Kabanata 4

Pagkatapos nya akong halikan ay nananatili parin ang walang emosyon sa kanyang mga mata. Nabigla ako dahil di ko inaasahan na ito ang emosyon nya. Seryoso, pagkatapos nya akong halikan ay basta na lang syang tumalikod at iniwan ako ditong naguguluhan.

Nakakailang lakad na sya at kinuha na rin nya ang bag nya ng nagawa ko ng magsalita na nakapagpatigil sa paglalakad nya.

"Bakit mo ginawa yon?" hindi nya ako pinansin pero nananatili parin syang nakatayo at hindi ako nililingon.

"Bakit mo na lang akong basta hinalikan? Bakit--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng sa isang iglap ay nasa harapan ko na sya. Is this what they called ... Teleportation?

Halos din na ako makatingin sa kanya dahil masyado ng nakadikit ang mukha nya sakin at nakakailang naman kung tingnan ko pa sya diba?

"Hinalikan kita pero mapanatili ang buhay ko. It doesn't mean anything. It's just a kiss" at pagkatapos non ay umalis na sya.

Teka, nabibingi na ba ako? O sadyang nakakarinig na ako ng mga bagay na hindi naman naririnig ng mga tenga ko? It's just a kiss? Aaminin ko, nasaktan ako ha.

Umuwi ako sa bahay na tinutuloyan namin dito. Sabi samin ay dito na daw kami titira para lalo pang mahasa ang aming mga kapangyarihan at para kung sakali ay mahanap na nila ang nawawalang Cong Chua ng Adetram.

Hindi ko naman masyadong pinagtutuunan ng pansin ang sinabing yon kanina sa announcement dahil hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako. Nasasaktan dun sa sinabi nya.

Kanina pa ako nakatingin sa kisame habang nakahiga sa kama ko. Pilit kong binubura sa isipan ko ang lahat kaso ayaw makisama ang isipan ko kaya lalo lang akong nasasaktan.

Kung kaya ko lang talagang kontrolin itong kapangyarihan ko ay sana napigilan ko na ang oras kanina para hindi na nagawa ni Fahrenhiate yon.

---

"Bat di mo man lang sinabi sakin na aalis ka? Nalungkot ako kahapong lunch" nakaupo lang ako dito sa may garden ng biglang lumitaw si Steppe.

"Nalungkot? Sure ka? Parang di ah?" wala ako sa mood magsalita o makipagkwentuhan ngayon. I'm still heartbreaker since yesterday.

"Ito naman oh. Kanina pa sinasabi sakin ng mga dahon at bulaklak na mukhang di ka okay. May problema ba?" suddenly her face shifted to being serious.

Naglabas muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago sya tingnan.

"Can I trust you, Steppe?"

"Oo naman. Ano bang problema? Care to share?" Ngayon ay nakangiti na sya at niyakap na rin ako.

"What exactly is Ku Liefde Deva? Naguguluhan ako e"

Natawa muna sya bago tinugon ang tanong ko.

"Ito ang tinatawag para dun sa taong nakalaan para sayo. Kapag nakita nyo na ang isat isa pero hindi sya gumawa ng paraan para iparamdam ang kanyang Liefde sayo ay maari kang manghina at mamatay ... parehas kayong dalwa"

"Why? Bakit mo natanong? Nahanap mo na ba ang Ku Liefde Deva mo?" napatungo ako at nagdadalawang isip na ako kung sasabihin ko ba pero naalala kong sumagot syang mapagkakatiwalaan sya.

"Oo pero, ayaw nya sakin at ayaw ko rin sa kanya" natigilan sya at naging seryoso ang kanyang mukha.

"Ano? Paano yon at teka, ibinigay mo ba ang sarili mo sa kanya? Hinalikan ka na ba nya? Wag mong sabihing hindi dahil baka bigla ka na lang mahimatay at mamatay" nag-alala na sya. There's a hint na nalulungkot na sya.

Napaisip ako sa tanong nya. Oo, hinalikan na nya ako dahil si Fahrenheit ang humalik sakin. At hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako sa sinabi nya sakin.

---

Dumating ang lunch at sabay na kaming naglunch ni Steppe kasama si Josh - ang Ku Liefde Deva nya. Habang nasa kalagitnaan ako ng pagkain at habang nagkukwento samin si Steppe ay bigla na namang umalingawngaw ang tili sa buong canteen dahilan para mabigla ako at mabitawan ko ang hawak kong kutsara. Napalingon din ako sa unahan ng nakita kong naglalakad na papunta sa direksyon namin sina Fahrenheit di ko na lang sya pinansin at kunyari ay wala akong nakita at pinagpatuloy ko pa ang aking pagkain.

"Mholweni, Hoang Tu!" narinig kong sabi nila Steppe at Josh. Hindi ko na napansin na nakatayo na pala sa harapan namin si Fahrenheit pero kagaya kanina ay di ko parin sya pinansin. Sabihan mo na akong ma-pride pero aaminin ko, hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako dun sa sinabi nya sakin.

"Hoang Tu, mukhang ayaw ka atang bigyan ng paggalang ng Ku Liefde Deva mo" sabi ng isa sa mga kasama nya at nagtatawa pa. Isang pabirong sinabi na alam kong pati sakin ay pinatama. Di na lang nagsalita si Fahrenheit. Oo, di ko sya tatawagin Hoang Tu o Prinsipe. Ayoko! Di bagay sa kanya. Di bagay sa ugali nya!

"Hinihingi ko ba ang opinyon mo?" matigas nyang sabi pero bakit pakiramdam ko habang sinasabi nya yon ay nakatingin sya sakin o sadyang guniguni ko lang yon. Tama! Guniguni ko lang yon.

"Tumayo ka!" sino bang inuutusan nitong tumayo? Kalapit lang nya ang kausap nya ah? At bakit parang galit na galit na sya?

"Hoang Tu--" napansin ko ring hindi na natapos ni Steppe ang kanyang sinasabi ng pigilan sya ni Josh. Ano bang meron sa mga ito? Bakit parang natatakot si Steppe?

"Hindi mo ba naririnig ang sinasabi ko? I ordered you to stand up!" marahil dahil sa pagkabigla dahil sa lakas ng boses nya na para bang tinapat na ito sa tenga ko ay agad akong napatayo at nung nakita ko ang mukha nya ay puno ito ng galit at napalingon din ako sa mga taong nandito ... lahat sila nakatingin sakin.

Itutuloy ...