CHAPTER 94

"Tila yata parang balisa ka ngayon?" Tanong ko habang tinitingnan siyang umiinom ng tubig.

"I forgot isasama pala ako ni Dad mamayang 10 sa meeting nila kasama ang mga partner niya sa kompanya," sabay napatingin sa kaniyang relo habang inaayos ang kaniyang suot na damit.

"Oh, bakit hindi mo naman sinabi sa akin ang tungkol sa bagay na iyan. E'di sana nagising kita nang maaga," wika ko sabay huminga ng malalim.

"Nakalimutan ko nga, my gosh! Anyway kailangan ko nang umalis ngayon. Pasensya kana talaga kung nagmamadali ako ngayon I have one hour left kasi at babyahe pa ako," paliwanag pa ni Mike sa akin.

"It's okay I understand. But kumain kana muna kahit kunti lang nang malagyan naman 'yang sikmura mo," agad akong kumuha ng pinggan at inilapag sa mesa.

"Oh I'm sorry hindi na ako makakain dito at doon na lamang ako sa office kakain. Mahirap na kasi kapag mahuli ako sa meeting. Pasensya na talaga Kristina napaka-importante kasi ng event na ito," agad siyang lumapit sa akin sabay hinawakan ang aking kamay.

Napatigil naman ako sabay napakagat sa aking labi. "Ah ganoon ba. Sege ayos lang naman, uubusin ko na lang ang lahat ng niluto ko," palakas na boses na pagsabi ko sabay nagtampo sa kanya.

"Pasensya na talaga, iyan tuloy nagtampo ka pa. Babawi ako after nito, wrong tyming lang kasi ngayon. I'm sorry," ani pa niya.

"Osya sege na, umalis ka na at baka mahuli ka pa sa meeting niyo. Ayos lang naman ako at hindi naman ako nagtatampo," pagkukunwari ko pa sa kanya kahit alam ko sa aking sarili na ako'y nagtatampo sa kanya.

Matapos ang aming pag-uusap ni Mike ay mabilis siyang umalis ng bahay sakay ng kaniyang sasakyan. At dahil sa kaniyang labis na pagmamadali ay hindi niya na malayang naiwanan niya pala ang kaniyang jacket na inilapag niya sa sofa.

"Iyan tuloy sa sobrang pagmamadali ay naiwanan pa niya ang kaniyang jacket," sabay na dinampot ko ang kaniyang jacket.

Sa hindi ko inaasahan ay may makikita akong hibla ng buhok sa jacket ni Mike. Hibla nga lang ng buhok ang aking nakita na galing sa kaniyang suot na jacket ngunit ito'y umagaw ng husto sa aking atensyon sapagkat nasisiguro kong hindi akin ang hibla ng buhok na ito lalo pa at kulay golden brown ito. Samantalang kulay itim naman ang buhok ko.

Dahil dito ay mas lalo pang tumibay ang kutob ko. Mas tumibay pa itong kutob at paghihinala o pagdududa ko kay Mike na mayroon siyang ginagawang mali sa kain.

Na mayroon siyang itinagong lihim sa akin. Na parang nagkakatotoo ang aking hinala na mayroon ibang babae si Mike bukod sa akin.

"Kaninong hibla ng buhok ito ngunit natitiyak kong hindi akin ito. Bakit mayroong hibla ng buhok sa suot mong jacket Mike? Imposibli naman yata na dumapo na lang basta-basta sa iyo ang mga natanggal na buhok ng mga customer mong babae? Ako'y labis na nagtataka na talaga sa iyo Mike. Kung tama nga ako at tama ang lahat ng aking hinala patungkol sa iyo, pero bakit mo naman nagawa sa akin ito? Paano at sa anong dahilan na magawa mo akong lokohin at pagtaksilan? Wala naman akong maling ginawa bagkos makakabuti lamang para sa ating relasyon itong ginagawa ko," habang kinakausap ko ang aking sarili at habang panay ako sa pagtatanong kung anong mali sa aking pagkatao.

"Anong kulang sa akin at bakit parang parati na lang akong niloloko ng taong mahal ko. Kung tama man ako ay hindi talaga ako makapaniwala na magagawa mo sa akin ang bagay na iyan Mike. Ano ang silbi ng iyong mga matatamis na pangakong binitawan sa akin kung ito'y ipapako mo lang? Para sa ano pa ang lahat ng sakripisyo at pagmamahal ko para sa iyo kung ito man lang ang ibinigay mong sukli sa akin?" Dugtong ko pa habang tulalang nakatingin sa labas ng bintana.

Tulala lamang ako habang hindi mapakali sa aking sarili dulot ng labis na pag-iisip patungkol dito.

Habang pinagmamasdan ko ang hibla ng buhok ay doon ko pa napansin na maikli pala ito at siguro ay maiksi rin ang buhok ng babaeng nagmamay-ari ng hibla o buhok na ito.

Mayamaya pa habang nakatulala akong nakatitig sa hibla ng buhok nang biglang may tumawag sa akin sa telepono kung kaya't biglang nabalin ang aking atensyon doon.

Nang sagutin ko ang tawag sa telepono ay Mommy pala ni Troy itong tumatawag.

"Hello sino po sila?" Tanong ko pa sa aking kausap sa telepono.

"Mommy ito ni Troy Kristina,"

Napangiti naman ako ng kunti.

"Oh hi Tita kayo po pala, napatawag po kayo?"

"Balak talaga kitang tawagan kasi may maganda akong balita sa iyo,"

"Talaga po ba Tita? Um, ano naman po iyon? Is it about Troy?" Sabay napapaisip ako habang nagagalak sa kaniyang isasagot sa aking tanong.

"Oo ija patungkol nga ito kay Troy. Gusto ko sana na pumunta ka rito sa ospital sapagkat gusto kong ibalita sa iyo ng personal ang aking magandang balita," halatang may tuwa at saya sa paraan ng kaniyang pananalita.

"Oo naman po Tita actually, pupunta po talaga ako diyan mamaya,"

"Oh sege ija, I can't wait na sabihin sa iyo ang bagay na ito,"

"Me too po Tita, sege po Tita at magliligpit na muna ako rito ng mga gamit ko at pupunta agad ako diyan,"

"Take your time at mag-ingat ka sa pagpunta mo rito," tugon pa niya sabay binaba ang tawag sa telepono.

Tila parang nakaramdam ako ng galak dito sa aking puso sa mga sinabi ng Mommy ni Troy. Lalo pa at ang magandang balita na tinutukoy niya ay patungkol sa kalagayan ni Troy.

"Sana nga gumaling kana talaga ng tuluyan Troy. I can't wait na muli kitang makita sa maayos na sitwasyon at kalagayan," bulong ko pa sa aking sarili sabay huminga ng malalim habang napangiti ng kunti.

Matapos ang sandaling iyon ay agad na akong nagsimula na magligpit ng gamit at maghanda para sa aking pagpunta roon sa ospital. Hindi ko man maikakaila na talagang nagagalak akong pumunta ngayon nang ospital.