Chapter 25 May Isa pang Kontrabida
"MAY gusto ka bang sabihin?" tanong ni Katrina nang hindi na siya nakatiis. Nakailang buntunghininga na kasi si Jeremy.
"They hate me," matabang na sabi ni Jeremy.
Hindi na niya kailangan pang tanungin kung sino ang sinasabi ni Jeremy, obyus namang ang mag-anak ang tinutukoy nito. Para tuloy gusto niyang yakapin si Jeremy ng mga sandaling iyon, damang-dama niya kasi ang paghihirap ng kalooban nito at sa lahat ng ayaw niya ay 'yung nasasaktan ang kanyang mahal.
Mustulan itong pinagsakluban ng langit at lupa kaya kung hindi lang niya alam na isa itong special agent sa ahensiya ng kanyang Ninong Sunday, hindi siya maniniwalang may kakayahan itong humuli ng kriminal o maaaaring pumapatay pa. Para kasing ang hina-hina nito ng mga oras na iyon dahil sa bigat na nararamdaman.
"Insecure lang sa'yo ang mga 'yon dahil alam niyang sa'yo ipamamana ang Hacienda Rosales," wika niya saka biglang natigilan. Napalunok tuloy siya ng kung ilang ulit. Kahit tuloy hindi siya lumingon dito'y alam niyang nakatitig ito sa kanya. Hininto rin kasi nito ang sasakyan kaya sigurado siyang nakatingin ito sa kanya. Dama naman kasi niya ang init ng titig nito.
"Sinabi ba sa'yo 'yan ni Lolo?"
Hindi siya nakakibo dahil di siya sigurado kung nasabi ba iyon sa kanya ni Lolo Segundo. O, nasabi niya iyon dahil iyon ang narinig niya .
"I knew it."
Napa-'tsk' siya. "Huwag kang mag-alala, hindi naman ako interesado sa mana mo," sarkastiko niyang sabi.
"At sa tingin mo, iisipin ko 'yan?" masama ang loob na tanong nito sa kanya.
"Sinabi ko lang. Teka, ba't ba ako ang inaaway mo?" manghang tanong niya rito.
"Hindi kita inaaway," mariin nitong sabi sa kanya.
"Kaya pala tinataasan mo ako ng boses," marahan niyang sabi.
Napabuga si Jeremy pagkaraan."I can't believe this."
"Saan?"
"Na tayo na ang nag-aaway."
"Kaya, mag-drive ka na."
"Saan mo ba gusto pumunta?"
Mabilis ang naging pagsagot niya. "Sa may pinakamasarap na tapsilog at pinakamalamig na ice cream," mabilis niyang sabi ng pakadiinan niya ang pagsasalita.
Nang una ay nag-alangan pa si Jeremy na pakainin siya ni Jeremy sa isang tapsilugan na para lang karinderya ngunit nang sabihin niyang mukha ngang masarap doon ay napangiti na ito at nangako pa sa kanyang hindi siya magsisisi na kumain sila doon. Naniniwala naman siya sa sinabi nito kaya niyaya na nitong bumaba sila.
Ngunit, nang bubuksan na niya ang pintuan ng magarang owner type jeep nito ay bigla siyang pinigilan. Huwag daw siyang bababa agad dahil nais nitong alalayan siya sa kanyang pagbaba. Kaya naman sa simpleng gesture na pag-alalay sa kanya ni Jeremy ay sobra siyang kinikilig. Para tuloy gusto na niyang burahin talaga sa kanyang isipan ang nalaman niya tungkol sa pagpapakasal sa kanya.
Habang hinihintay nga nila ang order nila ay parang gusto na niyang matunaw sa uri ng titig na ibinibigay nito sa kanya. Pakiramdam niya'y ayaw nitong alisin ang tingin sa kanya.
"Alam mo bang isa pang dahilan kaya ayaw ko silang makasabay kumain?" wika nito na tinutukoy na naman ang mga kamag-anak nito.
"Ano?" interesado niyang tanong. Kahit gusto na niyang magkomento na sa hitsura pa lang ng mga kamag-anak nito'y parang hindi na siya matutunawan kapag sinabayan niyang kumain.
Sumimangot muna ito bago sumagot. "Naiinis ako kay Joshua."
"Doon sa pinsan mo? Bakit naman?" Napabuntunghininga lang siya nang bumalik sa alaala niya ang naging pag-aaway nina Jeremy at Joshua dahil kay Veronica. Para tuloy gusto niyang mapaiyak dahil sa sakit na naramdaman niya pagkaraan ng ilang sandali.
"Nabubuwisit ako sa tingin na ibinibigay niya sa'yo. Kaya, abot-abot ang pagpigil ko na murahin siya kanina, eh," inis na sabi nito.
"Sobra ka naman."
"Totoo ang sinasabi ko. Pasalamat nga siya at di ko dinukot ang mata niya." Madilim ang mukhang sabi nito at nanghahaba pa ang kanyang nguso. Cute!
"Iwww..." wika niya ng ma-imagine niya niyang ginawa nga nito iyon. "Huwag ka namang maging ganyang kabrutal."
"Talagang magiging brutal ako kapag may nagtangkang agawin ka sa akin," sabi nito.
Hindi niya maintindihan kung bakit lumalabas sa bibig ni Jeremy ang mga salitang iyon kaya pinakatitigan niya ito. Gayunpaman, hindi naman niya magawang ipagkaila sa sarili na gusto niyang makaramdam ng kilig. Para kasing mahal siya nito kaya parang gustong maging possessive sa kanya.
"Bakit ka ba ganyan?"
"Masisisi mo ba ako?" inis nitong sabi sa kanya.
"Why nga?"
"Kasi nagseselos ako," mariing sabi nito na ikinamangha na naman niya.
ILANG beses na napakurap-kurap si Katrina nang sabihin niyang 'nagseselos ako'. Sa tingin niya tuloy, hindi ito naniniwala na nararamdaman niya iyon. Napabuntunghininga tuloy siya sa labis na frustration. Hindi naman kasi niya ito masisisi. Minsa'y sinabi niya ritong hindi niya ito mahal tapos magdedeklara ng pag-ibig at agad papayag na pakakasalan ito. Mabuti na lang at hindi nito alam ang tungkol sa testamento ng kanyang Lolo Segundo dahil baka isipin pa nito na niloloko niya ito.
Kaya, naisip niya sanang sabihin niya rito ang tungkol sa testamentong ginawa ng kanyang Lolo Segundo pero naisip niyang magmumukha naman siyang defensive kapag sinabi pa niya iyon. Kaya, naisip niyang huwag na muna niya iyong sabihin kay Katrina dahil imposible na namang malaman pa nito ang tungkol sa testamentong iyon dahil pinunit na niya ito.
"Wow, talaga ba?" kunwa'y sabi ni Katrina nang makabawi siya sa pagkabigla.
Sa biglang pamumula ng pisngi ni Katrina, gusto niyang mapangiti. Kahit kasi nagpapakita ito ng katarayan sa kanya, alam niyang masyado rin itong naapektuhan sa kanyang sinabi.
"Hindi ka naniniwala?" kunwari'y disappointed niyang tanong. Kahit naman hindi nito aminin sa kanya ang gusto niyang marinig, hindi ito makapagkakaila sa kanya. Isa siyang special agent kaya naman na-train siyang bumasa ng isang tao at sa pagkakataong iyon ay basang-basa niya si Katrina.
Tinaasan siya nito ng kilay saka buong katarayan siyang tinanong ng, "Dapat bang lahat ng sabihin mo'y paniniwalaan ko?"
"Hindi ako sinungaling."
"Are you sure?" sarkastikong tanong ni Katrina.
Kumunot ang noo niya.
"Nagtatanong lang ako."
"Hindi mo ba paniniwalaan ang pangangailangan ko sa'yo."
"Damang-dama."
Malalim na buntunghininga ang pinawalan niya dahil alam na alam niya kung anong ibig nitong sabihin at kailangan niya iyong burahin sa isip nito. "Hindi lang natatapos sa kama ang pangangailangan na tinutukoy ko. Siyempre, gusto rin kitang kasama at kausap. Kahit nga awayin mo pa ako maghapon at magdamag okay lang sa akin basta nasa malapit ka lang. "
"Eh, bakit nu'ng isang araw iniwanan mo ako para kausapin ang iyong bestfriend?" naghahamong tanong niya.
"Sorry."
Nagkibit balikat na lang ito at itinuloy ang pagkain. Kahit na hindi siya sigurado kung talaga ngang tinanggap nito ang paghingi niya ng tawad, hindi niya napigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan ito. Talagang enjoy na enjoy ito sa pagkain ng tapsilog.
"What?" mataray na tanong ni Katrina na sa tingin niya ay napahiya kaya nagtaas ng boses.
"Ang cute mo kasi."
"Tagal ko ng alam 'yun. Now mo lang na-realize? No wonder kaya iniwanan mo ako."
"Binalikan naman kita, eh."
"Bakit?"
"Kasi, in love ako sa'yo," wika niya saka hinagilap ang kamay niyang nasa ibabaw ng mata habang nakatingin sa mga mata nito.
KONTING-konti na lang, maniniwala na ang tanga niyang puso, naghihimutok na sabi ni Katrina.
"In love ka sa akin kahit..."
"Huwag kang magsimula Katrina," marahang banta sa kanya ni Jeremy.
Kahit may mahal kang iba, iyon ang gusto niyang itanong dito pero hindi na niya nagawa dahil pinutol na niya ang sasabihin nito. Ngunit, sa tingin niya ay hindi rin naman niya masasabi iyon. Baka sa halip na ang mga katagang iyon ang matanong niya'y iba ang lumabas sa kanyang bibig. Siyempre, iyong masasaktan si Jeremy. Kahit hindi ikaw ang ama ng anak ko.
Ngunit, hahayaan ba niyang madagdagan pa ang sakit na alam niyang nararamdaman ngayon ni Jeremy?
Sa puso niya ay alam niyang mahal na mahal niya si Jeremy ngunit kahit ganoon ang kanyang nararamdaman ay natatakot na siyang ipakita rito ang pagmamahal na kanyang nararamdaman. Gusto na rin naman kasi niya protektahan ang kanyang sarili dahil alam niyang isang araw ay mawawala rin ito sa kanya. Pakiramdam niya'y hindi sapat na kasal sila kung hindi naman niya makukuha talaga ang puso nito.
"Tama ka nga, ang sarap dito," sabi na lang niya pagkaraan.
Ngumiti naman ito. "Sabi ko sa'yo magugustuhan mo."
Nang matapos silang kumain ay agad dumating ang ice cream na in-order nila. Ang bilin kasi ni Jeremy, ilabas ang kanilang dessert pagkatapos kumain. As usual, pandan flavor sa kanya at rocky road naman kay Jeremy.
"Pampalamig ng ulong nagseselos," wika niya sabay hagikgik.
"I'm serious," wika nito.
Nang titigan niya ito ay kita niya ang kaseryosohan sa mga mata ni Jeremy kaya tumango siya. Pinili niyang paniwalaan si Jeremy. Saka, mas sasaya rin naman ang puso niya kapag ganu'n ang kanyang ginawa kaya't tinaboy na lang niya ang negatibong emosyon. Pati na rin ang pangit na alaala.
MULA sa kanyang kinalalagyan ay kitang-kita niya ang dalawang iyon, lalung-lalo na si Katrina na ngiting-ngiti. Naningkit tuloy ang mga mata niya. Parang gusto niyang lumabas sa kotse at sugurin ang mga ito. Dagli lang nagbago ang isip niya dahil kapag ginawa niya iyon ay masisira ang lahat ng kanyang plano at hindi niya hahayaang mangyari iyon.
Ang kailangan lang niyang gawin ay maghintay. At sa pagkakataong ito ay sisiguraduhin niyang siya'y magtatagumpay.