CHAPTER 95
Kahit na may problema akong kinakaharap ngayon sa relasyon namin ni Mike ngunit bigla ko na lamang itong nakalimutan dahil sa aking excitement na naramdaman nang marinig ko ang pangalan ni Troy.
Bago ako tumungo nang ospital ay dumaan muna ako sa mga bilihin ng mga prutas upang dalhin kong pasalubong para kay Troy doon sa ospital.
Pagkatapos nu'n ay agad na dumiritso ako sa ospital. Pagpasok ko sa loob ng kaniyang kwarto ay tila nagtaka ako kung bakit wala rito ang Mommy ni Troy o mga kamag-anak niyang pweding bumantay sa kanya subalit kailangan talaga na may taong babantay sa kanya rito.
Hindi ko na lang iyon pinagtuunan ng pansin at baka lumabas lang ng kwarto at may inasikaso pa.
Dahan-dahan akong lumapit sa higaan ni Troy at dahan-dahan na inilapag sa mesa ang aking dalang prutas para sa kanya.
Habang nakatayo ako sa kaniyang tabi ay dahan-dahan kong hinawakan ang kaniyang maamong mukha. Pinagmamasdan ko siya ng mabuti habang mayroong tuwa sa aking mukha na makikita.
"Hindi na ako makapaghintay na malaman ang magandang balita na sasabihin sa akin ng Mommy mo Troy. Hindi na rin ako makapaghintay na muli mong maidilat ang iyong nga mata," mahinang boses na pagsabi ko sa kanya sabay hinawakan ang kaniyang kamay.
"Alam mo Troy, kahit anong pilit kong itago sa iyo ang aking nararamdaman subalit lalabas at lalabas din pala. Aminado nga ako sa aking sarili na abot langit ang aking naramdaman sa iyo noon nu'ng lokohin mo ako at ipagpalit sa ibang babae. Ngunit nang dumaan ang maraming panahon ay unti-unti ko na rin nakakalimutan ang mga masasakit na ginawa mo sa akin. Lalo na nang makilala ko si Mike at naging parte siya ng buhay ko ay tuluyan na nga talagang naghilom ang mga sugat dito sa aking puso gayon din ang tuluyan akong maka move on sa iyo. Matagal na kitang pinatawad Troy kahit na pilit kitang itinataboy,"
"Ngunit alam mo ba nu'ng nagkita tayong muli? Ay nakaramdam ako ng kaka-iba sa aking dibdib na tila ba parang bumalik sa dati ang aking nararamdaman na pagmamahal sa iyo. Marami nang araw at buwan ang dumaan ngunit nang makita lang kita ay parang nagbago ang lahat. Hindi ko lubos na maunawaan ngunit parang nagsasabi itong puso ko na hanggang ngayon ay mayroon pa rin akong pagmamahal sa iyo despite of everything worst happened between us,"
"Pero 'wag mo nang isipin pa iyon. Ang mahalaga ngayon ay magising kana at gumaling. Wala na akong ibang hihilingan pa kun'di ang gumaling ka lang. Pwedi pa rin naman tayong maging magkaibigan Troy lalo pa at may pinagsamahan din naman tayo noon," huminga ako ng malalim habang napapaisip.
Wala pala akong ka malay-malay na naririnig lahat ni Troy ang aking mga sinasabi sa kanya. Nagkukunwari lamang siya na tulog at wala pa ring malay upang alamin niya kung ano nga ba ako ka-sincere sa kanya. Kung ano nga ba siya ka halaga at ka importante sa aking buhay sa kabila ng kaniyang malaking kasalanan at pagkukulang sa akin noon.
Lalo pa at hindi ko pa alam ang tungkol dito na kahapon pa siya nakagising at bumalik sa unti-unting ganda ang kaniyang kondisyon. Kaya't kampanti lamang ako sa aking sarili na ilabas ang aking mga saloobin at nararamdaman para sa kanya dahil sa aking pag-aakala na hindi niya naman ito magawang marinig. At iyon nga ang aking maling pag-aakala.
Mayamaya pa ay dahan-dahan kong inilapit sa kanya ang aking mukha at dahan-dahan ko siyang hinalikan sa kaniyang pisngi.
Ito naman ay ikinasaya at ikinatuwa ng puso ni Troy kahit pa patuloy lamang siya sa kaniyang pagkukunwari sa akin.
Mayamaya lang din ay biglang bumukas ang pintuan ng kwarto habang papasok sa loob ang Mommy niya.
"Magandang umaga po Tita," masayang bati ko sa sa Mommy ni Troy.
Bigla siyang napangiti ng makita ako. "Oh Kristina nandiyan kana pala, kanina ka pa ba rito?" Pangiting tanong niya sa aking sabay nilapitan ako sa aking kinatatayuan. "Nako pasensya ka na kung napaghintay pa kita rito kasi kinausap ko lang doon sa labas ang Doctor.
"Nako hindi naman po Tita. Actually kakarating ko lang," ani ko pa sabay ngumiti ng kunti. "At patungkol po pala sa sinabi niyo kanina sa pag-uusap natin sa telepono, ano po ba ang magandang balita ang sasabihin niyo sa akin Tita?" Dugtong ko pa habang nagagalak sa kaniyang sasabihin sa akin.
"Oo nga ako'y mayroong magandang balita sa iyo. Kasi alam mo ba kahapon lang ay nagawa ng igalaw ni Troy ang kaniyang mga daliri. At ang sabi pa nang Doctor ay baka sa susunod na araw ay makakagising na siya. Sana nga ay makagising na talaga ang anak ko sa lalong madaling panahon," galak na pagsabi ni Tita Eza sa akin habang may tuwa sa kaniyang dibdib na may kunting halong emosyon.
Nagulat naman ako at napataas ang aking dalawa kilay habang nakaramdam din ng saya at tuwa.
"Nako, talaga po ba Tita? Really God is good all the time. Hindi na talaga ako makapaghintay na makita siyang gumagaling na Tita," sabay napangiti ako ng tudo.
"Yeah right ija, siguro ay bukas makalawa ay makakagising na siya at iyan ang sabi nang Doctor sa akin. And I'm really excited to make it happened," ani pa niya sabay tinitigan si Troy na mayroong malaking ngiti sa kaniyang mga labi.
Huminga naman ako ng malalim habang pinagmamasdan ng mabuti si Troy.
Tila hindi ko maipaliwanag ang aking saya at tuwa na naramdaman ngayon lalo pa ay may hint na na gumagaling na nga si Troy.
Ang hindi ko alam ay palabas lamang pala ang lahat ng ipinahayag ng Mommy ni Troy sa akin at nagkunwari lang din siya sa akin.
Plinano pala nilang dalawa ni Troy na huwag mo nang ipaalam sa akin ang katotohanan na siya'y nakagising na mula sa kaniyang mahabang pagkawala ng malay.
Matapos ang mahigit tatlong oras na aking pananatili sa ospital ay nagpaalam ako sa Mommy ni Troy na ako'y aalis muna lalo pa at may aasikasuhin pa ako sa Restaurant.