Chapter 49 Size

Nakaupo ngayon si Aj sa may Hardin. Hinihintay niya si Sandra dahil nasa banyo pa ito.

Limang araw na rin ang nakakalipas simula nang mahospital ito. Hindi niya talaga ito hinatid sa kanila. Siya mismo ang nag-alaga dito, gusto niya kasi makabawi sa lahat ng panghuhusgang nasabi niya rito.

Hindi pa rin siya makapaniwala na kapatid nito ang kambal na halos isumpa na niya. Pati pala ang pagpapaselos ng kambal ay planado. Nagpapasalamat din siya sa mga pinsan dahil kung hindi rin gumalaw ang mga ito para inisin siya ay 'di pa talaga siya kikilos.

Siya mismo ang nag-alaga kay Sandra. Hindi muna siya pumasok sa opisina, si daddy niya muna ang nag-aasikaso sa company.

Todo alaga talaga siya kay Sandra. Lalo na nung mga unang araw nito na hindi talaga magalaw ang ibabang parte ng katawan. Bakit kasi napakalaki ng junior niya.

Naalala niya tuloy isang gabi kung ano ginawa nito sa kanya na ikinauwi niya sa pagsasariling sikap.

"Sige na, Aj!" pamimilit nito sa kanya. Nakatayo ito sa may paanan ng kama at may hawak-hawak na measuring tape.

"F*ck! Baby girl. Anong gagawin mo dyan?" Nakaupo siya sa may kama habang nakapatong ang laptop sa kanyang kandungan.

Nang bigla na lang ito lumabas at pagbalik ay may dala ng panukat.

"Susukatin ko lang si junior mo," kaswal nitong wika na ikinalaki ng mga mata niya.

"What the heck!" Isinara niya ang laptop at itinabi ito bago pa-indian seat naupo at ngayon ay nakaharap na kay Sandra. "Bakit mo naman su-susukatin ang junior ko?" nautal pa niyang tanong.

Minsan talaga hindi niya alam kung may sumasapi dito dahil bigla na lang kung ano-ano naiisip.

"Para kapag may nagtanong sa akin atlis masasagot ko, di ba?" inosente pa nitong sagot.

Napasapo na lang siya sa kanyang noo.

Nababaliw na naman ito.

"Do you really need to measure it? Just tell them I have a big c*ck! Period!" Sumimangot ito upang ipaalam sa kanya na hindi ito sumasang-ayon.

Naglakad ito palapit sa kanya. Ngunit mabilis siyang nakabangon at umalis sa kama.

Nakataas kilay itong tumingin sa kanya. Nasa magkabilaang side sila ng kama.

"Bakit ka lumalayo? Sukat lang pinagdadamot mo pa!" inis na wika nito.

"Baby girl naman, eh. You don't need to do that like I said-"

"No!" putol nito sa sasabihin niya. "Mas maganda na 'yung saktong sagot ibibigay ko. Kasi pag sinabi kong malaki... baka naman sumobra sa sukat mo ang maisip nila saka ayoko na rin sila pahirapan at guluhin ang isipan nila kakaisip kung gaano kalaki 'yan. Atlis pag sinabi ko ang saktong sukat, may ideya na sila, di ba?" mahabang paliwanag nito na ikinanganga niya.

He can't believe what his baby girl is saying!

"Sige na. Huwag mo muna papatigasin gusto ko sukatin ng nakapahinga tapos nakatayo." Ngumiti pa ito sa kanya na parang ang ganda-ganda ng ideyang gagawin.

Saka anong 'wag patigasin! Kanina pa nga nagwawala ang alaga niya. Nasa harapan mo ba naman ang isang napakagandang babae at ang tanging suot ay manipis na nighties na kitang-kita na ang kahubdan.

Hindi niya alam kung ano ang nasa isipan ng mommy niya at binilhan ito ng napakaraming nighties. Alam naman nito na hindi pwedeng galawin si Sandra. Mukhang gusto siya parusahan dahil sa ginawa niya kay Sandra. At nagtagumpay ito dahil gabi-gabi ay hirap na hirap siyang patahimikin si junior.

"Come here, baby boy." Kinagat pa nito ang ibabang labi at kinindatan pa siya.

"T*ngna talaga!" mahina niyang mura.

"Baby girl... Kung ayaw mo bumalik sa hospital please stop seducing me," sita niya rito. Pero tinawanan lamang siya nito.

"knock knock, Aj!" Napapikit siya pagkarinig sa malakas na boses ni Sandra na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

Nakatayo na ito sa harapan niya at nakapaymewang na nakataas pa ang

kilay.

Grabe talaga!

"Out of earth ka yata?" wika nito at umupo sa may kandungan niya. Mabilis naman niyang ipinulupot ang mga Kamay sa bewang nito.

Inamoy-amoy pa siya nito. "So yummy! Ano iniisip mo baby boy?" tanong nito habang nakahilig ang ulo sa kanyang dibdib.

"Naisip ko lang ang mga kalokohang pinaggagawa mo." Hinapit niya pa lalo ito palapit sa kanya.

"Matino ako, noh!" depensa nito. "Aj, Ilang taon ka nung mawala ang alaala mo? Saka bakit di mapaalala sayo ng family mo?" tanong nito.

Bigla ay natigilan siya.

"Ok lang kung ayaw mo pang sabihin. Kapag ready ka na mag-open nandito lang ako. I will listen," mahina nitong sambit at niyakap siya nito.

Siguro nga tama lang na malaman nito.

Huminga muna siya nang malalim. "I think I was eleven that time," panimula niya. "Hindi nila ako matulungan dahil noong dalawang taon ako ay nahiwalay ako sa kanila. Ang sabi ni mommy, nasa isang mall raw kami tapos lumindol hindi naman ganon kalakas pero dahil halos nataranta ang lahat kaya nagkagulo tapos nahiwalay ako sa kanila.

"Ginawa na daw nila lahat para hanapin ako. Pero ewan ba daw nila bakit nahirapan sila. Hanggang isang araw may tumawag sa kanila at sinabing nasa kanya raw ako. Ihahatid na raw sana ako kaso bigla naaksidente ang bus na sinasakyan namin. Namatay 'yung taong kumupkop sa akin at ako naman ay na-comatose. Maswerte pa rin ako dahil binuhay pa ako ni God. Pero wala na akong maalala. And sabi nila mommy wala rin silang alam dahil nga di na nila nakausap 'yung taong maghahatid sana sa akin.

"Nagpaimbestiga sila pero di nila alam saan magsisimula. Inisip na lang nila na kalimutan, siguro daw isa na 'yung senyales na bubuo ako muli ng panibagong alaala kasama ng tunay kong pamilya. Ok lang naman sa akin pero lagi akong may napapanaginipan na may isang batang babae raw na umiiyak sa may tabi ng-" Natigil siya sa pagkwekwento nang makarinig ng sigaw.

"Ate!" Sabay pa sila ni Sandra napalingon sa pinanggalingan ng boses.

Ang kambal at mga pinsan ang parating.

Istorbo!

Aalis sana si Sandra sa pagkakandong sa kanya pero pinigilan niya ito.

"What are you doing here?" tanong niya agad pagkalapit ng apat.

"Wow! Akala ko ba pwede namin bisitahin ang ate namin kahit kailan namin gustuhin?" sarkastikong wika ni Samuel or Sammy hindi niya matukoy.

Narinig niya ang pagtawa ni Sandra habang siya ay napasimangot.

"Kailangan talaga sa kandungan ka pa niya umupo? Ang daming upuan, ate!" sita ulit nung unang nagsalita. Hirap kasing kilalanin dahil sa magkahawig talaga ang kambal na wala talagang binago sa katawan tulad man lang ng buhok.

"Samuel naman! Hindi na ako bata para sitahin mo!" rinig niyang reklamo ni Sandra.

So, Si Samuel ang naka blue na t-shirt at si Sammy ang nakawhite.

"Tumayo ka na dyan, uuwi na tayo," sabat ni Sammy. Sure na siya dun.

Mas hinigpitan niya ang hawak sa bewang nito.

"Bakit naman uuwi siya? Ihahatid ko na lang siya," pormal niyang wika. Kapatid pa rin ito ni Sandra at kailangan niya pakisamahan.

"Mukhang maayos na naman ang ate namin. Masyado na siyang matagal nag-stay dito. Kung gusto mo makasama siya sa iisang bubong pakasalan mo!" Hindi niya alam kung seryoso ba si Samuel sa sinabi.

Naramdaman niyang kumawala na si Sandra sa pagkakayakap niya at tumayo. Nilapitan nito si Samuel at piningot sa tenga.

"Ouch-aray, ate," daing ni Samuel.

"Puro kayo kalokohan! Kung makapag-utos kayo sa akin parang kayo ang matanda, huh!" sermon ni Sandra sa mga ito.

Bigla naman niyakap ng kambal si Sandra. Alam niyang hindi dapat siya magselos dahil kapatid nila ito.

"Namimiss ka na kasi namin eh. Kaya lang kami pumayag na dumito ka kasi may pasok din kami ni Sammy. Hindi ka namin maasikaso. Pero ngayon walang pasok, uwi ka na pagluluto kita."

Nakita niyang napangiti si Sandra at gumanti ng yakap sa kambal.

"Oo na, miss ko na rin kayo. Sigurado ba na wala kayong iniuwing babae sa bahay," nakataas kilay pa nitong tanong sa kambal.

"Wala noh!" duet na sagot ng kambal.

"E, nasaan ka kagabi Sammy nang tinawagan kita tapos para kang hinihingal na umuungol," nakangising sabat ni Kevin.

Baliw talaga ang pinsan niyang ito.

"Shut up, Kevin!" bulyaw ni Sammy rito na nakahiwalay na kay Sandra. "Ate, don't believe him. I'm so innocent." Binatukan ito ni Sandra na ikinailing niya.

"Innocent your face! Mauna na kayong umuwi, si Aj maghahatid sa akin. l," Bumaling ito kay anthony, "nasaan si Clara? Wala ba siya pinapahanap sayo?"

"Oh shit! Nakalimutan ko kaya pala ako umalis ng bahay. G*go ka kasi Kevin! Sinama-sama mo pa ako dito wala namang strawberry na kasing laki ng pinya rito!" asik nito.

Lahat naman sila ay napatawa sa sinabi nito.

Strawberry kasing laki ng pinya?

Grabe maglihi si Clara.

"Huwag kang tatawa-tawa diyan, Aj. Dahil pag ako nabuntis mas malala pa dyan mararanasan mo!" Napahinto siya sa pagtawa sa sinabi ni Sandra.

Habang ang apat ay nginisihan siya.

"Good ate! Magkakasundo tayo dyan. Sige na mauna na kami umuwi. Bye!" paalam ni Sammy.

"Tara na Kevin, samahan mo ako humanap ng strawberry kasing laki ng pinya." Aya naman ni Anthony na inakbayan pa si Kevin pero iwinaksi naman ng huli.

"Hindi mo na nga ako nirespeto tapos uutusan mo pa akong samahan ka. Hindi nga ako nambubuntis!" angal ni Kevin na naglakad na rin palabas.

Naramdaman niyang niyakap siya ni Sandra.

"Nagsama-sama ang mga may saltik, baby boy, " natawa siya sa sinabi nito ng may maalala.

"Baby girl, seryoso ka ba sa sinabi mo kanina na kapag nabuntis ka ay mas malala pa kay Clara?"

Tumingala ito para tignan siya. "Ewan ko, pwede, oo, hindi."

"Ano 'yan parang nasa pinoy henyo lang tayo sa sagot mo," humagikhik naman ito.

"Bakit natatakot ka na ba? Oh, sige kunin mo ulit 'yung sperm mo! Saka baka expire na rin ang sperm mo kaya 'wag kang matakot hindi magiging baby 'yun," pahayag nito.

"Ah ganun! Expire pala, ah." Binuhat niya ito na parang sako ng bigas at pinalo pa ang bilugang pwetan nito.

"F*ck! Manyak ka Aj! Put me down!" tili nito.

"Manyak? Hintayin mo mamanyakin talaga kita." Naglakad na siya patungo sa kwarto niya.

"Hindi pa ako pwede! Sabi ni doctora one week di ba?"

Hindi niya pinansin ito at nagtuloy-tuloy. Nakita niyang pinagtitinginan sila ng mga kasambahay habang napapangiti.