Chapter 48 Meeting the twins
Kanina nang magmulat ng mga mata si Sandra ay puting kisame ang sumalubong sa kanya. Pilit niya inaalala kung anong nangyari. Ang natatandaan niya ay ang pagsuko niya sa kanyang pinakaiingatang perlas.
Inilibot niya ang mga mata at nakita niya si Sammy na hawak-hawak ang kanyang kamay.
Kasabay nang pagbukas ng pintuan at iniluwal si Aj kasama ang mommy nito. Kita niya ang pagbakas ng iritasyon sa mukha ni Aj habang nakatingin kay Sammy.
"Baby, are you alright? What happened?" tinig ni Sammy na bakas ang pag-aalala.
"I want water," 'yun ang lumabas sa kanyang bibig. Tila kasing uhaw na uhaw siya.
Mabilis naman nakalapit si Aj sa kanya. Pero masama ang tingin kay Sammy na ngayon ay inaalalayan siyang uminom.
Pagkatapos niyang uminom ay nagsalita si Aj. "You can go now! She is fine and I can take care of my girlfriend." Nagulat siya sa sinabi nito na pinagdiinan pa ang salitang girlfriend.
But Sammy will be Sammy.
Ngumisi ito. "Oh, really? Can you? Tingnan mo nga nag-stay lang sayo ng isang gabi na ospital na? 'Yan ba ang kaya?" nang-uuyam nitong saad.
Nakita niya ang pagtagis ng ngipin ni Aj habang masamang nakatingin kay Sammy na sinasalubong din ang tingin nito. Nagsusukatan, walang gusto magpatalo.
Napalingon siya sa mommy ni Aj ng tumabi ito sa kanya. "Are you alright, iha?" nag-aalala nitong tanong.
"Opo, maayos na po. Pero tita paki-awat naman po sila," sabay turo niya sa dalawa na hindi pa rin yata tapos magtitigan.
Napako ang tingin nilang lahat nang bumukas ang pinto at bumungad sina Anthony, Kenneth, Dominic at Kevin.
Ano naman ginagawa nila dito?
Biglang may humawi sa mga ito at iniluwal si Samuel na tila hingal na hingal na lumapit sa kanya at mabilis siyang niyakap.
"Anong kalokohan ginawa mo at na ospital ka?!" umpisa nito sa sermon na sigurado siya. Bumitaw na ito sa pagkakayakap sa kanya at pinagmasdan ang katawan niya kung meron siguro nawawalang parte.
Parang tanga!
"Thank God, kumpleto ka pa naman. Ano ba nangyari?" Hindi na siya kumpleto. Wala na ang kanyang kainosentehan, haha!
Napalingon siya kay Aj na ngayon ay papalit-palit ang tingin kay Sammy at Samuel na tila nakakita ng multo.
"Parang tanga kaibigan natin," tinig ni Dominic.
"Sinabi mo pa," segunda ni Kenneth.
"Couz!" sigaw dito ni Anthony.
Napakurap-kurap pa ito ng mata. Bago siya tini gnan ng parang may gustong sabihin. Pero naunahan ito ni Samuel.
"Anong nangyari sa kanya? Hindi naman malala di ba? Kung pwede na siya ilabas. Iuuwi na namin siya." Sunod-sunod nitong sambit habang nakatingin kay Aj.
"Nooo! She will not come to any of you. She will be going with me," matigas nitong sagot, "and wait.... are you twins? Bakit sa iisang babae pa kayo nagkakagusto. Pwes! Gusto ko lang ipaalam sa inyo na 'yang babaeng pinag-aagawan n'yo ay akin! Girlfriend ko siya kaya pwede ba lumayas na kayo dahil hindi niya kayo kailangan!" malakas nitong saad sa kambal.
Kikiligin na ba siya?
Bakit parang bumibilis ang tibok ng puso niya.
Kita niya nagpipigil ng tawa ang mga kaibigan.
"Oh! Cool! Kailan mo pa siya girlfriend?" 'di niya alam kung nang-aasar ba si Sammy o ayaw maniwala na nagtagumpay siya.
"And why would I answer you?" nakataas kilay na tugon ni Aj dito.
Ngumisi naman ang kambal. "Dahil kung di mo sasagutin. Pwes ngayon pa lang break na kayo!" nakangisi pa ring sambit ni Samuel.
"Wh-what?! And who are you to decide for her!" malakas nitong sigaw na pumuno sa kasulok-sulukan ng silid.
Imbes na sagutin ay inirapan ito ni Samuel.
Sumasakit ulo niya lalo.
"Iuuwi ka na namin," wika ni Samuel na nakatingin na sa kanya.
"Baby girl, subukan mong sumama sa kanila. I swear you won't like what I can do," pagbabanta nito.
Sabay humagalpak nang tawa ang mga kasama nila sa kwarto na ikinapagtaka ni Aj.
"Ba-baby girl? How sweet," komento ni Dominic na siyang pinakamalakas tumawa.
Sinamaan ito ng tingin ni Aj. "Anong nakakatawa? Kung naiinggit kayo, pwes! Maghanap kayo ng baby girl n'yo!" Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.
Nasa kaliwang bahagi ito ng kama habang ang kambal ay sa kanan. Nakaupo na rin ang mommy ni Aj na nanonood na tila may shooting nagaganap.
"Baby girl, palayasin mo na sila. I will take care of you tutal ako naman may kasalanan," malambing nitong wika kasabay nang paghalik sa kanyang kamay.
"I can't," tugon niya na nagpakunot sa noo nito.
"Bakit? Boyfriend mo na ako, di ba? At akin ka lang, sa akin lang!"
"Possessive natin, ah," si Kevin na may inihahagis-hagis na barya sa kamay.
"Ano ba kasi nangyari sa ate namin?" tanong ni Sammy.
Kita niyang natigilan si Aj na tila prinoproseso ang narinig.
Nagpalipat-lipat lang ito ng tingin sa kanya at sa kambal.
"You will not answer us? Lung ganun kami aalam," inis na wika ni Samuel. Akmang aalis na ito ng pigilan ni Aj.
"Wait!... maayos naman siya na-nahawaan ko lang kagabi," nauutal nitong sabi na parang nagsisinungaling na iniwas ang tingin sa kambal. "And what did you call her? Ate? What do you mean?" tanong nito na sa kanya nakatingin.
"Na bobo na kaibigan natin," tinig ni Kenneth na natatawa pa.
"F*ck you Ken, saka bakit kayo nakasugod agad dito? Sino nagsabi sa inyo? Magsilayas na nga kayo!" bulyaw nito.
Pero ang mga kaibigan ayun nagtawanan lang na tila tuwang-tuwa makita si Aj na stress.
"And you two!" sabay lingon sa kambal na busy na sa pangnguya ng mansanas na 'di niya alam saan galing. "Leave!" maawtoridad na utos ni Aj.
Pero ang kambal mukha balak asarin si Aj. Sabay pang Nagkibit-balikat.
Lumingon si Samuel sa kanya. "Boyfriend mo na? Hindi ko man lang pinahirapan kahit mga isang taon lang," kaswal nitong wika.
Mas lalong sumama ang mukha ni Aj.
"G*go ka Samuel, sobrang tagal nun baka mabaog na si ate." Sinamaan niya ng tingin ni Sammy. Bastos bunganga, eh. "Kahit mga isang araw man lang sana," dugtong pa nito.
"Pwede naman bawiin pa," wika niya sabay tingin kay Aj na ngayon ay nakatingin na rin sa kanya at nanlalaki ang mata.
"Noooo! Baby girl! Wala ng bawian!" singit ni Aj na hindi na talaga maipinta ang mukha at humarap sa kambal, rinig niya rin ang mahihinang pagtawa ng mga kaibigan. "Sandali nga! Sino ba kayo? Bakit ate ang tawag niyo sa kanya saka ano 'yang mga pinagsasabi niyo. Girlfriend ko na siya at walang bawian!" madiin nitong saad.
"Hoy! Twins, tigilan n'yo na nga 'yan at huwag n'yo ng sulsulan ang ate n'yo. Magsibayad na kayo. Wala na kayong magagawa, sila na!" nakangising wika ni Kevin na nakalahad ang palad.
Kita niya ang pagsimangot ng kambal maging sina Kenneth at Dominic na tila mga natalo.
"Wait!" malakas na boses ni Aj. Napatingin tuloy silang lahat dito. Bakas ang pagkalito sa gwapong mukha nito. "Naguguluhan na ako! Kayo-" sabay turo niya sa mga pinsan at kaibigan . "Alam n'yong kapatid sila ni Sandra?"
Natatawa na lang na sabay-sabay tumango ang mga ito na mas lalong nagpalukot sa mukha ni Aj.
"And you did not tell me?!" bulyaw nito na bakas na ang galit sa boses. "You make me fool all this time?!
"Wait! Calm down, couz!" si Anthony na natatawa pa rin kahit galit na ang pinsan.
"It's not our fault if you are too judgemental!" nakangising sabat ni Kevin. Sabay baling sa kambal. "Bayad n'yo, bilis!"
"F*ck! Tapos ano 'yan? Huwag n'yong sabihin nagpustahan pa kayo?!" Napalingon tuloy siya sa sinabi ni Aj.
Pustahan?
Ang kanyang kambal?
Ano naman ipinusta ng mga ito at kelan pa natuto sumugal ang mga ito.
Tiningnan niya ang kambal na ngayon ay tila nagtuturuan.
"Anong pustahan 'yan? Kailan pa kayo natutong sumugal? At ano isinugal niyo?" sunod-sunod niyang tanong.
Mabilis lumapit ang kambal sa kanya. Itinulak pa ni Samuel si Aj dahil umikot ito para pareho silang makalapit ng maayos sa kanya. Nasa magkabilang gilid na niya ang kambal na parehong hawak ang kanyang mga kamay.
"Ate katuwaan lang naman. Nung nandun tayo sa engagement party dun lang. Saka 20 pesos lang pustahan namin," pahayag ni Sammy na ikinataas ng kilay niya, twenty pesos mga baliw.
"What?! Twenty pesos? Para kayong mga sira!" gulat niyang wika sa kambal, "about saan pustahan n'yo?"
"Ah..... Kung kailan kayo magkakaroon ng label ng duwag na 'yan," sabay nguso pa ni Samuel kay Aj na hindi na yata umayos ang mukha.
"Hindi ako duwag!" depensa ni Aj.
"Tama na 'yan, bayad n'yo. Ang tagal naman," reklamo ni Kevin, mukhang ito ang nanalo sa pustahan. Kanina pa nga nakalahad ang palad nito.
Tumayo ang kambal at lumapit dito bago may dinukot sa sariling mga bulsa. Sabay pang iniabot sa palad ni Kevin na ngumisi pa lalo.
"Oh, Dominic 'yung sayo nasaan?" 'di pa rin maawat na singil ni Kevin na akala mo ay napakalaki ng pusta.
Napakamot sa ulo si Dominic. "Ahm.. Wala akong makitang barya na bente, buo na lang pwede?"
"N*kp*Uta ka Dominic! Ilang araw na ito hindi ka pa din nakakahanap. Tanungin mo sila baka meron. Ayoko ng papel gusto ko barya!" Ang arte ng mokong.
"Wala!" sabay-sabay na sambit ng tatlo hindi pa man nabubuksan ni Dominic ang bibig.
"Tingnan mo mga ugali! T*ngna n'yo bente pesos lang pinagkakait n'yo! Paulanan ko kayo ng milyones, eh!" asar na wika ni dominic.
"Sa kuripot mong 'yan? Bente nga di mo pa mailabas, eh!" Binatukan pa ito ni Kenneth.
"Pwede ba magsilayas na kayong lahat!" biglang sigaw ni Aj.
Tumawa lang ulit ang mga ito. Napatingin siya sa mommy ni Aj na tuwang-tuwang nanonood sa kalokohan ng mga ito.
"Bakit hindi ikaw ang umuwi? Ate namin 'yan kaya dito lang kami. Kung pwede na siya umuwi, iuuwi na namin siya." Seryoso ng saad ni Samuel.
Bigla naman ay nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Aj. Napabuntong-hininga pa ito. "Can you let me take care of your sister? Dun na lang muna siya sa mansion. Dont worry you can visit her. I-I just wanna take care of her," malumanay na nitong wika.
Napangiti tuloy siya.
Takot yata sa kambal niya.
Nakita niyang seryosong nakatingin ang kambal kay Aj.
Bago pa makapagsalita ang kambal ay may kumatok kaya naagaw ang atensyon nilang lahat dito. Bumukas ang pinto at iniluwal ang isang napakagandang nurse.
Mukhang nahiya ito dahil lahat sila ay nakatingin na dito.
"Ahmm, good afternoon po. Pinapunta po ako ni Doctora Romero para alisin na daw po ang IV sa pasyente at pwede na raw po siyang makalabas," magalang nitong wika.
"That's good, dahil baka mabaliw na ako kapag nanatili pa rito kasama ng mga may saltik." Tiningnan pa ni Aj ang mga kaibigan na wala naman pakialam sa sinabi niya dahil ang atensyon ay nasa magandang nurse. Mga babaero talaga pati ang kambal nadamay na.
Lumapit na ang nurse sa kanya at sinimulan asikasuhin siya.
"Dominic, bilisan mo na ikaw na lang ang walang bayad. T*ngna mo hindi uubra sa akin 'yang pagkakuripot mo!" Napapikit na lang siya nang marinig na naman ang paniningil ni Kevin.
Natapos nang alisin ang kanyang IV. Tumingin siya sa nurse at nagpasalamat dito.
Ngumiti din ito sa kanya. "Ingat po kayo." Napakabait naman nito.
Aalis na sana ito nang biglang magsalita si Dominic. "Nurse, may bente ka bang barya?" tanong nito.
Nagtataka naman itong tiningnan ng nurse. "Me-meron po, doc," nahihiya nitong sagot.
Sabay-sabay namang napaubo nang sadya ang mga kasama na ikinailing na lang niya.
Naramdaman niyang lumapit si Aj sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay sabay halik dito.
"Pwede ko ba mahingi? Or, pwede ko palitan. Kailangan ko lang baka kasi hindi makatulog ang isa dito, eh!" pagpaparinig ni Dominic kay Kevin.
"Ah, ok po kunin ko lang po sa wallet-"
"Samahan na kita," putol ni Dominic sa sasabihin pa nito.
Mas lalong lumakas ang mga ubo.
"May sakit po ba kayo? Magpatingin na po kayo baka ano na po 'yan." Napahalakhak tuloy siya ng tawa dahil sa sinabi ng nurse. Maging ang mommy ni Aj ay natawa rin.
Habang ang mga baliw ay sumama ang timpla ng mukha.
"Don't mind them. Lets go." Akay dito ni Dominic.
"Nurse, make sure 'yung bente lang ibibigay mo, huh!" habol na sigaw ni Samuel.
Tanging middle finger ang sinagot ni Dominic sa mga ito at tuluyan nang lumabas ng silid.
Mukhang may bagong biktima na naman ang mokong o kaya pwede rin ito na ang kanyang true love.
"Kayo pwede na rin umalis. Uuwi na kami," wika ni Aj.
"Tara na Kevin, libre mo kami kwekwe, tutal panalo ka," aya ni Sammy dito.
"T*ngna niyo! Ano ako tanga! E, di ibinalik ko din ang bente n'yo," angil ni Kevin.
"Una na kami. Bro, siguraduhin mong hindi na ma ospital ang ate namin dahil hindi mo na 'yan makikita," banta ni Samuel na lumingon sa kanya. "Takpan mo 'yang kagat sa leeg mo! Parang bampira." Bigla siyang napahawak sa kanyang leeg dahil sa sinabi nito.
Bago pa siya makapagsalita ay sunod-sunod nang lumabas ang apat.
"Tingnan mo ginawa mo! Nakakahiya! Sabi ko kasi sayo 'wag mo kong lagyan eh," maktol niya kay Aj.
Ang mokong tuwang-tuwa pa. "I told you. I just want to mark you," bulong nito sa kanyang tainga na dumaloy yata sa kanyang kaibuturan ang init ng hininga nito.
"No sex, Andrew! Kaya pigilan mo 'yang kamanyakan mo!" tila siya binuhusan
nang malamig na tubig nang marinig ang sinabi ng mommy nito. Nakalimutan niyang kasama pa pala nila ito.
Napayuko tuloy siya. Alam kaya nitong ginahasa este nagkainan, ibig niyang sabihin ay nagjugjugan sila ni Aj.
Malakas na tawa ni Aj ang narinig niya.
"Mommy naman, you make her blush."
Oh! Shit! Nagblush ba siya. Lupa please kainin mo na ako! Nakakahiya ka self!