Kabanata 19

The eyes is what captured the soul. The smile is what captured the heart. All unsaid words can be heared by someone with fragile heart. Only, in true loves touch.

Ilang segundo akong natulala sa sinabi ni Andrew sa akin. Napakurap-kurap ako para palisin ang nagbabadyang pagluha. Agad akong nagbaba ng tingin at inayos ang sarili. Tumikhim din ako para kumalma at mawala ang bara sa aking lalamunan.

"Huwag kang magbibiro ng ganiyan, Andrew." wika ko dito.

Narinig ko pa ang kaniyang mahinang pagbuntong hininga bago tuluyan niyang binuksan ang naka-lock na pinto ng kotse.

Ipinilig ko ang aking ulo at napailing. Pagkatapos ay dali-dali akong lumabas ng sasakyan.

Hindi ko alam ngunit ang salita ni Andrew ay nagdulot ng sakit sa aking pagkatao. Para bang isa itong punyal na agad tumarak sa akin hanggang manghina ako.

Mali. Hindi pwede.

"Ano pong gusto niyo, Ma'am?"

Natigil ang anumang iniisip ko nang may lumapit sa aking saleslady. Hindi ko na namalayang nasa tapat na pala ako ng isang toy store sa sobrang pag-iisip. Lumingon din ako sa aking likuran at nagpalinga-linga upang hanapin si Andrew, ngunit hindi ko siya makita. Napabuntong hininga na lamang ako at pumasok sa loob kasunod ang saleslady.

Marami akong laruang binili. Bumili din ako ng mga pwedeng magamit ng mga bata para matuto. Naging abala ako na hindi ko napansing wala pa rin si Andrew. Napabuntong hininga ako at pinasyang tawagan ito.

"Nasaan ka na ba, Andrew? Puntahan mo na ako. Please," pakiusap ko dito.

"Kanina pa kita hinahanap, Laura! Nasaan ka ba? Nag-aalala na ako sa'yo!" sagot naman nito sa akin.

Napangiti ako ng mapait dahil doon. Halata ko sa boses nito ang pag-aalala. Bagay na nagpapaalala sa akin kung bakit ko kailangang pigilan ang aking sarili sa isang damdamin na hindi maaari.

"Ahm.."

"Nahanap din kita." narinig kong wika nito.

Lumingon ako at agad na nakita si Andrew. Nakangiti itong nakatitig sa akin habang dahan-dahang ibinababa ang cellphone mula sa tainga nito. Maging ako ay ganoon din ang ginawa.

"Kahit kailangan talaga, hahanap ang paraan ang tadhan para makita kita." makahulugang wika nito.

Napakunot ang aking noo sa kaniyang sinabi ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin. Agad niyang nilapitan ang aking pinamili at binitbit iyon.

Ipinagkibit balikat ko na lamang ang kaniyang sinabi at nilapitan ito para tulungan.

"Akin na," sabi ko dito.

"Laura, ang mga babae hindi pinapahirapan kundi inaalagaan."

"Tumigil ka Andrew kundi masasapak na kita. Namumuro ka na sa akin." inis na wika ko dito.

Tumawa ito sa aking sinabi at nauna nang maglakad papalayo sa akin. Napapailing na sinundan ko na lamang ito. Kahit ganoon ang nangyari ay gumaan naman ang aking pakiramdam.

Alam kong iba si Andrew sa lahat. Mabait ito sa akin mula pa noon. Ako lang naman ang tumutulak dito papalayo. I know he will respect me. Maging nang aking damdamin.

"Tanghali na pala. Pwede bang, dumaan muna tayo sa Jollibee? Paborito kasi ng mga bata ang chicken joy doon. Tyaka, masarap din ang spaghetti nila," pag-aaya ko dito.

"Talagang mahal mo ang mga bata, Laura. Sana lahat ng magulang katulad mo." pahayag nito.

Napangiti ako ng mapait. Napahawak din ako sa aking impis na tiyan. Kung sana ay naging maingat ako, marahil katulad ng sinabi ni Andrew naging mabuting ina na rin ako.

"Oh! Natahimik ka na d'yan?! Malapit ka nang umuwi kaya madadalaw mo na siya. Miss ka na rin noon panigurado." mahabang salaysay nito.

"Ako rin naman," tanging nasambit ko na lamang. Kinagat ko ang pang-ibabang labi upang supilin ang kung anumang nais kong sabihin.

Marami man akong gustong malaman gusto ko pa rin na ako ang mismong makaalam. Gusto ko pa rin na ako mismo ang makakita sa mga bagay na nais kong malaman.

Ilang sandali pa ay tahimik naming binaybay ang daan patungo sa orphanage. Napakagaan ng aking pakiramdam habang nagbabyahe. Masaya ako sa mga bagay na nangyayari sa akin higit sa kalungkutan na minsan ko na lamang maramdaman.

Kapag masaya ka sa bagay na nangyayari sa paligid mo. Hindi mo na mararamdaman ang kalungkutan sa iyong puso. Ang kailangan mo lamang gawin ay pahalagahan at mahalin ang mga bagay na mayroon ka higit sa mga bagay na wala ka.

Life is about contentment. Habang pinagmamasdan ko ang mga bata na masayang tinatanggap ang regalo mula sa akin ay hindi ko mapigilang maramdaman ang sobrang kasiyahan. Nag-uumapaw ito sa aking puso na pakiramdam ko sasabog ito sa galak.

"Ang gwapo naman po pala ng asawa niyo, Miss Laura." wika ng isang volunteer sa akin.

Natigil ako sa ginagawang paglalagay ng pagkain sa silya ng mga bata. Nakakunot ang noo kong binalingan ko ito pagkatapos ay natawa na lamang. Napailing din ako kapagkuwan dahil sa maling akala nito.

"Tama ka Joy. Eh, ang ganda din naman ni Miss Laura. Kaya bagay talaga sila," panunukso pa ng aming mga kasama.

"Ano ba kayo, kung anu-ano ang pinag-iisip niyo. Tyaka.."

"Bagay ba talaga kami?"

Natigil ang sinasabi ko nang inakbayan ako ni Andrew. Agad-agad ay hinapit niya ako papalapit sa kaniya na para bang hahalikan ako sa aking pisngi. Napapikit ako dahil sa nararamdamang kaba ngunit hindi nangyari ang iniisip ko.

"Napaganda at napakabait ng asawa ko." mahinang bulong nito.

Inangat ko ang aking paningin at nakita siyang titig na titig sa akin. Alam kong kunot na kunot ang aking noo na nakatitig din kay Andrew. Naguguluhan ako dahil alam kong hindi magandang biro ang sinabi niya.

"Aray!"

Napaigik ito ng sikuhin ko sa tagiliran. Umiling ako dito habang seryoso ang aking mukha. "Hindi magandang biro, iyan. Tandaan mo." mahinang sambit ko.

"Laura naman. Ngayon lang may nagsabing asawa kita at bagay tayo kaya masaya ako." Nakangusong reklamo nito sa akin. Hinaplos din nito ang tagiliran na siniko ko kanina.

Lumayo ako ng bahagya kay Andrew. Nilingon ko rin ang mga kasama ko kanina at nakitang abala na ang mga ito. Agad akong nakahinga ng maluwag dahil doon. Pagkatapos ay nakangiting pinagmamasdan si Andrew na mukha pa ring batang nagmamaktol.

"Seryoso na nga, Andrew. Kainis 'to." reklamo ko dito.

"Bakit? Matagal ko nang alam, Laura na annul na kayo ng kapatid ko." anas nito.

Nanlaki ang aking mga mata. Hindi ko sinagot si Andrew bagkus ay iniwan ko siya roon. Hindi ako handang pag-usapan ang bagay na iyon.

Naging abala ako. Hindi ko pinansin si Andrew maging ang pangungilit nito. Sinadya kong abalahin ang sarili sa iba't ibang bagay. I sighed. Napaupo ako ng makaramdam ng pagod mula sa pag-aayos ng mga gamit ng mga bata.

"Ate Laura,"

Tawag sa akin mula sa kung saan. Inilibot ko ang paningin at nakita si Josh kasama si Laila. Akay-akay nito ang batang babae at patungo ito sa akin. Hinintay ko sila at pinagmasdan.

Napakaswerte ni Laila dahil laging kasama nito ang batang si Josh. Magkasing edad lamang ang dalawa at ang batang lalaki lamang ang tanging nilalapitan nito.

Si Laila ay hindi nakakapagsalita. She experienced trauma when she was a child. Nakakaawa kung tutuusin ngunit hindi mababakas sa inosenteng mukha nito ang dinanas. She is cheerful to those she liked. At isa ako roon.

Napangiti ako, "Bakit? Oh, nasaan na ang mga laruan niyo?" tanong ko.

"Nandoon po." turo nito sa kung saan.

"Ibigay mo na, Laila." sumenyas ito sa batang babae na agad naman tumango ang huli.

Doon ko lamang napansin ang mga bulaklak na dala ng bata. Iniabot nito iyon sa akin nang may ngiti sa labi. Hindi ako nagsayang ng sandali at agad ko itong kinuha.

"Salamat," Nakangiting wika ko.

Sumenyas ito na hindi ko maintindihan kaya bumaling ako kay Josh na napakamot na lamang sa ulo. Agad nitong nilapitan si Laila at ginulo ang buhok nito.

"Dapat magsalita ka na, Laila. Tingnan mo si Ate Laura, hindi ka tuloy maintindihan." nakakalokong sabii nito.

Tumawa ako ng mahina. Tiningnan ko ang dalawa at nakitang nagkakairingan ang mga ito. Napailing ako. I can clearly see how the boyish Josh, looked at Laila. Isang klase ng tingin na pinapangarap ng iba. Sa murang edad ay kita ko na ang pagpapahalaga nito sa batang babae. I just hope that it would lasts.

"Kay Kuya po galing ang bulaklak, Ate. Sa asawa mo po," kapagkuwan ay sambit ni Josh. Tiningnan ko ito at nakitang nakaturo ito kay Andrew.

"Talaga?" pagsakay ko dito. Napailing ako habang pinagmamasdan si Andrew na nakikipag-usap sa mga madre. Tatawa-tawa ang mga ito na para bang tuwang-tuwa sa binata.

Nang bumaling ang paningin nito sa akin ay kinabahan ako. Agad itong ngumiti at kumaway pa ng bahagya. Kumindat pa ito na parang teenager sa akin na ikinatawa nang malakas ng mga kasama nito.

Napasimangot ako at inirapan ko si Andrew. Nababaliw na nga yata ang kapatid ni Bernard. Nababaliw na nga rin yata ako dahil ramdam ko sa aking puso ang isang malikot na damdamin na maging ako ay hindi kayang pangalanan.

"Mas gusto sana kita na makitang nakangiti Laura, pero tumawag na si Papa. Hinahanap na tayo," wika nito.

Inangat ko ang aking paningin at nakita ang mukha ni Andrew na nakatanghod sa akin. Ang kasiyahan na makikita sa mga mata nito kanina ay nawala. Napalitan iyon ng pag-aalala at alam ko kung bakit.

Galit sa akin ang ama ni Bernard. Governor loathe me for some reasons. Isang bagay na ginawa ko na hindi ko naman pinagsisisihan. Dahil alam ko, kailangan ko ito. To be free and to finally move on.

"Laura,"

Natigil ang pag-iisip ko. Tumango ako kay Andrew at tumayo. Pinagpagan ko rin ang aking paanan kahit alam kong wala naman itong dumi. My heart is starting to pound like crazy. Na halos ito na lamang ang naririnig ko.

Kapagkuwan ay tiningnan ko si Andrew sa kaniyang mga mata. I am uncertain for what I say to him. But unexpected words slipt from my mouth.

"Tama ka. Matagal nang annul ang kasal namin ni Bernard."