Chapter 7
Chapter 7
Third Person's Point of View
Nang matapos si Reese sa pag-aayos ng kaniyang sarili ay kaagad na siyang lumabas ng kwarto. Mas lalo lang siyang nalula nang makalabas. Lalo siyang na-intimidate, lalo na at ang unang bumungad sa kaniya ang napaka-laking chandelier ng sala.
Her lips parted as she started to walk patungo sa malawak ding living room. Napapikit siya ng mariin at hindi maiwasang mapabuntong-hininga, parang problemado siya ngayon dahil nakaka-intimidate na ang yaman ng lalaki.
Hinaplos niya ang kaniyang tiyan.
'Ang yaman yaman ng Daddy mo, baby, kaya napaka-imposible talaga kung sasabihin niyang ako lang ang babaeng dinala niya rito. '
Naglakad siya patungo sa malaking sofa at akmang mauupo na doon nang maka-amoy siya ng mabangong bagay na mukhang galing yata sa kusina. Sinundan niya ang mabangong amoy at tama nga siya sa naisip. Mukhang may niluluto nga ang lalaki.
Napanguso siya at bahagyang nag-init ang pisngi nang bumungad sa kaniya ang hubad nitong likuran. He was wearing an apron, but topless. Kitang-kita niya ang malaking tatoo ng lalaki na halos tumabon na sa likuran nito. It even made him look ten times hotter in her eyes.
Nakagat ni Reese ang kaniyang pang-ibabang labi at marahas na umiling. Hindi niya halos matanggap sa sarili na parang... nagiging bastos na ang kaniyang isip simula noong makilala niya ang lalaki.
Umalis siya mula sa pagkakahilig sa hamba ng pintuan at pumasok. Tumikhim pa siya upang agawin ang atensyon nito.
Nang marinig ni Rithe ang papalapit na yabag ng kaniyang reyna sa kusina ay kaagad siyang tumalikod at nagkunwaring may ginagawa sa lababo kahit na ang totoo ay tapos naman na siyang magluto. He already prepared a lunch for his Queen at papunta na sana siya sa kwarto upang ihatid ang pagkain ngunit hindi niya tinuloy lalo na nang marinig niya itong papasok ng kusina.
He knows that she's watching him and he isn't complaining about that. She can stare at him for as long as she wants dahil kaniyang kaniya naman ang katawang tinititigan niya.
Napailing si Rithe sa naisip. He's really really whipped for her. Noong una niya pa lamang itong nakita ay alam niyang si Reese na talaga ang babaeng nakikita niya sa hinaharap, hanggang sa pagtanda. Si Reese lang ang babaeng naiisip niyang pakasalan at wala ng iba pa.
Nang tumikhim si Reese ay iyon na ang naging senyales ni Rithe na lingunin ito. He smiled softly at her before approaching her. Tinanggal niya muna ang itim niyang apron at sinabit sa hook bago lumapit sa babae.
Nakita niyang napanguso ito habang nilalaro ang mga daliri.
Napailing nalang si Rithe. Alam niyang ginagawa lang ito ng babae kapag nate-tense o nene-nerbyos ito.
Nang makalapit siya kay Reese ay kaagad niyang ipinalibot ang kaniyang mga braso sa baywang nito. Hinalikan niya pa ang ilang beses ang noo bago inamoy ang mabango nitong amoy. A mixture of strawberry and vanilla. His baby. His woman. And now, carrying their own baby inside her.
"How's your sleep, hmm?" Iyon kaagad ang malambing na tanong ng lalaki kay Reese habang niyayakap siya nito sa baywang.
Aaminin niyang medyo hindi niya inaasahan ang ginawa ng lalaki pero hindi rin niya maipagkakailang... nagustuhan niya ang pagkayakap nito at ang mga paglalambing ng lalaki sa kaniya na para bang isa siyang bagay na karapat-dapat ingatan. Isang babasaging bagay na dapat ay pagtuonan ng pansin upang hindi mabasag.
Nang kumalas ang lalaki sa yakap ay kaagad niyang ibinaon ang mukha sa malapad na dibdib nito upang itago ang pag-iinit ng kaniyang pisngi. Mukhang kailangan niya na yatang sanayin ang sarili sa ginagawa ng lalaki dahil kung hindi ay talagang manghihina siya.
Bago kay Reese lahat ng ginagawa ng lalaki. No one had ever treated her like this before, well, except for her restaurant staff pero alam naman niyang iba ang ginagawa ng staff sa ginagawa ni Rithe. She treated her staffs as a family, a friend. Habang ang lalaki naman ay... hindi niya alam sa totoo lang. But she knows that everything isn't friendly nor family-like. It's more than that... Lalo na at ama ito ng kaniyang dinadala sa sinapupunan.
"Hmm? What's wrong, baby? Are you still dizzy? Do you want me to bring you to the doctor? Or our OB? Or you want our doctor to come here instead?" Narinig ni Reese ang pag-aalala sa boses ni Rithe kaya kaagad siyang umiling. Baka mamaya ay totohanin pa nitong papupuntahin dito ang doctor!
Masyadong nakakahiya iyon!
Itinaas ni Reese ang kamay at gumawa ng 'okay' sign habang nakangiti sa lalaki. Ibig niyang ipahiwatig na wala namang masakit sa kaniya at okay lang siya.
"Are you sure?" He looks doubtful as he stared at his woman. Rithe only wants to make sure that she's fine, dahil hindi niya yata mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa mag-ina niya.
Reese nodded multiple times. Wala namang ibang nagawa si Rithe kundi hayaan nalang muna si Reese, but then if he sees something wrong to his woman then he won't let her control him anymore.
"Fine then, but if you feel hurt or something, make sure to tell it to me, hmm?" Hinaplos ni Rithe ang pisngi ni Reese bago ito iginiya papunta sa counter. Dahan-dahang pina-upo ni Rithe si Reese sa stool, inaalalayan hanggang sa maging komportable ito.
"I've already prepared your lunch. I was about to bring it in the room but you came so..." Rithe said. Reese's heart swelled at that. Hindi niya alam kung bakit parang pinipisil ang kaniyang puso sa isiping may... nagluto ng pagkain niya. No one had ever done that to her before. Naninibago siya, oo, pero sa kabila non ay masayang-masaya naman siya sa nangyayari.
She wasn't expecting all of this to happen after the bad things that...
Napapikit siya ng mariin. Ayaw na niyang maalala pa 'yon. The event was quite traumatic for her. Hanggang ngayon ay alalang-alala niya pa rin dahil paulit-ulit iyong pinapaalala ng sarili niyang pamilya. Pinipilit lang niya ang sariling huwag na iyong maalala pero ang totoo ay...
"Baby? Baby? Baby, what's wrong? Why are you crying, hmm? Fuck. Baby, hey, calm down. Calm down, please and breath..."
Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya hanggang sa marinig ang nag-aalalang boses ni Lucian. Panay pa ang mura nito habang niyayakap siya at pinapatahan. Mas lalo lang siyang naiyak.