Chapter 1
Hindi Na pagbigyan"Love sorry Hindi pa talaga ako handa" sagot ko sa mahinahong boses
" tssskkkk Hindi handa ! Ilang taon na ang relasyon natin Sam pero hanggang ngayon Hindi mo parin ako pinag bibigyan, tapos sasabihin mo hanggang ngayon Hindi ka parin handa. Ilang beses ko na bang narinig yan mula sayo? " si Cyrus na halatang galit na galit na sa akin at pabagsak na umupo sa kaniyang sofa sa sala.
"Love pasensya na alam mo naman na iniingat ingatan ko talaga ang pagiging vergin ko, at naniniwala ako na best gift yon sa mapapangasawa ko" ako na parang maluluha na sa asta ng BF ko ngayon
"Wow, really? best gift ?? So para mo na ring sinabi na hindi ka pa sigurado sa akin. My God Sam!!! Mahal mo ba talaga ako ?"
"Oo namn love mahal kita, mahal na ma-"
" damn you" sabay turo sa akin ng mariin "mahal moko? Sure ka ba sa mga pinag sasabi mo? Sigurado kaba sa nararamdaman mo ? " -Cyrus
"Oo namn love sigurado ako, mahal kita araw araw alam mo yan" -Sam
" then why? Bakit hanggang ngayon Hindi mo parin ako pinag bibigyan ? Mag tatatlong taon na tayo Sam, pero hanggang ngayon may lemit parin sa relasyon natin! Hindi na tayo mga bata Sam na hanggang holding hands lang kiss sa chicks. Ohhhh damn..." Mariin na sabi nito
Napabuga na lang ako ng hangin sa bibig "Love sorry -" -ako habang pinupunas ang luha sa aking mata
" sorry?? Sorry then ?? What??? We almost 3 years already sam, lalaki ako Sam at sana alam mo din na may pangangailangan din ako. Pero kung dimo kaya ibigay yong kaligayahan ko then let's end this umalis kana wala na tayong dapat pag usapan" sumbat sa akin ni Cyrus at akmang tatalikuran na ako Agad ko siyang niyakap " love please give me a chance pag iisipan ko. Huwag namn nating hayaang masira yong relasyon natin dahil lang dito love Sobrang mahal kita love please lang " habang yakap yakap syang nakatalikod sa akin. Hindi ko na din alam kung ano lumabas sa bibig ko ang alam ko lang mahal ko si CYrus at takot akong mawala siya.
Inalis niya ang kamay kong nakayakap sa kaniya " you want me to give you a chance, then prove it" sabay pasok sa kwarto niya at isinara ito ng malakas.
After nang sumbatan namin ni Cyrus. Ilang araw na din na Hindi ako pinapansin ni Cyrus nag me message ako pero napaka cold ng mga reply niya. Malapit na ang 3rd anniversarry namin hnd parin kami nag kakausap ng matino. Ilang araw ko ding inabala ang sarili ko sa trabaho bilang call center .
"Sam? Is that you? " si Alex na manghang manghang nakatitig sa akin ilang linggo din kasi syang wala sa boarding house kasi umuwi ng probinsya, siya yong ka roommate ko na naging kaibigan ko na din
"Bakit Gulat na gulat ka may dumi ba ako sa mukha" Agad ko namang tanong na waring nagtataka dahil sa asta in Alex
" jusko mamsh ilang linggo lang akong nawala namayat kana? What happen? Anong pinag gagawa mo sa sarili mo ?"-Alex
Well tama naman siya pumayat nga ako siguro dahil Hindi ako nakakatulog ng maayos kakaalala kay cyrus tapos stress pa sa work.
"stress lang sigiro sa trabaho, natambakan kasi kami nitong nakaraang araw, kaya ilang araw din puyat " sagot ko habang nag titimpla ng kape
"ikaw na yong na stress na Pumayat tas maganda parin ohhh kita mo yan" sabay turo sa mukha ko " iba ang gandang Samantha tapos yang dimple mo pwede ba pakitago, nako pag di lang talaga ako babae lalamutakin kita" sabay tawa at kumuha ng tasa
Hindi namn sa pag mamayabang pero maganda talaga ako, yon yong mga sinasabi ng mga nakakasalamuha ko, dagdag pa sa asset ko yong mga dimple ko Madami din gustong manligaw sa akin dati pero binabasted ko lang pero ako ito tingin ko sa sarili ko lusyang na kahit wala pang asawa at anak.
Lumipas ang oras, at araw papalapit ng papalapit ang 3rd anniversary naming no cyrus. Mas lalo akong kinakabahan, napapaisip kung segurado na ba akong ibigay lahat sa kaniya.
*****Sa Office*****
Abala kami sa works marami din kasing clients ang tumatawag. Night shift kami kaya puyat again, mag titimpla si Alex ng coffee kaya nagpatimpla na din ako
"Alex patimpla nga din ako please" pakiusap ko sa kaniya.
"Sige pero diko alam taste mo ha, is it creamy or yong matapang yong kaya kang ipaglaban" sabay tawa paalis
Maya Maya pay nakapag timpla na siya ng kape "your coffee mamsh" at nilapag sa disk ko at nginitian ako "thank you mamsh" sagot ko at nginitian din ito.