Chapter 2
Nag effortMarami na ang usap usapang ang tungkol Kay cyrus. Nitong nakaraan kasi pumunta ako sa bar kung saan siya nag ta trabaho. Si Jonas lang ang kilala Kong katrabaho niya kaya agad ko siyang hinanap. At sakto nakita ko nga siya . agad ko siyang tinawag
"Jonas" tawag ko sa attention niya .
"Oppsss Sam naparito ka?" Tanong niya sa akin
"Oo day off ko kaya napadalaw, Si Cyrus pumasok ba?" Tanong ko sa kaniya kasi naman pinuntahan ko siya sa apartment niya wala siya doon kaya dito ako sa bar nagtungo
"Si Xy Hindi ata pumasok Sam, bakit Hindi mo ba siya kachat ngayon."- Jonas
"Ehhhh alam mo na may kunting Hindi pag kakaunawaan pero okay pa namin kami," Sabay kamot ko sa ulo kasi Hindi ko namn sure kung ayos pa ba ang relasyon namin.
"Sus kaya namn pala"-Jonas
" kaya namn pala ano? " tanong ko sa kaniya dahil parang may ibig sabihin yong sinabi niya.
"Ahhh wala dapat pinuntahan mo na siya sa apartment niya" sabi niya sa akin at nakangisi pa ito
"Wala kasi siya sa apartment niya ehhhh nag punta na ako doon kanina, kaya pumunta ako dito akala ko kasi pumasok siya" malungkot Kong sabi at ibinaba ang tingin.
"Aii oo nga pala Sam lumipat na siya ng apartment ha jan lang sa kanto malapit dito sa bar . yong Green House doon." Sabi nito sa akin
"Lumipat pala kayo ng apartment? " nagtataka Kong tanong
"Oo ehhhh, ohhhh sige na mauna na ako may trabaho pa ako ehhhh" paalam nito sa akin at naglakad na papalayo.
Nagpunta ako sa Green house na sinasabi ni Jonas tama nga siya malapit lang sa bar na pinagtatrabahuan niya. Hindi muna ako pumasok Baka kasi mainit init pa ang ulo niya sa akin . kaya umuwi na rin ako agad .
March 17 , 2022 this day is a special day kasi 3rd anniversary na namin ni Cyrus at ngayong araw napag disisyonan kona na pagbigyan siya sa gusto niya. Mahal ko siya at ayaw ko siyang mawala. Sa tingin ko din siya na yong mapapangasawa ko kaya okay na sa akin kahit may mangyari sa amin eh tama namn siya doon din lang namn mapupunta yong relasyon namin. At para matigil na rin yong pag a away namin dahil lang sa ayaw ko sya pagbigyan. Kaya bilang regalo iaalay ko ang sarili ko sa kaniya. Willing na akong isuko ang bataan.
Bumili din ako ng sapatos para sa kaniya dinig ko kasi may game sila sa basketball next week. Kaya binili ko yong sapatos na gusto niya last time kasi nagtampo siya dahil diko nabili yon para sa kaniya. At dahil anniversarry nga namin pinagluto ko din siya ng Kare kare.
Nag paalam ako sa boss ko na hnd muna ako papasok. Dahil lang dito excited na ako na magkabati na kami ulit. Nabalitaan ko na lumipat na siya ng ibang apartment at malapit yon sa BAR na pinag tatrabahuan niya. Well Hindi niya alam na alam ko kung San siya lumipat gusto ko siya isurprice.
"Aba aba aba aba!! Ang ganda mo ngayon ahhh. May date kayo ni Cyrus ngayon? " si Alex na manghang mangha sa akin
" nope, 3rd anniversarry namin ngayon. kaya I susurprice ko siya. Alam mo namn ilang araw na din kaming Hindi nag kikibuan at isa pa Hindi ko rin matiis na Hindi kami nag uusap o nagkakayos ng mabuti " na napasimangot
" ayy bongga namn mamsh, ikaw pa talaga itong nag effort nohh, dapat siya yong nag effort sayo sa ganda mong yan nako. See natitiis ka nga niyang Hindi kausapin diba? At isa pa marami nadin akong nasasagap na tsismis about Kay Cyrus at alam Kong alam mo din yon nag bibingi bingian ka lang. "-alex