lugar.
I am hopeful for a great result. I waited days for some results. Until, Bernard showed up in my unit. He looks haggard and stress. Mukhang walang maayos na tulog dahil sa maitim na linya sa ilalim ng mga mata nito.
"Ganoon ka na ba kadesperado na makipaghiwalay sa akin?" bungad kaagad nito. Luminga ako sa paligid at nakahinga nang maluwag nang walang makitang tao sa lugar. Pinapasok ko si Bernard sa aking unit na agad naman nitong pinaunlakan.
"Anong sinasabi mo?" Nakakunot noong tanong ko dito.
"Attorney Montreal, Laura. Hindi mo ba kilala?" pabalang na sagot nito.
Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Akala ko ay hindi pa kumikilos si Attorney ngunit mukhang mali ako. Umupo ako sa katapat na silya ni Bernard at tinitigan ito.
"Kailangan natin 'yon, Bernard. Hindi mo ba nakikita? Pinapahirapan lang natin ang isa't isa!" mariing wika ko.
"Paano mo nasasabi 'yan, Laura? Ang bilis mo namang bumitaw!"
Mabilis ang aking mga kilos at agad na nilapitan si Bernard. Sinampal ko siya sa kaniyang mukha na ikinagulat nito.
"Huwag na huwag mo akong mahusgahan na para bang ako pa ang nagkasala sa atin!" Dinuro ko si Bernard. Halata rin sa aking boses ang kinikimkim kong galit. Galit para sa kaniya at para sa panloloko niya sa akin.
"Laura, mahal kita. Pinipilit kong iwasan ang kakambal mo! Pero bawat pagmamakaawa ko sa'yo, binabaliwala mo. Hindi mo na ba ako mahal? Kaya ganoon mo na lang ako kabilis pakawalan?" wika nito.
Damang-dama ko sa boses ni Bernard ang paghihirap. Naaawa ako sa kaniya ngunit habang tinititigan ko siya ay nanunumbalik sa akin ang nangyari noong huli naming pagkikita.
Kung paano niya inalo ang aking kapatid at kung paano siya naging sunud-sunuran dito. Alam ko. Hindi lang maamin ni Bernard sa akin ngunit alam kong mahalaga ang kapatid ko para sa kaniya. Kaya ko ginawa ang bagay na ito.
"Tingnan mo ako sa mga mata Bernard." wika ko. Agad naman itong sumunod sa akin. "Masama ba akong asawa kung sasabihin kong hindi na kita mahal? Hindi na kita mahal, Bernard. Kaya pakawalan mo na ako."
Nagkatitigan kami ni Bernard ng ilang sandali. Pagkatapos ay una itong nagbaba ng tingin sa akin. Nakita ko kung paano umalog ang mga balikat nito habang nakatungo. Nang mga sandaling iyon kahit anong tatag ko, lumuha pa rin ako.
Masakit ngunit kailangan.
"Nandito na tayo, Laura."
Tumango ako sa sinabi nito. Suot ko pa rin ang eyeglass na ibinigay niya sa akin kanina. Napakalaki ng Manila Pen kaya alam kung marami ang tao roon. Lalopa't isang prominanteng tao si Governor.
"Ilang Ave Maria kaya ang kailangan ko, ngayon?" pabirong wika ko kay Andrew.
Tumawa ito sa aking sinabi pagkatapos ay napailing.
"Ano ka ba! Ikaw pa rin ang paborito ni Papa kahit sinuway mo siya. Mukha lang 'yong kakain ng tao pero mabait 'yon." Nakangiting sagot nito.
Napangiti na rin ako sa sinabi ni Andrew. Ganunpaman ay hindi pa rin nawala ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko alam kung papaano ko pakikiharapan ang pamilya ni Bernard. Matagal-tagal na rin nang huli akong dalawin ng ina nito. Habang ang Papa naman nito ay ngayon ko lang ulit makikita mula nang umalis ako ng San Vicente.
Naaalala ko pa kung paano ito nanggalaiti sa galit habang kinakausap ako sa telepono. Bawat binibitiwan nitong salita ay parang punyal na diretsong tumatarak sa aking puso. Ganunpaman ay wala itong nagawa. Attorney Montreal made it possible.
"Tara na! Laura," wika ni Andrew. Nauna itong bumaba sa akin at lumipat sa aking direksyon upang pagbuksan ako.
Kahit may pag-aalinlangan ay bumaba ako. Bunungad kaagad sa akin ang malawak na lobby ng Manila Pen. Ang nagkikislapang mga ilaw at ang magarbong entrada nito.
Ibinigay muna ni Andrew ang susi ng kotse sa valet ng bago kami sabay na pumasok. Hinawakan niya ang kamay ko na aking ikinagulat. Sinulyapan ko siya ngunit seryoso lamang itong nakatingin sa aming harapan. Ipinagkibit balikat ko na lamang ang kaniyang ginawa at hindi na nagreklamo pa. Nang marating namin ang restaurant sa lugar ay binitiwan din naman niya ang mga kamay ko.
"Relax. Nanlalamig ang kamay mo," bulong nito sa akin.
"Sorry," sagot ko dito sabay tango.
Sabay naming pinuntahan ang mesa ng mga magulang ni Andrew, ang dati kong mga byanan. Habang papalapit ay naaninag ko kaagad ang mukha ng Mama nito nang nakangiti. Itinuon ko sa kaniya ang aking atensyon ngunit traydor pa rin ang aking mga mata.
Sa kaliwang bahagi ng Mama nito ay ang aking dating byanang lalaki. Seryoso itong nakatitig sa amin ni Andrew, partikular na sa akin. Walang kaemo-emosyon ang mga mata nitong diretso kung makatingin.
"Laura," bati kaagad sa akin ng Nanay ni Andrew. Tumayo ito upang yakapin at magbeso sa akin. "Kumusta ka?" dagdag pa nito.
Napangiti ako, "Ayos lang po, kayo po?"
"Maganda pa rin kahit sobrang stress." pabirong wika nito.
"Kumusta ka, Laura?" bati ng dati kong byanang lalaki.
Binalingan ko ito at nginitian. Ngiting alam kong hindi umabot sa aking mga mata. Na may halong agam-agam at pagdududa.
"Ayos lang po, Governor." mahinang sagot ko dito.
Tumango lamang ito sa akin at hindi na nagtanong pa. Umupo ako sa bakanteng silya na inihanda ni Andrew at tahimik na nagmamasid. Panaka-naka ay nagsasalita ang Mama nito na diretso ko namang sinasagot. Hanggang dumating ang aming pagkain ay tahimik lamang ako.
Marami ang inorder nang mga ito. Bagay na aking ipinagtataka. Ngunit, nasagot din ito kalaunan ng dumating si Bernard at bumungad sa aking harapan.
"Pasensya na, Papa. Nahuli ako. Nagkaproblema lang po," hinging paumanhin kaagad nito.
"Maupo ka na Bernard." maawtoridad na wika nito. Agad namang tumalima si Bernard. Naupo ito sa katabi kong silya sa aking kaliwang bahagi habang si Andrew naman ay nasa aking kanang bahagi. Napapagitnaan ako ng dalawa na mas lalong nagpailang sa akin.
"Gusto kong unuwi ka na ng San Vicente, Laura. Hinayaan kita sa gusto mo noon. Ako naman ang hihingi ng pabor sa'yo ngayon. Ang usapan ay usapan. Alam mo 'yon, Laura." mayamaya ay wika ng Governor.
"Naiintindihan ko po." sagot ko naman.
"Ikaw naman, Bernard. Itali mo 'yang kabit mo. Noong isang linggo lang may balitang kumalat sa'yo. Mabuti na lamang at naagapan kaagad ng mga tauhan ko." inis na wika nito sabay tingin kay Bernard.
Nakita kong bumaling ang tingin ni Bernard sa akin. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang sa pagkain. Alam kong kalabisan ngunit may maramdaman akong inis para kay Bernard. Inis para sa mga naging desisyon niya sa buhay. At inis para sa aking sarili.
"Pasensya na, Papa." hinging paumanhin nito.
"Gusto kong sa susunod na linggo ka na umuwi, Laura. Gusto kong sa pag-uwi mo ay umasta kang asawa ni Bernard. Na walang nangyari sa inyo o kahit anupaman. Hindi bulag ang mga tao ang kailangan niyo lang ay magaling na pag-arte kaharap ang publiko." mariing wika nito.
Minanipula lahat ng ama ni Bernard ang magiging kilos ko sa loob ng kampanya ng dati kong asawa. Sa lahat ng sinabi nito gusto kong umiling at pumalag. Ngunit, tulad ng sinabi nito ang usapan ay usapan.
Ang kalayaan ko kapalit ang pagpapanggap.