Chapter 6

Chapter 6

Third Person's Point of View

Sa huli ay napapayag din ni Rithe ang kaniyang reyna na manirahan kasama niya. It made him ten times happier. Knowing that he'll be waking up seeing his woman's gorgeous face every morning.

Isa 'yon sa mga bagay na talagang inaasahan niya simula nang makilala niya ang babae. It might be crazy to think that he's already this whipped kahit na kakakilala pa lang nila. But seriously, wala naman iyon sa kung gaano kahaba o katagal mong nakilala ang isang tao. What's important is, you know to yourself that you are sincere and genuine to what you truly feel. That's more important. And ge is more than sincere to what he feels for her. For his Reese.

Inaayos na ni Reese ang mga papeles na nagkalat sa kaniyang mesa. Gusto niyang malinis muna ito bago umalis dahil ayaw niyang makakita ng mga nakakalat at para rin hindi siya malito sa mga papeles. Tungkol lang naman 'yon sa sales kaya mas mabuting isaayos.

Nilalagay na ni Reese ang huling piraso ng papel sa kaniyang drawer nang bigla siyang makaramdam ng pagka-hilo. Napahawak siya sa mesa at pumikit. Hinimas niya pa ang kaniyang noo, hoping for it to slightly subside ngunit hindi iyon umobra. Nang dumilat siya ay parang umaalon pa rin ang kaniyang paningin.

"Baby? Reese? Are you fine?" Narinig niya ang malalim na boses ni Luci na papalapit. Maya-maya ay naramdaman na niya ang pag-hawak nito sa kaniyang baywang, inaalalayan siya paupo sa kaniyang swivel chair.

"Baby? Does your head hurts, hmm?" Tanging tango lang ang naisagot ni Reese sa mga sagot ni Rithe.

Rithe sighed loudly before pressing a kiss on her Queen's cheek.

"Just sit here, okay? I'll be the one to arrange the papers and then we'll go home," Saad ni Rithe bago tumayo at tinapos na sa pagliligpit ang mga papel na nasa mesa. He bit his lower lip when he took a glance at Reese. Nakapikit pa rin ito habang marahang hinihimas ang noo. Sinabi naman niya kaninang siya na ang magliligpit kaya lang ay medyo matigas din ang ulo nitong reyna niya. She's too independent at hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa doon o kung ano. Maybe, at some point and in other circumstances, he wants her to be independent. But then, he wants her to be dependent on him! Kahit minsan lang.

Pagkatapos na mailigpit ni Rithe ang mga papel ay pinainom na muna niya ng tubig si Reese bago inalalayan patayo. Ipinalibot niya ang braso sa baywang nito habang ang crossbody bag naman ng babae ay isinuot na ni Rithe.

Hindi maiwasang mapangiti ng bahagya si Rithe nang maramdaman niya ang paghilig ng babae sa kaniyang dibdib na para bang doon namamahinga. He sighed. He wanted to thank Lord so much for making his woman trust him this much. And hopefully, soon, she'll love him like how he does to her.

Reese wanted to rest so bad. Hindi niya alam kung bakit gustong gusto na niyang matulog kahit na hindi naman siya napuyat kagabi. Maaga pa ay natulog na siya, ngayon naman ay maaga ulit siyang matutulog? Idagdag pa na nahihilo siya. Mas lalo lang iyong nakakadagdag sa kagustuhan niyang matulog.

Pipikit pikit na ang mga mata niya nang makalabas sila ng opisina. Kahit na gustong gusto na niyang humiga at matulog kaagad ay alam niyang hindi pwede dahil kailangan niyang maka-usap ang kaniyang staff. O kahit si Martha nalang para mas mapapadali.

"I'll speak to Martha, baby. Mauna ka na sa sasakyan. Ihahatid ka ng secretary ko, si Fred, hmm?" Iyon kaagad ang nasabi ni Rithe kay Reese bago pa sila makalapit sa counter. Kahit na nakapikit at nanghihinang nakasandal si Reese sa kaniyang dibdib ay nagawa pa rin nitong umiling.

"I'll speak... to them," Reese slowly mouthed at Rithe para maintindihan kaagad nito ang dapat niyang ipahiwatig.

Napapikit naman ng mariin si Rithe. Madiin niyang hinalikan ang sentido ni Reese bago nagsalita.

"I know that you guys are planning to have a celebration party for our baby inside your tummy, but that can actually wait, Love. Masama ang pakiramdam mo ngayon. Your staffs will probably understand with the delay, hmm? Please. You have to rest. I am not comfortable with you walking around when you're not feeling well."

Napahinga ng malalim si Reese at inintindi ang sinabi ng lalaki. Sa huli ay sumang-ayon nalang siya dito.

"Good girl. Okay, do you want me to bring you to our car first?" Tumango ulit si Reese bago itinaas ang dalawang braso, senyales na gusto niyang magpakarga rito. Ewan niya kung bakit tinatamad talaga siya ngayon. Hindi naman siya ganito kani-kanina lang. Mukhang alam yata ng baby niya na nasa paligid lang ang Daddy kaya ito, nag-iinarte.

Napanguso siya nang marinig ang marahang halakhak ng lalaki bago siya tuluyang binuhat, in bridal style.

"Fred, follow me." Narinig niyang saad pa nito bago sila tuluyang lumabas ng restaurant.

Hindi na nasundan ni Reese kung anong sumunod na nangyari dahil pagka-lapag na pagka-lapag ni Lucian sa kaniya sa loob ng saskyan ay kaagad siyang inantok hanggang sa dahan-dahang na siyang nilamon ng dilim.

Pagkagising ni Reese ay nasa isang malambot na kama na siya. Nilibot niya ang tingin sa napaka-lawak na kwarto bago napahawak sa suot na malaking puting t-shirt. Sobrang laki non kaya alam niyang hindi 'yon sa kaniya! At sa amoy pa lamang ng pabango ay alam na niya kaagad kung sinong may-ari nito.

She's only wearing a white huge shirt and there's nothing under but a panty. Wala siyang suot na shorts!

Nanlaki ang mga mata niya. Napahawak siya sa dalawang pisngi na nag-iinit.

'He changed my dress! Wala na rin akong bra kaya... Siya ang nagtanggal non?!'

Ilang minuto pa niyang kinastigo ang sarili bago naisipang bumaba sa kama. Pumasok siya sa banyo at hindi niya maiwasang malula sa sobrang laki non! Parang kasing-laki lang ng banyo ang kaniyang sala sa bahay!

Kompletong-kompleto pa ang gamit at gustong mahiya ni Reese nang makita kung gaano kakintab ang tiles ng banyo!

Nai-intimidate si Reese. Gaano ba kayaman ang lalaki at pati ang banyo nito ay parang gawa sa silver at gold?

Mahina niyang kinatok ang sarili. Bakit ba kasi siya pumayag na tumira kasama ito?! Eh, magmumukha lang siyang basahan dito panigurado!