Kabanata 5
"May problema ba?" tanong ko pero mukhang mali pa atang nagtanong ako dahil mukhang lalong sumama ang mukha nya.
"Hindi mo ba alam na kamatayan ang kabayaran ng kasalanang ginawa mo? You should have respected me!" nakakatakot na syang nakatingin sakin. Iba na sya makatingin, sobra ng nakakatakot.
Nang sa isang iglap ay nakita ko na lang ang sarili kong unti unting pinapahirapan at sinasaktan ng paulit ulit na sa sobrang sakit tingnan ay pakiramdam ko ay ramdam na ramdam ko na sa real life ang lahat ng nakikita ko.
"What's the meaning of this?" nakarinig ako ng malakas at ma-awtoridad na beses dahilan para biglang mawala ang nakikita kong pagpapahirap sakin at muling bumalik sakin ang aking paningin. Marahil dahil sa di ko kinaya ang nakita ko ay basta na lang akong bumagsak pero nung bumagsak ako ay may naramdaman akong sumalo sakin.
---
Nagising ako sa isang kwarto kung saan may sofa at isang maliit na whiteboard. Nilibot ko ang aking paningin at natagpuan ko si Fahrenheit na ginagamit ang phone nya.
Bigla kong naisip, nung nahulog ako kanina, sino kayang sumalo sakin. 100% sure akong di si Fahrenheit yon.
Mayamaya ay biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang isang babaeng nasa mid 20's ang itsura pero I doubt na 20 pa sya dahil according sa pinag-aaralan namin ay close to immortality na daw ang mga Toveenar kaso pag namatay ang Ku Liefde Deva mo, susunod ka na rin mamamatay.
Umupo sya sa upuang nasa ilalim ng table. "Mholweni, Hoang Tu nalaman naming pinatulan mo daw si Miss Scarlet. At bilang counselor ay naisip kong bigyan ka ng parusa para sa isang linggo" sabi ng Counselor na ikinainis ni Fahrenheit. Natawa naman ako, gusto ko sanang lakasang sabihin, Yan kasi.
"Di mo ba ako kilala?" naiinis na tanong ni Fahrenheit. Natawa naman ako ng mahina.
"I clearly know you, Hoang Tu. Pero ang problema nyo ay nasa premises kayo ng school na ito kaya kailangang nyong sundun ang patakaran at alintuntunin." masama namanv tinanggap ni Fahrenheit ang sinabi ng Counselor. Umupo na ako ng maayos para makita at marinig ko pa ng maayos ang mga susunod na mangyayari.
"So, bilang parusa ay kailangang nyong maging parents." biglang nanlaki ang mga mata ko at sa di sinasadya ay sabay pa kaming napasigaw ni Fahrenheit.
"Parents?" nagkatinginan kami sandali at pagkatapos ay kanya kanya ng iwas ng tingin. Nakakaasar naman oh. Bat nadamay ako dito?
Tumayo na rin ako. "Parents po? Nagbibiro po ba kayo? Bakit parang nadamay pa ata ako dito?" tanong ko. Di ko na kasi napigilan ang sarili ko.
"I'm sorry pero this is my rule. And besides, I have a feeling na hindi naman kayo mahihirapan sa isa't isa. I can see blue sparkles in your eyes two" at pagkatapos nito ay ngumiti pa ang Counselor. Napapikit na lang ako ng madiin at tumungo na lang.
Gosh! This is unbelievable.
"You will become parents for a week pero kada isang beses na nagkakamali kayo o di kaya napapabayaan nyo ang baby ay panibagong isang linggo ang madagdag sa inyo. Which will make this punishment a little bit harder" Hindi ko maintindihan kung bakit nagagawa pang ngumiti ng Counselor. Samantalang ako at si Fahrenheit ay inis na inis na. Nakakaasar naman kasi, sana naman kasi binati ko na sya kahit kaplastican lang.
Sana lang talaga ...
At pagkatapos ay gamit ang kapanyarihan ng Counselor ay gumawa sya ng Baby gamit ang majika nya. Isa itong nilalang na mukhang mukhang Tovenaar talaga at sa hindi ko maipaliwanag ay ginawa nya itong kamukhang kamukha ni Fahrenheit. Habang ginagawa ito ng Counselor ay nananatili parin ang ngiti sa kanyang mga labi.
"The baby's gender is a boy. Kayo na ang bahalang magbigay ng pangalan sa kanya. Kung may naiisip kayong paraan para dayain ako o anuman ay tandaan nyong majika ko ang ginamit para sa baby-ng yan at majika ko rin ang may kakayanang makapagpawala nito"
Pagkatapos non ay lumabas na kami ng Counselor's Office habang ako ang may dala dala ng baby. Siguro ay mga nasa 3-4 months na tong baby-ng ito. Di nga rin ito umiyak nung binuhat ko kanina at nginitian at tinawanan pa ako. Nakakainis naman kasi, para kami nitong pinalayas sa bahay ng mga magulang ko dahil nalamang nagka-anak na ako. Nakakainis!
Tapos baka isipin nga ng iba ay may nangyari samin ng lalaking ito- speaking of, kanina pa nakabusangot itong si Fahrenheit. Malamang sinasalo na naman nya ang problema ng daigdig.
Basta naglalakad lang ako ng may naisip ako. Teka, bakit ba ako ang nagbubuhat dito sa bata e, si Fahrenheit ang may kasalanan diba? Kaya tumigil na ako sa paglalakad at nung naglalakad na si Fahrenheit papalapit sakin ay agad kong inabot sa kanya ang bata. Nakita ko pa ngang naasar sya e. Aba! Dapat lang.
"Bakit nasa akin ito?" inis na inis na talaga sya. Gusto kong tumawa dahil nakangiti pa si baby habang nakatingin sa kanya.
"Anak mo kaya yan. Kaya ikaw ang magdala" sabi ko at tumalikod na para maglakad papaalis ng nagsalita sya na nakapagpatigil ng paglalakad ko.
"Anak mo rin naman to ah. Ikaw ang nanay kaya ikaw ang magbuhat sa kanya!"
Itutuloy ...