CHAPTER 93

Sa hindi ko inaasahan na mangyari ay makikita ko si Mike sa daan na sakay din ng kaniyang sasakyan na siyang patungko sa San Carlos St. Which is labis kong ipinagtaka.

Hindi kasi nagpaalam sa akin si Troy na may lalakarin siya ngayon ngunit nakasanayan niya naman ang magpaalam sa akin bago siya tumungo sa ibang lugar. Maliban na lang sa araw na ito ay wala talaga siyang pasabi sa akin na pupunta pala siya ng San Carlos St. Sa hindi ko alam na dahilan.

"Wait? San Carlos St.? Ano naman ang gagawin ni Mike doon at bakit hindi siya nagsabi sa akin patungkol sa kaniyang pagpunta sa lugar na iyon?" Pagatatakang tanong ko sa aking sarili habang napapaisip ng husto.

Balak ko sanang sundan si Mike subalit naipit ako sa traffic lalo pa at rush hour na kung kaya't hindi ko na lang nagawa ang aking balak na sundan siya roon.

Tinawagan ko siya sa kaniyang cellphone subalit hindi niya naman sinasagot.

Ang labis na ipinagtataka ko lamang ay kung bakit alas singko na nang hapon ay pupunta pa siya sa lugar na iyon. Sa anong dahilan at bakit?

Nang makauwi ako ng bahay ay muli kong tinawagan si Mike at sa bandang huli ay nagawa niyala rin na sagutin itong tawag ko.

"Oh hi Kristina napatawag ka? Busy ka pa ba ngayon diyan sa Restaurant?" Tanong ni Mike sa akin habang kausap ako sa cellphone.

"Um, yeah actually nandito pa ako at busy pa talaga," pagkunwari ko pa sa kanya habang napapaisip kung tatanungin ko pa ba siya patungkol sa kaniyang pagpunta ng San Carlos St.

"Baka napagod kana diyan ha. Magpahinga kana muna diyan at baka napagod kana,"

"Hindi naman, sa katunayan ay wala naman akong ginagawa. By the way Mike hihiling sana ako ng pabor sa iyo?"

"Sure why not, ano ba iyon?"

"Punta ka naman mamaya sa bahay,"

"Nako iyan lang naman pala. Of course pupunta ako diyan,"

"Dito ka ba matutulog?"

"Wow parang gusto ko iyan. Oo naman syempre,"

"Okay sege at hihintayin kita sa iyong pagdating sa bahay mamaya,"

Balak ko talaga na papuntahin si Mike ngayon sa bahay ko lalo pa at parang may kaka-iba akong nararamdaman at hindi ka nais-nais na iniisip sa kanya.

Alas syete na nang gabi ng makarating si Mike sa bahay.

Kagaya ng ginagawa ko ay nasa labas pa lang siya at papasok sa aking bahay ay sinalubong ko na siya agad ng halik at yakap.

Humarap ako sa kanya na tila ba parang walang pagdududa sa aking mukha kahit na kanina lamang ay nakita ko siyang pumunta ng San Carlos St. na siyang pinagdududahan ko.

Nang yakapin ko siya ay inamoy kong husto ng kaniyang liig at sa hindi ko akalain ay ma aamoy ko na naman ang pabango na aking na amoy noon sa kanya nu'ng nakaraang araw.

Dahil dito ay mas double na talaga ang aking pagdududa at paghihinala kay Mike. Iba na talaga ito talagang may mali na rito.

"Ang bango mo naman," palakas na boses na pagsabi ko kay Mike habang palihim na pinag-iisipan siya ng masama at pagtago na rin ng aking emosyon na naramdaman ngayon.

"Syempre naman dapat ay mabango talaga ako kapag pupunta ako rito sa iyo," pangiting sabi pa ni Mike sabay hinalikan ako sa aking noo.

Hindi ko na lamang binaggit pa o sinabi sa kanya na muli ko na naman na amoy ang kaka-ibang pabango na siyang na amoy ko rin noon sa kanya nu'ng isang araw. Gayon din at hindi ko na rin in-open up sa kanya na nakita ko siyang pumunta sa lugar nang San Carlos St. Kahit na punong puno na ng mga katanungan itong isip ko sa kanya.

Inilihim ko na lamang ito upang magawa ko ang aking binabalak na pagmanmanan siya sa kaniyang kaka-ibang kinikilos.

"Alam kong may kaka-iba na sa iyong kinikilos Mike at iyon ang aking alaalamin, bulong ko sa aking sarili sabay huminga ng malalim sabay pinukol siya ng tingin.

Patuloy lang ako sa pagkukunwari sa harapan ni Mike na para bang walang alam sa mga nangyayari sa palibot.

Kinabukasan paggising ko nang umaga ay nadatnan ko pang mahimbing ang kaniyang pagtulog sa aking tabi.

Pinagmamasdan kong mabuti si Mike habang siya'y natutulog. Bigla akong napaisip na what if tama nga ang aking hinala patungkol sa kanya.

Na tama ang aking ginawa na pagdudahan ko siya sa mga kaka-ibang natutuklasan ko sa kanya

Una ay ang maka-amoy ako ng pabango na pambabae sa kaniyang liig na siyang na ulit pang muli at ang pangalawa ang makita ko siya kahapon na papunta sa lugar nang San Carlos St. lalo pa at hindi niya ito nagawang sabihin o ipagbigay alam sa akin.

Tama ba itong iniisip ko o baka makitid lang itong utak ko pagdating sa mga ganoong bagay. Na kahit simple lang ay binibigyan ko agad ng malalim na dahilan at malisya.

"Kailangan ko muna ang mag-isip ng mabuti at hindi magpadalos dalos sa aking desisyon. Gayon din ang hindi magpadalos dalos sa aking mga iniisip patungkol sa kanya lalo pa at wala pa akong matibay na ebidensiya. Ang tanging gagawin ko lang ay pagmanmanan ang bawat kilos niya," bulong ko pa sa aking sarili habang nakatayo sa harapan ni Mike at pinupukol siya nga kahina-hinalang tingin.

Mayamaya pa ay pumunta ako ng banyo at naghilamos pagkatapos ay tumungo ako ng kusina upang magluto ng agahan para sa aming dalawa ni Mike.

Nang magising si Mike ay dali-dali siyang nagsuot ng kaniyang mga damit at agad na bumaba ng kusina papunta sa akin.

Habang abala ako sa pagluluto ng marinig ko ang mga yapak ni Mike pababa ng hagdan kung kaya't napalingon ako sa kanya.

"Gising kana pala. Mag breakfast ka muna, insakto at mainit pa," sabi ko kay Mike sabay ngumiti ng kunti.

Agad naman siyang lumapit sa akin at sabay na hinalikan ako sa aking noo at labi. "Good morning my beautiful angel," ani pa ni Mike na tila parang nagmamadali sa paraan ng kaniyang pagkilos.